Share

Simula

Simula

Maingay pagpasok ko sa loob ng bahay. Nandito pala ang mga kaibigan ng mga pinsan ko. Kaka-uwi ko lang din kasi galing school.

Nagdiretso ako sa hagdan para umakyat sa kwarto pero nakita ako ni Kuya Roni, isa sa pinsan ko.

"Ami!" tawag niya sa 'kin. Galing siyang kitchen at may dala pang ice cubes.

"Bakit?" kunot-noo kong tanong. Sinulyapan ko ang hawak niyang yelo. "Mag-iinom kayo? Pumayag si Lola?" dagdag ko.

Kuya Roni winked at me. Lumapit ito at inakbayan ako.

"Oo. Pumayag si Lola since dito naman sa bahay. Isa pa, they're not around. Nasa Biliran nanaman. May aayusin daw doon."

"Si Mama?" agad na tanong ko.

"Kasama ni Lola pati si Mommy."

Kung wala sila ay mukhang maiiwan nanaman ako sa pangangalaga ng mga pinsan ko.

"Kaya pala nandito ka," I said at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin.

"Oh, oh, oh!" pag-aawat niya dahil nga tinatanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Ba't ayaw mo na magpa-akbay? May boyfriend ka na ba?"

Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ako? May boyfriend? Paano mangyayari 'yun, bantay sarado sila sa akin at isa pa, wala pa rin naman akong nagugustuhan. Hindi pa rin ako nakaka-hanap ng lalaki na worth it pag invest-an ng feelings. Yung hindi ka ii-scam-in.

"Luke! Rod! Si Ami may boyfriend na!" sigaw niya kaya naman nasuntok ko ang tyan niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit kailan talaga ang isang 'to madalas ako ipahamak. Panigurado akong papagalitan nanaman ako nila Kuya Luke dahil sa pinagsasabi niya.

Ayaw kasi nila Kuya Luke na malalamang may boyfriend ako. Ang gusto nila, nanliligaw pa lang ay sasabihin ko na para daw matakot nila at layuan ako.

"What?" rinig kong sigaw ni Kuya Rod mula sa sala.

Nilamon na ako ng kaba at inis. Gigil kong pinaghahampas si Kuya Roni at tawa lang siya ng tawa.

"Nakaka-inis ka!" patuloy ang paghampas ko sa braso niya. "Papagalitan ako nila Kuya ng dahil sayo!"

Napagod ako sa kaka-hampas pero sya ay tuloy lang sa pagtawa.

"Amora Mina!" pagalit na tawag ni Kuya Luke sa pangalan ko. Mariin akong napa-pikit.

Si Kuya Roni ay lumapit kila Kuya Luke na naka-tayo sa di kalayuan. Mukha pang nagsusumbong dahil sa panghahampas ko sa braso niya. Namumula iyon dahil madaling mamula ang balat namin kaya naman may ebidensya siyang ipapakita.

"Lumapit ka dito," utos ni Kuya Rod.

Naka-simangot ko silang nilapitan.

"Huwag mo kaming simangutan. Alam mong hindi 'yan uubra," pagbabanta ni Kuya Luke.

Napa-nguso tuloy ako. Partida, tatlong pinsan ko pa lang ang nandito, paano pa kaya kung nandito ang iba pa? Puro lalaki sila at ako lang ang nag-iisang babae kaya naman kung ituring nila ako parang bata. Maraming bawal, maraming hindi pwede.

"Hindi naman totoo 'yun, eh. Niloloko lang kayo ni Kuya Roni," I said ng makalapit ako. Hindi ko na hinintay pa na magsalita sila, nauna na ako.

Tiningnan ko si Kuya Roni ng masama pero dinilaan niya lang ako. Napaka-pilyo, parang bata. Akala mo hindi third year college, eh.

"Luke! Pinsan mo?" rinig kong sigaw nung isa sa mga kaibigan niya kaya naman napalingon silang tatlo.

"PLV? Same school sila ni Carwyn," saad nung isa pa.

Napa-taas ang kilay ko nung marinig ang pangalan na Carwyn. I know him. Ka-department ko siya at President ng org.

Dahil natatakpan ako ng tatlo kong pinsan, kinailangan ko pang umusog ng kaunti para makita sila.

Sa tingin ko ay nasa sampu sila at halo-halo, may kaibigan ni Kuya Luke, Kuya Roni at Kuya Rod. Ang iba sa kanila ay namumukhaan ko at ang iba naman ay bago sa paningin ko, parang si Kuya Carwyn. Hindi ko naman alam na kaibigan din siya ng mga pinsan ko.

Lumingon si Kuya Luke sa akin pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga tropa nila.

"Oo nga, no? Sa PLV ka rin nag-aaral, Wyn."

Hindi sumagot si Kuya Carwyn at ngumiti lang.

"Senior mo pala 'to," pang-aasar ng isa sa kaibigan nila.

"You know her Wyn?" tanong naman nung isa pa. Tumango si Carwyn dahilan para manlaki ang mata ko. Really?

"How?" Kuya Luke asked. Lumapit na sila Kuya Luke at Kuya Rod sa mga tropa nila. Si Kuya Roni nalang ang naiwan sa tabi ko.

Napa-tingin ako kay Kuya Luke habang hinihintay ang isasagot ni Kuya Carwyn. I want to see his expression habang sinasabi ni Kuya Carwyn kung gaano ako kabait na estudyante. Never pa akong napasok sa gulo, no!

"Lagi ko siyang nakikita sa library."

Napa-ngiti ako ng marinig ang sagot ni Kuya. See? Napaka-studious ko, hindi lang halata.

"Parang hindi na nga siya pumapasok sa klase niya at tumatambay nalang doon kasama yung dalawa niyang kaibigan. Pino-pormahan ata yung Engineering student na naka-duty doon, eh."

Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko matapos marinig ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Kung kanina ay natutuwa ako sakaniya, ngayon ay hindi na. Parang mali ata ako na tinawag ko pa siyang Kuya.

Salubong ang kilay ni Kuya Luke nung lingunin ako kaya naman napa-atras ako. Tumingin ako kay Kuya Roni, asking for help.

Hindi naman kasi totoo ang sinasabi niya. Oo, madalas kami sa library pero kapag break time at oo, nandoon kami para sa Engineering student na crush ni Lisa pero pumapasok naman kami. Napaka-fake news ng isang 'to!

"Really, Ami?" this time, naka-taas na ang isang kilay ni Kuya.

Aligaga akong napa-iling. "N-no!" mabilis na sagot ko but it sound defensive. Sabagay, I'm defending myself. Hindi naman kasi totoo ang sinasabi niya.

Muli kong nilingon si Kuya Roni pero mukhang wala syang balak na tulungan ako. Shit naman, oh!

I gulped when I met Kuya Luke's eyes. Napa-iling naman si Kuya Rod.

"Gago, tol. Mukhang mayayari ata si Ami ng dahil sa 'yo."

"Why? Nagsabi lang ako ng totoo." Nanliit ang mata ko dahil sa sinagot ni Carwyn sa kaibigan niya.

Wow ha? Totoo? 50/50 kaya ang sinabi niya! Tapos kung sumagot sya sa ngayon parang siguradong-sigurado pa siya na totoo ang sinasabi niya. Shuta.

"Hindi naman totoo yung sinasabi mo." pagkontra ko.

"Talaga? Kaya pala nilapitan mo yung isang on duty na Engineering student para kuhanin ang number." I bit my lower lip. Shookt. I'm dead.

Paano niya nalaman 'yon? Nagawa ko lang naman 'yun kasi dare ni Rae sa akin 'yon. Natalo kasi ako sa rock-paper-scissor na laro.

"T-that was a dare." pilipit ang dilang sagot ko. Shuta naman! Why did I stutter? Nagmukha tuloy akong nagsisinungaling.

"Stop it, Ami," ani Kuya Rod na medyo galit.

Hinawakan ako ni Kuya Ron sa braso sabay sabing, "Hawak ko na, hindi na 'to makakawala." Seriously?

"Bukas tayo mag-uusap. For now, go to your room and change your clothes. Kumain ka na rin pagkatapos," saad ni Kuya Luke at tinalikuran ako pagkatapos.

Tiningnan ko ng masama si Carwyn at pahablot na binawi ko ang braso ko kay Kuya Roni. Naka-nguso akong umakyat sa kwarto ko. Pagkapasok ay agad akong sumigaw dahil sa inis.

Tangina mo, Carwyn Jose! Bwisit ka! Pahamak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status