Share

Kabanata 79

Killian POV

Isang linggo na ang lumipas ng makalabas ng hospital ang anak at asawa ko, kagaya ng sabi ng doctor ay magaling na si Kian maliban sa asawa ko na hanggang ngayon ay may mga benda pa din at kailangan niyang mag wheelchair.

Wala namang nagbago, bumalik na ang dating sigla ng anak ko kaya mas naging panatag ako. Maliban na lang sa asawa ko na naging tahimik at minsan na lang umimik, madalas din siyang tulala at kapag kinakausap ko siya ay tanging tango o iling lang ang sinasagot niya. Noong mga unang araw namin dito sa bahay ay madalas ko siyang nakikitang umiiyak at palaging nananaginip tuwing gabi na sinisisi niya sarili niya at galit daw ako sa kanya.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa para sa asawa ko dahil sa nangyayari, hindi ko lubusan nakakaramdam ng saya dahil pakiramdam ko ay hindi pa din maayos ang pamilya ko. At sa mga magulang niya naman ay ilang beses na din silang bumisita dito, kinausap na din nila si Gian at humingi ito ng tawad

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status