Share

Chapter 3

Accidental Mistake

Halos ibuhos ko na ang laman ng pabango sa katawan ko. Pagkatapos kong maligo, mag-shave at mag-lotion ay agad akong naglagay ng perfume in every corner of my body. Gusto kong pagpasok pa lamang ng kuwarto ay maaamoy na ni Fiore ang let's-make-love scent ko. Naglagay pa ako ng scented na kandila sa paligid. Wala akong makitang bulaklak sa labas maliban sa mga tuyong dahon na naglaglagan mula sa matatayog na punong nakapalibot sa bahay na ito. Kaya iyon ang ikinalat ko sa paanan ng kama. I wanted it to be perfect.

Ano pa ba ang kulang? This is my first time kaya ang hirap talagang mag-isip ng something sexy, or wild and hot.

Sexy. I find the candles sexy. Fiore was also complimenting me every time that I'm sexy and I possessed a body to die for. I'll be the representation of that word. 

Wild. There are wild, dried leaves around me. 

Hot. The flame from the scented candles will make this room scorching hot. 

And bold. 

Napangisi ako. At may naisip na kapilyahan. Nagiging pilya lang naman ako sa taong mahal ko.

Naghubad ako ng damit. Lahat ay inalis ko. Wala akong itinira maski ano. I wanted to be bold. Literally bold in Fiore's eyes. With nothing to hide and nothing to fear. Nakita ko pa ang hubad kong katawan sa harap ng salamin. He had never seen me like this before. I don't wear sexy clothes, I'm too shy to show my skin. I'm not into things like this either because I came from a conservative family. Fiore made me into something I didn't realize I could be. He made me feel like a real woman. And I'm glad he will marry me. In a week’s time, I will be Mrs. Fiore Ilarde.

Napangiti ako sa naisip. Miranda Forbes Ilarde. Na-practice ko na nga pati ang bago kong pirma na Ilarde na ang apelyido. Kakailanganin ko iyon dahil ako na ang magiging tagapirma ni Fiore sa mga transactions niya. He promised to make me one of his signatories sa itatayong bagong negosyo ng pamilya Ilarde. He will hire me as the Vice President or Deputy Director of that new business. And I'm so excited to be part of their family.

Nahiga ako sa kama. Niyakap ang napakalambot na unan. The white light from the ceiling was too bright to look at. So I get up once again and searched for the switch. Sa tabi ng switch ay ang hairdresser na may bahagyang nakabukas na drawer. I was about to close it when I saw a red cloth finely folded and flattened inside. I picked it up and something told me to smell it, and so I did. It's the smell of sandalwood with touch of cherry. Itinali ko iyon sa leeg ko. Ito lang ang magiging nag-iisang tela na isusuot ko.

Humiga muli ako sa kama nang mapatay ko na ang ilaw. Kumakabog ang dibdib ko sa paglipas ng ilang minuto. Nag-iinuman pa ang dalawa sa labas. Kinukulit kasi ni Xyle si Fiore na ito na ang mga huling araw ng pagiging binata niya. Kaya nagkayayaan silang uminom at pinauna na ako ni Fiore rito sa kuwarto.

I took a deep breath. I am ready. I want to do this.

Napabalikwas muli ako.

Sh*t naman, Miranda! Bakit ba hindi ka mapakali? Relax.

Inhale, exhale. For twenty-two years, I preserved myself. I never had any boyfriend but only Fiore. Inalagaan din niya ako for three years that we were together. He never took advantage of me. He always respects me.

Pero hindi talaga ako mapakali. Natanggal ang pagkakatali ng panyo sa leeg ko. Bakit ko ba kasi itatali iyon sa leeg ko? Eh, paano kung masakal ako? Sinubukan kong itali sa palapulsuhan ko. Para naman akong may pekeng relo nito. I removed it again and used it to wipe my sweating forehead. Namalayan ko na lang, itinatali ko na iyon para itakip sa aking mga mata.

I smiled and cursed myself. Smiled at the fact that I'm going crazy giving up my virginity.

"Mir?"

Nanigas ako nang maulinigan ang boses ni Fiore.

"F-Fiore..." mahinang tawag ko habang papabilis ang pintig ng puso ko.

"Mir..."

Nakagat ko ang labi ko. I don't know if he's near me or still far. The voice seems near, yet so far.

Dahan-dahan akong nahiga sa kama. Nakapatay na ang ilaw. Sobrang dilim at talagang wala akong makita dahil sa piring sa aking mga mata. I braced myself. I know he could see me from the candles around me. He could see me wearing nothing but this blindfold covering my eyes.

May narinig akong mga yabag. Papalapit. I slightly opened my mouth to engulp some air. I'm beginning to feel awkward. Is he staring at me right now? Is he pleased to see me in this state? Did he anticipate that I'd be naked and ready to be devoured tonight? Was he surprised? How does he feel? I was dying to know, but I had to restrain myself and wait.

"Fiore," I said quietly. I had to say his name to know that he's really here.

Mas lumapit ang yabag. Nagtaasan agad ang mga balahibo ko nang maramdaman ang pag-uga ng kama. And I smelt an unfamiliar scent. A manly scent that so soothing to the nose. At mas nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa bagong pabangong ginamit ni Fiore. Naghanda rin kaya siya? Napangiti ako. We were both expecting this to happen.

Ang marahang paggalaw pa lamang ng kama ay nakakasira na ng bait. Nakakapanuyo ng lalamunan. Patuloy kong nilalanghap ang amoy na iyon na parang gustong-gusto ng katawan ko. An aphrodisiac to my being.

Hinawi niya ang buhok ko. Gumapang ang kamay na iyon pababa sa aking pisngi. Then I felt a kiss on my forehead. My man is still so charming and gentle. I heard him sighed. Deep sighs that made me think he has reservations.

"P-Please, Fiore..." sabi ko habang umaalon ang dibdib sa kaba. "Please take me now."

Naramdaman ko ang mga halik. Una sa aking noo, ilong at sa labi. Hindi ko maintindihan dahil parang kinikiliti lamang ng labi niya ang bibig ko.

Kumilos ako para gumanti ng halik. Hinila ko ang batok niya at pinalalim ang halik. Narinig ko ang paos niyang ungol. He's minty. And sweet. I always kiss him with an after shave smell. But now... even his kisses.... something tells me... it's different.

Like he's not the one kissing me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status