NANLILISIK ANG MGA matang sinusundan ng tingin ni Leticia si Milo habang tinatahak nila ang cafeteria. Pa-chill-chill lang dalawa na parang walang nangyari. Parang siya nga lang talaga ang naging affected sa ginawa sa kanila ng professor nila.
Iba talaga kapag mayaman.
Laglag ang balikat niya. Samantalang parang wala lang sa dalawa ang pagkapahiya nila sa klase at hindi pag-allow sa kanila na pumasok sa subject.
Napakalas talaga niya.
Hindi niya magawang mahabol ang subject na iyon. Sa subjects nga lang siya nanghahabol, hindi pa siya nagtatagumpay.
Nagbubulung-bulungan ang dalawa. Hindi siya isinali. Tiyak na babae na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. She was not fun to compare, but Andro and Milo
“Kent, pwede bang bigyan mo muna kami ng panahong magkasarilinan? Hindi na biro ito,” seryosong saad ni Milo sa kasama.Tumigil ang lalaki sa pagdila sa tunaw na ice cream. “Totoo na ba talaga iyan? Parang araw ng mga patay iyang mukha mo, ‘tol. Sige na nga. Text-text na lang tayo.”Tumayo si Kent at iniwan silang dalawa.Marahang napabuntong-hininga si Leticia. “Let’s calm down, shall we?” suhestiyon niya sa lalaki.Patuloy pa rin itong nakatayo, nagpupuyos ang kalooban.“Is there anything you can do to fix everything? Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi ka lang nakilala ni Kent, hindi sana magiging ganito ang lahat. Everything is your fault, Le
Hindi pa natatapos ang araw ngunit lantang-lanta na ang katawan ni Leticia. Pagdating sa bahay nila, nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok sa kanyang kwarto. At binagsak ang katawan sa kama.Her mother was not here. Pumapasok ito bilang tindera sa isang wholesale and retail store, samantalang abala sa pamamasada ang kanyang ama. Mamayang gabi pa ang dating ng dalawa.Leticia was left alone in the house. And she was bored. Wala naman siyang dapat ayusin. Bago siya nagkukumahog na umalis ng bahay kanina, she made sure na maglinis muna.Maganda sanang gumala nang mawala naman pansalamantala ang problema niya, kaso wala siyang kaibigan. Ilag din ang mga kapitbahay sa kanya. Maybe that was because sinasaway ng ina niya ang lahat ng taong nagtatangkang lumapit sa kanya. Para walang mangyaring masama sa
Kasalukuyang nakaupo si Esmeralda sa damuhan sa labas ng bahay nila at nagbuburda. Nagtatago ang araw sa likod ng mga ulap pero nararamdaman pa rin niya ang mainit na simoy ng hangin. Pinili niyang sumilong sa isang malaking puno na napapalibutan ng sari-saring mga bulaklak.Nawili siya nang dumapo ang isang paruparo sa isang kulay pula na bulaklak. Pinabayaan na lang niya ito at bumalik sa kanyang ginagawa.Napili niya ang isang bulaklak na burdahin. At kapag natapos niya ito, isusunod naman niya ang pagburda ng paglubog ng araw sa Look ng Maynila. Sana dumating ang araw na sabay nila iyong titingnan ni Teban habang magkahawak kamay.Ang saya-saya siguro niya.Mayamaya, lumapit sa inuupuan niya ang isang batang lalaki— si Caloy. Isa ito sa mga an
Pinaypayan ni Esmeralda ang sarili. “Walang katotohanan ang sinasabi mong iyan, ama. Kanino mo iyan narinig? Sabihin mo nang ako na mismo ang magbigay sa kanila ng parusa. Hindi maganda ang sinasabi nilang iyan. Isang paninirang puri sa angkan natin,” palatak niya. Masama na ba siyang anak dahil sa kasinungaling sinasabi niya ngayon? Matagal siya nitong tinitigan na animo sinusuri kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Sana hindi nito makita ang kasinungaling pilit niyang kinukubli mula rito. Humakbang ito nang pabalik-balik sa makinis na sahig ng kanyang kwarto. Mayamaya ay huminto ito. “Ang bawat usap-usapan ay may bahid ng kaunting katotohanan, hija,” saad nito. “Nagsasabi ka nga ba ng totoo o sinasabi mo lang iyan upang hindi ako magalit sa iyo?” tanong pa rin sa kanya ng ama.
"Anong sikreto ba iyang pinagsasabi mo?" tanong ni Leticia. "Look. I should have never talked to you. Mukhang wala ka namang magawa sa buhay. Bored ka. Kaya nilapitan mo ako. I'm an easy target, by the way. I'm the typical loner na tampulan ng mga bullies pero sa kalagayan ko, I will never allow anyone to bully me. Never. "Tumaas ang kilay ng estranghera. "Am I? Or isa lang iyan sa mga deductions mo?"Marahan siyang humilig sa mesa. "Anong kailangan mo? Bakit bigla-bigla ka na lang diyan nakikipag-usap sa hindi mo kilala?"Ngumiti ito ng nakakaloko. "Now, we are talking. Kilala kita. Kilalang-kilala. Kahit na ang hinaharap mo ay alam ko. I can be your most dangerous enemy, Leticia."Nagsalubong ang kilay ni Leticia. Mukhang may gustong sabihin ang babaeng ito. Ang dami-
"Sana ganyan kadali katulad ng pagkakasabi mo," komento ni Leticia. "Wala sana akong iisipin ngayon."How will she time jump if she did not know how?"Just close your eyes and focus. Your desire to travel should surpass the heavens. Ganoon dapat ang ma-feel mo, Leticia.""I don't understand what you are saying," saad niya. "Everything seemed difficult to comprehend,” reklamo niya sa katabi. “I wonder kung may problema ba sa comprehension ko or wala.”“You’re confused, Leticia. Iyan ang nangyayari sa iyo. Take your time. Huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo para hindi ka ma-stress.”Nanulis ang nguso niya. “Madali lang sabihi
Disclaimer: This is a work of fiction. The characters do not exist in real life and were based on the author's pure imagination. Some events were also fictional. Sinasabi ko lang ngayon dahil nakalimutan kong sabihin sa simula pa lang. Hahaha.*********Marahas na napalingon si Leticia sa pinanggagalingan ng boses. Pero kahit na hindi siya lumingon, kilalang-kilala na niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kahit pumikot man siya.Nagsalubong ang kilay niya.Ano na naman ba ang pakulo nito sa buhay?Nakahilig ang lalaki sa may pintuan ng rooftop. Sa dinami-dami ng pwede niyang makasama sa pag-iwan sa kanya ni Bituin, ang lalaking ito pa? Oh, please. Not now. Gusto na muna niya
Hindi pumunta si Leticia sa library katulad ng nauna niyang plano. Instead, hinanap niya ang classroom ni Bituin nang hindi na muna iniisip si Milo. Mamaya na niya iisipin ang kasalanang ginawa niya sa lalaki.Ngayong nahimasmasan na siya, ngayon lang niya napagtanto na sumobra na rin siya sa ginawa niya kanina.Ilang ulit siyang napabuntong-hininga.Wala na siyang magagawa. When she will have the time, she will say sorry kay Milo. Hindi niya kailangang magpaka-bitch dahil hindi siya ipinalaki ng ganoon ng kanyang mga magulang.Isa-isang sinuri ni Leticia ang bawat classroom na may klase. Ang sabi ni Bituin may klase ito sa Physical Education subject. Dalawa lang naman ang pwede nitong puntahan. It’s either sa gymnasium or sa mga classroom.