Share

Virginian High School
Virginian High School
Author: Devilheart24

PROLOGUE

Eight years ago...

"Mom, is my sister fine?"

"She'll be fine, Krizelle. We'll just trust your Papa that your sister will be alright."

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko, ngunit masyado itong mabigat. Ni igalaw ang aking mga daliri ay nahihirapan ako.

Naramdaman ko ang mainit na halik sa aking noo.

'Mama...'

"Lumaban ka lang, anak, ha? Kaya mo 'yan..." Mahina at malambing na boses ni Mama ang naririnig ko malapit sa tenga ko.

Mayamaya ay narinig kong may bumukas na pinto.

"I'll check her out."

Isang bagong boses ang narinig ko, boses lalaki.

Sa oras na ito sinubukan kong imulat ang mga mata ko . Dahan-dahan hanggang sa mayroon na akong nasilayang nakakasilaw na liwanag. Nang maimulat ko ito ay tumambad sa'kin ang mukha ng Mama ko at ng ate ko.

"Ma, gising na si Kirsten." Tila nagliwanag ang kaninang madilim nitong mukha.

Nakita kong ngumiti sa'kin si Mama.

Isang lalaki ang lumapit sa'kin. Nakasuot ito ng isang uniporme. Sa hinuha ko, isa itong doktor.

Akma akong magsasalita ngunit no'n ko na lang napansin na mayroong tubo na nakakabit sa bibig ko. May mga wire sa katawan ko na hindi ko alam kung para saan.

"Nasaan ako? Ano bang nangyayare, M-Mama."

"In no time, she will be okay. But to tell you honestly, it'll be hard for your daughter to assest for another chemo therapy again, her body is too weak. Just continue to take her medicine para hi di bumagsak ang katawan niya," ani nito matapos akong suriin. "Your child, Mrs. Encarlight has a very rare condition. Sadly, it has no cure as of now."

"Thank you, doc," wika ng Mama ko, nangingilid ang luha.

"Just take a rest, hija. Wag mo munang biglain ang sarili mo," sambit ng doktor habang nakatingin sa'kin. May itinurok lamang ito sa dextrose ko at saglit pa'y nagpaalam na rin ito at umalis.

No'n ko na lamang naramdamang bumibigat ang talukap ng nga mata ko hanggang sa unti-unting nakatulog uli ako.

ILANG oras na din ang lumipas. Naramdaman ko ang pagbigat sa aking dibdib. Masakit. Kumikirot. Hindi ako makahinga. Ang buong katawan ko'y namamanhid.

"Kirsten... anak..."

Isang boses ng lalaki ang rumehistro sa aking pandinig.

"Papa, tulungan mo 'ko. Hindi ko na kaya..."

"Nag-re-react pa sa katawan niya 'yung gamot."

"Can she make it?"

"Let's trust her. Even she's just a nine year old kid, I know that our daughter is brave enough. Alam kong kakayanin niya 'yan."

"Ilang minuto ba bago tumalab sa kanya yung gamot?"

"As my research, it will take less than ten minutes. After that, she will be healed and can be immuned for all kinds of sickness and diseases."

Marami pa akong naririnig na sinasabi nila, ngunit tanging sakit lamang ang namumutawi sa'kin sa mga oras na ito. Mayamaya pa'y hindi ko na naramdaman ang katawan ko at ang mga boses na naririnig ko sa paligid ko ay unti-unting naglaho...

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anastasia Rylle
Finally found it! Started reading this sa watty tas nastop. Buti na lang meron dito.
goodnovel comment avatar
Kath halili
pa public huhuhu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status