Share

Chapter 2

"I'm home!" wika ko ng mabuksan ko na ang pinto ng bahay. It made a creaking sound like the ones in the horror movies. Wala pang isang buwan mula ng lumipat si Mom sa California, pero parang ang tagal nang napabayaan ng bahay. Maayos at malinis naman ang bahay eh. Kaso iba talaga kapag may ina sa tahanan, nakikita nila lahat ng kailangan ng kumpuni at paglilinis. Samantalang ako, kahit simpleng pagpapalit ng ilaw ay hindi ko pa magawa dahil hindi ko abot.

Agad na bumungad sa akin ang aso kong nakaabang at kumakawag ang buntot. Lumuhod ako at hinaplos ang ulo nito. Kumpara kahapon ay mas masigla na siya ngayon.

"Hi! You know what? May naisip na akong pangalan para sayo." masayang balita ko rito.

The dog just looked at me as if it's waiting for my words.

"Since mas mukha kang wolf kesa sa aso. I'll call you 'Chogiwa'." sabi ko sabay tawa sa sarili kong kalokohan.

I'm a die-hard Exo fan. At kahit sinong fan ng Exo(Exo-L) ay maiintindihan kung ano ang kinalaman ng 'Chogiwa' sa wolf.

Well, for the sake of non exo-L's, iyon ang unang linya sa kantang 'Wolf' ng Exo. Ang legendary line ni Park Chanyeol.

Tumatawa pa rin ako habang nakatingin lang sa akin si Chogiwa or Chogi for short. Not finding the humor in it. Magugulat ako kung tumawa rin siya, di ba? Kaya mas okay na yang "no-reaction" face niya hahaha!

"Come on, linisin ko ulit ang mga sugat mo." sabi ko saka kinuha ang first aid kit sa banyo. Naupo ako sa carpeted floor at sinimulan nang linisin muli ang mga sugat niya.

"Alam mo ba, matagal ko nang pangarap na magkaroon ng aso. Ngayon lang ako nagkaroon ng freedom na mag-alaga dahil wala sila mom at dad. I'm happy to have you here, hindi na ako mag-isa." pagkausap ko kay Chogi.

Umalulong ito at sumiksik sa akin. Napangiti ako sa simpleng gesture nito. Mukha siyang nakakatakot at mabangis pero may pagka feeling close agad ito at malambing.

I was busy caressing his fur when my phone rang. Kinuha ko iyon sa bag ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

Hindi naka register ang number ng caller.

"Hello? Is this Audrey Lopez?" tanong ng pamilyar na boses ng isang lalake mula sa kabilang linya.

"Oo ako nga si Audrey, bakit?"

"Audrey, this is Matt." pakilala ng nasa kabilang linya na ikinatigil ko.

Matt... My ex.

"Oh Matt, anong kailangan mo?" tanong ko habang nakasimangot. Matt changed, a lot! I hate him now, really.

"Gusto ko lang sabihin sayo na sana tumigil ka na sa paghabol sa akin. Nakita kita kanina sa open field, you're eating with some random guy. Sorry Audrey pero kung pinapagselos mo ako, nabigo ka."

Napapantastikuhang napamaang na lang ako sa narinig. What the fuck?!

Ano bang tingin niya? Na ako yung desperadang ex-girlfriend na gagawin ang lahat makuha lang ulit siya? Hell no!

"Ano?! Anong pinagsasabi mo?" gusto kong matawa. Napaka feelingero naman pala ng kupal kong ex. Akala niya siguro sa kaniya umiikot ang mundo.

"Just stop, okay? I'm sorry about what happened to us. Pero kahit anong gawin mo hindi na ako babalik sayo."

"First of all, Matthew, wala akong balak na makipagbalikan sayo. Pangalawa, wag ka ngang feeling! Pangatlo, wag mo na kong tatawagan ulit pucha!" frustrated kong sabi bago pinatay ang tawag.

"Dito ka muna ha, maliligo lang ako." baling ko kay Chogiwa na nakatingin lang sa akin. That guy just ruined my mood!

Tumayo na ako at padabog na naglakad patungo sa banyo. Ngunit nakasunod sa akin si Chogi.

"Chogi, bakit ka sumusunod sa akin? Maliligo ako." tanong ko rito.

Nang makapasok ay agad kong isinara ang pinto ng banyo ngunit maya-maya lang ay narinig ko ang pagkalampag noon at pag alulong ni Chogi. May separation anxiety ba ang asong 'to?

He obviously wants to enter. Naiiling na binuksan ko na lang ang pinto at hinayaan siyang pumasok. He's a dog anyway, wala namang masama na maligo ako habang narito siya sa loob. But he's too clingy for a pet. Palaging nakasunod at pati sa pagligo ko ay gustong sumama.

Nagsimula na lang akong hubarin ang lahat ng saplot ko. Not minding my dog's presence I stepped under the shower. Ang malamig na tubig na nagmumula sa shower ang umapula sa init ng ulo ko mula sa usapan namin kanina ng siraulo kong ex. Bakit nga ba ako nagpapaapekto sa sinabi ng walang kwentang tao na iyon?

Inabot ko ang shampoo at itinaktak iyon. Napabuntong hininga ako ng wala nang lumabas doon kaya napilitan akong maglakad patungo sa harap ng sink at abutin ang mataas na kabinet. Nakatingkayad kong pilit inaabot ang shampoo na naroon.

Hays. Ang hirap pag kinapos sa height.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Chogi at para bang gusto niyang umapak ako sa likod niya.

"Silly! Baka mabalian ka!" natatawang sabi ko saka naghanap na lang ng pwedeng tungtungan. Luckily, mayroon nga palang maliit na bangko doon na gawa sa plastic. Kinuha ko iyon at ginawang tungtungan para maabot ko ang shampoo. Kumuha na rin ako ng shower gel dahil mukhang paubos na rin iyon. Sa sobrang laki kasi ni Chogi ay marami akong nagamit na shower gel kagabi ng paliguan ko siya. Dapat siguro ay bilhan ko na rin siya ng sarili niyang shampoo at sabon.

Kahit medyo naiilang ako dahil nakatingin sa akin si Chogi at wala akong kahit anong suot ay nagpatuloy na lang ako sa paliligo. Pakanta-kanta pa ako habang nagsasabon at naghihilod.

Hanggang sa matapos ako at nakapagtapis na ng tuwalya ay nakatingin lamang sa akin ang aso ko. Nakasunod pa rin ito ng lumabas na ako ng banyo at pumanhik sa kwarto ko. Hindi ko na rin siya pinagsaraduhan ng pinto ng kwarto ko dahil talagang gusto niyang laging nakasunod sa akin.

I wore a pink loose shirt that has a bunny printed in the middle and a baggy shorts. My usual attire at home. No bra, no hassle.

"Halika na Chogi, magluluto pa ako ng dinner natin." untag ko sa aso kong ngayon ay nakahiga sa sahig ng kwarto ko.

Agad naman itong bumangon at bumaba na kami sa kusina. Adobong manok ang ulam namin para sa hapunang iyon.

"I wonder what happened to you. Bakit kaya ang dami mong sugat at nanghihina ka nung nakita kita sa park."

Did his previous owner abused him? O baka naman nakawala siya at pinagtripan ng ibang tao? Kung may nagmamay-ari man sa kaniya, sana hindi na siya hanapin.

Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon at nanonood ako ng TV habang si Chogi ay nakaunan nanaman sa hita ko.

Umalulong siya at hindi naman ako nag-alala na may makarinig sa kaniya dahil wala naman kaming kapitbahay. Ilang kilomentro pa ang layo mula dito ng pinaka malapit na bahay.

"Are you a wolf or a big dog?" nahihikab kong tanong habang unti-unti nang bumibigat ang aking mga talukap. Nakatingin pa rin ako sa telebisyon habang hinihimas ng marahan ang malambot na balahibo ni Chogi.

"Whatever you are, I'm glad that I found you." iyon ang natatandaan kong sinabi ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.

"Your not bad yourself. Maganda ka, sexy pa, at matalino rin. Boys are after girls like you. pero bakit hindi ka pa ulit nagkaka boyfriend? Don't tell me, hindi ka pa nakaka move on sa ex mo nung highschool ka?" Lilah—my blockmate and friend asked me when we started talking about her boyfriend.

"Matagal na akong naka move on. It's just that, I'm too busy. I can't afford to commit in a relationship right now." paliwanag ko. It's true, Matthew and I were long done. Matagal na iyon at naka move on na ako. At base sa experience ko sa siraulong iyon, masyadong time consuming ang pakikipag relasyon.

"Or maybe, hindi mo pa lang nakikita yung lalaking kahit sobrang busy ka ay gagawa ka ng oras para lang sa kaniya. I know you, sa ganda mong yan malamang mataas din ang standards mo sa lalake!" palatak nito na ikinatawa ko lang.

"Sira! Hindi ah, busy lang talaga ako."

"Bakit hindi na lang maging kayo nung bestfriend mong si Kurt. Tutal mukha naman kayong mag on. Kulang na lang talaga ay totohanin niyo."

Pinilit kong huwag matawa sa sinabi niya. Kung alam lang niya ang sekreto ni Kurt, hindi niya sasabihin yan.

"Kurt and I are just friends. Hanggang doon lang talaga kami." sabi ko saka inilapag ang mga librong kinuha ko sa shelf. Nasa library kami ngayon. Wala kasi ang professor namin dahil may kailangan itong asikasuhin. Kaya ngayon ay napagpasyahan naming tumambay muna sa library, ako para magbasa, at si Lilah ay para umidlip.

"Okay so ekis na talaga si Kurt. How about Professor Callejo?" tanong niya habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay. Tila sinasabi niyang may alam siya na hindi alam ng iba.

"Ano namang kinalaman ni Prof. Callejo?" tanong ko.

"Duh! Kung sa ibang lalake ay halos wala kang interes, nahalata kong kay Prof. C ay natutulala ka pa." pang-aasar nito.

"Professor Callejo is attractive. Sino ba naman sa mga babaeng estudyante niya ang hindi nagu-gwapuhan sa kaniya? Yes, I appreciate his looks but I'll never think of anything romantic about him. I respect him because he's a great lecturer and that's all." paliwanag ko.

Professor Gabriel Callejo is a genius. Hindi lang pagdating sa talino. Even his looks is genius! Hindi siya gaanong moreno at hindi rin naman maputi. Tamang-tama ang kulay niya para sa isang kagalang-galang na lalake. His aristocratic nose and deep set hazel eyes give him that strict and elegant look. His jaw was chiseled to perfection. Ang mga labi niya naman ay manipis at mamula-mula.

Yeah, kabisado ko ang itsura ng gwapo naming professor. Aminado naman ako na madalas tuwing nasa harapan siya ng klase ay nagtatagal talaga ang mga mata ko sa kaniya. He's in his early twenties. Isa siya sa mga pinaka kilalang professor dito sa bansa at siya rin ang pinaka bata.

"Hay nako, you're a hopeless case." Lilah rolled her eyes at me.

"Ikaw ang hopeless case. Tuksuhin ba naman ako sa professor natin? Sira ka talaga."

"Pero speaking of Professor Callejo, bali-balitang nawawala daw ang kuya niya. Dahil siguro doon kaya napapadalas na ang pag absent ni Sir." kwento ni Lilah.

Hindi naman ako interisado sa buhay ng professor namin. Pero nakinig pa rin ako sa mga sumunod na sinabi ni Lilah.

"Ang kuya pa naman ni Prof C ang tagapag-mana ng kompanya ng pamilya nila at pati na rin ang napakalaki nilang hacienda. Huling beses na namataan ang kuya niya sa lobby ng hotel kung saan ito nag check in habang narito sa Manila."

"Saan mo naman nasagap ang mga yan? Para kang reporter, ah?" kunot-noo kong tanong.

"Naikwento sa akin ng mama ko. Kilalang-kilala ang pamilya nila sa probinsiya kung saan ako lumaki. At saka nasa news kaya ang tungkol sa pagkawala ni Rafael Callejo. He's all over the news and base on his photos circulating online, he's smoking hot!" aniya at tila sinisilihan sa mga huli niyang sinabi.

Napailing na lang ako, may mas hot pa ba kay Professor Gabriel Callejo?

Nanahimik na si Lilah ng magsimula na akong magbasa. This is why I like her kahit madaldal siya, she doesn't disturb me when I am studying. After reading a few pages, I went to read another book. Lahat ng iyon ay tungkol sa accounting. Pakiramdam ko kasi ay sa subject na iyon ako mahina.

Pagkatapos magbasa ay ginising ko na si Lilah para makapunta na kami sa cafeteria. Nagugutom na ako dahil pasado alas kwatro na ng hapon. Hindi ako nakakain kaninang lunch dahil tinapos ko pa ang balance sheet na pinapagawa sa amin ng professor namin sa Accounting 101.

"Ngayon ko lang napansin yang kwintas mo. Ang ganda naman niyan!" puna ni Lilah sa kwintas na suot ko.

Wala sa sariling hinawakan ko ang pendant nitong parang maliit na buwan. I smiled as I remember how I got this necklace.

It was a beautiful sunday morning. Habang nagkakape ako sa front porch ng bahay ay tumatakbong lumapit sa akin si Chogi. Hinahayaan ko kasi siyang maglakad-lakad sa bakuran ng bahay tuwing umaga. Hindi kagaya ng ibang aso ay hindi ito takbo ng takbo. Naglalakad lang ito na akala mo ay kung sinong Don na nagmamasid sa lupain niya. May kagat-kagat siyang kwintas na ang pendant ay parang buwan na maliit. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Tila excited naman si Chogi na nagkakakawag ang buntot. Ikinabit ko iyon sa leeg ko. I wonder where he found this. Sa ilang linggong pag-aalaga ko kay Chogi ay naging masigla na ito. Naghilom na rin ang mga sugat kaya hinahayaan ko na itong lumabas at magpa-araw dito sa malawak na bakuran.

"Ahh bigay ito ng kaibigan ko." sagot ko na lang kay Lilah. Weird naman kung sasabihin kong bigay ito ng aso ko. 

Maraming bakanteng table kaya hindi na kami nahirapan sa paghahanap ng pwesto matapos naming umorder ng makakain. We were so engrossed with our food and our chitchats that we didn't noticed someone walking towards our table. Kung hindi pa tumikhim ang lalake ay hindi namin ito mapapansin.

Surprised to see Professor Gabriel Callejo standing in front of us, napatayo kami ni Lilah.

"P-Professor Callejo." bati ko sa kaniya.

"Can I join you guys?" tanong nito at alanganin naman kaming napatango.

Inilapag ni Professor ang tray niya at naupo na sa harap namin. Umupo na rin kami at nagpatuloy sa pagkain.

Awkward silence filled our table. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang mga pagsulyap ni Prof. Callejo sa gawi ko.

Hanggang sa natapos na kami sa pagkain ay walang umiimik. Mabagal ang pagkain ni Sir kaya hinintay muna namin siyang matapos bago sana kami magpaalam dito na aalis na.

"Are you guys heading home after this?" tanong niya sa amin.

"Opo Sir, tapos na po ang lahat ng klase namin." si Lilah na ang sumagot.

Tumango naman si Prof. at muling sumulyap sa akin. Nang matapos siya ay nagpaalam na siyang mauuna na. Doon pa lang kami nakahinga ng maluwag.

"Grabeee! Nakasabay natin sa pagkain ang hot professor ng university." mahinang tili ng kasama ko.

"Pakiramdam ko hindi ako matutunawan." komento ko na lang saka naglakad na palabas ng cafeteria at ng university.

Araw-araw akong excited umuwi dahil alam kong naghihintay ang paborito kong alaga, well, nag-iisa lang naman ang alaga ko kaya ganun.

Dahil sa traffic ay madilim na ng makarating ako sa bahay. Inaasahan kong nakaabang na si Chogi pagbukas ko ng pinto ngunit wala ito doon. Agad kong inilapag ang bag ko sa couch at hinanap si Chogi sa kusina maging sa mga kwarto sa second floor. Nang hindi ko siya makita sa taas ay kinakabahan na akong bumaba ng hagdan. Isa na lang ang di ko pa natitignan, sa common bathroom!

Lagaslas ng tubig ang naririnig ko mula sa labas ng banyo. Naliligo si Chogi? Imposible!

Sinubukan kong pihitin ang seradura at bumukas naman iyon. Ng tuluyan ko nang mabuksan ang pinto ay literal na napanganga ako sa nakita...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status