Share

Kabanata 2

“Papa…” hikbing sabi ni Zoey habang inaapoy ng lagnat.

“Kawawa naman ang batang ito,” sambit ni aling Mildred habang pinupunasan ng basang bimpo ang ulo nito.

Pinalitan na din ng malinis na damit ni Aling Mildred si Zoey. Para bang sinukat ang damit para sakanya dahil sakto lang ang lapat nito. Lumitaw ang akaaya-ayang mukha ni Zoey sa pulang Kamisetang suot niya. Bumagay ito sa kanyang kutis na labanos, buti na lamang at naural ang puti niya kaya kahit matagal na siyan nasa lansangan at bilad sa tirik na araw ng siyudad ay di pa din siya nangitim. Marahil ay di talaga ito batang lansangan isip ni Aling Mildred.

Iminulat ko ang aking mga mata at nagising ako sa isang mallit na kwarto. Kulay pink ang pintura nito at may isang bentilador na nakakabit sa kisame na siyang nagmemaintain ng temperature kahit pa wala namang aicronditioner. Umupo ako sa gilid ng kama. May kalumaan na ito ngunit maayos pa naman. Napansin ko ang isang larawan na nakapatong sa istante ng libro sa aking harapan. Isang batang babae na palagay ko ay di nalalayo sa edad ko. Pagbaling ko sa dingding sa bandang ulunan ng kama ay nakasabit ang mga gintong medalya. May mga certificate of recognition din na may titulong “best portrait”. Nilinga ko pa ang aking paningin at nilapitan ang isang painting sa tabi ng pintuan. Habang pinagmamasdan ko ang painting ay may kumatok sa pintuan.

“Anak? Gising ka na ba?” tanong ni Aling Mildred na akin naming pinagbuksan ng pinto.

Nakangiti ito at tinitigan ako with teary eyes. Para ba siyang nakakita ng isang taong sobrang miss na niya. Nagtaka ako kung bakit pero minabuti ko na di na magtanong. Niyakap niya ako at hinayaan ko naman siya.

“Akon ga pala si Mildred, ano naman ang pangalan mo iha?” tanong nito.

“Zoey po,” tugon ko sa kaniya na medyo naiilang pa.

“Wag ka na magalala iha, mabuti kaming tao halika na, at ipnaghanda kita ng makakain,” aya niya with a smile.

Sumunod ako sakanya palabas ng kuwarto, medyo antique na pala ang buong kabahayan ngunti maayos pa naman. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga larawan ng parehong bata sa kuwarto. Sa isa sa mga larawan sa dingding ay Nakita ko na kasama ni Aling Mildred ang bata pati na ang isang mama na nakasalamin. Napansin ako ni Aling Mildred na bahagyang bumagal habng tinitingana ang larawan. Huminto ito at ngumiti. “Yan ang aking anak na si Shine, at itong isa naman ay ang asawa kong si Albert, isang dating Editorial cartoonist sa isang pahayagan. Umalis siya sa trabaho dahil taliwas di na niya makasundo ang boss niya kaya nagtayo na lang kami ng tindahan,” wika niya sa akin.

Hinihintay kong ikwento niya saakin ang kanyang anak na si shine pero di niya ito binanggit at inaya na akong pumunta sa dining area. Di ko naman inusisa muna ang tungkol sa bagay na iyon dahil alam ko na dapat irespeto natin ang sinuman sa pagtatago at pagbabahagi ng mga impormasyong mahalaga sa kanila.

Dumating kami sa dining area at Nakita ko doon ang lalaki sa larawan, si Mang Albert. Ito ay nakasuot ng salamin, humihigop ng mainit na kape at may hawak na newspaper.

“Mabuti naman at gising ka na iha, kumusta ang pakiramdam mo?” usisa niya sa akin.

“Mabuti naman po medyo may konting hilo lang pero pawala na din po,” mgalang kong sagot sa kaniya.

“Dala lang siguro yan ng pagod, maupo ka na at saluhan mo na kami,” masayang aya niya sa akin.

Pinaupo ako ni Aling Mildred at sinadukan ng kanin, nahiya ako sakanya at sinabi ko na ako na lang.

“Ako na po nakakahiya naman po sainyo,” ngumiti lang siya at hinayaan na ako na kumuha. Umupo siya sa tapat ko at nagasikaso na din na kumain.

“Wag kang mahiya iha, kumain ka ng madami para bumalik ang lakas mo,” aniya sa akin.

Hinihintay kong tawagin nila si Shine para kumain pero wala naman tumatawag sakaniya. Nanatili na lamang ako sa kinauupuan ko at kumain. Nang malapit na kaming matapos ay nagtanong si aling Mildred.

“Tiga saan ka ba iha?” wika niya.

“Tiga Zambales po ako Aling Mildred. Iniwan po ako ng stepmother ko sa tapat ng Quiapo church. Naging palaboy po ako doon dahil di na niya ako binalikan. Ang tanging natatandaan ko ay nakatira kami malpit sa dalampasigan. Ang papa ko ay si Thomas Galagher. Isinama po ako ng aking stepmother na pumunta ng Maynila para kunin ang padala ni papa sa isang kaibigan para sa akin nang huli itong makasama bago maaksidente sa minahan. Matagal na pong wala ang mama ko kaya wala na akong mapupuntahan.”

Naluha siya at tahimik naman si Mang Albert na nakikinig.

“Nay Mildred na lang ang itawag mo sa akin at tay Albert naman sa asawa ko. Maari kang tumira dito kung nais mo” wika niya.

Medyo natigilan ako sa narinig ko dahil sa pamamalagi ko sa lansangan kasama si Lino ay wala man lang nagmalasakit saamin pero ngayon ay may nais pang tangapin ako sa pamilya nila. Natuwa ako pero palagay ko ay dapat ko munang alamin kung ayos lang ba sa anak nilang si Shine ang pagtira ko sa bahay nila.

“Ayos lang po ba sa anak niyo?” usisa ko.

Nagkatingina ang magasawa at sabay na ngumiti lang sa akin.

“Matagal ng wala si Shine, kinuha na siya ng panginoon sa amin nang siya ay ganyan sa edad mo limang taon na ang nakararaan dahil sa isang aksidente.” Paliwanag ni Aling Mildred.

“Ikinalulungkot ko po Aling Mildred, ay Nay Mildred pala.”

“Lumibot ka muna sa kabahayan kung nais mo at ako na magliligpit ng pinagkainan,” wika niya.

“Tulungan ko na po kayo nay,” alok ko.

“Saka ka na gumalaw kapag magaling ka na anak,” nakangiting sabi nito.

“Siyan ga naman anak,” pag ayon ni Mang Albert.

Tumango na lang ako at tumungo na papuntang sala. Sa paggala ng aking mata napansin ko na maraming libro. Lumapit ako sa isang bookshelf at inusisa ang mga ito. Naalala ko nung bata pa ako ay binabasahan ako ng papa ko ng mga stories bago matulog. I missed him so much pero alam ko sa sarili ko na ala-ala na lamang iyon ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status