Share

Chapter 3.1

Vera’s Point of View

Araw ngayon ng sabado. Hinihingal na napahiga ako sa sahig ng aking kwarto matapos ang 8 minutes na pagtalon sa jumping rope at 3 minutes na push ups, 5 minutes na squat thrusts at 5 minutes na hip dips.

Hinihingal na tumayo ako mula sa exercising mat ko. Nanghihinang iniabot ko ang tubig at ininom ito ng diretso. Agad akong dumiretso sa bathroom ng kwarto at naligo ako agad. 6:00 na nang umaga at 7:00 ang oras ng pagbisita ni Clara na siyang girlfriend na ngayon ni Ares. Sinabi niya kasi sa akin ang bagay na iyon kaya alam ko. Sinabi niya rin hindi raw dapat akong ma-late sa pag-aayos dahil may balak siyang ipagawa sa akin.

Nang matapos ang ilang minuto tapos na akong maligo at nagbihis na agad. Sinuot ko ang asul na fitted t-shirt ko at track pants na kulay gray. Sinuot ko rin ang kulay puti kong cap at ang tsinelas na pambahay.

Saktong six-thirty nang lumabas ako ng aking kwarto at dineretso ko ang kwarto ni Ares na hindi kalayuan sa kwarto ko dahil katapat ko lamang ito.

"Ares," tawag ko habang kumakatok sa pinto nito. Kinapa ko ang door knob at nagulat akong hindi ito naka-lock. Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Ares Montero na malayang nakahilata sa kanyang kama. Ako pa talaga ang hindi dapat ma-late huh? Siya nga nakahilata pa, naku naman talaga...

Inalog ko ang kanyang balikat at unti-unting nagmulat ang kanyang mata.

"If you're scolding me, sorry agad. I didn't really meant to interrupt your beautiful dream, pero hindi kasi ako tulad ng ibang tao na laging filipino time. For me, time is gold," sabi ko at naka-peace sa kanya.

"Maligo ka na, Ares."

"Who are you to dictate to me? Are you my mother?" iritadong wika nito at tumayo mula sa pagkakahiga.

"Get out. Mag-aayos na ako," sabi niya kaya nakangising lumabas ako.

Mabait din pala siya kapag kagigising, sumusunod agad at hindi masungit sa akin. Dumiretso ako sa kusina at tumulong sa pag-aayos sa ibang mga kasambahay na naroon. Syempre may kakilala na rin ako si 'Nay Mila amg pinakamabait sa lahat ng kasambahay, ayon sa akin dahil tinuturuan niya akong magluto kahit na madalas ay palpak ako.

"Hi 'Nay Mila! Magandang umaga!" bati ko at ngumiti sa kanya sabay kuha ko ng mga plato na hawak niya para mailagay na iyon sa mesa.

Wala muli ngayon sina Tito Stanley at syempre kasama niya si Tita Charlotte. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta pero alam ko naman na safe sila dahil sa dami ng kasama nilang bodyguard.

Nagulat ako nang may lumapit sa akin para kunin ang mga plato, si Clara. Bakit nandito na 'to agad.

"Hi Vera," bati niya kaya napakurap ako.

"Hello, kanina ka pa?" tanong ko habang sumusunod ako sa kanya. Papunta siya sa dining room para ayusin ang mga plato.

Binilang ko iyon, lima. Sino pa ba ang makakasama namin sa agahan?

"Kasama ko ang kapatid ko na si Sandra. Wala kasing kasama sa bahay wala naman siyang pasok kaya sinama ko na. Isa pa naka-leave naman ako for two days kaya wala namang problema sa akin," pagkasabi niya niyon ay may narinig akong sirena ng isang tinig na alam kong nagmumula sa bata.

"Ateeeeeeeeee!" malakas na sigaw nito kaya napangiwi ako, ang ingay...

"Sandra, mahina lang baka mapaalis tayong dalawa rito..." natatawang saad ni Clara kaya napangiti si Sandra ang kapatid niya.

"Hihi Ate, gusto ko mag-swimming sa pool dito," humahagikgik na saad ni Sandra.

"Later na okay? Kakain muna tayong breakfast," wika ni Clara.

"Tsaka hindi pa natin kabisado ang bahay nina Kuya Ares mo huwag kang malikot," wika pa ni Clara kaya iniwan ko na muna sila para tumulong muna ulit sa paghahanda.

"Verania, ang naririnig ko girlfriend daw siya ni Ares," saad ni 'Nay Mila kaya napatango ako.

"Hindi ba at ipapakasal ka kay Ares?" pabulong na dagdag pa ni 'Nay Mila kaya nasamid na naman ako nang marinig ang bagay na iyon.

"Opo, pero secret lang po sana natin ito pakisabi na rin po sana sa iba na wlaang magsusumbong kay Tito Stanley o kaya kay Tita Charlotte," paalala ko at tumango na lamang si 'Nay Mila kahit na nagtataka siya sa sinabi ko.

"Kilala niyo na po ba si Clara?" tanong ko habang pinapanood ang pini-prito niyang nuggets.

"Oo, kapag may party kasi sina Ares na ginaganap sa bahay nakikita ko si Clara. Kaibigan siya ni Ares pero hindi ko alam na girlfriend na ngayon. Ikaw hija, rinig ko kaibigan ka rin ni Ares pero hindi pa yata kita nasilayan sa bahay nito noon ni-minsan," wika ni 'Nay Mila.

"Ay, madalang lang po ako sumama sa mga party-party dahil busy sa trabaho. Naging kaibigan ko lang po si Ares noong medyo bata-bata kami tsaka noong high school kasi schoolmate ko po siya. Kung minsan nakakasama naman po ako sa mga party-party nila ang kaso sa resort po ng Montero madalas ginagawa."

"Ah, gano'n ba hija? Pero alam mo, bagay din kayo ni Ares," saad niya at nasamid na naman ako.

"T-talaga po?" tanong ko kahit nais ko ng matawa sa sinabi ni 'Nay Mila.

Alam ko ang mga taong hanggang friends lang ang kaya 'kong ibigay at kabilang si Ares doon. Hanggang kaibigan lang siya, nakakatawa talagang marinig sa iba na bagay 'daw' kami.

"Oo naman," saad ni 'Nay Mila at hinango na niya ang mga nalutong nuggets.

Tumunog ang phone ko at nakitang si Ares na ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Sa kwarto ko, bilis!" utos niya nang masagot ko ang tawag. Hindi ko na nagawa pang makapagsalita sa bilis ng pangyayari. Pagkasabi kasi niya ng bagay na iyon sa akin agad na niyang binaba ang tawag. Ay, kay bastos naman, charot.

"Sige po, puntahan ko muna si Ares," pagpapaalam ko kay 'Nay Mila sabay takbo paalis.

Mabilis akong nakarating sa kwarto ni Ares at nang mabukas ko ang pinto ay halos mapatalon ako sa nakita.

"Ay kabayo! Ano 'yan!" gulat na gulat na saad ko dahil naka-tapis lamang siya ng tuwalya sa pang-ibaba at syempre topless. Kakaligo lang niya. Nakakabilib nga at kahit ilang linggo pa lamang siyang naka-wheel chair natuto na siyang gawin ang ibang mga bagay-bagay ng mag-isa.

"Hindi ako makapili ng damit na susuotin. Tulungan mo 'ko," tamad na saad niya kaya napangiwi ako.

"Tulungan na pumili?" kabadong tanong ko dahil baka magdagdag pa siya ng utos na hindi ko magustuhan.

"Oo bakit, gusto mo ba akong bihisan?" tanong niya habang nakatitig sa akin kaya nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi.

Sinabi niya talaga 'yon ng diretso sa mukha ko! Bumabalik na ba siya sa old self niya? Pero kung ganoon nga ang nangyayari, mukhang sumsobra naman 'yata ang pagiging playful ng mga salita niya. Hindi siya ganito dati...

"H-Hindi ah! Kadiri 'to," nauutal na pagdepensa ko na nagpakunot sa kanyang noo.

"Kadiri? Nagpapabihis lang naman ako anong kadiri roon?" saad niya at kumabog ang dibdib ko nang paandarin niya ang wheel chair niya palapit sa akin.

"Unless, green minded ka at iba ang iniisip mo?" mayabang na dugtong niya kaya napatawa ako para mawala ang kaba.

"Ha Ha Ha, hindi ah! Hindi ako green minded, nakakagulat ka lang. Tabi nga diyan. Nasaan ba ang closet mo? Kakalkalin ko para makapili ka ng damit," paglayo ko sa sinisimulan niyang topic.

"Uh-huh?" nang-aasar ang tono niya kaya binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bahala ka, lumabas kang naka-bold!" naasar na wika ko at aalis na sana pero tumawa siya kaya bumalik ako dahil nakaramdam ako ng konsiyensya. Baka kasalanan ko pa kapag nagkataon na lumabas nga siyang walang damit.

"Tingnan mo 'to babalik din pala," nakangiting saad niya habang nakapangalumbaba pa at diretsong diretso ang tingin sa akin.

"Iyon nga pala ang closet," saad niya sabay turo sa isang pintuan na kulay sky blue.

Naka-walk in closet pala siya. Akin kasi aparador lang may ipis pa, charot! Malinis ako sa kwarto ko, marami kasi akong lalagyanan na pwedeng pagtabihan ng gamit ko.

--

snsp

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status