Share

02

WHAT'S my schedule for this week, Raz?" tanong ni Ross sa sekretarya habang ang mga mata ay nasa monitor ng computer.

"Meron po kayong business trip this coming Friday until Monday," sagot naman ng kanyang sekretarya.

Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. "I didn't know about that, saan yan?"

"Sa Baguio po ito, Sir. Akala ko po ay binanggit na sa'yo ng Lolo mo bago nya sabihin sa akin,"

Salubong ang kilay nyang hinarap ang sekretarya. "Who am I with?"

"Pumunta na lang daw po kayo sa opisina ng Lolo mo," nagtataka syang tumango sa babae.

Knowing his Lolo, masyado itong busy sa twing narito ito sa kanyang opisina. Sa twing may kailangan ito ay itinatawag na lang nito ang kailangang sabihin o pinadadaan sa kanyang sekretarya ang buong detalye. Nakakapagtakang gusto nitong personal syang makausap sa kabila ng hectic schedule nito.

He off his computer and immediately go to his Lolo's office.

Nadatnan nya itong nakaupo sa swivel chair habang nakapangalumbaba.

"Your just on time, Ross," anito matapos sumulyap sa wristwatch na suot.

"What is it about, Lo?" umupo sya sa chair na nasa harap ng table nito.

"Your secretary already told you, right?" tumango sya. "Your going to Baguio for a business trip,"

"Yeah, Raz told me about that. I came here to ask who am I with?" pinag-krus nya ang nga binti.

"Guess who," makahulugan sya nitong nginisihan.

"C'mon, Lo. Si Raz ba?" nababagot nyang tanong.

"No. Raz will be staying here dahil naka-leave ang secretary ko," pinaglaruan nito ang ballpen na nasa mesa.

"Then who?" nagtitimpi nyang tanong.

"Si Cielo," nagulantang ang buo nyang pagkatao dahil sa sinabi ng kanyang lolo.

NAKASIMANGOT si Cielo nang magising sya. Panaginip lang pala. Akala nya ay totoong katabi nya si Ross sa kama.

Bumangon sya para magtungo sa kusina.

"Ako na po ang magluluto para sa dinner, Manang," paalam ni Cielo sa matanda.

"Pagod ka pa yata, hija?" itinigil nito ang ginagawang paghihiwa ng mga rekados.

"Nakapagpahinga na po ako," nakangiti nyang sagot.

"Oh sige, hija. Lilinisin ko na lang ang kwarto ni Ross," biglang nagbago ang isip nya dahil sa sinabi ng matanda.

"U-uh, ako na lang po ang m-maglilinis doon," napapikit sya matapos sabihin 'yon.

"Sigurado ka ba?" nang-aasar na paniniguro nito.

"Opo. Akyat na po ako," tumalikod na sya at iniwan ang matanda.

Alam na alam na talaga nito kung paano hulihin ang kiliti nya.

Bukas ang kwarto ni Ross kaya malaya syang nakapasok. Isinarado nya rin ito upang hindi sya maistorbo sa gagawing paglilinis.

Napakamot sya sa ulo dahil napaka-gulo ng kwarto ng lalaki. Nakakalat ang mga T-shirt at short nito, pero gayumpaman ay wala namang underwear na mamamataan.

Inilagay nya sa tray na lagayan ng mga labahan ang damit ng lalaki. Inayos nya rin ang tiklop ng kumot nito, maging ang bedsheet ay parang plinantsa sa kahipidan.

Sa hindi sinasadya ay nagawi ang paningin nya sa isang photo album na nasa ibabaw ng cabinet.

Nilapitan nya ito para kunin. Puno ito ng alikabok, halatang matagal na noong huling beses itong mabuklat.

A pinched of pain draws in her heart when she finally open the album.

It was Ross' picture with his ex.

They seem so inlove with each other back then. Parang kumikislap pa sa saya ang mga mata ni Ross dito, hindi katulad ngayon na pawang inis at galit na lamang ang makikita.

Isinara na nya ang album dahil hindi na nya kayang patuloy pa itong pagmasdan.

Tinapos na nya ang ginagawa at bumalik na sa kanyang kwarto. Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil amoy pawis na sya. Kumuha sya ng damit nya upang sa kasilyas na rin magbihis.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang paglabas nya mula sa kasilyas ay naroon si Ross sa gilid ng kama nya habang nakaupo at nakatitig sa kanya.

"Uh, kanina ka pa ba?" naiilang na tanong niya rito.

Tumayo na ito. "Follow me at my office," masungit na anito bago sya iwan.

Kumunot ang noo nya pero mabilis rin namang tumalima. Nagsuklay muna sya bago nagtungo sa opisina ng lalaki. Kumatok muna sya at ng hindi makatanggap ng sagot ay pumasok na.

"May kailangan po ba kayo?" aniya nang nasa may pinto pa lang sya.

"Sitdown," itinuro nito ang upuan, mabilis naman syang naglakad papasok at umupo sa upuang itinuro nito.

"May kailan—," pinutol nito ang sasabihin nya.

"Wala akong kailangan sa'yo, I just need you to accompany me to Baguio," malamig na pahayag nito.

"Magkaiba ba 'yon?" naguguluhang bulong nya sa sarili.

Nag-angat sya ng tingin. "Ano naman ang gagawin ko sa Baguio, aber?" tanong nya rito na para ba'ng hindi nya amo ang kausap nya.

"Sasamahan mo ako," matigas na sabi nito, halatang nauubos na ang pasensya.

"Hindi mo ba kayang pumunta doon ng mag-isa?" 

"I can. I just don't have a choice." nilaro nito ang ballpen na nasa mesa.

"Talaga ba? Nothing less, nothing more?" tukso nya pa rito.

"Ano ba'ng iniisip mo? Sasama ka ba o hindi?" masama ang tinging ibinigay nito sa kanya.

"Sige, kailan ba?" lumapad ng ngisi nya.

"This Friday, pabalik din tayo agad. And please, will you stop grinning? It was so annoying." salubong na salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.

"Bakit nga pala ako ang isasama mo? Asan ang secretary mo?" hindi nya pinansin ang sinabi nito.

"You don't have to know," anito at tumayo para maglakad palabas ng opisina.

"Kung hindi lang talaga kita mahal, tinadyakan na kita!" mahinang sigaw nya.

Nakabusangot ang nukhang lumabas sya ng opisinang 'yon at dumiretso na sa kusina.

NAUBOS ang pasensya ni Ross dahil sa kakulitan ni Cielo. Imbis na masigawan pa ito ay umalis na lang sya at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang Lolo.

"That girl is a headache, Lo," bungad nya sa matanda na nakaupo sa swivel chair nito.

"Why, hijo?" humagikgik ito.

"Napaka-daldal," reklamo nya.

"Kailangan mo ng masanay, Ross," makahulugang anito.

"Ano nga ba ang gagawin ko sa Baguio?" naaalala nyang hindi pa nga pala nya naiitanong kung anong business trip ang ipupunta nya doon.

"There's a client there, and kailangan mo ring maglibot ng mga lote doon na pwedeng patayuan ng mga bahay, alam mo namang marami na ang naghahanap ng bahay sa lugar na 'yon," mahaba nitong paliwanag.

"But, I can do that alone," sabi nya, umaasang hindi na nito ipapasama si Cielo.

"You have to come there with Cielo," pinal na anito.

"Looks like i don't have a choice," irita nyang sagot.

"Ano ba'ng inaayawan mo kay Cielo, hijo? She's a good lady," andito na naman ang kanyang Lolo sa pagpapabango sa pangalan ng babaeng 'yon.

"I just dont want her, Lo, periodt," aniya at lumaghok ng alak na dala.

"Wag ka'ng magtapos ng salita, Ross. Her beauty is irresistible," tinapik pa nito ang kanyang balikat.

"He's nothing in my eyes," nagdilim ang mata nya ng pumasok sa isipan ang imahe ng babae.

'And besides, isang babae lang ang gusto ko, Lo.'

His lolo just chuckled.

"Halika na, kumain na tayo," nauna na itong lumabas.

Sumunod na rin sya dito. Pinatay nya muna ang ilaw ng silid bago sya lumabas.

As usual, naroon na naman si Cielo sa likod ng upuan nya. Hindi na nya ito pinansin at umupo na lang.

Sabay silang natapos ng kanyang Lolo pero mas nauna itong umakyat. Nanatili muna sya sa sala upang manood.

Matagal na syang nakaupo ng maalala nyang nakalimutan nyang inumin ang kanyang tsaa. Muli syang bumalik sa kusina para inumin ito.

"Oh, hijo? May kailangan ka ba?" tanong sa kanya ni Manang Esing.

Mabilis naman syang nilingon ni Cielo.

"I forgot to drink my tea." sa halip ay sabi nya.

"Ah, narito." iniabot ito sa kanya ng matanda.

Nakatingin lang sa kanya si Cielo, nakaramdam sya ng pagkailang dahil sa ginagawa nito.

"What?" iritang tanong nya.

"Psh. Sungit." nag-iwas na ito ng tingin at nag-focus na sa pagkain.

Bumalik na rin sya sa sala upang patayin ang TV. Umakyat na rin sya sa taas upang matulog na.

MATAPOS ang masaya nilang hapunan ay nag-boluntaryo si Cielo upang sya na ang maghugas.

Nang una ay ayaw pumayag ng matanda pero napilit rin nya ito.

She is humming while washing the dishes when suddenly someone cleared a throat.

Napalingon sya sa pinto at gaya ng kanyang inaasahan, naroon si Ross.

"Bakit po?" her eyes glistened.

"About our trip to Baguio, aalis tayo exactly eight in the morning," pinagkrus nito ang braso.

"Uh, yon lang ba?" itinigil nya ang paghuhugas at hinarap ang lalaki.

"What do you expect?" pilosopong tanong nito.

"Malay ko ba'ng gusto mo lang pala akong makita?" nagtaas- baba ang kanyang mga kilaym

Kabaliwan mo, Cielo," umirap ito habang sya ay napanganga sa sinabi nito.

Hindi dahil sa sinabihan sya nitong baliw kundi dahil sa pangalan nya. Kakaiba ang pagbanggit rito ng lalaki. Para ba'ng sa lahat ng tumatawag sa kanya ng ga'non ay ang kay Ross lang ang pinaka-masarap sa tenga.

'Baliw na nga siguro ako.'

"Goodnight, Cielo," nagulat sya sa sinabi nito.

Nagtatalon sya habang yakap-yakap ang sarili dahil sa sinabi ni Ross.

'Pwede naman palang first name basis, eh.'

Napangiti na lang sya dahil sa simpleng bagay na ginawa ni Ross. Nag-uunahan rin ang tibok ng kanyang puso dahil doon.

Tinapos na nya ang paghuhugas upang makaakyat na sa taas. Pinatay nya muna ng mga ilaw bago umakyat.

Nagulat sya nang makasalubong sa hagdan ang Lolo ni Ross.

"Can we talk for a minute, Cielo?" ngiting-tanong nito.

"Sige po," mabilis na payag nya.

"Follow me at my office, hija," sumunod sya sa sinabi nito.

"Ano po'ng pag-uusapan natin, Sir?" aniya ng makarating.

"Oh c'mon, stop being so formal. Just call me Lolo," nagulat sya sa sinabi nito.

Matagal bago sya nakapag-react. Kung alam lang nito na Lolo na talaga ang tawag nya rito ay baka mapanganga na lang ito.

"S-sige po, Lolo." ngumiti sya rito.

"It's about your trip to Baguio, Cielo," mas seryoso ng pahayag nito.

"May problema po ba?" nag-aalala nyang tanong.

"Wala naman, hija. I just want to ask for a little favor," alanganing pahayag nito.

"Ano po 'yon?" bahagya syang kinabahan.

"I want you to be extra kind to Ross while your on Baguio." 

"Yon lang po ba?" nakahinga sya ng maluwag dahil akalan nya ay kung ano na ang nangyari.

"Gusto ko ring mas habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Aware naman akong may pagka-masungit si Ross but trust me, he has a heart," hinawakan nito ang kanyang mga kamay kaya hindi nya naitago ang pagkabigla.

"B-bakit nyo po 'yan sinasabi sa akin?" nalilitong tanong nya.

"Wala naman, hija," mukhang may gusto pa itong sabihin pero hindi na ito nagsalita.

'Mm? Mukhang may gusto pa syang sabihin, eh. Ano kaya 'yon?'

"Anyway, take this. Gusto ko'ng bumili ka ng mga pangangailangan mo, I want you to take a day-off tommorow," iniabot nito sa kanya ang makapal na bugkos ng pera.

Nangunot naman ang noo nya. "Hindi ko po 'yan matatanggap," tanggi nya at ibinalik ang pera.

"Take this as my gift for you, Cielo. Magtatampo ako sa'yo kapag hindi mo ito tinanggap." malungkot na sabi nito.

"Napakarami po nyan," tanggi pa rin nya.

"Buy whatever you want. You can go to the salon also, although maganda ka na, make yourself more beautiful," ngumiti na ulit ito sa kanya.

"Bakit po?" naguguluhan nya pa ring tanong.

"Because that's what I want you to do, that's my gift for you," 

Napabuntong-hininga na lang sya. "Thank you po," wala syang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito.

Tumayo na sya at naglakad patingo sa pinto. Palabas na sana sya nang muli itong magsalita.

"Cielo?" tawag nito sa kanya.

Mabilis naman syang lumingon. "Po?"

"Ah, wala, hija. Goodnight." ramdam nyang may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na sya nag-usisa pa.

Palaisipan pa rin sa kanya ang ginawa at sinabi ng matanda kanina pero mas pinili nyang paniwalaan ang sinabi nitong regalo ito para sa kanya.

Sandali syang naligo at nang matapos ay natulog na.

KARARATING lang ni Ross mula sa kusina nang mag-ring ang cellphone nya.

At dahil tinatamad ay hindi nya ito sinagot. Nahiga na lang sya sa kama nya at binuksan ang TV.

Maka-ilang beses pang nag-ring ang cellphone nya pero hindi nya pa rin ito sinasagot.

Sa isipin na baka ito ay ang kanyang secretary, tinatamad syang bumangon at kinuha ito.

Nangunot ang noo nya nang mabasa ang isang text message na naroon.

Gayumpaman ay hindi napigilang tumibok ng malakas ang kanyang puso. Wala pa rin talagang nagbago, mahal pa rin nya ang kanyang dating kasintahan. Masyado lang syang binulag ng galit nya rito.

Venus:

Hi honey. I miss you and I know you miss me too. So, guess what? 

Nangunot ang noo nya nang mabasa ang text message nito. Magta-type na sana sya ng reply nang bigla itong mag-send ng picture.

It was a plane ticket bound from US to Manila.

Venus:

I will be home for two days. Be ready, Ross. I will take you back again in to my arms no matter what happen. Because your mine, all mine.

To be continued. . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status