Share

Just a Job
Just a Job
Author: sonorouspen

SIMULA

Tahimik ang kalsada marahil lumalalim na ang gabi. 

Isang motorsiklo ang pumarada sa tapat ng isang convenience store at mula sa motorsiklo ay bumaba ang isang dalagang nagngangalang, Verania Portier. 

Pagtanggal sa suot na helmet, lumitaw ang isang napakagandang mukha ng dalaga. Ang buhok ay may kahabaan at tila hinangin pa ito nang maialis sa ilalim ng helmet. 

Pero kung pakiramdaman ang dalagang ito, malalaman mong hindi siya basta-bastang babae. 

Sa suot pa lamang, maaari mo na itong masabi. Naka-military boots at black pants, sa itaas ay isang racerback na gray na pinatungan ng leather jacket. Sa kanyang tindig, sinisigaw na nito ang angas na dala niya. 

Pagkaayos sa kanyang motor, dumiretso siya agad sa loob ng convenience store sabay kuha ng one gallon ice cream mula sa freezer na agad niyang dinala sa counter. 

Nang makabayad, agad siyang lumabas sa convenience store at napasinghap nang tumunog ang teleponong nasa bulsa. Pagdungaw niya rito, bumungad ang tumatawag na kaibigan. 

Ito ay si Ares Montero, anak ng kasalukuyang Mayor na kumakandidato bilang Gobernador ng kanilang probinsya. 

"Oh, napatawag ka? Gabi na," malumanay na pahayag ng dalaga subalit dama rito ang pagod sa kanyang tono. 

"Pauwi na 'ko alam mo na, galing date," masiglang sagot ni Ares at kumunot ang noo ng dalaga. 

Lumapit siya sa motor na dala at binuksan ang givi box nito para roon ay mailagay niya ang nabiling ice cream. 

Inayos niya muna ang binili bago sinagot muli ang lalaki. 

"Date? Hindi ba at sinabi ko na sa 'yo huwag na huwag ka munang magpagabi dahil sa mga death threats na natatanggap mo? Ang kulit mo naman Ares!" inis na saad ni Verania at hinarap ang tahimik na kalsada.

"Eh, iyon kasi ang pinopormahan kong doktora sayang naman..." katwiran nito, dahilan para lalong hindi matuwa ang dalaga. 

"Kahit pa! Umuwi ka na nga, diretso sa bahay niyo!" tila nanay na utos ni Verania sa binatang tila natutuwa pa sa pag-aalala ng kausap. 

"Noted!" masiglang saad nito subalit hindi pa rin ibinaba ang tawag. 

Hinayaan muna ng dalaga ang phone habang inaayos ang motor, subalit nawala roon ang atensyon niya nang marinig ang isang malakas na tunog. 

Tila pag-salpok iyon at hindi nga siya nagkamali, nang i-angat ang tingin sa may kalsadang kanina lamang ay sobrang tahimik. Doon, natagpuan ng mga mata niya ang isang pamilyar na kotse na bumangga sa poste. 

Kasabay naman nito ang pagdaan ng motorsiklo na mayroong dalawang rider at malinaw na malinaw sa mata ng dalaga ang nakita, isang baril ang hawak ng angkas.

Hindi pa sapat ang pagkagulat natamo ni Vera nang magtama ang mga mata nila ng naka-angkas. 

Ang hawak na cellphone ay bumagsak sa sahig nang dahil sa gulat. Ang mga mata niya ay nanlalaki at kasalukuyang nakatulala sa kotse na sumalpok sa poste na ngayon ay nakilala niya na kung kanino. Ito ay pagmamay-ari ng taong kanina'y kausap niya lamang sa telepono, si Ares!

Ang taong bumaril naman sa kotse ng binata ay tila namukhaan din niya na mas lalong nagpagulat sa buong sistema niya. 

Nais niyang isumbong ang nangyari subalit hindi niya magawa. May pakiramdam siya na kilala niya ang suspect at hindi niya kayang basta-bastang maisuplong sa may kapangyarihan ang taong iyon. 

Tulala si Verania at hindi alam ang gagawin, laking pasasalamat ay agad na tumawag ng ambulansya ang cashier ng pinanggalingan niyang convenience store. Gulat din ang cashier pero hindi nito matatalo ang pagkagulat na natamo ni Verania. 

Sanay man sa giyera, subalit hindi pa rin siya makapaniwala sa nasilayan ng mata. Hindi niya nakita ang buong mukha ng suspect pero malakas ang kutob niyang iyon ay isa sa mga taong kilala niya at ang mas malala ay maaaring malapit sa kanya. 

Isusumbong niya kaya ito para sa kaibigan na naaksidente? 

Alamin.

--

snsp

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dids Boncodin Silvertino
ganda nman Ng storya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status