Share

CHAPTER 3

Third Person POV

Mabilis ang pagtakbo ni Satana sa kapaligiran ng bahay habang dinadama ang mararahas na hampas ng sariwang hangin sa kaniyang mukha.

Sa paligid pa lang ng mansion ay hihingalin ka na sa pagtakbo, magandang exercise tuwing umaga para kay Satana. Ito na ang pangatlong araw ni Satana sa bahay ng lalaking pinakasalan niya sa papel at ni minsan ay hindi niya pa nakikita.

Sa loob ng tatlong araw ay napupuno na ang isipan ni Satana ng mga tanong katulad nalang ng kung ano ang itsura ng lalaki at hindi pa ito magpakita sa kaniya? Wala din kasing kahit na anong larawan ang makikita sa Mansion.

Base rin sa nakalap niyang impormasyon ay nasa edad na apat na pu't tatlo na ang lalaki ngunit hindi manlang nagkaroon ng asawa o anak kahit na nangunguna ang kaniyang kumpanya rito sa Pilipinas.

'Kahit ata gold digger ay ayaw sa kaniya.' ani ni Satana sa isipan.

Nang matapos magpapawis ay bumalik si Satana sa loob ng mansion. Agad naman itong sinalubong ni Yollie ng tuwalya at maiinom. Si Yollie ang ibinigay kay Satana bilang personal na katulong dahil iniisip ng mayordoma na maaaring ma-entertain si Satana sa kadaldalan ni Yollie.

"Young Mistress, nandito na po si Senyor Zacharias," bulong ni Yollie kay Satana pagka-abot ng tuwalya upang pamunas.

Kumunot ang noo ni Satana, inaalala kung sino ang tinutukoy ni Yollie. Nang kaniyang maalala ay agad na sumilay ang pilyong ngisi sa kaniyang mga labi.

'Paanong nakalimutan ko ang aking asawa' saad nito sa sarili.

Nagdire-diretso papasok si Satana sa mansion. Excited na makita ang asawa ngunit ang namataan lang nito ay ang matipunong lalaki na nasa ibaba ng hagdan at nakaupo sa isang wheelchair. Naningkit ang mga mata ni Satana iniisip ang posibilidad kung sino ang taong iyon.

Masyado kasing bata ang nakita nito malayo sa inaasahan.

"Sino siya?" tanong ni Satana kay Yollie.

"Si Senyor po."

"Sigurado ka?" gulat na paniniguro nito.

"Opo, hindi man ho kapanipaniwala ngunit sa edad na apat-napu't tatlo ay batang-bata pa siyang tignan. Kahit na pilay siya ay tila hindi nabawasan ang kaniyang karisma. Kahit ang mga kilalang personalidad ay hinahabol ang Senyor hindi alintana sa kanila na may kapansanan ito."

'Kung gaanon bakit niya pa ako pinilit na ipakasal sa kaniya?! O sadyang hindi nito natiis ang aking pamilya.' Halos magdugo ang mga palad ni Satana sa higpit nang pagkakakuyom nito rito dahil sa huling naisip.

Pilit na pinakalma ni Satana ang sarili at nagbigay nang masayang ngiti upang batiin ang lalaki na ngayon ay kausap ni Maverick.

"Hi Zacharias!" masayang bati nito ngunit isang tango lang ang ibinigay ni Zacharias dito at saka siya tinignan mula ulo hanggang paa.

"Maligo ka na muna at saka tayo mag-usap sasamahan mo rin akong kumain," saad nito at saka sinenyasan si Maverick upang itulak ang wheelchair nito papaalis.

"Tara na po," ani Yollie.

"Ganoon ba talaga ang amo niyo?" tanong ni Satana kay Yollie habang umaakyat sila patungo sa kwartong ibinigay sa kaniya.

"Pasensya na hindi ko masasagot ang tanong na iyan dahil bago lang ho ako rito. Ito palang ho ang pangalawang beses ko siyang nakita. Ang ibang impormasyon na nakuha ko ay galing lang din sa mga katulad kong katulong," ani Yollie.

"Naiintindihan ko," saad nito at pumasok na sa kwarto.

Matapos maligo at mag-ayos ay bumaba na rin ito agad patungo sa hapag kainan upang mag breakfast. Nang makarating doon ay agad na nakita niya ang asawa sa kabisera ng Twelve-seater dining table.

Lalapit na sana si Satana rito nang makita nitong walang nakahandang pinggan sa kabilaan ni Zacharias. Kaya naman tumingin siya sa kabilang kabisera at doon nakita ang plato na sigurado ay para sa kaniya.

"May nais akong sabihin sayo at sa tingin ko ay mahihirapan tayong mag-usap ng ganitong kalayo," saad ni Satana habang kinukuha ang mga plato upang makalipat sa tabi ni Zacharias.

"Ayoko ng masyadong malapit sa akin kaya manatili ka diyan," ani nito dahilan ng pagkatigil ni Satana sa paglalakad patungo kay Zacharias dala ang pinggan at utensils.

"Bakit?"

"Dahil ayoko," sagot nito at sa pagkakataong ito ay diretso na itong nakatingin sa mga mata ni Satana.

Bumuntong hininga siya at bumalik sa kabilang kabisera. Iniisip na kaya siguro ayaw nitong makatabi siya ay dahil maselan ang lalaki at natatakot na may maipasa siyang bacteria dito lalo na at may disability ito.

"Alam mo naligo naman na ako wala kang dapat ipag-alala na madumi ako," saad ni Satana pagkainom ng juice na kakasalin lang ng katulong.

"Sigurado kang hindi ka madumi?" sarkastikong saad ni Zacharias ngunit hindi ito agad nakuha ni Satana, "ilang lalaki na ang nasipingan mo?" Napaawang ang labi ni Satana sa narinig. Tuluyan nang naintindihan ang nais iparating ng lalaki.

"Anong sinabi mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Satana.

"Rule number one have some table manners, rule number two ask for my permission if you need to go out of my house, and last don't open the green door," dire-diretsong saad ni Zacharias hindi pinapansin ang naghihimutok na si Satana.

Para bang hindi ito nagbukas ng sensitibong topic ngayon-ngayon lang.

"Hindi yan ang tinatanong ko!" ani ni Satana.

"Bakit mo tinatanong ang bagay na paniguradong alam na alam mo naman na?"

"Kung alam mo ang bagay na iyon bakit hindi ka humindi sa kasunduan?"

Ito naman talaga ang gusto ni Satana na ipamukha kay Zacharias noon pa. Na siya maduming babae at hindi karapat-dapat dito. Ngunit kahit na ganoon ay nagpatuloy pa rin ang kasunduan ang akala niya noon ay walang ideya si Zacharias at tinatago lang dito lahat ng kalokohan niya. Pero ngayong sigurado na siyang alam nito ang mga pinaggagawa niya bakit pinagpatuloy nito ang kasunduan.

"At ano? Patuloy kong susuportahan ang iyong pamilya? Hindi ganiyan ang nais ko," saad ni Zacharias at sumenyas kay Maverick, agad namang lumapit ang huli at itinulak paalis ang wheelchair ng kaniyang amo.

"Hindi ako ganoong klaseng babae," bulong ni Satana sa kaniyang sarili pagkaalis nito.

Dahil sa naging usapan ay nawalan na si Satana ng ganang ipagpatuloy ang pagkain kaya naman napagpasyahan nitong maglibot nalang muna sa mansion.

"Young Mistress!" tawag ni Yollie sa amo habang tumatakbo papalapit dito. Liningon naman ito ni Satana at nanlaki ang mga mata nang makitang mabilis ang pagtakbo nito papalapit.

"Slow down! Baka madapa ka!" ani ni Satana.

Agad namang sinunod ni Yollie ang utos ni Satana at inalalayan ang kaniyang pagtakbo. Nang makarating sa katamtaman na layo para makapag-usap ang isa't isa ay ngumiti ito.

"May problema ka po ba?" tanong nito naghahabol pa ng hininga habang nagsasalita.

"Huh?"

"Narinig ko po ang pinag-usapan niyo at naisip ko na maaaring may problema kayo kaya naman naisipan ko kayong samahan." Ngumiti si Satana rito at tumalikod upang ipagpatuloy ang paglalakad.

"Kahit na may problema ako, sa akin na lang iyon, ako na ang bahalang mag-isip."

"Kaya ka nalulugmok sa problema, ayaw mong magsabi. Alam niyo po, pangarap kong maging mayaman na mayaman. Pero sa dami kong napasukang tahanan ay karamihan ng mayayaman ay nahihirapan sa simpleng problema. Meron akong mga kakilala na naging gold digger and stripper may mapakain lang sa pamilya niya. Samantalang ang sainyo naman ay pagpapakasal lang."

"Iba-iba ang kwento ng tao kagaya ng pagkakaiba-iba ng opinion at pananaw ng bawat isa. Pero alam mo ba ang pagkakapare-pareho nila?"

"Ano po?"

"Ang pag-abot ng kani-kanilang kaligayahan." Umupo si Satana sa bench na nasa tapat ng garden habang si Yollie ay nanatiling nakatayo sa kaniyang gilid.

"Huh?"

"Nais ng mga mahihirap yumaman, iniisip na nasa pera ang kasiyahan. Hinihiling ng iba na makapaghigante, iniisip na iyon ang magpapalaya at magpapasaya ng kanilang damdamin. At ako, hinihiling kong maging malaya at magkaroon ng sariling pasya upang sumaya.

"May sari-sariling dahilan ngunit iisa ang pakay kaya ang pagkumpara sa sitwasyon ng iba ay maling gawain," ani nito at tumingala upang tignan ang araw ngunit agad din siyang nasilaw kaya nagbaba siya ng tingin. Si Yollie namn ay hindi makatingin kay Satana dahilan ng mas paglawak ng aking ngiti.

Tuwing nakikita ni Satana si Yollie au lagi nitong naaalala si Zayleen. Simple kung mag-isip at punong-puno ng positibong bagay ang pag iisip.

"Pasensya na ho." Nakangusong saad nito.

Napailing si Satana at napatawa sa itsura nito.

"Wala kang dapat ika hingi ng tawad, katulad ng sabi ko may sari-sarili tayong opinion. Ingatan mo na lang sa susunod ang pagsasalita dahil ang bawat salita ay maaaring makapagpabago ng tao at sitwasyon."

Katulad nalang ng sitwasyon niya ngayon. Hindi niya inakalang maapektuhan pala siya ng mga maling balita na siya rin ang may gawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status