Share

Chapter 4: Queen Bee's Death

KIRSTEN ENCARLIGHT'S P.o.V.

After so many things that happened on my first subject, it was all done. Ngayon palang ay hindi ko na alam kung paano pa akong tutuloy sa susunod kong klase gayong sumasakit na agad ang ulo ko.

Minasahe ko ang sentido ko at inunat ang mga kamay ko pagkatapos.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa room kung saan gaganapin ang second subject ko. Napaka-hassle kung tutuusin. Masyadong malawak ang eskwelahang ito at talaga namang nakakatamad maglakad-lakad.

Pumunta ako sa Science Department dahil ito ang susunod kong subject.

Habang nasa daan ako, hindi na nawala ang mga malalagkit na tingin ng ibang mga kalalakihan sa akin. Sa tingin ko, kailangan ko talagang mag-adjust dito.

Sa sobrang daming pag-a-adjust, sa tingin ko'y mahihirapan ako.

Sa 'di kalayuan, natatanaw ko na ang Science Department. Binilisan ko ng konti ang lakad ko. Ilang saglit pa'y nagulat ako sa mga estudyanteng nagsisitakbuhan.

"Ano ba!!" Iritang sigaw ko nang mabunggo ako ng isa sa mga babaeng tumatakbo din. Mabuti na lamang at di ako na out balance sa kinatatayuan ko.

Nilagpasan lang ako nung babae at agad na ring kumaripas ng takbo gaya ng ibang nakakasabay ko.

Ano ba'ng nangyayare?

Kunot-noo akong napaisip.

"Patay?"

"Seryoso?"

"Si Fiona Ramos? Nag-suicide?"

Ilang bulung-bulungan ang naririnig ko mula sa mga miron na nagsisitakbuhan.

Ayoko mang makiusyoso ngunit di ko maiwasang wag isawalang-bahala ang nangyayari.

Sinundan ko ang ilan sa mga estudyante at natigil ako sa entrada ng field.

Bumungad sa'kin ang kumpulan ng mga estudyante. May iba pang nagsisitakbuhan at nakikitingin din sa tiniignan ng nasa kumpulan. Marahan akong lumapit doon at sinubukan kong tignan kung ano yung tinitignan nila.

Nang makasingit ako'y lqking gulat ko nang makita iyon. Napatakip ako sa bibig ko at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko.

 Hindi pa rin magkamayaw ang mga ugong ugong na naririnig ko.

"Grabe, wala na tayong queen bee."

"Ano'ng nangyare? Bakit siya nagpakamatay!"

Tinitigan ko nang mabuti ang mukha nung babae. Lamog lamog iyon at bahagyang nawasak ang panga nito. Dumoble ang kabang namumitawi sa pakiramdam ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.

"Suicide ba talaga yan? Ano yan? Tumalon siya sa building?"

"Grabe naman 'yan! Depressed ba siya? Kaya siguro ilang araw na natin siyang di nakikita."

Isang malakas na sipol ang narinig namin. Agad nagsitabihan ang mga estudyante. Lumingon ako sa pinanggalingan ng sipol na iyon.

Yung guard. May mga kasama itong pulis.

"Umalis na kayo dito! Kami na ang bahala dito!" Nakatitig lang ako sa kanila at hindi ko alam kung bakit parang nakadikit na lang ang mga paa ko sa lupa.

Tumitig yung pulis sa'kin. Mayroon ang napansing tattoo sa gilid ng leeg niya. "Ikaw, umalis ka na diyan! May klase pa kayo."

Sa wakas ay nahanap ko ang sarili kong naglalakad paalis sa insidente.

Halohalo ang tanong sa utak ko.  Hindi ko alam kung sa'n ako kukuha ng mga sagot. Kung hindi ako nagkakamali, alam kong siya yung babaeng hinihila ng mga lalaking nakasuot ng puting maskara kagabi lang.

Hindi kaya may kinalaman sila sa nangyare? Pero paanong sinasabi nilang suicide iyon?

Bago ako tuluyang umalis sa field ay nakita kong isinakay nila sa stretcher yung katawan ng babae na ngayon ay nakabalot na.

Nag-usap pa saglit yung guard at yung pulis bago ito tuluyang sumakay sa loob ng kotse.

***

ILANG oras na ang nakalipas mula nang mangyare yung insidente kanina. Natapos na rin yung apat na subjects ko ngayong umaga. Mabuti na lamang at hindi kagaya ng Sex Education yung ibang subject ko na may mga malalaswang ganap. Ngunit hindi ko na ata talaga maiiwasan yung mga nambabastos na estudyante rito.

Sa mga nakalipas na oras, hindi na rin nawala pa sa isip ko 'yung pangyayare kanina. Magmula rin naman kanina hanggang ngayon ay gano'ng pa rin ang usap-usapan at mga bulung-bulungan sa buong school.

"Kirsten!!!"

Mula sa malayo ay natatanaw ko si Trixie. Kumakaway-kaway habang tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"Kirsten!!!" Tumatawa-tawa pa ang gaga. Napairap na lang ako sa kawalan. Ang ibang estudyante dito'y napapatingin na lang din sa kanya dahil sa lakas ng bunganga niya. Animo'y may dalang megaphone.

Nang makalapit ito sa'kin ay hinihingal ito. "W-wait!" aniya. Nakasenyas pa ang mga kamay habang sapo sapo ang paghinga.

Siraulo kasi. Kailangan pang tumakbo papunta sa'kin. Eh, magkakasalubong lang din naman kami.

"Kakain ka na din ba?" tanong nito nang maging okay na.

"Oo. Papunta na rin sana ako sa cafeteria," sagot ko.

"Kung gano'n, sabay na tayo!!!" Magiliw na aniya.

Hindi ba niya kayang magsalita ng mahina lang.

Habang naglalakad kami ni Trixie patungo sa cafeteria ay nadako ang tingin ko sa isang silid na mayroong tinted na sliding door. Sa taas ay mayroong nakasulat na STUDENT COUNCIL'S OFFICE.

"Andiyan siguro si Raijin ngayon. Tawagin muna natin siya para sabay tayo," anas nito. Sasabihin ko sanang mauuna na lang ako sa cafeteria at sumunod na lamang siya ngunit mabilis ako nitong hinatak papasok sa loob.

Pagpasok palang ay ramdam ko na ang lamig ng aircon sa paligid. Moderno lang ang istilo nito sa loob. Mayroong mahabang mesa at mga upuan. Mayroon ding white board sa harapan. Sa gilid naman ay mayroong isang pintuan.

"Walang tao dito?" tanong ko kay Trixie nang mapansin kong wala ni isang estudyante dito.

"Luh? Tao kaya tayo. Baka nakalimutan mo na," aniya sabay hagalpak ng tawa.

Napamura na lang ako sa isip ko. Inirapan ko na lamang siya.

Aalis na sana kami ni Trixie nang bumasag sa'ming pandinig ang isang malakas na tunog na nagmumula sa isang silid dito.

Sabay kaming napatingin sa pintuan na ngayon ay sarado. Sumenyas ito sa'kin ng 'quiet'. Marahan kaming naglakad patungo sa pintuan. Nauuna si Trixie at ako'y nakasunod lamang sa kanya. Marahas nitong binuksan ang pintuan.

Nasapo ko agad bibig ko nang makita ang nasa loob. Bumulaga sa'min si Raijin at ang isang babae, naghahalikan ang dalawa. Ngunit napansin ko ang pagpiglas ni Raijin mula sa babae ngunit hindi ito nagpatinag.

"Oh my gosh!" Dinig ang boses ni Trixie sa buong silid.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Malakas at maawtoridad na ani Raijin.

Hindi nakasagot si Trixie. Marahil ay nagulat o di kaya ay natakot si Trixie sa tono ng boses ni Raijin.

Bumuntong-hininga ako at pinilit ang sarili na sumagot, "Yayayain ka sana naming sumabay sa'min pero mukhang kumakain ka na." I don't know why did I said that. Damn, Kirsten. Hindi mo na naman pinigilan ang sarili mo!

Masama ang titig nung babae sa'kin. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti dito. Aaminin ko, maganda siya, matangkad, maiksi ang buhok, animo'y beauty queen ang datingan.

"We'll go ahead. Pasensya kung nasira namin yung moment niyo ng girlfriend mo..." Yumuko ako sa kanila at saka hinila si Trixie palabas sa office na 'yon.

****

WE'RE ALREADY here in cafeteria. I ordered my food as so as Trixie. Nakita din namin si Jacob kanina kaya niyaya na rin ito ni Trixie upang sabay-sabay kaming tatlo.

Habang kumakain kami, paulit-ulit na binabanggit ni Trixie sa'kin na hindi ito maka-moved on sa nakita namin kanina. At lalo na sa pagbara ko kuno kay Raijin.

Aminado ako sa sarilo kong di ko napigilan ang sarili ko kanina. Come to think na alam ko namang kasalanan namin dahil nasira namin yung kissing moments nung dalawa, ang kaso ayoko lang yung part kung pa'nong nag-react si Raijin kay Trixie.

"Grabe talaga si Leppy, lakas kung lumingkis kay Raijin. Ibang klase," ani Trixie.

Umiiling na lang ako sa mga sinasabi nito at natatawa.

"She's the Vice President of the Student Council, Kirsten. If ever di mo pa siya kilala. Iwasan mo 'yun dito sa school dahil maldita 'yun," wika ni Jacob.

"Tsaka malandi 'yun! Promise. Kung sinu-sino lalaki no'n dito. Kaya kanina nagulat ako kung bakit pati si Raijin, nabihag niya." Dagdag ni Trixie sa sinabi ni Jacob.

"Tsaka alam mo ba, yung namatay kanina, yung queen bee ng school, si Fiona Ramos, naku! Matinding kaalitan ni Leppy 'yun dito! Parehas kasi silang malandi, pero mas malandi lang talaga si Leppy! Nagkaaway sila dati nang dahil sa iisang lalaki. Dating mag-bff 'yon pero ngayon, sa tingin ko tuwang-tuwa yun dahil nagpakamatay na 'yung bff slash mortal enemy niya." Muling dagdag ni Trixie.

Biglang sumagi uli sa utak ko yung engkwentro kagabi lang.

Luminga-linga ako sa paligid bago ako tumingin kila Trixie at Jacob.

"Yung namatay kanina, nakita ko siya kagabi." Pagsisimula ko.

Nanlaki ang mga mata ni Trixie. "Oh my gosh! Seryoso??" 

Nagsitinginan ang mga nasa katabing table namin ng dahil sa oa na reaksyon ni Trixie.

"Pwede bang tahimik lang, Trixie. Tsk tsk!" sita ni Jacob dito.

"Hehehe! Sorry na..." Nag-peace sign pa ito sa kanya.

Umirap na lang ako sa kawalan.

"Oh, sige na. Ano'ng nangyare nung nakita mo si Fiona?" tanong nila.

I often trust people but I didn't said that I trust them. Sadyang alam kong may alam sila tungkol sa mga nakamaskara na 'yon dahil matagal na sila dito. At gusto kong malaman kung ano'ng kinalaman ng mga iyon sa eskwelahan na 'to.

I cleared my throat. "Nakita ko siyang kinakaladkad ng grupo ng mga kalalakihan na may suot na puting maskara. Kaya sa tingin ko, yung hakahaka dito na nag-suicide siya ay malabo. Sa tingin ko ay pinatay siya," diretsong litanya ko.

"Nakaputing maskara?" tanong ni Jacob.

Tumango ako.

"Grabe, nanindig yung balahibo ko, ah." Niyakap ni Trixie ang sarili at saka ipinakita sa'min ang braso niyang nakatayo ang mga balahibo.

"May alam ba kayo tungkol sa kanila?" Tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa at saka umupo si Trixie sa tabi ko. Inilapit nito ang mukha nito sa'kin at saka bumulong, "Kung ano man 'yong nakita mo kagabi, wag mo nang sasabihin pa sa iba. Please lang, Kirsten. May mangyayareng masama sa'yo dito, okay?"

Nangamba ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko.

Tumatango na lamang si Jacob sa'ming dalawa. Batid kong alam na rin nito ang sinasabi ni Trixie.

Pinilit ko na lamang ang sarili kong sumang-ayon dito. Ngunit aaminin kong sa loob loob ko'y ayoko. Ano bang lihim ng eskwelahang ito?!

- - -

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status