Share

Kabanata 1 - Unang pagkikita

I looked in the mirror. 16 years old na ako pero hindi ako yung tipong marunong mag ayos sa sarili. Ate Hally said, dapat sa edad kung to marunong na akong ayusin yung sarili ko. Ewan ko ba kung bakit, hindi ako mahilig ayusin yung sarili ko. Hindi nga ako gumagamit nang mga pangpapula sa labi. Kahit alam kung karamihan na sa ka edad ko lalo na sa skwelahang pinapasukan ko ay gumagamit na non. They already use cosmetics.

Minsan na alala ko may nagtanong.

"Isa kang Enriquez tapos lipstick lang, hindi ka pa makabili." 

Gusto ko siyang tawanan, pero hindi ko ginawa. I have so many lipstick and liptint in my room. I just don't use it because..... I don't like it and I'm lazy to use it.

Si ate Hally, binibigyan din ako ng mga skincare. Pero gaya nang mga lipstick at liptint, hindi ko din yun ginagalaw. Sa parehong rason, ayoko at tinatamad ako.

Not until, nakita ko ang isang napakagwapong lalakeng pumasok sa aming bahay, kasama ang aking kapatid at isa pa nilang kasama. 

It was as if Elza had made me frozen. Titig na titig lang ako at hindi gumagalaw sa kinaroroonan ko. Napa ayos lang ako ng tayo nang makita kung lumandas ang kanyang tingin saakin.

Isa lang ang alam ko sa panahong yun,

I'm inlove. Sa paraan ng paglandas nang tingin niya saakin. Ang paraan ng kanyang pag upo sa sofa. Ang paraan ng pagngiti niya. Kitang kita ko. Hindi ko namalayang hindi na pala ako humihinga nang sandaling yun. 

"Sunny, tapos ka na sa homework mo?" Tanong ni Kuya Grayson nang mapansin akong nakatayo sa ibaba nang hagdan.

"A-Ah o-o kuya." Nagka utal utal ako sa pagsagot sa kuya ko. Lalo na ngayong, alam kung nakatingin siya saakin.

"Good. Halika, bumili ako nang pizza." Sabi niya kaya dahan dahan akong lumapit.

Nang maupo ako sa harap niya ay nanliit ako sa sarili ko. Ngayon ko pinagsisisihan na hindi ako marunong mag-ayos. How can he like me if I look like this? I can't even comb my hair. Nakakahiya!

"This is my sister, Sunny." Pakilala niya saakin sa mga kaibigan. "Your kuya Wesley and Kuya Easton." 

Ngumuso ako, Kuya? Do I need to call him kuya? I dont want him to be my Kuya. I want him to be mine. Napapikit ako sa naiisip. I was only 16 at yun na ang iniisip ko! Sunny, umayos ka nga!

Mula noong araw na yun, nagpaturo ako kay ate Hally kung ano ba ang mga dapat gawin para maging dalaga ako agad. Tinitigan niya lang ako nang tanungin ko yun at biglang tumawa.

"Ate, ano bang dapat kung gawin para maging dalaga agad?" Nakatitig ako sa kisame ng kwarto ni ate Hally. Habang siya ay may ginagawa sa computer niya. Napatigil lamang nang marinig ang tanong ko.

"Sira ba yung pandinig ko." Sabi niya bigla.

Sinimangutan ko siya dahil dun.

"Ate naman eh! Seryoso ako!" Napaupo ako at hinarap siya. Napatitig siya saakin na para bang hinahanap sa aking mukha kung seryoso ako o hindi. Nang makitang seryoso ako ay bigla siyang tumawa. Dahil dun ay mas lalo akong sumimangot.

Ano bang nakakatawa? Gusto ko lang maging dalaga agad para kay Wesley.

"You like someone?" Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay. 

Napakagat ako sa labi ko at nahihiyang tumango. Alam kong i am so bata pa para magkagusto pero, gusto ko talaga siya.

"Bawal ba?" Gamit ang maliit na boses ay sinambit ko ang mga katagang yun.

"No. Of course, hindi bawal, basta you should know your limitation." Ngumiti siya saakin at tumayo. Kinuha niya ang mga pampagandang madalas niyang gamitin. 

Umupo siya sa tabi ko at inapply niya saaking labi ang isang kulay pink na lipstick.

"You should learn to wait, Sunny. Hindi lahat minamadali." Sambit niya habang may nilalagay siya sa mukha ko. Napatango ako sa sanabi niya.

I should learn to wait.

Inayos niya rin ang aking buhok. Pagtingin ko sa salamin ay parang hindi ako makapaniwalang ako yun. Lipstick at blush on lang naman ang nilagay niya pero nagkakulay na ang maputla kung mukha.

Simula noong araw na yun, inayos ko na ang sarili ko. I always use lipstick and blush on. Naging madami din akong manliligaw pero hindi yun ang gusto ko. Ang gusto ko lang na sa pagdalaga ko ay mapansin niya ako, ni Wesley.

"Anong ginagawa mo?" Para akong ewan na napatalon nang may magsalita sa likod ko. 

Nasa tabi ako nang pool habang gumuguhit. Sa paglipas nang araw ito ang naging hilig ko. Basta pag may nakita akong magandang tanawin ginuguhit ko. I love this hobby.

"K-kuya Wesley" Sambit ko sa nagsalita sa aking likuran

Bakit di ko napansing andito siya? Dahil sa pagdating niya ay  pasimple kung  inayos ang aking sarili. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ang aking ginagawa. Hindi ko namang maiwasang mapatitig sakanya. 

How can he be so gwapo sa suot niyang white t-shirt? 

"Magaling ka palang mag drawing." Nakangiti siyang nakatingin saaking obrang nasa hita ko. Habang ako ay titig parin sa kanya. Nang maramdaman ang aking titig ay tumingin siya saakin, kaya't napaiwas ako.

"I do drawing if i was bored." Sambit ko at sa aking obra na nakatingin. "What are you doing pala here Kuya?" 

Kuya! I don't want to call him Kuya!

Napasimangot ako nang maalala na tinawag ko siya sa pangalan lang. Kuya Grayson get mad at me kasi bakit daw nawalan ako ng paggalang sa nakakatanda saakin. Kung alam lang ni Kuya ang nararamdaman ko.

"May pinakuha ang Kuya mo, tapos nakita kita dito. I was just curious, what are you doing here." Sabi niya at biglang tumayo.

Nanghinayang naman ako. Aalis na siya? Nakakainis naman! Wesley, dito ka muna! 

Akala ko ay aalis na siya agad pero tumayo lang siya sa aking harapan at biglang ngumiti. Nasilaw naman ako dahil sa araw nang tignan ko siya sa mukha. Napatigil ako nang hawakan niya ang aking ulo at medyo ginulo ang buhok. 

"Ipagpatuloy mo lang yan. Mahusay ka diyan. Mauna na ako." Ngumiti siya habang tulala lang ako. Hindi ko tuloy namalayan na umalis na pala siya.

Napahawak ako sa ulo ko at napangiti.

"Hinawakan niya ba yung ulo ko?" Wala sa sariling sambit ko at biglang humiga sa kinauupuan ko. Walang mapaglagyan ng saya ko habang hinahawakan ang aking ulo kung saan niya ako hinawakan kanina. Mababaw na kung mababaw. Basta masaya ako. Kuntento na muna ako don.

"Kuya, can i go sa headquarter niyo." Ilang araw ko ng hindi nasisilayan si Wesley at dahil dun wala akong kagana gana. Pwede pala yun no, yung mawalan ng gana dahil sa hindi mo nakikita yung gusto mong tao, O baka ako lang yun?

"No, Sunny." Napasimangot ako. Kanina ko pa siya kinukulit. I want to go sa headquarter nila. Kuya have an Agency, where they use to protecting someone, guarding someone, investigating and marami pa. That was a private agency and I  was just accidentally discovered it nong minsan sinundan ko si Wesley. I was shock when I learn where their headquarter is.

"Kuya Wesley" kumaway ako sa kanya nang makita ko na siyang pumasok sa isang  pinto. Lumipat ang tingin niya saakin at nanlaki ang mata nang makita akong papalapit sakanya.

"What are you doing here?" He said at lalabas sana para kausapin ako pero binilisan ko ang lakad para pumasok. " Sunny, hindi ka pwede dito." 

Ngumuso ako at tumingin sakanya. This is mall so why am I not allow here? And I didn't know that there's an elevetor here.

"Sunny" he said na para bang mali ang pag punta ko dun.

"Why am I not allow here?" Nakasimangot na ako habang nakatingin sakanya. Nang makita ang simangot ko ay napabuntong hininga siya.

"Malalagot ako nito sa Kuya mo." Bulong niya na narinig ko. 

Bakit naman malalagot siya kay kuya? Yun ang tanong ko sa isip ko hanggang sa maramdaman kung hindi pataas ang elevator kundi pababa. Hindi ko pinansin yun kasi baka nagkakamali lang ako. How the hell na bababa pa ang elevetor kung nasa parking lot na kami nang mall.

Pagbukas na pagbukas nang elevetor ay para akong nanigas. Ang una kung nakita ay ang malawak na lugar na walang tao. Napakagandang tignan hanggang sa may bumukas na pinto at naglabasan ang ilang lalakeng naka itim at may hawak na baril. What the hell! Anong nangyayare?

Lalo pa akong nanigas nang malaman kung we are in the underground of this mall. I was 17 that time. 

Simula nang malaman kung may ganitong lugar. Palagi ko ng kinukulit si kuya Grayson na pumunta dito.

"Sige na Kuya please" I use the pa cute na palaging hindi mahindian ni Kuya. At dahil don, bukas na bukas din we are going na doon sa headquarter!

"Sunny, wag kang hahawak ng mga baril don pag may nakita ka. Wag mong istorbuhin ang mga nag sasanay." Kanina pa niya sinasabi yan. Papunta na kami ngayon sa headquarter nila. As if naman gagalaw ako nang baril don, takot ko nalang na makalabit ko to no. Si Wesley kaya ang pinunta ko dun Kung alam mo lang kuya.

"Opo, noted." 

Pang ilang punta ko na dito pero hindi parin ako makapaniwala. Hindi inakalang may ganitong lugar sa totoong buhay. Madami akong napapanood noon na mga underground and hindi ko inakalang makakasilay at makakapunta ako sa kagaya nito.

"Kuya, si Wesley?" Tinignan niya ako nang masama kaya kinagat ko ang labi ko "I mean, si kuya Wesley." Ulit ko nalang.

"Nasa baba. Don't disturb him." Grabe naman! Tsk. May pinindot siya at nilagay ang kanyang fingerprint. 

"May fingerprint din diyan sila Kuya Wes at kuya Easton?" Tanong ko.

"They have a card pass." Napatango ako. Ganon pala. Card pass.

"Can I have my own card pass, Kuya." Sinamaan niya ako ng tingin.

"No." Napairap nalang ako. Ang damot!

Pagkababa namin ay agad akong pumasok sa opisina ni Kuya. At doon nasilayan ko ang ilang araw ko nang hindi nasisilayan. My one and only Love, Wesley.

Natutulog siya sa sofa kaya nilapitan ko siya. Tumingin muna ako sa pintuan kung pumasok si kuya pero mukhang may ibang inasikaso. Dahan dahan akong na upo sa tabi niya. Sa pag upo ko palang ay bumilis nanaman ang tibok nang puso ko. How can he be so gwapo kahit natutulog? Bakit ganon!

He is 20 while I am 17. And i was 16 when I fall inlove with him. Sabi ni ate Hally, wag ko daw seryosohin to. Baka daw batang pag ibig lang, yung tinatawag nilang puppy love. Kung puppy love nga to, ano pa kaya yung totoong pakiramdam kung pag ibig na talaga. Yung pagka gusto ko kay Wes, yun yung nagtulak saakin para ayusan yung sarili ko. Dahil sakanya may nag bago saakin.

Hinawakan ko ang mukha ni Wesley habang tulog. Para saakin, perfect na siya. 

"Anong ginagawa mo?" Napakurap kurap ako sa harap niya habang ang nakapikit niyang mata kanina ay mulat na mulat na.

"Ano--may ano- may lamok kanina!" Bulyaw ko at tumayo. Dahan dahan naman siyang na upo at kinusot ang mata. Pati sa pag kusot nang mata ang guwapo niya. Sunny, matino ka pa ba!?

"Lamok? Ang pag kakaalam ko walang lamok dito." Nakatingin na siya saakin habang siya ay prente nang naka upo.

"Meron kaya! Are you saying na sinungaling ako?" Medyo sinamaan ko ang tingin sakanya. Ganyan nga Sunny. Wag mong ipahalata.

"Oo na. Sino kasama mo" pag iiba niya sa usapan. Dahan dahan naman akong na upo sa tabi niya. Pero shempre hindi mismo sa tabi niya. Medyo malayo sa kanya.

"Si kuya Grayson." Tumango siya at isinandal ang ulo sa may sofa. Muli ko siyang tinitigan habang muli naman siyang pumikit. "Pagod ka?" Tanong ko kaya napasulyap siya saakin.

"Medyo. Kagagaling ko lang sa palawan." Muli siyang bumalik sakanyang pwesto. Isinandal niya muli ang ulo sa sofa.

"Palawan?"

"Work." Simple niyang sabi kaya napatango ako. Kaya pala hindi siya napapadpad sa bahay nitong nakaraan. Nagpunta pala siyang palawan. Naguilty tuloy ako sa pag punta. Imbes na nagpapahinga siya ay natutulog at nakikipag usap ako sakanya.

Sasabihin ko sana siyang matulog na lang muna kaya lang may tumawag sakanya.

"Hello" Bigla siyang umayos nang upo nang marinig niya ang sambit ng kausap sa cellphone niya."Si Ashra talaga." Sa pagbanggit niya sa pangalang yun ay ngumiti siya. Yung ngiting hindi ko pa nakita kahit kailan, simula nong makita ko siyang papasok sa aming bahay. Ngiting hindi pilit.

"Kuya." Mahinang tawag ko sakanya pero nilagay niya lang ang isang daliri sa bibig. Para tumahimik muna ako.

"Tell her to stop doing that.... huh?... of course not.... oo... basta hindi muna ngayon.... I will tell her soon edward.... bantayan niyo muna, kayo munang bahala... she still a girl ed..." ngumiti siya at ang sunod niyang sinambit ay ang sumugat sa bata kong puso. "I love her for being like that, pero ayokong mabalitaan na dahil don mapapahamak siya..... I really love her. I really love Ashra."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status