Share

Kabanata 8

Killian POV

Nang makalabas si Hailey ay mabilis ko itong sinundan, akala niya gano'n na lang lahat. Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan siya. At saktong nasa elevator pa lang siya kaya pinigil ko ang pagsara nito.

Magtatanong pa sana siya ng pumasok na ako at tumabi sa kanya. Habang siya naman ay mataman na nakatingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya

"Hindi porket nakapirma kana ng kontrata ay ayos na ang lahat," sabi ko

"What do you mean?" naguguluhang tanong nito

"Sumama ka sa akin." maiksing saad ko

"What? At bakit naman ako sasama sa'yo? Tapos na ang usapan natin at sa pagkakatandan ko wala naman na dapat tayong pag usapan."

"Magpapakasal tayo ngayon din. Pinahanda ko na ang lahat sa abogado ko at ninong kung judge," anas ko sa kanya na ikinagulat naman niya

"Ano?? Ikakasal ngayon? Seryoso kaba? Hindi nga ako nakaayos tapos sasabihin mong magpapakasal ngayon?" 

Tiningnan ko naman siya, nakasuot naman ito ng mini dress at naka light make up. Ano pa bang pag aayos ang gusto nito.

Psh! Mga babae nga naman.

"Yes, kakasabi ko lang diba? Hindi ka naman siguro bingi pa hindi marinig at mas lalong hindi ka tanga para hindi maintindihan ang sinasabi ko." seryosong turan ko

"Aba-----"

"Let's go," hindi ko na tinapos ang kanyang sasabihin ng bumukas na ang elevator ay hinili ko siya kaagad palabas. Saktong walang masyadong katao tao sa ground floor kaya maayos mabilis ko siyang nahila pasakay sa sasakyan ko.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa babaeng katabi ko. Simula ng isinakay ko siya sa sasakyan ay tahimik lamang ito at parang malalim ang iniisip.

Maya maya pa ay humarap ito sa akin kaya umiwas ako at ibinalik ang tingin ko sa kalsada.

"Hoy Killian, seryoso kaba talaga sa sinabi mo kanina? You know as a girl pangarap namin ang magkaroon ng magandang kasal." aniya habang nakatingin sa akin.

"Kailan ba ako nagjoke? I'm serious in everything Hailey. Lahat ng sinasabi ko ay walang halong biro." maiksing turan ko

"Ano ba talaga ang totoong rason Killian? Alam kung magpapanggap lang itong kasal natin pero siguro deserve ko naman na malaman diba? Magiging parte ako ng fake marriage na sinasabi mo. So siguro okay lang naman na malaman ko, para naman alam ko kung paano aakto. Dapat maging komportable tayo sa sa isa't isa." 

"Nagtatanong kapa as far as I remember nakasama na kita nakaraan sa restaurant. At isa pa para ano pa? Hindi din naman magtatagal ang set up na ito. Kung ano man ang nakikita mo sa akin gano'n na ako," sabi ko

"Alam ko what I mean is nasaan siya? Diba dapat ikakasal kayo? Paanong nangyari na hindi natuloy." 

"She choose to go and leave me. Hindi ko alam ang rason niya basta umalis na lang siya ng walang paalam. That's why I really don't trust woman now, iiwan at iiwan ka lang din naman nila." seryosong turan ko

"Hoy hindi lahat ah. Grabe ka naman." depensa niya na ikinatawa ko. "Killian paano ito? Ang sabi mo pupunta tayo ngayon sa judge para magpakasal. Sino ang mga nando'n?" 

"Vaugh my friend, wala si Premiere dahil may business trip." sagot ko

"W-what? Kaibigan mo? Seryoso ka? Edi alam niya?"

"It's obvious na alam niya, kaya nga nando'n siya diba? He know that I will get married." sagot ko dito

Maya maya pa ay narating na namin ang opisina ng ninong kung judge kaya mabilis kaming pumasok doon at naabutan namin silang nag uusap.

"Finally nandito na kayo. Ang tagal niyo naman, akala ko hindi mo siya napapayag." wika ng kaibigan kung si Vaugh habang tumatawa

"Baka nakakalimutan mong ako si Killian I get what I want." ngising turan ko

Mabilis naman akong hinampas ni Hailey. "Kung hindi mo ako na blackmail hindi ako papayag noh," sabat nito na ikinatawa naman ng mga tao na nando'n

"Ito na pala iho ang papakalasanan mo, ang ganda niya at mukhang hindi takot sayo." biro ni ninong na siyang magkakasal na amin

Hindi din nagtagal ay nagsimula na ang seremonyas.

Pagkatapos namin pumirma ng marriagw certificate ay nagpasya akong kumain muna kami dahil lagpas tanghalian na.

Kasama ko ngayon sa si Hailey at Vaugh sa isang sikat din na restaurant, hindi na sumama si ninong dahil marami pa daw itong gagawin sa kanyang opisina.

Habang naghihintay kami ng order ay biglang nagsalita si Vaugh.

"Excited talaga ako sa marriage life niyo, pakiramdam ko talaga iba at may magbabago." bulalas nito

"Anong pinagsasabi mo?"tanong ko

"Wala naman, iniisip ko lang baka magkatuluyan talaga kayo sa huli." aniya at tumawa pa

"Huwag kana umasa Vaugh. Masyadong malabo mangyari 'yon. Napakaantipatiko pa naman nitong kaibigan mo, hindi ko alam kung matatagalan ko ang lalaking 'to." sabat naman ni Hailey

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Akala mo naman ang ganda ganda mo, hindi ang kagaya mo ang type ko." sagot ko

Inirapan niya naman ako na ikinatawa ng kaibigan ko. Minsan gusto ko na lang suntukin to. Magkaibang magkaiba sila ng ugali ni Premiere pero mahilig lang 'yon makipag kompetensiya kahit kaibigan pa niya.

"Diyan 'yan nagsisimula, mark my words. Hindi lang sa pagkakaroon ng fake marriage ang magkakaroon sa inyo, sigurado akong na may mabubuong pagmamahalan sa huli." siguradong turan ni Vaugh

"Mas mabuti pang kumain kana lang diyan at may importante pa akong aasikasuhin sa opisina." anas ko

"Kakatapos lang ng kasal niyo trabaho agad? Wala bang honeymoon?" pang aasar pa nito na ikinapula naman ni Hailey.

"Just eat." sabi ko at ang gago tumawa lang at bumaling kay Hailey

"Alam mo Hailey mabait naman itong kaibigan ko pero madalas talagang bugnutin kaya sana pagtiisan mo lang lalo na magkasama na kayo sa bahay,  ganyan pag broken hearted." aniya kay Hailey

"Do I have a choice? Wala naman din." natatawang sagot naman ni Hailey.

"Kung makapag usap kayo parang wala ako sa harap niyo ah. Nice." sarkastikong saad ko.

At ang dalawa ay tumawa lang. Tsk!

Nang matapos kaming kumain ay nagpasya na kaming umalis sa restaurant at isa pa may meeting pa akong kailangan puntahan.

Nasa parking lot na kami ng magsalita si Hailey.

"Mauuna na ako sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako." sabi niya

"Teka hindi kaba ihahatid ng asawa mo?" tanong ni Vaugh

"Hindi na, magkikita din kasi kami ng kaibigan ko at isa pa may meeting pa si Killian," sagot naman ni Hailey

"Pwede kitang hinatid muna, saan kaba pupunta?" tanong ulit ng kaibigan ko

"Thank you na lang Vaugh pero huwag na, malapit lang naman 'yon dito." ngiting sagot niya

Pagkatapos ng ilang minuto ay nauna ng umalis si Vaugh at naiwan kaming dalawa ni Hailey. 

"Alam mo naman kung nasaan ang bahay diba?" tanong ko sa kanya.

"Ahm, Oo pwede bang bukas na lang ako lumipat doon? Mag aayos pa ako ng gamit ko eh." sagot niya.

Tumango naman ako. "Ipapasundo kita sa driver bukas para hindi kana mahirapan bukas." wika ko.

Nag usap pa kami bago nagpaalam sa isa't isa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya ng isipin na makakasama ko si Hailey sa iisang bahay.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Ligaya Lising Carillo
pa unlock po please thanks
goodnovel comment avatar
Alcony Seno
mahal naman..
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay inlove na si killian kay hailey
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status