Share

Chapter 1.2

Vera’s Point of View

"Mayor, este Tito, alam po ba ni Madam Charlotte ito?" tanong ko na pinatutungkulan ay ang asawa niya. 

"Tita na lamang din ang itawag mo kay Charlotte. Anyway, wala rin siyang alam dito. Ako at ang mga kasamahan mo lamang sa trabaho at syempre, kasama ka na ang nakakaalam lamang nito," pahayag ni Tito Stan. 

"Ah, okay po. Paano niyo po nasabi kay Tita Charlotte ang tungkol dito sa kasal kuno?" pang-uusisa ko pa. 

"Noong una, ayaw niya pero, pumayag na rin dahil, tumatanda na rin daw si Ares kailangan na niyang makakilala ng taong pwede niyang pakasalan. Kaya sinabi ko, ang araw na ito ang pagdating ng babaeng napili ko. Wala akong sinabing pangalan dahil, akala ko iba ang darating. Nabalitaan ko lang kanina na ikaw pala iyon, hija," saad ni Tito Stan na nagpatango sa akin. 

Unang lumabas si Tita Charlotte na nakasuot lamang ng isang kaswal na kasuotang pambahay. Nang matanaw niya agad ako ay agad na kumunot ang noo niya at alam kong nagtataka siya kung bakit, ako ang nakita niya. 

Well, kilala niya rin kasi ako dahil, kaibigan nga nila ang parents ko at kaibigan ko rin naman ang anak niyang si Ares. 

"Verania? Ikaw ang napili ni Stan?" nanlalaking mata na bulalas ni Tita Charlotte. 

Napangiti ako ng pilit at napatango agad. 

"Yes po, Tita Charlotte," saad ko at agad na napabaling siya sa kanyang asawa. 

"Stanley, si Verania talaga huh?" rinig kong saad ni Tita Charlotte. 

"Bakit? May masama ba?" sagot ni Tito sa kanya at kumunot ang noo ni Tita Charlotte sa kanya at mas lumapit kay Tito. 

"Meron Stan, sundalo si Verania! Delikado ang buhay niya! Paano na lamang kapag pumayag nga si Ares na pakasalan siya? Akala ko ba, inilalayo mo ang anak natin sa gulo?" bulong ni Tita na hindi ko na maintindihan dahil, mahina na lamang 'yon. 

Habang naghihintay kami ay lumipat na kami sa gawi kung saan naroon ang mga sofa. Doon kami umupo para maghintay sa dalawa pa nilang anak. Ito ay si Olivia na siyang bunso at syempre, ang panganay na aking babantayan at aalagaan dahil sa kundisyon niya sa ngayon, si Ares. 

Habang naghihintay, biglaan na lamang pumasok sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Ares bago siya maaksidente. May pinopormahan siyang doktora! Wala bang alam ang parents niya tungkol doon? 

Hindi ko naisip ang bagay tungkol doon! Paano na lamang kung sila na pala ng doktora na binabanggit niya? Ano na lang ang sasabihin ng babaeng iyon kay Ares? Baka isipin pa niya, mang-aagaw ako!

Napailing na lamang ako sa iniisip ko. Basta, ang mahalaga peke lang naman ang lahat ng ito, walang maagaw at walang mang-aagaw. 

Nang saktong pagbuntong hininga ko, ay ang paglabas ng dalawa sa kanilang mga lungga. Si Olivia ay tulak-tulak ang wheelchair ni Ares. Kaya siguro sila nagtagal kasi hinintay pa ni Olivia si Ares.

Kilala ko na si Olivia noon pa man dahil matagal ko na rin namang naging kaibigan si Ares. Pero hindi kami naging magkaibigan ni Olivia, ewan ko ba, magkaiba yata kami ng taste. Mas gusto ni Olivia ang mga elegante at may dating na babae. Ako kasi tamang yabang lang ang mayroon ako. Biro lang, normal lang na babae ako mayabang pa. Biro lang talaga, normal lang at hindi elegante o ano man. 

Ang mga kaibigan ko, madalas ay lalaki. May babae man madalas kasama ko rin sa trabaho. 

Meron man akong ka-close na babaeng ganoon ang datingan kagaya ng style ni Olivia, ang ate ko pa na si Ate Mavis. She likes fashion and actually isa siya sa mga pinakakilalang designer under Armendarez Apparel Company, isang kumpanya na sikat sa buong bansa ganoon na rin internationally, kaya naman madalang lamang umuwi sa Ate Mavis sa bahay. 

Anyway kahit ganoon ang buhay niya, magka-close pa rin naman kami, syempre hindi naman maiiwasan iyon dahil magkapatid kami. 

"Verania?" gulat na wika ni Olivia sabay lingon kay Ares at sa kanyang ama na si Tito Stanley. 

"Anong ginagawa niya rito?" malamig ang pananalita ni Ares kaya naman ilang beses akong kumurap. 

"Ikaw na ang magpaliwanag," nakangiting saad ni Tita Charlotte sa asawa niya. 

"Dahil nga sa nangyari sa 'yo, I thought of something that could really help you deal with that kind of thing," panimulang pahayag ni Tito Stan na nagpa-arko sa kilay ni Olivia. 

"I think, you will need someone who can help you or guide you anywhere. Si Verania ang magiging pansamantalang driver mo at bodyguard," saad pa ni Tito Stan. 

"Is that all?" mataray na saad ni Olivia habang nakatingin sa kanyang ama at agad inilipat ang mata sa akin, sabay taas ng kilay. 

"Olivia, manners," babala ng kanyang ina na nagpa-singhap sa kanya. 

"Verania will also be your house nurse," saad ni Tito Stan sabay sulyap sa paa ni Ares. 

"Nurse? I don't need her, I know someone. Actually, doktor pa siya. You can hire her," hayagang pagtanggi ni Ares sa nais ng ama. 

"Makuntento ka sa nasa harap mo Ares. Halos lahat ng kailangan mo sa ngayon ay na kay Verania and one of the best things she have, is my trust," kalmado na saad ni Tito Stan, kaya kumunot ang noo ni Ares sabay tingin ng masama sa akin. 

What the heck did I do? Ramdam ko na ang pagsusungit niya sa akin. As far as I remember, hindi naman kami nag-away dalawa last time na nag-usap kami, which was way before he got an accident and it is actually—a week ago. 

"Iyon lang ba Dad? I have loads of things to be busy with," malumanay na wika ni Ares, kaya napasinghap ang kanyang ama. 

"There's another thing you need to know," dagdag pa ni Tito Stan sabay lingon muli sa kinaroroonan ni Ares. 

"Gusto kong magkakilala pa kayo ng lubusan ni Verania because I am arranging a marriage for the two of you," saad ni Tito Stan na naging sanhi ng katahimikan sa paligid. 

Si Ares naman ay tinungo ang kinalulugaran ko gamit ang kanyang mga mata. Kunot ang kanyang noo na siguradong dahil sa pagkagulat, pero ramdam ko rin naman ang galit niya. Sino ba naman ang hindi magagalit, alam ko na may pino-pormahan na siya tapos, naaksidente lang siya, balak na akong ipakasal sa kanya. 

"Marriage? Oh, funny. I think, hindi na ako kailangan dito," saad ni Olivia at napansin ko pa ang pagtaray niya sa akin bago siya tuluyang umalis. 

Tatawagin pa sana siya pabalik ni Tita Charlotte nang pigilan siya ni Tito Stan at sinabing hayaan muna raw ang anak.

"Dad, marriage? Kailan ka pa naging payag sa arranged marriage? Akala ko ba, ayaw mo ng ganito? Bakit mo naman ginagawa sa akin?" inis na saad ni Ares. 

"Ares, this is for your own sake," kalmadong sagot ni Tita Charlotte at mariing napapikit si Ares dahil siguro sa sinabi ng ina. 

Nang magmulat siya ay agad na dumiretso ang mga mata niya sa akin. 

"Pumayag ka rito? Akala ko ba, ayaw mo ng kasal?" matapang na tanong niya na nagpayuko na lamang sa akin. 

Wala naman kasi akong masasabi kaya, yumuko na lamang ako. Wala naman akong magagawa, ganito ang plano isa pa, pansamantala lamang ito. 

"Ares? Is that how you behave to your friend which was soon to be your wife?" kalmado na tanong ni Tita Charlotte. 

"Why are you mad at her?" tanong pa ni Tita Charlotte na mukhang hindi pinansin ni Ares. 

"Hindi mo ko dinalaw ni-minsan sa ospital tapos darating ka ngayon sasabihin mo magpapakasal tayo?" inis na saad niya kaya napaangat ang ulo ko. 

"Wait Ares, nagagalit ka ba dahil, hindi kita dinalaw sa ospital?" tanong ko pero, nanatili sa pwesto ang halos magdikit niyang kilay. 

"Tsk, bahala ka d’yan!" angil niya at ginalaw mag-isa ang wheelchair niya hanggang sa, may dumalo sa kanyang isang kasambahay para tumulong which is hinayaan niya na lamang. 

"Vera, you think you can make my son like this arrangement?" nag-aalalang tanong ni Tito Stan. Lumipat ang mga mata ko kay Tita Charlotte na seryoso lamang ang titig sa akin. 

"I will try my best po," saad ko at ngumiti sila sa akin sabay turo kay Ares. Naintindihan ko naman ang pinararating nila kaya, agad akong sumunod kay Ares. 

Ares…Ares, I will do everything to make you like this kind of arrangement made between the two of us, even if this is just a job. 

Napangiti ako nang naisip ko iyon, let the game begin.

 --

snsp

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status