Share

Chapter 2.2

Vera’s Point of View

Gaya nga ng sinabi ko, lumabas ako at lumingon-lingon muli sa paligid. Ligtas kami rito dahil walang suspicious sa paligid. 

Habang kasalukuyan akong nakatingin sa entrance at exit ng hospital, halos mapatalon ako nang may tumawag sa pangalan ko. 

Noong una akala ko si Ares, pero nang lumapit ito sa akin ay agad na nagbutil ang pawis ko. 

Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaba, sa nerbiyos at hindi mapaliwanag na bagay-bagay. Si Alder ang nasa harap ko. Kaibigan kong doktor din at ngayon  ko lang naalala na rito rin pala ang ospital kung saan siya naroon. 

"Alder!" agad na bati ko at pilit na kinalma ang sarili. 

"Anong ginagawa mo rito?" manghang tanong niya kaya, agad akong napalingon sa sasakyan. Tinted ang salamin na meron iyon pero mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating. 

"Bagong misyon?" siya na mismo ang sumagot sa tanong niya at napatango ako.

"Sino?" usisa pa niya.

Napatalon ako sa gulat ako nang bumusina ang sasakyan na dala namin. 

Napatalon ako lalo nang bumukas ang bintana kung saan banda nakaupo si Ares. 

"Verania, ang trabaho mo! Ayan na si Clara!" pabulyaw na saad niya sabay turo sa isang babaeng naglalakad papunta sa kotse. 

"Oh? Si Ares pala ang trabaho mo ngayon, nice!" natatawang saad niya kaya, napakamot na lamang ako ng batok. 

"Oo eh, sige mukhang kailangan na naming umalis. Dumating na ang sadya namin dito," saad ko at ngumiti siya. 

"Okay," wika niya at kumaway sa akin kaya, agad akong kumaway pabalik sabay takbo papunta sa pintuan ng driver's seat, dahil mukhang nagmamadali na si Ares. 

"Nasa oras ka ng trabaho. Bakit ka nakikipag-uh—flirt?" saad niya na kahit siya, ay mukhang hindi tiyak sa sinasabi.

Inayos ko ang upo ko at napatingin sa babaeng nakaupo sa likuran na ang pangalan ay Clara. 

"Sorry, hindi na mauulit at kaibigan ko lang 'yon,” maikling sagot ko at muling sumulyap kay Clara na nginitian lang ako. 

Bahagya akong ngumiti para suklian ang ngiti niya sa akin, baka sabihin niya kasi, snobber ako. 

"Clara, this is my bodyguard, nurse and driver, Verania, you can call her Vera," pakilala sa akin ni Ares kay Clara. 

"Nice to meet you. I'm Isabella Clara Hernandez. It's up to you kung alin sa mga pangalan ko ang gusto mong itawag sa akin," medyo nahihiyang pahayag niya. 

"Ah okay, doktora nalang," maikling sagot ko dahil busy ako sa pagtingin sa kalsada. 

"Hehe, sige..." napapakamot batok na wika niya, kaya hindi ko na siya sinagot pa. 

Nakabalik na kami sa restaurant nila Ares at nagsimula na silang kumain dalawa. Syempre, hindi ako nagpahuli at kumain na rin ako at sa tabi mismo ng table nila. Ayaw ko kasing makihati ng table dahil hindi magandang tingnan. Isa pa date nila 'yon ayaw kong maging third wheel, duh. 

Habang kasalukuyan ako kumakain Butter Honey Garlic shrimp na isa sa mga na-order ko ay may naupo sa katapat kong upuan paglingon ko ay si Alder. Ano ang ginagawa nito rito? 

"Dito rin pala kayo kakain ng lunch!" gulat na wika niya habang nilalapag ang tray ng mga in-order niya. 

"At ikaw pa talaga ang nagulat huh, ikaw na ang naki-table sa akin," saad ko at napatawa siya. 

"Sorry hehe," saad niya sabay sulyap sa katabi naming mesa na ang naka-table ay sina Ares at Clara. 

"Oh, sila ba ni Clara?" bulong niya sa akin kaya napalingon ako kina Ares. 

"Maybe? Hindi ko alam. Pero ang dinig ko, nililigawan siya ni Ares," 

"Ah, so it's a lunch date!" 

"Yup!" agad na sagot ko at napalingon sa amin nang bahagya si Ares. Tumaas ang kilay niya nang makita si Alder. 

"Yo, Ares!" saad ni Alder na inirapan lamang ni Ares kaya, natawa ako nang bahagya. 

Magkakilala rin sila dahil, close friends ang mga tatay nila. Pero mukhang magkakilala lang at hindi sila magkaibigan. 

"Anyway, ayaw mo na ba talagang bumalik sa pagtatrabaho sa mga ospital? Sa army ka na lang talaga?" panimula ng panibagong usapan ni Alder.

"Oo eh, kung may balak man akong bumalik, siguro out of 100 percent, 12 percent na lang?" tumatawang sagot ko at napatango siya.

Humaba-haba ang usapan namin ni Alder at napa-tahimik kami nang marinig namin ang usapan nina Ares. 

Agad kaming napalingon sa kabilang mesa upang saksihan ang mga kaganapan. 

"Sinasagot na kita, Ares." masayang wika ni Clara, kaya sumulyap akong kaunti kay Alder na tumaas din ng kilay sa akin. 

"T-talaga?" Nakabilog ang mga mata habang nauutal na winika ni Ares at napatango si Clara sabay tayo at niyakap si Ares. 

Napangiwi ako at napalingon kay Alder nang alukin niya ako ng tubig. 

"Water?" wika niya na agad kong tinanggap. 

"Sige, una na ako. Mukhang medyo natagalan ako," saad niya at agad na napatango naman ako. 

Pero bago pa siya makatayo mula sa kinauupuan niya kanina, tinawag siya ni Ares na kinataas ng kilay ko. Bakit naman at para saan? 

"Isabay mo na ang pinsan mo," wika ni Ares kaya, napalingon ako sa kanya na nakaarko ang kilay.

"Pinsan?" takang tanong ko habang kunot ang aking noo. 

"Oo, Vera. Pinsan ko si Clara her mother is my father's younger sister," saad ni Alder na siyang sumagot sa katanungan ko. Nang magkatinginan ang mga mata namin ay medyo nagtagal ang titig ko sa pares ng mga mata niya. 

Binalot ako ng kaba nang medyo maihalintulad ko iyon sa mga mata ng bumaril sa sasakyan ni Ares, ilang araw ang nakararaan. 

"Sige Vera, Ares, mauna na kami," pahayag ni Alder at ngumiti sa akin ganoon din si Clara na sumunod na lamang kay Alder matapos humalik sa pisngi ni Ares. 

Napailing ako sa naiisip ko. Imposibleng si Alder iyon, hindi pwedeng siya. Basta napaka-imposible! 

"Vera? Ano pang tinatayu-tayo mo riyan? Tara na!" yaya ni Ares kaya, agad akong lumapit sa kanya para maitulak ko na ang wheelchair niya. 

"Uuwi na tayo?" tanong ko. 

"Yeah,” maikling sagot niya na damang-dama ang kasiyahan sa tono. 

Imposible man para sa akin ang naisip ko, kailangan ko pa ring mag-ingat at mag-imbestiga. Hindi pwedeng maging ganito ang utak ko palagi, masyadong maraming iniisip ayaw ko nang dagdagan pa. Sisimulan ko na kay Alder ang imbestigasyon ko, maaari man na may gusto ako sa kanya pero si Ares ang trabaho ko rito at siya ang dapat kong protektahan. 

--

snsp

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status