Share

Kabanata 3

Hingal kabayo sa kahahangos si Lino sa pag habol sa puting van na kumuha sa kanyang kaibigan. Patang-pata na sa pagod ang mga paa nito, pero di pa din ito humihinto. Narating niya ang kinaroroon ng Van, sa wakas, pero laking gulat niya ng tumambad sa kaniya ang madugong crimes scene. Meron nang SOCCO na nagiimbestiga sa lugar. Nakita niya sa loob ng sasakyan ang isang duguan na lalaki. Sa lapag naman ng kalsada Nakita niyang nakahadusay ang lalaking hinampas niya ng bote. Pikit na ang isang mat anito at nagdurugo. Pareho ng walang buhay ang dalawang ito.

“Diyos ko, ano na po ang nangyari sa kaniya,” tulirong sambit niya sa sarili sa pagaalala kay Zoey. Saan na kaya napunta si Zoey. Di na piapalapit ng mga pulis ang sinuman sa crime scene pero nagpumilit pa din si Lino para mkasigurado kung narron ba si Zoey, pero wala di niya ito nakita. Pinaalis si Lino ng mga puli at wala nang nagawa ang bata kundi iwan ang Crime scene. Iniulinga niya ang kaniyang mga mata at inisip na baka nakatakas si Zoey. Pinagmasdan niya ang paligid at tiyak niyang walang ibang pupuntahan ito kundi ang umalis sa kalsada para di mahagip ng mga sasakyan kaya tanging sa bangketa laman ito makatatakbo.Nakarating ito sa bangketa kung saan nahuli ang lalaking humahabol kay Zoey pero wala na ang bata.

“May nakita po ba kayong batang babae nasa edad sampung taong gulang? May kaputian po ito medyo madungis lang,” tanong nito sa mga tindero sa gilid ng bangketa.

“Isinama siya sa bahay ng magasawang sina Albert at Mildred,” tugon ng isang magbubuko.

“Kilala mo ba siya?” tanong naman ng isa pa.

“Opo, kasama ko po siya kasu may kumuha sakaniyang mga lalaki, wala po akong nagawa dahil di hamak ng mas mapuwersa sila sa akin. Sinundan ko lang po ang puting Van at di ako napadpad,” salaysay nito.

Si Lino ay mas matanda ng dalawang taon kay Zoey, naawa siya rito kaya ganoon na lamang ang malasakit niya kay Zoey. Bukod doon ay alam niya na delikado si Zoey kung di niya ito tutulungan dahil sa akin nitong ganda kahit na bata pa, baka pagsamantalahan pa ito ng may masasamang pita ng laman.

“Uminom ka muna,” inabutan ng magbubuko ng isang baso ng sabaw ng niyog ang batang si Lino.

“Hayaan mo at sasamahan kita sa bahay ni Mang Albert ng makita mo ang kaibigan mo,” paniguarado naman sa kaniya nito.

Hindi napansin ni Lino na napakahaba pala ng tinakbo niya at malayo na ito sa Quiapo, nakaabot na pala sila sa Tondo. Sinamahan naman siya ng magbubuko na si Mang Terry sa bahay nina Mang Albert. Malayo pa lamang ay natanaw na niya sa balconahe ng isang antique na bahay ang maamong mukha ni Zoey. Gumaan na ang loob niya sapagkat nakita niyang maayos na ito.

….

Habang nagkukwentuhan kami ni nay Mildred ay may tumawag sa kanya mula sa labas at nakita ko si Lino. Di ko mapigilan na maluha dahil ang buong akala ko ay nagkalayo na kami sa pangyayari. Itinuring ko na siyang kapatid dahil sa buong pamamalagi ko sa lansangan ng Quiapo ay siya lang naman ang naging kasangga ko.

Nagusap sandali si Mang Terry at Nay Mildred habang nilapitan ko naman si Lino na naluluha din. Suot niya pa din ang rutrut na damit nung huli kaming magkita. Pagalis ni Mang Terry ay inaya ni Nay Mildred si Zoey sa loob upang makapaglinis ng katawan. Mabuting tao talaga ang maga-asawang ito sapagkat tinanggap din nila sa tahanan nila si Lino. Iniabot sakin ni Lino ang isang relo, akala ko ay ibinenta na niya ito noon, hindi pala. Galing ito sa isang importanteng tao na hindi ko makakalimutan.

Halos dalawang buwan na din ang nakalipas ng kami ay kupkupin nila nay Mildred, sabi ni tatay Albert ay pagaaralin kami sa pasukan dahil sayang naman daw, Naniniwala kasi sina tatay Albert na makapangyarihan ang edukasyon at kaya nitong baguhin ang buhay ng tao. Sumunod ako sa nais ng mga bago kong magulang lalo pa at natatandaan ko na laging sabi ni papa na dapat akong makatapos dahil nais niyang maging abogado raw ako.

Tumutulong ako sa gawaing bahay at si Lino naman ay sumasama kay Tay Albert para buksan ang hop s aumaga. Pagkagaling sa shop ay paratig may dalang pan de sal si Lino, naaalala ko pa nung nasa Quiapo pa kami, nanguumit kami nina Lino para lamang makabili ng pan de sal. Mas lalo na akong napamahal kina tatay Albert at nanay Mildred dahil tinuring talaga kaming mga tunay na anak ng mga ito kahit pa di nila kami kadugo.

Namasukan din si Lino sa ibang kalapit na tindahan ng aming shop, gusto daw kasi niyang makatulong sa panggastos sa bahay, na siya naman laging tinututulan nina tatay Albert. Kaya pa naman daw nila na buhayin kami at mas maigi kung sa pag aaral na kami tumuon ng aming oras. Kahit na binilinan na kami ay palihim pa din na rumaraket si Lino. Ayaw ko naman na mapagalitan siya nina tatay Albert at nay Mildred kaya inilihim ko na may nalalaman ako. Unti-unti ay bumalik ang tiwala ko sa ibang tao at nabuhay muli sa isip ko na may mga mabubuti pang tao sa mundo.

….

Maayos naman ang lahat hanggang sa may dumating na mamahaling sasakyan at pumarad sa harapan ng aming shop. Bumaba ang isang lalaki nan aka suot ng suit at nakipagusap kay tatay Albert. Medyo matagal din silang nagusap, naalarma lang ako ng biglang magtaas ng boses is tatay Albert. Kalmado lang ang lalaki na ibinalik ang isang dokumento sa loob ng kanyang case at tumindig na. Lumakad ito papunta sa pinto ng shop, pero bago ito lumabas ay nagwika ito kay tatay Albert na pagisipan daw ang kanyang offer kesa daw wala kaminng mapala, sabay tumalikod na ito at sumakay muli sa kaniyang sasakyan at umalis na. naiwang nakaupo si tatay Albert at mukhang malungkot ito. Pumasok naman sina Mang Jonhson at Aling Rosa, tinanong nila si tatay tungkol sa nangyari pero bago sila magusap ay pinauwi na muna ako nit ay Albert, parang ayaw niyang malaman ko ang tungkol sa bagay na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status