Share

Kabanata 2 - Boyfriend

Wala sa sarili akong umalis. Kung puppy love ito bakit masakit? Bakit ganito? Habang binabanggit niya ang kanyang pangalan, kita ko ang saya sa mukha niya. Habang sinasambit niya kung gaano niya kamahal ang nagngangalang Ashra, nasasaktan ako.

Yung taong mahal ko, nagmamahal pala nang iba.

"Where are you going?" Napasulyap ako kay Kuya na nasa harapan ko. Mukhang pupunta na siya sa opisina niya.

"Ah ano Kuya. I need to buy something pa sa taas." Palusot ko. Tinitigan niya ako na para bang tinitignan kung nagsasabi ako nang totoo, kaya ngimiti ako sakanya at hindi pinaramdam na may iba.

"Ok. Call me pag tapos ka na." May pag dududa parin sa kanyang mukha. 

"Uuwi na ako pagkatapos, kuya. I will just call Manong Beni." I said and kiss his cheeks "Bye, Kuya." Ngumiti ako at nilagpasan na siya. Napapikit ako, ang hirap mag kunwaring ok.

Pagkalabas ko ay tumawag na agad ako kay Kuya Beni para sunduin ako. Parang nawala lahat nang lakas ko dahil don. 

"Opo, manong. Hintayin nalang kita dito." Sambit ko binaba na ang tawag

"Your kuya said that, you are going to buy something." Nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko. Napapikit muli ako dahil hindi ko na kailangang tignan para malaman kung sino yun.

"Ah.. oo kuya Wes" muli kung nilagyan nang ngiti ang aking labi nang tignan ko siya. Kumunot ang noo niya.

"Narinig kung nagpapasundo kana agad?" He asked. Narinig niya? Ghad Sunny, narinig nga niya.

"Next time ko nalang pala bibilhin yun." Sambit ko at nag iwas nang tingin. "Uuwi na ako. May gagawin pa kasi ako."

"Sumabay ka na." Binuksan niya ang pulang kotse na nakaparada sa tabi ko. "Text manong Beni, na ako na maghahatid sayo." 

Kaya nga ako aalis kasi ayaw muna kitang kasama! Bakit ngayong ayaw kitang kasama  saka ako magkakaroon nang pagkakataon na makasama ka!

"Ah, kuya." Tumingin siya saakin na may pagtataka. Nakita ko nalang ang aking sarili na sumasakay at tinetxt si manong Beni na hindi na niya ako kailangang sunduin.

"You, ok?" He asked habang nakatingin sa harapan niya.

"Of course, kuya." Sinubukan kung ngumiti.

Ganyan nga ngumiti ka, Sunny. Wag mong ipakitang nasasaktan ka. Wag mong ipakitang ang batang puso mo ay nakaranas na nang sakit na dulot nang puppy love man yan o talagang pag ibig na.

Sino kaya yung Ashra? Girlfriend niya? Taga saan? Bakit di ko siya nakikita? Anong klaseng tao siya? Maganda ba siya? Mabait? Mayaman?

Madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko habang pauwi. Seryoso lang siyang nagmamaneho habang ako ay para nang sasabog ang utak ko sa mga tanong na tumatakbo sa isip ko. 

Alam kong bata pa ako at ang taong gusto ko ay hindi na. Masakit man tanggapin at isipin, hindi malabong may girlfriend siya. Masama ba ako kung hihilingin ko na sana maghiwalay sila. Napapikit ako dahil sa na isip. 

My ghad, Sunny! What the hell are thinking. 

"May sakit ka ba?" Napasulyap ako kay Wesley na biglang nagsalita. Sumulyap siya saakin at muling binalik ang tingin sa harap. 

"Ok lang ako. Inaantok lang." Andami ko nang palusot sa araw na to. Tumango siya at medyo binilisan. Para siguro maka uwi na ako at maka tulog. "Ano, Kuya Wesley.  Hindi naman ako nagmamadali. Ok lang." Sambit ko

Umiling siya at ngumiti saakin. Yung ngiting yun.

"No, Sunny. Namumutla ka. You need to rest." He said

Napabuntong hininga ako. Wesley naman eh! Bakit ka ba ganyan! Tumango nalang ako kahit hindi niya nakita. Nang makarating ako ay nagpasalamat nalang ako at tipid na ngumiti. Aalis na sana ako kaya lang.

"Take a rest, Sunny." Ngumiti siya at kumaway. Pinanood ko siyang umalis. Ilang minuto pa akong nakatayo don habang nakatingin parin sa dinaanan nang koyse niya.

"Siya pala yun." Literal na napatalon ako dahil may nagsalita sa gilid ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. Tinignan ko nang masama ang taong yun.

"Dino! You're so nakakainis talaga!" Bulyaw ko. Nasa labas siya nang gate sa bahay. Imbes na mag sorry ay pinitik niya ang aking noo.

"Ang tanda non. Yun ba yung dahilan." May pagkainis sa boses niya. Hindi niya man lang alintana ang masama kung titig sa kanya.

"Excuse me! He is not matanda kaya. 3 years lang ang tanda niya." Sabay irap ko. How dare him para sabihing matanda si Wesley.

"He is matanda than you, so he is matanda. Period." Ginaya niya kung paano ako magsalita at sabay irap pa. Nang aasar ba to? Ha!

"You, Dino. Can you please leave na lang sa harap ko." I said na naiinis na.

"What if, I don't want to alis alis on your harapan." Nang iinis pa niyang sambit.

"DINO ACE DELA FUENTE!" Sigaw ko na sa inis. Alam niya talaga kung paano ako inisin. Tong lalakeng to!

He is Dino Ace Dela Fuente, my bestfriend na laging nang-iinis sa akin. He always there pag kailangan ko siya. Sabi niya pag may nang iinis sa aking iba at may gumagalit saakin, ipagtatanggol niya daw ako. Matatouch na sana ako sa mga sinasabi niya kaya lang, pag sinasabi niya yun may karugtong.

"I will always here for you. Walang ibang mang iinis at mang aaway sayo, ipagtatanggol kita.... Ako lang ang pwedeng mang inis  at mang galit sa nag-iisang Sunny Enriquez, wala nang iba." Sabay tawa niya nang mala demonyo.

He is so nakakainis because of that attitude. 

"Ok fine." Sabay tawa nang bigkasin ko ang buong pangalan niya. Pag binibigkas kona kasi ang buong pangalan niya, alam niya nang sasabog na ako. 

'What are you doing here ba?" Tanong ko  habang binubuksan ang gate. Wala nanaman yung guard!

"Gusto ko lang ng lambing nang bestfriens ko." Pag sinabi niya yun alam ko na.

"Nag-away nanaman kayo nang kuya mo?" Tanong ko at naupo sa upuan sa may pool.

Gusto ko muna dito. Gusto kung kalimutan yung nangyare kanina.

Umupo siya sa upuan sa tabi ko.

"As usual. Iniisip niyang kukunin ko ang companya sakanya kasi...Tungkol sa business ang kukunin ko sa college." 

Napabunting hininga ako. He's Kuya is not really a Dela Fuente. Anak siya nang step mom niya. They always like that. Mag-aaway for business, magkakasakitan for business. 

"Sayo naman talaga yun. What the hell is wrong to your step brother." Irap ko

"I don't care about our business. Total sila naman talaga nang mommy niya ang nag palago nang sobra sa companya. I want to make my own company." Sabi niya

Pero kita ko sa mukha niya, he want the company. Siguro ayaw niya lang na mas mag away sila nangw pkuya niya. Hindi man niya sabihin, he loves his Kuya and his step mom. Para paga-anin ang loob niya tumabi ako sakanya at niyakap siya.

"Sad boy ka na, bestfriend ko?" Medyo may pag-iinis kung sambit. This is how we express our care sa isa't isa. Asaran.

"Anong Bestfriend ko? Kadira ka" sambit niya at pinitik muli ang noo ko. Masama ko siyang tinignan. 

"Ayaw mo nang Bestfriend ko?" Tanong ko.

"Hindi bagay sayong maging sweet!" Sambit niya pero iniyakap naman niya ang isang braso saakin.

Dahil sakanya at dahil don nakalimutan ko kung paano nasaktan ang bata kong puso. Dahil don pansamantala kong nakalimutan si Wesley.

"Eh anong gusto mo? Bes? Bhe? Ano pa ba yung tawagan nila?" Tuloy tuloy na sabi. Ngumiwi siya at muling pinitik ang noo ko.

Bakit ba ang hilig niyang pumitik nang noo.

"Kailan ka pa naging jejemon?" Tinawanan niya pa ako.

"Hindi naman pagiging jejemon yun ah!" Bulyaw ko sakanya. Tatanggalin ko na sana ang isang kamay niyang nakayakap saakin pero...

"Ok, sabi mo eh" tawang tawa pa siya.

"Ah alam ko na..." ngumisi ako kaya tumigil siya. 

"Ano yun?siguraduhin mong hindi pang jejemon yan ah."

Umiling ako at mas pinatamis abg aking ngiti.

"Love" sambit ko at kinindatan pa siya. Natawa ako nang makita kung namula siya. Dino Ace Dela Fuente namula? Bago yun ah. "Namula" pang-iinis ko pa kaya tinignan niya ako nang masama. Ano ka ngayon! Jejemon pala ha!

"Tumigil ka nga!" Tawa parin ako nang tawa. Tinannggal niya na rin ang yakap saakin. Hindi talaga ako makapaniwala. Namula siya! 

"Love, wag ka nang magdrama." Pang-iinis ko pang lalo.

"Sunny!"

"Love, you are mas gwapo nan than your kuya. So don't be sad na ok." Nagpacute pa ako sa harap niya. Inis siyang tumayo at tinignan niya ako nang masama.

"Su---"

"Ehem" 

Natatawa pa akong lumingin sa tumikhim sa likod namin. Pero napatigil ako nang salubungin ko ang tingin ni Wesley. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isang kamay ay hawak hawak ang cellphone ko. Nakilala ko agad na cellphone ko yon dahil sa may keychain akong nilagay don.

"K-kuya Wesley." Napatayo ako at napakurap kurap. Tumingin siya sa akin nang seryoso.

"You forgot your phone." He said.

"Ah..." pumunta agad ako sa harap niya. "Thank you, Kuya Wes" napakagat ako nang labi nang ini abot niya yun. Nakita kung lumipat ang tingin niya sa taong nasa likod ko. Kaya, tumingin ako don at sinenyasan si Dino na umalis na muna. Pero ang walang hiya, umirap at bumalik sa pagkaka upo. That guy!

"Did your Kuya Grayson know?" Napabalik ang tingin ko kay Wesley.

"Huh?" Taka kung tanong. Anong alam ni kuya. Tinitigan niya ako nang seryoso.

"Did your kuya Grayson know that you have a boyfriend?" Ulit niya pero mas detalyado na ang kanyang tanong.

Boyfriend? Akala ba niya boyfriend ko Dino? Seryoso ba siya?

"Ah Kuya, he is not----" pinutol niya ang kung anong sasabihin ko.

"You're only a child. Bata ka pa para dyan." Pagkasabi niya non ay tumalikod siya.

Anong nangyare? Narinig niya ba yung tawag ko kay Dino? Pero bakit hindi man lang siya nagtanong? Jump to conclusion na agad siya. Dino is not my Boyfriend! 

I am only a child? Really? Alam kung bata pa ako pero, kailangan pa ba niyang ipamukha. Bata pa ako para sa love? Yun ba ang ibig niyang sabihin?

Pag bata ba wala nang karapatang magmahal? 

Napabunting hininga ako. 

"Hoi, what happen on you?" Dino asked when he come close to me. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko nang hindi ako nagsalita. Hinarap niya ako sakanya at tinitigan ang mata.

Tumingin ako sakanya at napasimangot.

"Akala niya, you are my boyfriend." Mahina kung sambit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status