Share

Kabanata 4

Tila malalim ang iniisip ni tatay Albert. Nasa balconahe ito ng bahay at humihigop ng kape na katitimpla lamang ni Zoey. Gustong-gusto niya talaga ang timpla ni Zoey dahil di gaanong matapang pero sakto lang pati ang tamis nito. Alam kasi ni Zoey na bawal na sa sobrang tamis si tatay Abert dahil bukod sa altapresyon ay mayroon na din ito ng diabetes. Gusto man usisain ni Zoey ang matanda ay pinigilan nito ang sarili. Alam niya na di naman niya mapipiliit ito upang sabihin kung ano man ang gumugulo sa kaniyang isipan. Maging si Nay Mildred hindi rin pinag sasabihan ni tay Albert ng dinadala niya.

Pinagmasdan na lamang ni Zoey ang matanda habang nakatinigin sa alaga nitong bonsai. Tulad ng proseso ng paggawa ng bonsai, mahaba din ang pasensya ni tatay Albert, pero nakita ni Zoey na naging maigsi ang pasensya nito at nawala na ang hilig sa paggawa ng mga bonsai, lalo pa at naging mainipan na din ito. Nagsimula na mapansin ni Zoey na ikinabalisa ni tatay Albert ang napagusapan nila ng lalaki noon sa shop. Ang alam niya ay tungkol sa puwesto ng shop ang napagusapan nila ngunit di niya pa ito nakumpirma, nalaman lang niya ito kina mang Terry pero di naman binanggit ng huli ang lahat ng detalye.

Para bang namumuti na lahat ng buhok ni tatay aLbert, tila ba nakaapekto sa kalusugan nito ang labis na pagiisip. Nababahala na si nanay Mildred sa tatay kaya madalas itong ibilin sa akin na laging subaybayan, pero lagi naming banngit ng matanda na malakas pa siya at kaya pa ang sarili. Patuloy pa din ang kanyang routine sa araw-araw, maagang pumupunta sa shop at gabi na din na umuuwi. Tuwing lingo ay dumadalo ito ng misa, at pag uwi ay may dalang sampaguita para sa poon, at mayroon ding pasalubong na biko. Wala na akong mahihiling pa kundi ang bumuti at umayos muli ang kalagayan niya.

Medyo humihina na ang kita sa shop lalo na nang simulang buksan ang isang mall sa kabilang kalsada. Si tatay ang leader ng samahan ng mga shop owners at mga vendors sa lugar namin. Medyo napapdalas na ang pagpunta sa kaniya ng mga kasamahan niya sa asosasyon, humihingi ang mga ito ng payo at kung minsan ay tulong pinansyal na rin, dahil di na sumasapat ang kanilang kita. May naririnig din kami na ang iba sakanila ay nilapitan na din ng mga tao na minsan ng nakipagusap kay tay Albert. Nais ng mga ito na tulungan sila na hikayatin ang leader ng kanilang asosasyon upang pumayag na na ibenta ang kinatitirikan na lupa ng kanilang stalls, sa kondisyon na hahayaan sila makakuha ng puwesto sa  bagong mall ng walang bayad. Ayaw pumayag ng tatay sapagkat sigurado naman siyang ganid ang mga ito at lolokohin lamang ang mga kasamahan niya ngunit sa bandang huli, ay walang mapapala ang mga ito sa pangako sa kanila.

Dumumi na din ang laro ng mga taong nais  kumuha ng lugar ng tatay Albert, kinasabwat na ng mga ito ang lokal na mga namamahala sa amin. Nagpataw sila ng dagdag buwis na hindi naman makatarungan, dahilan upang magipit ang mga kasama ni tatay Albert at pati na rin kami. Hindi pa din sumusuko si tatay at marriin na tinatanggihan pa din ang alok ng mayaman na kalaban sa negosyo, katuwiran kasi ni tatay kung di siya ang maggiging matigas ay sino? At paano naman ang mga umaasa sa kaniya, paano na ang maliliit na shop owners at vendor na napamahal na sa lugar at dito na binuhay ang pamilya nila. Mas lumala pa ang tensyon sa agawan ng pwesto sa aming lugar, napapdalas na ang panggugulo ng mga gang at mga taong nangingikil sa mga kasamahan ni tatay. Pati si Mang Johnson ay nawawalan na din ng pagasa sa aming sitwasyon.

Dumating ang isang araw at may balitang gumimbal sa amin. Nakita kong paparating si Lino, binata na ito ngayon at maganda ang tindig, napansin kong tila may bahid ng dugo ang mga kamao nito at tinitigan ko siya sa mata ng may takot. Para bang bumalik ang ala-ala ko nung panahon na nakikipag basag-ulo siya sa Quiapo sa pagtatanggol sa akin. Ano na naman kaya ang kinasangkutan niya ngayon, tanong ko sa sarili. Lumapit sa kaniya si nanay Mildred at tinanong kung ano ang nangyari.

Pinagmamasdan ko siya habang umiiwas siya ng tingin sa akin.

“Si tatay, isinugod namin sa ospital,” bulalas niya, and I knew na di siya gumagawa ng kwento lamang. Nagkaroon pala ng trouble sa shop ng magpadala ng demolition team ang mga kalaban sa negosyo ni tatay, ang masaklap pa nito ay di man lamang nkikialam ang local na awtoridad. Hinarang nila tatay ang demolition team at nagka girian ang dalawang panig, sa gitna ng gulo ay inatake sa puso si tatay Albert. Nagulantang si Lino at napahinto sa pakikipagsuntukan sa ilang tauahan ng demolition team at tinungo ang kinaroroonan ni Tatay Albert. Sa tulong ni mang terry ay isinugod nila ang matanda sa ospital. Naiwan sa ospital sim ang Terry upang bantayan si tatay, saka naman nagmadaling umuwi si Lino para ipaalam sa amin ang nangyari.

Dumating kami ni nany Mildred sa ospital, nakita ko si tatay Albert na nakasuwero at may nakakabit na breathing apparatus. Kailangan daw siya maoperahan na sa puso sa lalong madaling panahin sabi ng doctor dahil kung hindi ay maari niya itong ikamatay. Dumating din sa ospital ang lalaki na nakausap noon ni tatay, mahinahon siyan nakipag-usap kay nanay Mildred. Habang nagususap sila ay inilabas nito ang isang dokumento at bigla na lamang tumingin sa akin si nanay Mildred. Umiling ako dahil alam ko kung ano ito, deed of sale ito ng property na kinatitirikan ng shop naming at ng iba pang stall. Lumapit si mang Terry kay nanay Mildred at nagsabi sa kaniya na, “okay lang, para kay pare, pumayag ka na.”

Tumulo ang mga luha ko dahil alam ko na tutol si tatay dito pero kahit ako ang nasa sitwasyon ni nanay Mildred ay papayag na din ako para lang maisalba ang buhay ni tatay Albert.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status