Nagkakagulong mga tauhan ng mansion ang naabutan ko ng makarating ako doon at pag babang pag baba ko ng kotse.
“Miss Audrey!” tawag sa akin ng mayordoma na si Nelia. Umiiyak siya at humahangos na sumalubong sa akin.
“Ate Nelia, ano pong nangyayari dito?” nagpa-panic na tanong ko. Balisa at aligaga silang lahat at hindi iyon magandang senyales.
“Ang Mama at Papa niyo po, Miss Audrey...” she could not even finish her words because she started crying uncontrollably.
“Anong nangyari kay mama at papa? Nasaan sila?” tanong ko sa nanginginig na boses.
“Main hall.” Parang nanlamig ang mga kalamnan ko ng marinig ang sinabi niyang lugar kung nasaan ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papasok ng mansiyon at diretso sa main hall.
Nilagpasan ko ang mga nag iiyakang kasambahay at dumiretso ako sa gitna ng kumpulan. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang nangyari.
Maalinsangan at maalikabok ang ihip ng hangin sa katanghalian dito sa Cubao. Suot ko ang kulay puting tshirt ni Rafael na malaki sa akin at tinuck-in ko sa jeans na suot ko. Naka running shoes din ako at may hawak na softdrinks na nasa plastic. Nakatali ang mahaba at kulot kong buhok. Nandito ako ngayon sa labas ng isang Ukay-Ukay shop. Sa di kalayuan ay naka tambay si Rafael sa isang coffee shop, naka kulay itim na tshirt siya at jeans. May suot din siyang cap pero kitang kita naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung for disguise purpose niya ba yun. He looks really casual, but he is still attracting attention. Napapalingon sa kaniya ang lahat ng dumadaan lalo na ang mga babae.“I told you, you should have stayed in the car. You’re getting too much attention.” I talked to him through telepathy.“Says the girl who will make every item in that store sold out.” Pikon na sagot niya.Napatingin tuloy ako sa kung an
Nagising ako na nasa gitna ako ng kakahuyan. Big trees with wide trunks. Pakiramdam ko ay napakaliit ko sa gitna ng mga naglalakihang puno sa madilim na gubat na ito. Nakaupo ako at nakasandal sa isang malaking punoTeka...Gubat? Bakit ako nasa gubat? At bakit ako nakatali?May matibay na lubid na ilang beses na pinaikot sa akin kaya hindi na ako makagalaw.“Thank god you’re finally awake.” Boses iyon ni Rafael mula sa gilid ko. Paglingon ko ay nakaupo rin siya at nakasandal sa puno na gaya ko at nakatali rin.“Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?” tanong ko sa kaniya.Hindi pa siya nagsasalita ng may bigla nang sumagot para sa kaniya.“Nandito kayo kung saan kayo mamamatay.” Si Desmond iyon na may dalang maliit na bote. Sa likod niya ay nakasunod si Miguel na may dalang sulo. He smirked at us.“Yup! Ako nga. Ako nga ang pumatay sa mga magulang mo, Audrey. Ako ang hinahanap niyong k
Nagising ako na sakay ng isang bangka na nasa gitna ng kadiliman. Tanging liwanag na nagmumula sa dalawang sulo na nakatayo sa magkabilang dulo ng bangka ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya ko natanto na nasa gitna kami ng isang lawa o ilog. O baka naman dagat? Hindi ko sigurado kung anong anyong tubig ang kinaroroonan ng bangka.Kasama ko sa bangka ang walang malay na si Desmond. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves at itim na pantalon, wala siyang suot sa paa. Napatingin ako sa suot ko. Kahit ako ay iba na rin ang suot. Isang puting bestida at wala ring sapin sa paa. Ito na ba ang kabilang buhay? I rested my elbows on my thighs and my chin rested on my hands. Hihintayin ko na lang sigurong magising si Desmond. Hindi tulad ko ay nakatali ang kaniyang mga kamay.Maya maya lang ay unti unti nang nagising si Desmond. Pabalikwas siyang bumangon at nang makita ako ay natigilan.“Hi, welcome sa kabilang buhay.” I smiled sarcastically. Gulat l
“You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away. The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms But when I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried. You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away.” Kinakanta ko ang paboritong kanta ni mama at papa habang pinapaliguan ko si Daniel. He seem to love this song too because whenever I sense that he is anxious or scared, I just sing this song and he calms down in an instant. He is such a good boy. He is one month old now. So far, ay hindi pa kami masyadong nahihirapan sa pag aalaga sa k
"Pauwi na ako, Mom. Malapit na ako sa bahay." I rolled my eyes when my mom started with her never ending reminders.Dad is an engineer abroad. Nang makaipon siya ay nagpasiya siyang kunin kami ni Mom at doon na manirahan sa California kasama niya. But I refused to go there. I have my own reasons.I am in my second year in college. I'm already nineteen years old. Tingin ko naman ay dapat ko rin maranasang magpaka independent. Pahirapan pa nga ang pagkumbinsi ko kina Mom at Dad na hayaan akong maiwan dito sa Pilipinas. They want me to go with them, but I really want to stay here. Bukod sa nandito ang mga kaibigan ko, nakapasa ako sa dream university ko at ngayon ay doon nga ako nag-aaral. In short, narito ang buhay ko at wala doon sa California."Don't worry about me, Mom. Kaya ko ang sarili ko. Mag-ingat kayo diyan ni Dad. I love you both." sabi ko saka nagpaalam nang ibababa na ang tawag.Sa totoo lang, hindi pa talaga ako pauwi. Narito pa ako sa pa
"I'm home!" wika ko ng mabuksan ko na ang pinto ng bahay. It made a creaking sound like the ones in the horror movies. Wala pang isang buwan mula ng lumipat si Mom sa California, pero parang ang tagal nang napabayaan ng bahay. Maayos at malinis naman ang bahay eh. Kaso iba talaga kapag may ina sa tahanan, nakikita nila lahat ng kailangan ng kumpuni at paglilinis. Samantalang ako, kahit simpleng pagpapalit ng ilaw ay hindi ko pa magawa dahil hindi ko abot.Agad na bumungad sa akin ang aso kong nakaabang at kumakawag ang buntot. Lumuhod ako at hinaplos ang ulo nito. Kumpara kahapon ay mas masigla na siya ngayon."Hi! You know what? May naisip na akong pangalan para sayo." masayang balita ko rito.The dog just looked at me as if it's waiting for my words."Since mas mukha kang wolf kesa sa aso. I'll call you 'Chogiwa'." sabi ko sabay t
Nasa shower area si Chogiwa. Bukas ang shower kaya basang-basa siya na parang ineenjoy niya pa.“Ayos ka ah! Mukhang tataas ang bill ko ng tubig dahil sayo. You smart boy, hahaha!”Pinatay ko ang shower at saka kinuha ang shampoo niya. Noong nakaraan ay dumaan ako sa mall para bumili ng shampoo, collar, at dog food. He didn’t like the dog food kaya sayang lang ang isang kilong binili ko. He likes to share with my food, mas marami pa nga siyang nakakain kesa sa akin eh. Tama sina Mom, magastos pala talaga ang mag-alaga ng aso.Nakatingin sa akin si Chogi habang sina-shampoo ko siya. He will smell like strawberries again. Mas matangkad siya sakin kapag naka-talungko ako kaya naka-yuko siya ngayon sa akin.“You really are a big guy, huh. Kaya mo na palang mag shower mag-isa. But I’m sure you can’t use a shampoo by yourself. You still need Audrey even if you’re a smart boy.”Mabuti nga ay may nakaka-usap
CHAPTER 4“AHH!”Kasabay ng pagkakahulog ko ay ang aking pagsigaw. Ang nakakapagtaka lang ay sumisigaw ako pero pakiramdam ko ay walang boses na lumalabas sa bibig ko.Ang pagbagsak ko mula sa couch ang nagpagising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay ang puting kisame ng sala ang bumungad sa akin. Panaginip lang pala. What a weird dream though.“Ouch...” mahinang daing ko ng maramdaman ang sakit ng balakang ko na naunang tumama sa sahig ng bumagsak ako mula sa couch. Pupungas-pungas pa akong bumangon at iginala ang paningin ko sa sala. Anong oras na ba? Mukhang madaling araw na ah. Nakatulog pala ako sa sala. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV na nagpapalabas na ng pang umagang balita.Wala na sa couch ang alaga ko. Nasaan na kaya ‘yon?“Chogi?” hawak ko ang balakang ko habang naglalakad ng mabagal patungo sa kusina. Siguro ay nandoon siya. Doon naman kasi siya tumatambay kapag gutom na.