Share

CHAPTER 7

Ziantynna's POV

Agad akong napahawak sa aking ulo ng maramdaman ang bigat nito. Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Naumpog ba ako? Nang dapat ay tatayo na ako ay sunod-sunod na eksena ang pumasok sa aking isipan.

Napaawang ang aking labi at agad na iginala ang paningin sa silid. I felt relieve ng masigurong nasa kwarto ko ako.

Kilala ko si Jerico sa mga kwento nila Zayleen at Zailee noon dahil ito daw ang problema sa pamilya nila. Ilang kaso na rin ang nalusutan nito dahil sa impluwensya ng pamilya. Sinusubukan man nila Tito Emilio, daddy ni Zayleen. Na ito ay ikulong na ng tuluyan ngunit mabilis umaksyon ang mga magulang ni Jerico. Kaya naman hindi nila ito maikulong.

Sa pagkakatanda ko Apat ang kapatid ni Tito Emilio, tatlong lalaki at isang babae. Si Tito Emilio ang panganay at si Tita Imelda ang bunso na siyang Ina ni Jerico. Kung gaano makatwiran at tuwid ang panganay ganoon naman kasutil ang bunso. Dahil sa pagiging bunso at nag-iisang babae ay nagdalawang-isip ang kaniyang mga kapatid tungkol sa pagpapakulong sa nag-iisa nitong anak na si Jerico. Pero nang magtagal ay hindi na kinaya ng mga ito ang kahihiyan at pagkatakot sa maaaring gawin ni Jerico.

Kaya naman si Tito Emilio na ang nag presinta na ikulong ito ngunit ng dahil doon ay lumayo ang loob ni Tita Imelda sa pamilya at ginawa ang lahat upang iligtas ang nag-iisang anak. Ito ang dahilan kung bakit kagabi ko lang nakaharap si Jerico at sana hindi na rin nangyari.

Bumuntong hininga ako at umalis sa kama, dapat kong pasalamatan si Zacharias. Nang patungo na sana ako sa aking banyo ay malalakas na pagkatok ang nagmula sa aking pintuan. Tumaas ang aking kilay sa gawi ng pagkatok nito. Simula nang makaalis ako sa bahay ng aking mga magulang, ni minsan ay walang nangahas na magpakita sa akin ng hindi pag respeto.

Imbes na mag-isip ay binuksan ko na lang ang pinto, pagkabukas ko nito ay isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisnge dahilan ng pagbaling ko patagilid. Rinig ko rin ang pag singhap ni Yollie na nasa gilid ng pinto habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa taong sumampal sa akin.

How funny that this scene is very familiar with me.

My face facing the side slowly looking at the person who slap me and like what I imagine it’s him, my dad.

“May asawa ka na pero nasa Lynx club ka?! A club that’s known for having illegal drugs and drinks! Gaano pa kababa ang kaya mong gawin para makalayo sa asawa mo? You are a lady then act like a lady!” he said and walk out. Sinundan ko ito ng tingin at natatawa itong pinagmasdan.

Pumunta siya rito para lang sampalin ako. Hindi man lang naisipang tanungin ako kung maayos lang ang aking kalagayan. Isang pagak na tawa ang lumabas sa aking mga labi.

“Miss Satana,” ani ni Yollie. Bakas ang pag-aalala nito habang nakatingin sa aking pisnge.

“Okay lang ako. Nasaan si Zacharias?” Hindi ako takot sa aking ama ngunit labis kong kinaiinisan ang mga taong sumbungero.

“Nasa office niya po.” Tumango ako rito at sinarado ang aking pinto at saka pumasok sa aking pansariling toilet and bath. I look at the mirror and saw the red part of my face where my father slapped me. A tear rolled down my cheek that I quickly swipe away.

Kilala ang Lynx Club na magandang bentahan ng illegal drugs and drinks. Kaya malakas ang tiwala ko rito na kahit anong gawin ko ay hindi lalabas sa club na iyon.

Dalawa lang ang maaring dahilan upang lumabas ang impormasyon. Una ay nalaman na ng batas ang tungkol sa club o pangalawa ay may nagsumbong direkta sa aking ama. At sigurado akong ang panghuli ang dahilan.

I storm out of my room after I fix myself and go directly to his office. Nang makarating at bubuksan ko na sana ang pinto ay narinig ko ang usapan nila ng Daddy.

“Pasensya na ulit sa nangyari,” ani ng aking ama.

“Walang problema roon ngunit sa ngayon ay nasa pamamahay ko na siya. Asawa ko na rin siya kaya umaasa ako na sa susunod ay hindi ka na muling mangingielam,” ani Zacharias habang may kung anong pinipirmahan sa kaniyang lamesa.

“Makakaasa ka, nagulat lang ako sa nangyari. Hindi ko akalain na nandoon siya at ang masama pa ay idinawit ka niya sa kahihiyan. Umaasa ako na hindi mawawala ang suporta mo sa amin.” Napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang huli nitong sinabi. Hanggang sa huli ay sarili lang nito ang iniisip.

“Uulitin ko asawa ko na siya, Julio. Ano man ang mangyari sa kaniya ay damay ako kaya hindi ko siya pababayaan. Ganoon din ang pamilya niya,” ani Zacharias at ibinigay ang papel na natapos na niyang pirmahan sa aking ama, “saan mo nga pala nakuha ang impormasyon mula kagabi?”

Napataas ang aking kilay sa itinanong nito. Kung ganoon ay hindi siya ang nagsabi?

“Kay Zailee, takot na takot siya ng pumunta sa bahay natatakot marahil sa maaaring mangyari sa pinsan.” Maingat kong isinara ang pintuan sa narinig.

Bakit ba hindi ko naisip na si Zailee ang maaring magsabi. Paniguradong hindi siya natatakot para sa pinsan. Imposibleng para kay Jerico ang takot nito. Nagmamadali akong bumalik patungo sa aking kwarto upang tawagan ito nang madaanan ko ang kulay berdeng pintuan.

“Rule number one have some table manners, rule number three ask for permission if you need to go out of my house, and last don’t open the green door." Pag-aalala ko sa kaniyang sinabi ng araw na iyon.

Nagawa ko na ang dalawang pinagbabawal nito at wala naman akong natanggap na parusa o mayroon? Ngunit hinihintay lang akong magising?

Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa pintuan. Tinulungan niya ako ngunit sa kabila noon ay nagawa ko pa siyang pagbintangan tungkol sa pagsumbong sa aking Ama. Masyado naman na siguro akong masama kung dadagdagan ko pa ang sakit sa ulo niya.

Pumikit ako nang mariin at tumingin muli sa pintuan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako makagalaw. Katulad nang nangyari nung huli ay ganitong-ganito iyon. Para bang tinatawag ako nito upang manatili, inaakit upang damayan, at pinapasok ang aking puso pinaparamdam ang pamilyar na pakiramdam na kay tagal na naitago.

Unti-unti ay palapit ako sa pintuan hanggang sa mahawakan ko ang pihitan at binuksan ito. Isang berdeng ilaw ang lumamon sa aking paningin at matinding panghihina ang aking nadama dahilan upang bumagsak ang aking katawan sa sahig at tuluyan nang bumigay sa kadiliman ang aking paningin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status