Share

Kabanata 7 - Same birthday

Even though Ate Hally and I didn’t have a good conversation, she still followed the list I gave for my 18 roses. She said, if this is what I want then she can do nothing about it. She was just worried na baka mag taka si lolo.

I'm just turning 18 pero ito na ang pinoproblema ko. Pinoproblema ko ang hindi pagtanggap ni lolo kay Wesley pero hindi ko pa nga nasasabi kay Wesley ang nararamdaman ko. Hindi ko pa nga alam kong gusto niya din ba ako o kung wala na ba siyang gusto don sa Ashra na yun.

Matagal na yun but.... The name of that girl is still on my mind. Hindi ko makalimutan at sa tingin ko kahit kailan ay di ko yun makakalimutan. Anong klase siyang babae at nagustuhan siya ni Wesley. Is she prettier than me?

Napabuntong hininga ako sa naisip. 

"Para saan ang buntong hiningang yun?" Ghad umayos ka, Sunny! I cleared my throat when I saw and noticed his stare at me, maybe he was wondering ... why I was silent.

"Ah.. wala, kuya. Btw, bakit ikaw yung dumating imbes ni si manong?" I always ask him, when all of a sudden he will show up to pick me up or take me somewhere. I always speculated that maybe this time, it would be his own choice to take me home and pick me up somewhere. But of course ... even if I dont ask, I already know the answer.

"Your kuya Grayson said that, if I have time ako na ang maghahatid sayo." Napakagat ako sa labi ko at nag iwas ng tingin. Palagi ko nalang tinatanong yun at palaging yun naman ang sagot niya. Gusto ko sanang sabihin sa sarili ko na 'wag ng umasa...pero... everytime na may ganito hindi ko maiwasan.

I always use the word baka. But, the word baka always hurt me at the end. Simpleng salita lang pero nakakapanakit. 

"You don't need naman kuya na ihatid ako." Sumulyap siya sa akin at binalik muli sa harapan. 

"Yes, I don't need but... ayaw kong hindian ang kuya mo." Sambit niya. Ok, relax lang self. Madami pang susunod na araw at sisiguraduhin kong hindi na yan ang susunod na sagot niya sa mga tanong ko.

Tumango nalang ako at pinagka abalahan ang cellphone. Dino send a message. Siya ang kikitain ko ngayon, wala naman kasi akong ibang kaibigan. Kung hindi ang lalakeng yun ang kasama ko, ang mga pinsan at mga kapatid ko naman.

I don't need a friend na plastic, kahit iisa lang basta totoo. 

"Sunny." Nireplyan ko si Dino na malapit na kami ng biglang magsalita si Wesley.

"Kuya?" Pagka send ko ay sumulyap ako. Hindi siya mapakali ng tignan ko siya

.. para bang may gustong sabihin pero hindi masabi sabi. "Kuya?" Ulit ko. Bumuntong hininga siya at umiling.

Huh? Ano kaya yun? 

Nagkibit balikat nalang ako kahit subrang curious na sa sasabihin niya. Ayokong pilitin siya.

Pagkarating namin sa mall ay bumaba agad ako.

"Kuya, thank u!" Sambit ko habang pababa. Sa ibang mall ako bibili at magkikita ni Dino at hindi don sa parehong mall kong nasaan ang headquarter nila. Sabi ni Dino, para maiba naman.

I waited for him to leave first. It's just that he didn't start the car even though kanina pa ako nakababa sa sasakyan. What's his problem? Naghintay pa ako hanggang sa bigla siyang bumaba habang may hawak na jacket. Hindi ko iwasan na ikunot ang noo ko.

"Kuya?" Napapansin kong kanina pa ako kuya ng kuya ah! Umayos nga ka, Sunny!

Hindi niya ako matignan habang papalapit sa akin. Pagkalapit ay nagulat nalang ako ng bigla niyang tinali ang dalawang kamay ng jacket niya sa bewang ko.

What the hell is this? Tulala lang akong nakatitig sa kanya habang tinatali ito sa bewang ko, seryoso lang siya bahang ginagawa ito. 

After he tied the jacket he immediately straightened up. I tried to look into his eyes, but he really avoided me.

"Ang iksi ng palda mo, kunting tuwad mo lang, makikitaan ka na." He said and turned his back on me to get back in the car.

I can not move. it was as if my feet were nailed to where I was now. until he left I was still tulala and couldn't believe what just happened.

Please, tell me, this is not a dream. Para akong nilulutang sa sayang nararamdam ko.

Hinawakan ko ang jacket niyang itinali niya sa bewang ko. Damm this feeling!

"Concern na ba siya sa akin?" Sambit ko habang nakatayo parin sa kong saan niya ako iniwan. Alam kong para na akong baliw na nakatayo lang don at tulala, but.... I don't care! "That's so sweet, damn it!" Sambit ko pa ulit at hindi maiwasang mamula ang aking pisngi. 

Ang init! Bakit ang init ng pisngi ko!? Bakit parang may kulisap sa tyan ko!? Bakit para akong ewan ngayon!? Sunny!

Teka! Bakit ganto? Hinihingal ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi ko habang ang ngiti sa labi ay talaga namang abot tenga. I know it! Dito na yun magsisimula. He care for me! 

Nakahawak ako sa puso ko habang pinapakiramdaman ito dahil sa subrang lakas ng tibok. May naramdaman akong humawak sa balikat ko pero hindi ko nagawang pansinin. Kung nasa tamang pag iisip ako baka kanina ko pa tinarayan kong sino man ang walang hiyang to.

Pagkasambit niya ng pangalan ko ay alam ko na sino. Hinarap niya ako sa kanya kaya nakita ko ang ang pagtataka sa kanyang tingin. Nakakunot ang kanyang noo.

"Hey! What happening to you?" Niyugyug niya ako ngunit nakangiti lang akong nakatitig sa kanya. Nang hindi ko na makaya ay bigla ko siyang niyakap.

Subrang saya ko! 

"Dino!" Sambit ko habang nakangiti. 

"What the hell!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko kaya nong matanggal niya ay pinitik niya ang noo ko. 

"Aray." Sambit ko ngunit nakangiti parin. Mukhang walang makakasira sa ngiti ko. Ibang klase ang sayang hatid niya sa akin.

"Sunny!" Kumurap kurap ako habang siya ay kunot parin ang noo.

"He finally care for me! May pakealam na siya sa akin, Dino! Si Wesley!" Sunod sunod na sambit ko. Ang kaninang pagtataka ay napalitan ng seryosong mukha. Bumuntong hininga siya at nag iwas ng tingin. What's with him?

"Let's go. Bilhin mo na yung bibilhin mo. I need to go somewhere." Sambit niya at tinalikuran ako. Nagkibit balikat na lang ako pagkatapos ay sumunod sa kanya.

Buo na ang pasya ko. Kahit anong isipin ni lolo, ayos lang. Si Wesley ang magiging last dance ko. Siguro pag nagmamahal at masaya, wala ka ng pakealam sa mangyayare.

At dahil siya ang last dance ko, I need to make myself more beautiful. Hindi pwedeng maganda lang. Dapat magandang maganda.

Nagpahatid ako kay Wesley sa mall kong nasaan ang headquarter nila kuya. Nagtataka nga si Wesley kasi galing na nga kami sa mall, pupunta pa ako sa ibang mall. 

Badtrip tuloy siya kasi nagsasayang lang daw siya ng gas. Grabe! Mayaman naman siya sa alam ko bakit ang kuripot niya! Hindi naman siguro siya pinagdadamutan ng pera ng stepmom niya.

Dahil sawa na si kuya Grayson na palagi nalang siyang umaakyat para papasukin ako, Kuya gave me a card pass. Yes! I have already a card pass. Kaya, anytime pwede na akong pumunta dito.

Pagkapasok ko palang sa opisina ni Kuya ay  nilibot ko agad ang tingin ko sa paligid.

"What are you doing here?" Rinig kong sambit ni kuya kaya tumingin ako sa kanya at lumapit.

"Where's Wesley, kuya?" Tanong ko.

"He's doing his training, Sunny." Nakakunit na sambit niya. Himala! Hindi siya nagtanong kung bakit ko siya hinahanap. Hindi man sabihin ni kuya kong nasaan si Wesley, alam ko na.

Pagkapasok ko ay mag isa lang siya habang may suot na headphone at may hawak na baril. Ghad! He's so gwapo!

Bakit feeling ko nanonood ako ng action movie at siya ang bida. Isang kamay lang ang gamit niya habang nakatutok ang baril sa target. Naramdaman siguro niya ang titig ko kay binaba niya ang kamay at tumingin sa direction ko.

Tinanggal niya ang headphone at tinanggal ang bala ng baril na hawak niya. Hindi na bago sa akin ang makita siyang may hawak na baril. Ilang taon na din akong pabalik balik dito.

Noong una natakot ako dahil bakita ko siyang may hawak na baril, nag aalala ako na baka magkamali siya at sarili niya ang masaktan.

"What are you doing here?" He asked.

Napansin kong dumapo ang tingin niya sa jacket niyang nasa bewang ko parin. Mabilis lang ang pagdapo ng tingin niya at muling binalingan ang baril na hawak niya.

"Can I talk to you?" Tanong ko.

"Just talk, Sunny." He said kaya napakagat ako sa labi ko. Bakit kinakabahan ako. Relax, Sunny.

"I just want to inform you that, you are my---" tumunog ang cellphone niya kaya tinaas niya ang kamay para patigilin ako. May ngiti sa labi niya habang nakatitig sa kong sino man ang tumatawag.

"Hello, Ashra." Tumigil ang mundo. Sabi nila pag inlove ka titigil ang mundo pero sa akin hindi. Tumitigil ang mundo ko pag nasasaktan ako. "Really? Siya ba talaga nagpapatanong?... ok ok kalma." Sabay tawa pa nito. Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang luha. 

"Oo. September 17 uuwi ako.... It's your birthday, hindi pwedeng wala ako." Sambit niya habang nakangiti.

Akala ko wala ng makakasira sa ngiti ko. Akala ko, may pag asa na ako. Akala ko lang pala yun.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status