Share

CHAPTER 2

Third Person POV

Kinabukasan ay isang katok galing sa mga katulong ang nagpagising kay Satana upang masimulan ng mga ito ang kanilang paghahakot sa kaniyang mga kagamitan.

Gustuhin mang magalit ni Satana at pigilan ang mga ito ay hinayaan niya nalang at pilit na pinakalma ang sarili.

Sa loob ng Eleven years walang ginawa si Satana kundi baguhin ang isip ng kaniyang Ama. Sinubukan na niyang mas maging mabait, pasaway at kung ano pang-ugali ang maaari, ngunit sa kabila ng lahat, kailangan niya pa ring gawin ang napagkasunduan.

Mapait na napangiti si Satana sa kaniyang naisip.

"Anak." Tinig ng babae ang nagpagising sa malalim na pag-iisip ni Satana.

Hindi niya ito nilingon tanging repleksyon lang nito sa salamin ng vanity table ang kaniyang tinignan.

Ang babaeng kinahahangaan niya ng sobra noon.

Ang makinis at maputi nitong balat noon ay nagkakaroon na ng bakas ng katandaan, ang mga mata nitong napupuno ng saya noon ay napalitan na ng kalungkutan at ang akala niyang purong pagmamahal nito sa kaniya ay isa pa lang imahinasyon.

"May kailangan ka?" ani Satana habang pinagpapatuloy ang pagsusuklay sa kaniyang itim na buhok.

"Patawarin mo ako." Nag-iwas ng tingin si Satana at ngumisi.

Bagama't kita mula sa repleksyon nito ang pagsisisi hindi pa rin ito kinaawaan ni Satana. Kahit tingin ay kaniyang ipinagkait matapos marinig ang sinabi nito.

Para sa kaniya hindi niya kailangan nang paulit-ulit na sorry. Paliwanag, iyon ang kaniyang hiling na ni minsan ay hindi niya narinig sa kaniyang mga magulang.

"Iyon lang ba? Pupwede ka nang umalis, kailangan ko pang mag-ayos para sa lalaking doble ang edad sa akin," ani Satana habang inaayos pa rin ang kaniyang buhok.

"Anak," tawag muli ni Amy. Ngunit ni repleksyon niya sa salamin ay hindi na tinignan ni Satana kaya naman nanlulumo itong kusang umalis.

Simula ng araw na iyon ay isang beses lang nagkausap ng matino ang pamilyang Quinzel at hindi naging maganda ang kinahantungan ng pag-uusap.

Flashback

"Daddy, Mommy ano po yung narinig ko?" Naiiyak na tanong ng batang Satana sa kaniyang mga magulang nang mahabol nila ang kanilang anak sa kaniyang kwarto.

"Di ba ang sabi ko hindi ka dapat nakikinig ng usapan ng mga matatanda?!" sigaw ni Julio sa kaniyang anak na ni minsan ay hindi niya pinagtaasan ng boses. Ngayon pa lang.

Alam niyang matalino ang anak at madali nitong maiintindihan ang kanilang pinag-usapan ng asawa. Kaya naman labis ang takot niya ng makita ito sa pintuan ng kaniyang opisina.

"Pero tungkol po iyon sa akin."

"Usapang matatanda pa rin iyon!" ani muli ni Julio habang si Amy ay hawak ang kamay ng kaniyang anak na nanginginig sa takot.

"Mommy bakit mo po ako iniwan sa gubat? At bakit po ako ipapakasal sa taong doble ang edad sa akin? Ayaw niyo po ba sa akin?"

"Hindi anak, mahal na mahal ka ni Mommy." Naiiyak na sagot ni Amy habang hinahaplos ang pisnge ng kaniyang anak.

"Pero bakit po?" Hagulgol at iling ang itinugon ng ginang, puno ito ng pagsisisi mula sa nakaraan.

"Pera lang ba ang gusto niyo kaya ganoon ang ginawa niyo?" tanong ng batang Satana dahilan upang mabigla at mauwi sa galit ang emosyong nararamdaman ni Julio.

End of Flashback

"Ate, pinapatawag ka po ni Daddy nandiyan na daw po ang sundo," sambit ng isang tinig kaya naman nilingon ito ni Satana at nakita ang kapatid.

Nginitian niya si Angel at inilahad ang kaniyang dalawang kamay upang mayakap ang nakababatang kapatid nang mapansin niya ang pamumugto ng mga mata nito.

"Namumugto ang mga mata mo gusto mo bang hindi ka na magugustuhan ng crush mo?"

"Mamimiss kita." Hindi pinapansin ang pananakot ng kaniyang Ate.

"Ang tanda-tanda mo na mami-miss mo pa rin ako?"

"Ate naman."

"Sige na bumaba ka na, bababa na rin ako sabihin pa ng Daddy hindi ako masunuring anak," ani Satana habang marahang itinutulak ang kapatid palabas ng kaniyang kwarto.

Nang makalabas ito ng kwarto ay siya namang pagkawala ng matatamis na ngiti sa kaniyang labi at napalitan ito ng diretsong labi, at matatalim na mga mata na mas nadepina dahil sa kaniyang eyeliner.

Mula sa salamin ay pinasadahan niya nang tingin ang kaniyang itsura. Her neck length hair in a bob cut, her thin lips in red lipstick, Ideal Pointed Nose, and a deep set of black eyes, everyone who sees her will be fascinated by her beauty, and charisma but will never go near her because of the heavy aura she's carrying on.

Matapos pagmasdan ang sarili ay bumaba na si Satana at dire-diretsong lumabas ng bahay hanggang makaharap ang kotse na gagamitin nito. Isang malalim na paghinga ang kaniyang ginawa bago tuluyang pumasok sa kotseng nakahanda niyang gamitin.

Hindi na nag-abala pang tapunan nang tingin ang pamilyang Quinzel na naghihintay sa kaniya sa ibaba ng hagdan. Dahil bukod sa ayaw niyang makita ang kaniyang magulang ay natatakot din siyang makita ang malulungkot na mata ng kaniyang kapatid.

Nang tuluyang makapasok si Satana sa kotse ay isang tango ang ibinigay nito sa driver na naintindihan naman at ipinaandar na ang sasakyan. Kasabay nang pag-andar ng sasakyan ay ang pagbabalik tanaw niya mula sa nakaraan.

Flashback

"Satana!" masiglang bati ni Zayleen kay Satana, kinabukasan sa eskwelahan.

Isang maliit na ngiti lang ang iginanti rito ng huli at umupo na sa bench na kinauupuan nito.

Tanging ihip ng malumanay na hangin at pagkakaskasan ng mga dahon ang maririnig sa pagitan ng dalawang bata. Ang amoy ng santan na nakapaligid sa garden na nakakapag-paginhawa ng mabigat nilang damdamin.

"May problema ba?" tanong ni Zayleen sa kaibigan, bakas ang kislap nang pag aalala sa mga mata.

"Narinig ko sila mommy, pinagkasundo nila ako na ipakasal sa taong hindi ko kilala."

"E bakit malungkot ka? Hindi ba parang pocketbooks ang ganoong mga kwento? Sa una ayaw niyo ang isa't isa pagkaraan ay magkakaroon kayo ng pagtingin sa isa't isa at happy ending na!" Kita sa mukha ang pagkagiliw sa mga walang katotohanang mga kwento sa libro.

Ang inggit sa puso ni Satana ay nagliyab, hinihiling na sana ay ganoon na nga lang din siya mag-isip.

"Zayleen, doble ang edad sa akin ng lalaki bukod pa roon magkaiba ang libro sa reyalidad."

"Pero malay mo naman."

"Imposible."

"Kung ganoon anong balak mo? Pwede kong kausapin si dad, doon ka nalang muna sa amin manatili!" Hinarap na nito ang buong katawan kay Satana, puno ng pag-asa ang mga mata.

"Hindi ko alam, wala ring maitutulong kung sa inyo ako mamamalagi hindi naman nila ititigil ang kasal sa simpleng paglalayas ko lang. At saka minor pa ako Zayleen, nasa gobyerno ang ama mo baka makasira pa ako sa imahe niya."

"Hayaan mo Satana, kapag nakaisip ako ng solusyon sasabihin ko kaagad sayo basta ano man ang maging desisyon mo susuportahan kita at hindi kita iiwanan, pangako yan."

End of Flashback

"Akala ko ba walang iwanan." bulong ni Satana sa hangin habang pinagmamasdan ang tanawing nadadaanan ng sasakyan.

Nang huminto na ang sasakyan na kinalulan niya ay mabilis niyang pinunasan ang dumaloy na luha sa kaniyang pisnge.

"Nandito na po tayo Ma'am Satana." Tinignan niya ang labas ng sasakyan na tinuturo ng driver at namangha sa malaking kabahayan.

"Sigurado po ba kayo?"

"Opo ma'am." Lumabas ng kotse ang driver at inilabas ang mga kagamitan ni Satana.

Dahil dito ay lumabas na rin si Satana at saktong paglabas nito ay siya namang pagbungad sa kaniya ng gwapong lalaki.

Ang mga mata nito ay kulay hazelnut, matulis na ilong, mapulang labi, makapal na kilay, lalaking-lalaking pangangatawan at katamtamang kulay ng balat.

"Magandang pagdating Lady Ziantynna Quinzel. Ako ho si Maverick assistant of Senyor Zacharias Lamprouge," ani Maverick at yumuko ng kaunti ganoon din ang ginawa ng mga katulong na nakasunod sa lalaki.

"Kunin ang kaniyang mga gamit," ani nito sa mga katulong.

"Stop the ho, call me Satana sigurado namang halos magkasing edad lang tayo."

"Masusunod Lady Satana, panigurado ay pagod na kayo sa byahe kaya maaari kayong magpahinga sa isa sa mga ipinahanda naming kwarto," ani nito habang inaalalayan si Satana papasok sa malapalasyong bahay.

Ang sahig ay gawa sa marmol, nagbibigay ng tunog sa buong kabahayan ang bawat hakbang ni Satana kasama ni Maverick at ng mga katulong.

Tumigil si Satana sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Maverick.

"Hindi ko nais magpahinga gusto kong makausap ang amo niyo," ani Satana.

"Si senyor Zacharias ay kasalukuyang nasa abroad at may negosyong inaayos ngunit dahil ayaw niyo namang magpahinga ay sumunod kayo sa akin," ani Maverick at naunang maglakad.

Nang makapasok sila Satana at Maverick sa opisina ay isinarado ng mga kasambahay na nakasunod sa kanila ang pintuan ayon sa utos ni Maverick.

Nang maisarado ang pintuan ay nagkumpulan ang mga kasambahay upang pag-usapan ang babaeng nasa loob na maaari nilang maging amo sa hinaharap.

"Alam niyo ba na maaari kayong matanggal sa inyong trabaho sa ginagawa niyong pag-chi-chismisan!" ani ng Mayordoma ng bahay na si Edna, dahil sa takot ay agad na nagsipagkalasan ang mga kasambahay at ginawa na ang kanilang mga gawain.

Nang si Edna nalang ang natira sa harap ng higanteng pintuan ay marahan itong lumapit doon na para bang magnanakaw sa sobrang tahimik ng bawat hakbang.

Nang makalapit sa pinto ay sinubukan nitong pakinggan ang pinag-uusapan nila Maverick at Satana. Ngunit isang tikhim ang nagpatigil dito.

"Rule number One ang karespe-respetong babae ay dapat ding marunong rumespeto, kasama na doon ang salitang privacy," ani Yollie ginagaya pa ang asta ng Mayordoma ng unang sabihin sa kanilang mga bagong katulong ang katagang iyon.

"Anong ginagawa mong bata ka?" gulat na ani Edna.

"Anong ginagawa mong matanda ka? Bawal yan hindi ba?" tanong ni Yollie at tumakbo papalayo bago pa siya mapagsabihan ng matanda.

Samantala sa isang tahimik na opisina ay naroon sila Maverick at Satana na nag-uusap tungkol sa isang importanteng bagay.

"Ito ay marriage contract nakapirma na si Zacharias at tanging pirma mo na lang ang hinihintay para maproseso ang dokumento." Basag ni Maverick sa katahimikan.

Ilang beses na nagpikit-dilat ang mga mata ni Satana sa kaniyang narinig hindi makapaniwala na ganoon kabilis ibibigay sa kaniya ang mga dokumento.

"Hindi ko pipirmahan yan hanggang hindi ko nakaka-usap ang amo mo," ani Satana at tumayo na upang lumabas ng opisina.

Kahit anong pilit ni Satana na buksan ang pintuan ay hindi niya ito mabuksan kaya masama niyang tinapunan nang tingin ang lalaki.

"Hindi ka lalabas ng opisinang ito hanggang di mo pinipirmahan ang marriage contract na iyan. Bukod pa roon ay ang pamilya mo ang magdudusa kung hindi ka susunod." Isang mapaklang tawa ang iginawad ni Satana rito.

"Sa tingin mo may pakielam ako sa pamilya ko?"

"Sa ama at ina mo maaaring wala, ngunit sa kapatid mo?" ani Maverick at nagbigay ng nakakalokong ngiti, "ang kapatid mo ay may sakit na lukemia kung hindi mo ito pipirmahan matitigil din ang suportang natatamasa ng pamilya mo. Matagal na rin sana kayong lubog sa kahirapan at malamang matagal na ring patay ang kapatid mo kung hindi dahil kay Zacharias."

Dahil sa sinabi ni Maverick ay napilitang bumalik si Satana sa upuan at pinirmahan ang mga papeles matapos basahin ang marriage agreement at mga kalakip na dokumento.

Bukod sa marriage contract may kasama rin itong ibang papeles at nakasaad sa mga papeles ay maaaring maghain ng annulment si Satana ngunit kalakip niyon ay mawawala ang pinansyal na tulong ng Lamprouge Corporation sa pamilyang Quinzel, babawiin din nito ang kumpanya ng Quinzel na matagal na dapat ay wala sa kamay ng mga ito.

Kapag naman si Zacharias ang naghain ng annulment ay patuloy pa rin nitong kailangang suportahan ang pamilyang Quinzel, pinansyal man o hindi ang tinutukoy.

Iyon ang napagkasunduan ni Julio Quinzel at ni Zacharias Lamprouge noon. At hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung bakit ganoon nalang kagahaman ang kaniyang Ama sa pera.

Ayon sa nakalap na impormasyon ni Satana. Maganda ang takbo ng kumpanyang Quinzel Corporation sa taon nang magawa ang kasunduan. Kaya naman walang ibang nakikitang dahilan si Satana upang mangailangan ang kaniyang pamilya ng suporta, bukod sa pagiging gahaman ng mga ito.

Sa kabilang banda mayroong lalaking nakaupo sa isang metal na trono habang umiinom ng pulang likido na may malansang amoy para sa tao.

"Kamusta na ang pinapagawa ko sainyo?" ani ng lalaking nasa trono sa kaharap niyang lalaki na pinagpapawisan sa takot.

"Wala pa rin hong balita, simula ng araw na iyon ay hindi na muli kami nakahanap ng kahit na anong bakas," ani ng lalaki habang nakayuko hindi magawang tignan ang amo.

Hanggang isang pagkabasag ng baso ang nagpatingin sa kaniya sa amo na sana ay hindi niya nalang ginawa.

Nanlilisik na mga pulang mata at labas pangil ang bumungad sa kaniya at sinakal siya paangat hanggang hindi na niya maabot ang sahig. Hindi man sila mamatay sa sakit o pagkawalan ng hininga dahil isa siyang bampira ang init namang lumalabas sa palad ng kaniyang amo ang kikitil ng kaniyang buhay.

"Sa susunod na bumalik ka rito na walang dalang impormasyon tutuluyan kitang gawing abo kasama ng pamilya mo," ani ng kaniyang amo at hinagis siya palabas ng opisina dahilan upang makagawa ng butas sa pader.

Matapos ang tagpong iyon ay matalim niyang tinitigan ang lalaking nasa painting na may suot na puting suite.

"Kasalanan mo itong lahat," ani niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status