Share

Chapter 8: Meet His Brother

KIRSTEN ENCARLIGHT'S P.o.V. 

Masakit ang ulo ko't tila nanghihina ako. Iminulat ko ang mga mata ko. Ang liwanag sa loob ng silid na bumungad sa'kin ay tila nakakabulag. 

Ilang segundo pa ang lumipas nang makakita ako ng maayos. 

Bumungad ang mukha nina Trixie at Jacob. Maluha-luha ang mata ni Trixie at si Jacob naman ay panatag na nakangiti at nakatingin sa'kin. 

Iginala ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa loob ako ng school clinic. Nakahiga ako ngayon sa isang malambot at puting kama. Mayroong oxygen tank sa gilid ko at iba't-ibang aparato. Sa gawing kanan kung nasaan mayroong desk ay nakalagay ang isang aquarium. 

Kung susumain ay hindi ito basta basta, clinic lang. Ang istilo rito sa loob ay para na ring hospital, malawak at malinis. 

"Nag-aalala kami sa'yo. Akala namin hindi ka na magigising..." bakas nga sa boses ni Trixie na nag-aalala ito. 

"Tatlong araw ka ring walang malay. Ano ba'ng

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status