Share

Chapter 4.2

Verania's Point of View

Two months ago nang magsimula ang death threats sa kanya tapos labas pa rin siya ng labas? Aba't napakakulit naman talaga ng nilalang na 'to! Lagot 'yan sa akin, sermunan ko mamaya.

"Anyway magpinsan kayo ni Alder 'di ba?" tanong ko at napatango siya agad habang bumubunot.

"Oo Ate, pinsan ko 'yon. Gwapo no? Paano mo nga pala siya nakilala?" mayabang ang tono na saad niya sa unang sinabi bago ang tanong.

"Ah, kaibigan ko," maikling sagot ko sabay baba ng baraha ko na agad niyang kinuha at halos masamid ako nang kalahati ng baraha niya ay ibinababa niya sa binaba kong 'yon.

"Kaibigan? So gwapo nga?" tanong pa ni Sandra.

"Eh ano naman kung gwapo siya?" mataray na tanong ko at napahagikgik siya.

"Crush mo ba si Kuya Alder?" tanong niya kaya nakaramdam ako ng pagpapawis sa aking noo nang bigla niyang itanong 'yon.

"Huh, hindi ah! May gusto lang akong itanong," pahayag ko naman na ikinaliit ng mga mata niya na akala mo ay naghihinala.

"Okay Ate," hindi kumbinsidong sinabi niya kaya napakibit balikat na lamang ako.

"Nakapunta ka na ba sa bahay nila?" tanong ko habang inaayos ang pagkakasunod-sunod ng baraha ko.

"Oo Ate! Lagi nga e, kasi kalaro ko yung pinakabata niyang kapatid na si Natasha! Tapos Ate, alam mo ba laging maagang umalis si Kuya Alder para pumasok sa trabaho," pagkukwento niya kaya umarko ang kilay ko.

"Mga anong oras?" tanong ko pa.

"Minsan seven ako nagpupunta sa kanila wala na siya. Ang aga niya lagi pumasok para raw marami siyang matrabaho. Tapos Ate, alam mo ba tuwing nasa bahay naman siya laptop lagi ang kaharap at mga libro. Tinanong ko siya noon kung ano ang ginagawa niya ang sabi niya may inaaral lang siya na sakit, ewan 'di ko naman gusto magdoktor kaya di ko na pinakinggan sinabi niya, hindi ko rin naman gets," saad ni Sandra kaya napatahimik ako.

Kung ganoon lagi ang ginagawa niya sa bahay nila, mukhang imposible na kasapi siya ng mga suspect na balak patumbahin si Tito Stanley na siyang mayor ngayon...

Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero hindi pa rin ako dapat makampante kahit na ganoon ang nalaman ko.

Nang magtapon ako ng isang baraha kay Sandra, nagulat ako nang mapatayo siya at nagtatalon.

"Yehey, tongits na ako! Talo ka Ate Verania!" malakas na saad niya kaya napalingon ako sa malayo para iiwas ang tingin kay Sandra na masyadong nagdidiwang sa pagkapanalo niya.

Patalon talon pa habang sinusubo ang chocolate na kakukuha niya sa bag niya.

Patayo na sana ako para yayain si Sandra na maligo muli sa pool nang marinig ko ang pagsigaw ni Ares.

Walang anu-ano ay tila si The Flash akong nagtatakbo patungo sa pwesto niya, ni Ares.

"Anong nangyayari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko at binabalewala ang taong nasa paligid.

Nakasandal ang likod niya sa wheel chair at ang mata niya ay mariin na nakapikit.

Itinuro niya ang binti niya na napuruhan sa aksidente.

"Diyan, masakit..." mahinang bulong niya habang napapasigaw sa hapdi agad na nilingon ko ang binti niya na kasalukuyang hinahawakan ni Clara.

"Ako na, Clara!" saad ko nang makita na nasasaktan pa rin si Ares.

Baka naman mas sumasakit pa 'yon dahil sa ginagawa niya?!

"Clara," tawag ko pero hindi natinag si Clara at tila kabado na rin pero pinagpatuloy ang ginagawa na hindi man lamang ako tinapunan ng pansin.

"Ako na diyan, Clara!" malakas ang pagkakasabi ko niyon kaya napaangat siya ng ulo at saktong tumama ang mga mata niya sa akin.

"Ano bang problema mo, Verania?" inis at pasigaw na wika ni Clara sa akin sabay lunok at pikit na tila nagsisisi sa ginawa niyang pagsigaw sa akin.

"Ako na, baka kung anu-ano pa ang magawa mo," malamig na saad ko at narinig ko ang sarkastikong tawa niya.

"Excuse me? Nakakalimutan mo na ba? I'm a doctor, mas malalim ang kaalaman ko sa 'yo, pagdating sa ganitong bagay!" medyo asar na sinabi ni Clara na hindi ko pinansin.

So what, ano bang paki ko?!

"So? Ano ngayon? Nurse naman ako!" mayabang na laban ko pero unti-unti akong nilamon ng hiya nang maramdaman ko kung gaano ako katanga sa part na 'yon.

Why did I forget something so important? Doktor nga pala siya! Ano ba ang nilalaban ko? Nurse lang ako at mas marami talaga siyang alam!

Bahagya akong napaatras para bigyan ng way si Clara sa ginagawa niya.

"Sorry, sige i-check mo na siya," mahinang wika ko subalit sapat na para marinig ni Clara.

Napansin ko rin na napatahimik si Ares at nakatingin siya sa akin gamit ang inosenteng mga mata niya.

Wala na akong ginawa kung hindi ang umiwas. Nakakahiya ang ginawa ko mabuti na lamang kami-kami lamang ang narito.

Makalipas ang ilang minuto ay medyo umayos na ulit ang lagay ni Ares. Kaya naman bahagya akong lumayo sa kanila dahil, ayokong tumayo sa tabi nila para magmukhang third wheel.

Pansin ko rin na nawala si Sandra dahil nagpabanlaw na sa mga kasambahay kaya hinayaan ko na. Mas safe siya kung kasambahay ang maglilinis ng katawan niya.

Napapalingon ako sa kinalulugaran nina Ares everytime naririnig ko ang utos niya. Balak ko na sanang sumunod doon pero si Clara na mismo ang gumagawa. Minsan tatawag pa si Ares ng iba para mautusan.

Tamang sulyap lang ako sa paligid minsan ay lumilipat sa kanila. Hindi na nga rin ako nakapag-palit at natuyo na ang kasuotan na ibinabad ko sa pool kanina.

Dumating na nga ang oras na uuwi na sila Sandra yumakap pa si Sandra sa akin bago sila umuwi sabay sabi niya ng 'See you next time.'

Ako na sana ang maghahatid dahil marami namang guard sa bahay at mababantayan si Ares, ang kaso nag-utos na pala siya ng driver para ihatid pauwi sina Clara.

Nang maiwan kami ay agad na pinagulong ni Ares ang wheel chair papunta sa akin.

"Ah, ayos na ako," saad niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam ko," maikling wika ko at napalunok siya.

"Nagulat ako sa pag-arte mo kanina," saad ni Ares kaya kumunot na ang noo ko.

"Pag-arte? Sa tingin mo yung pag-aalala ko para sa 'yo arte 'yon? E kung tuktukan kaya kita?" inis na saad ko at napairap.

"N-Nagseselos ka ba?" tila nag-regret agad ang mukha niya nang wikain niya 'yon.

Napakurap ako at dinigest mabuti ang sinabi niya sa akin. Napahalakhak ako agad nang ma-realize na tama nga ang narinig ko.

"Hindi ako nagseselos ano! Duh!" natatawang wika ko.

"Kung hindi ka nagseselos, may gusto ka ba sa akin?" tanong pa niya kaya kumunot agad ang noo ko.

"Seryoso ka ba?" natatawang tanong ko at napakunot ang noo niya.

Tingnan mo 'to, siya ang nagtatanong ng ganoong bagay tapos nagagalit sa akin sa mga response ko.

"Kung sa lahat ng iyon, hindi ang sagot mo then why did you agreed when my father asked you to marry me then?" seryosong tanong ni Ares kaya nanahimik ako at piniling hindi na siya sagutin.

"Ares, pumasok na tayo nang makapagpahinga ka," wika ko na malayong-malayo sa tanong.

"Anyway, kung kailangan mo ng medical needs sa akin ka lumapit at hindi sa doktorang 'yon dahil unang una ako naman ang nandito. And remember, ako pa rin ang naka-assign talaga sa 'yong mag-alaga so don't you dare disobey that," wika ko.

"As if, I care," inis na pahayag ni Ares at kumunot ang noo ko sa kanya nang pagulungin na niya ang wheel chair niya.

"Ares!" malakas na tawag ko at humarap siya agad.

"Verania, if you were making her your rival for my medical needs wala akong paki. I will ask for the help of Clara even if you don't want to," saad niya kaya napaigting ang bagang ko.

"Subukan mo, Ares. Sinasabi ko sa 'yo... hinding hindi ka na makakawala sa akin kapag ginawa mo 'yon," saad ko na nagpakunot sa noo niya.

"What do you mean?" nakakunot noo na tanong niya at tila nainis sa sinabi ko.

"Well, what do I mean?" nang-aasar na saad ko at tinapik siya ss balikat.

"There are lots of things I mean with that," dagdag ko pa na pabulong kaya nanatili ang mga mata niya sa akin lalo na nang lumapit ako sa kanya para ibulong ko ang mga sinabi ko.

--

snsp

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status