Share

Kabanata 5

Uno/Premiere POV

Habang kumakain sila at hindi niya mapigilan na tanungin ang kaibigan dahil sa kanyang nasaksihan kanina. They are rivals in all aspects pero hindi magbabago na matalik na kaibigan niya si Killian at Vaugh.

"What's with the scene?" He spoke

Napahinto naman sa pagkain si Killian at tumingin dito na parang nagtatanong kung ano ang kanyang ibig sabihin.

"Com'on KB you know what I mean." dagdag usisa nito

"It's non of your business Premiere stop asking me." asik nito na ikinatawa naman ng kaibigan

"Sounds interesting." bulalas nito

"And what do you mean by that?" Killian asked

"Nah ah! Nakakapanibago lang kasi, na parang mainit ang ulo mo sa babaeng yun. Maganda naman siya at mukhang mabait pero kung tratuhin mo dinaig pa may malaking kasalanan sa iyo." pagpapaliwanag ng kaibigan

"Just finish your foods so that we can continue the proposal! Hindi yung kung ano ano pinagsasabi mo na wala namang kwenta." seryosong saad nito

Napaghagalpak naman sa tawa si Uno dahil sa kaibigan. Alam niyang wala itong interes sa mga babae dahil simula noong iniwan siya ng mapapanagasawa niya sana ay mawalan na rin ito ng tiwala sa mga babae.

Pero dahil sa nasaksihan ngayon ng binata mukhang may magbabago sa kaibigan nito. 

Hailey POV

Kasalukuyang nasa office ng kanyang boss ang dalagang si Hailey dahil pinatawag siya nito.

Labis ang kabang nararamdaman niyan, dahil hindi niya alam kung bakit siya nito pinatawag, nasa isip niya na baka nagsumbong si Killian dahil sa nangyari kagabi o di kaya at sa inasta niya kanina.

Hindi niya kaya ang mawalan ng trabaho, dahil ito na lang ang inaasahan niya para sa pang araw araw niyang mga gastusin.

"Ms. Hailey, pinatawag kita dahil may importante akong sasabihin sayo." bungad ng kanyang boss na walang iba kung hindi ang Auntie ni Killian

"Ano po iyo Ma'am? May nagawa po ba akong mali?" kinakabahang tanong niya.

Ngumiti naman ang babaeng kausapi nito at umiling. "Gusto ko lang sabihin sayo, that you are promoted as assistant manager of my restaurant." sabi nito

Halos manlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. " T-tama po ba ang narinig ko ma'am? Ako? Promoted?" hindi makapaniwalang tanong nito

Tumango naman ang ginang bilang sagot. Halos maluha naman ang dalaga dahil hindi ma absorb ng utak niya ang magandang balita na iyon.

"Maraming salamat po ma'am!"- wika niya

"You deserve it! You are working hard for this, so you need to have a reward. Congratulations Ms. Hailey!' aniya sabay tayo at lahad ng kamay nito sa dalaga.

"Thank you so much ma'am! I will try my best in everything I do." wika niya

"Looking forward to that, you can do back now to work." nakangiting anas niya

Ngumuti naman ang dalaga at nagsimula ng maglakad papalabas. Labis ang saya na nadarama niya dahil sa balita na 'yon.

Nagdaan pa ang mga araw at stress na stress ang dalagang si Hailey dahil hindi mawala sa isip niya ang utang niya sa binatang si Killian. Mayroon na lang siyang dalawang araw para mabayaran ito.

Ngunit hanggang ngayong ay wala pa rin siyang sapat na pera para dito. And as of Killian, laking pasasalamat niya dahil hindi niya pa ito nakikita sa mga araw na nagdaan, tanging ang kaibigan lang nito ang madalas niyang makita sa restaurant na kumakain ng mag isa o kaya may kasamang isa pang lalaki na mukhang kaibigan din nila.

Killian POV

Abala ang binata sa pagpirma ng papeles sa kanyang opisina ng pumasok ang kanyang sektarya.

"Sir, may naghahanap po sa inyo isang private investigator daw po." aniya nito

"Sige papasukin mo." maiksing sagot nito na agad naman sinunod ng sekretarya

Maya maya pa ay biglang pumasok ang isang lalaki. "Goodmorning, Mr. Neilsen." bati nito na tinanguan lamang ng binata.

"Maupo ka muna Mr. Salvador, any update sa pinapagawa ko sayo?" tanong ni Killian

"Base sa nakalap kung impormasyon Mr. Nelsein ang tunay na pangalan niya ay Hailey Dominique, ana siya ng mag asawang Mina Dominique at Drake Dominique at may kaya ang pamilya nito. Nag iisang anak lamang siya at dahil masyado siyang nasasakal sa kanyang mga magulang ay mas pinili niyang umalis sa puder ng mga ito at mamuhay ng mag isa." mahabang paliwanag ng imbestigador

"Nandito lahat sa envelop ang kailangan niyong malaman Sir." dagdag pa nito sabay abot nito sa binata.

"Okay, that's it for now. Expect your payment today in your bank." saad ni Killian

"Thank you Sir, I have to go now." paalam ng lalaki at agad ng lumabas para umalis.

Tiningnan naman ni Killian ang laman ng envelop. 'Pati pala apelyido mo iniba mo para walang makaalam. Tingnan natin ngayon kung makakatanggi kapa sa alok ko kung nadiskubre ko na ang isang sekreto mo, Hailey Domique.' isip ng binata habang nakangiti na animo'y masayang masaya dahil sa natuklasan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu kaya ang binabalak gawin ni killian kay hailey
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status