Share

CHAPTER 9: The Other Side

KIRSTEN ENCARLIGHT'S P.o.V.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko maiwasang wag itanong si Trixie matapos nang mangyare kanina sa cafeteria. Buong hapon itong walang imik sa dorm. Hindi nagsasalita at literal na tahimik lang. 

Kanina pa siya inaasar ni Jacob ngunit hindi ito namamansin kaya nagdesisyon muna itong umalis at di ko batid kung sa'n ito nagpunta. 

Tumango lang si Trixie bilang sagot sa tanong ko. 

Bumuntong-hininga na lamang ako at hinayaan muna siya. 

Ibinaling ko ang tingin ko sa balcony. Naro'n si Raijin. Tahimik na nakalinga sa paligid. 

Matapos yung usapan namin nung nasa clinic ako ay wala na rin itong sinasabi pa. Nakakasama ko man siya sa ibang mga subjects ko ngunit hindi ito namamansin. 

Napagdesisyunan kong magtungo sa balcony upang magmasid muna sa labas. 

Paglabas ko ay biglang umihip ang hangin. Hinawi ko patungo sa likod ng tenga ko ang buhok kong humarang sa mukha ko.&n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status