Share

Kabanata 1

Kabanata 1

"Anong problema? Bakit kanina ka pa naka-busangot?" tanong ni Rae. Muli niyang kinagatan ang siomai niya at pagkatapos ay sinundan ng kanin.

It's our lunch break pero parang wala na akong balak galawin ang ham and egg na order ko nung mahagip ng mata ko si Carwyn.

He's smiling from ear to ear at kasama niya ang iba pang officers ng org.

"Required bang magkakasama kapag kakain ang mga officers?" puna ni Lisa.

Napansin ko rin 'yon. Tuwing kakain ay sabay-sabay ang mga officers. Magka-kaklase lang naman kasi sila. Halos lahat ng nanalong officers ay fourth year na, sa representative lang naiba kasi kada year 'yon.

Wala rin daw kasing may balak na tumakbo from lower year sa mga higher positions. Isa pa, mas okay daw ang ganyan dahil para nga nasa iisang section lang sila at hindi mahihirapan sa schedule.

"Ay, next week pala foundation week na. Anong balak?" pag-iiba ni Rae.

"Ano balak ang pinagsasabi mo? Alam mo naman na required pumunta sa foundation week," sagot ko.

May attendance kasi kami at hindi rin nagpapalabas ang guard kapag nakapasok na sa loob.

"Gala tayo after. Diba pag lunch papayag naman yung guard magpalabas?" Rae suggested.

"Yeah. That's great! Punta tayong SM, unwind lang," pagpayag ni Rose.

Well, that sounds great but... "May attendance sa hapon."

Natawa si Rae. "As if namang i-che-check ang attendance. Ano, g?"

Napa-isip ako saglit. Actually, foundation week is fun not until mahuli ka at mailagay sa jail booth. Ayos lang naman makulong, ang hindi ayos ay walang tutubos sa iyo.

"Sige. Mag i-ipon na ako simula ngayon," pagpayag ko.

"Wow, ang isang Amora Mina Esperanza ay mag-iipon? Ikaw Ami mawawalan ng pera?" pagbibiro ni Rae. Pabiro ko rin siyang inirapan.

"Ano bang tingin mo sa akin? Bangko? O apo ni Henry Sy? Girl, hindi ako tumatae ng pera," pagbibiro ko.

Natawa kami dahil sa sagot ko.

My cellphone vibrated kaya kinuha ko iyon at tiningnan. Kuya Luke texted me.

Kuya Luke:

Susunduin kita after your class. Wait for me. We need to talk, remember?

Disappointed kong binalik ang cellphone ko sa bag ko. Muli kong tiningnan ang pagkain ko na dalawang subo lang ang bawas.

"Oy, girl..." pagpukaw ni Lisa ng atensyon ko. "Bakit? Kanina ka pa ganyan."

Napahilot ako sa sentido ko at aksidenteng napadapo ang tingin ko sa pwesto ni Carwyn.

Sakto na kita namin ang isa't-isa sa pwesto namib at masasabi ko rin na saktong nagtama ang tingin namin.

He pointed out something at nung sundan ko ang tingin niya, it landed on my food.

Oh, I get it. He's ordering me to eat. Inirapan ko siya at muling tinitigan ang pagkain ko.

Nagdadalawang isip ako. Gusto kong iwan ang pagkain ko at the same time ay nako-konsensya ako. Alam ko kasi na nakakawalang respeto sa grasya ko iiwan ko lang 'to dito.

In the end, tinawag ko ang isang server para sabihin na ite-take out ko ang pagkain ko. Nagtaka pa ang dalawa so I reason out.

"I'm still full. Don't worry, hihintayin ko pa rin kayo."

They continue eating at the same time ay nag-uusap tungkol sa lalaki.

Yung crush daw ni Lisa na CE (Civil Engineering) ay ina-accept na ang friend request niya.

"He finally accepted my friend request after three fucking weeks!" medyo OA na sabi ni Lisa.

"So? What's next?" Rae asked, raising her eyebrow.

Natigilan saglit si Lisa para mag-isip.

"Wala na. Ayon lang."

Nagkatinginan kami ni Rae dahil sa sagot niya.

"Wala na? Ayon lang? Hina naman pala ng isang 'to." pang-aasar ni Rae kay Lisa dahilan para mapatawa ako. Si Rae naman ay napa-simangot.

"Nahihiya pa akong i-chat." dipensa ni Lisa sa sarili niya.

Natawa tuloy ako ng ismiran sya ni Rae at kinuha ang cellphone niya na naka-patong sa mesa. Lisa's eyes widen. Mukhang alam ko na ang balak gawin ni Rae.

Rae opened Liza's cellphone easily. Alam namin ang password ng isa't-isa.

"Oh my gosh!" tili ni Lisa pagkatapos ay binawi niya ang cellphone. Tawang-tawa si Rae samantalang si Lisa ay parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Napailing nalang ako.

"Bakit ka nag-wave?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Lisa habang nasa cellphone ang atensyon.

Rae sips her milktea and shrugged her shoulder. "Bagal mo, eh. Oy! 'wag mong burahin!"

Binaba ni Rae ang hawak niyang milktea at hinampas si Lisa sa braso.

After having our lunch ay nagdiretso na kami sa next class namin. Wala pang prof dahil may 15 minutes pa kaya naman nag-aya si Lisa sa mga kaklase ko na maglaro ng Among Us.

I didn't install that game pa kaya naman hindi ako maka-sali sa kanila. Katabi ko si Rae, siya ang gumawa ng room. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya, pinalitan niya ng kulay ang character niya. Ngayon ko lang napansin, para pala silang teletubbies, no? Yung ibabang part.

I felt my cellphone vibrated kaya naman kinuha ko iyon. I saw Kuya Luke's name on my notification panel. He texted me.

Kuya Luke:

You didn't finished your meal? Why?

Napa-kunot ang noo ko sa nabasa ko. How did he know? Nandoon ba siya kanina?

Muli kong binasa ang text ni Kuya at doon ko na-gets wala siya doon, he's asking so... Napa-tigil ako sa pag-iisip ng maalala ko si Carwyn.

Ayaw kong mangbintang pero malaki ang posibilidad na siya ang nagsabi sa pinsan ko. Ano nanaman bang ginagawa niya? Hindi pa ba siya tapos sa pamamahiya sa akin kahapon? Ano naman ngayon sakaniya kung hindi ubusin ang pagkain ko? Kaya lang naman nangyari 'yon ay dahil naiirita ako sa pagmumukha nya kanina at nawalan ako ng gana.

Kinuha ko ang tinake-out ko kanina at sinimulang kainin. Hindi ko na 'to pwedeng iuwi dahil pag nakita 'to ni Kuya Luke ay papagalitan ako 'nun, dagdag pa kung nandoon na rin si Kuya Rod. Saktong natapos ako sa pagkain ay dumating na ang prof namin sa Investment and Portfolio Management.

Pakiramdam ko ay sobrang lutang ko sa klase na 'to kaya naman mas lalo akong kinakabahan. May recitation kasi at ang professor namin ang magtatawag gamit ang mahiwagang index card.

Ngayon ay iniisip ko kung sino ba ang naka-isip ng pa-index card sa recitation at bakit siya bida-bida? Kung hindi niya sana pinakalat ang teknik niya at walang estudyante na kakabahan kada makakakita ng index card na hawak ng isang prof.

Isa na ata sa greatest nightmare ng mga estudyante ang index card, eh. Idagdag pa na dapat english ang sagot. Sa totoo lang, may masasagot naman talaga kami sa mga tanong ni Ma'am pero nawawala 'yun lahat dahil sa kaba at pag-iisip kung paano iyon ita-translate sa English.

"Ang next question, bakit kaya ang daming nai-scam?" my prof asked. "Actually, I encountered some FM graduates who got scammed. Nakaka-lungkot lang isipin, kasi FM graduates sila, so napapa-tanong nalang ako sa sarili ko, bakit sila na-scam? Sa tingin niyo, bakit?"

Nagsimula ng magbunot ng index card ang prof ko at parang bumalik ako sa reyalidad when I heard my surname. "Esperanza."

Napalingon ako kay Rae at Lisa, magkakatabi kasi kami bago ako tumayo.

I took a deep breath para ma-clear ang utak ko pero hindi ko alam kung paano ko 'to sasagutin in english. May naiisip na akong sagot pero filipino. Bahala na.

"Actually, Ma'am, the reason why there are people who got scammed was they want a quickest way to earn money. Alam naman po natin na 'pag sa mga scam tayo nag-invest, double ang interest rates nila, minsan triple pa which is nakaka-enganyo but at the same time, if you have financial literacy, mapapa-isip ka. Mapapansin mong may iba, may mali."

Katulad lang 'yan sa buhay natin, kung paano tayo mag i-invest ng pagmamahal sa isang tao, kung bakit ang daming nai-scam ng pag-ibig, kung bakit maraming nasasaktan, kung bakit maraming umiiyak.

Dumarating tayo sa point ng buhay natin na doon tayo kasi feeling natin mahal tayo. Doon tayo sa taong nag-hi lang sa chat, magiging kapuyatan na. Akala natin totoo sila, ang ending masasayang lang yung oras na ininvest mo para sa kaniya kasi iiwan ka lang din, hahanap din ng iba.

Mayroon naman na doon tayo kasi mas madali doon. For example, let's cheat kasi mas madaling way 'yun para pumasa pero in the end talo ka, na-scam ka. Bakit? Kasi wala kang natutunan.

My professor smiled at me. "Yes, that's right but mas okay kung sinabi mo sana in English." natatawang saad niya dahilan kung bakit rin natawa ang mga kaklase ko, pati na rin ako.

"Ayon na, very good na sana, eh." pang-aasar ng isa sa kaklase ko.

"Try mo i-english. Go." Pagbibiro ng prof namin kaya naman napa-kamot ako sa likod ng tenga ko at natawa.

Kung gaano kasaya kanina ay agad rin iyong nawala nung uwian na. Naalala kong susunduin ako ni Kuya Luke ngayon kaya naman hindi masaya.

Nag-aaya si Lisa ng milktea kahit kaka-milktea lang namin kanina kaya naman tumanggi na kami. Sinimangutan pa kami dahil ayaw daw namin siya pagbigyan. Nakakatakot na ang isang 'to, ang hilig pa man din sa tapioca pearl.

Paglabas namin ng room ay sakto namang lumabas din mula sa kabilang room si Carwyn kasunod ang mga kaibigan nya. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-irap.

"Una na kami, pre," sabi nung isa sa kasama ni Carwyn kanina. Hindi sumagot si Carwyn at tumango lang.

Inalis ko ang tingin ko sakaniya nung nakita kong papalingon na siya sa gawi namin. Nasa pinaka-gilid pa naman ako at wala akong choice kung hindi ang dumaan mismo sa harap niya.

Nagkunwari akong hindi ko siya napansin samantalang busy ang dalawa sa pag-uusap dahil nagreply na yung Engineering student na crush ni Lisa, yung sinend-an ng wave ni Rae kanina.

"Ayon lang 'yun? Question mark lang ang ni-reply?" rinig kong reklamo ni Rae. "Hirap naman palang landiin nyang crush mo."

"Baka naman shy type," singit ko.

"Feeling ko rin." pag sang-ayon ni Lisa sa akin at halata pa ang kilig.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa nung maramdaman kong may sumusunod sa amin kaya naman lumingon ako, it's Carwyn. My brows furrowed pero agad ko rin naman binawi.

Baka pa-uwi na rin.

I shook my head. Napatigil sa paglalakad sila Rae at tumili. Mabuti nalang at nakalabas na kami ng Business Ad building dahil siguradong mayayari kami.

"Nagreply ulit, yung puso ko!" kinikilig na sabi ni Lisa. Tumalon-talon pa siya sa may bermuda grass. Nasa quadrangle na kasi kami.

"Anong sabi?" I said with a chismosa voice. Nasa kaniya ang atensyon namin ni Lisa.

Sumiryoso ang mukha ni Lisa. "Bakit daw."

Pakiramdam ko ay unti-unting nawala ang excitement na nararamdaman ko. Nagkatinginan tuloy kami ni Rae.

"Kinilig ka na agad sa simpleng bakit?" Rae asked as she crossed her arms on her chest. Dahan-dahang tumango si Lisa.

I was about to speak but biglang may nagsalita.

"Hinihintay ka na ni Luke. Kanina pa siya naka-park sa labas. Mapapalayas na 'yon doon."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita and it's Carwyn.

"Kuya... Carwyn?" alanganing banggit ni Rae sa pangalan nito.

He still look fresh at parang hindi man lang dumaan sa klase. Akala mo papasok pa lang, eh. Isang malaking sana all lahat, diba?

Inalis ko ang tingin ko sakanya pero ramdam ko parin ang tingin niya sa akin. Ano nanaman ba ang binabalak ng isang 'to? Bakit nakiki-epal nanaman? Hindi naman ako kinakausap nito dito sa school kaya naman nakakapag-taka na pinapakialaman na niya ako ngayon.

Isa pa, alam niyang susunduin ako ni Kuya Luke?

"Kanina pa siya tumatawag sayo but you're not answering your phone."

Kinuha ko kaagad sa bag ko ang cellphone ko right after I heard that. Hindi na 'to nag v-vibrate dahil tinanggalan ko nga pala kanina after kong kumain. Text kasi ng text si Kuya.

I have 20 missed calls at 33 unread messages from him. Shook. I'm dead! Hindi pa nga kami nakakapag-usap sa pangyayari kahapon tapos nadagdagan nanaman?

"Ladies, excuse us." Hinawakan ni Carwyn ang kamay ko at inalayo na sa mga kaibigan ko. Nilingon ko sila and I can still feel na nagulat sila. They can't even react! Nakatulala lang ang dalawa sa amin. Hindi man lang ako tinulungan!

Nakarating kami sa labas na walang imik at naka-hawak pa rin sya sa akin. Binitiwan niya lang ako nung palabas ng gate kasi kailangan i-tap ang ID.

Tumigil kami sa tapat ng kotse ni Kuya, sakto namang bumaba ang bintana at lumitaw ang ulo ni Kuya Luke.

"Sa likod na kayo," ani niya at tumuro sa back seat. Nakita ko rin na may naka-upo sa tabi ni Kuya. Kung hindi ako nagkakamali ay kabarkada rin nila 'yon.

Walang imik, muli akong hinila ni Carwyn papunta sa backseat. He opened the door for me, atleast kahit papaano ay may natitira pa ring magandang side sa lalaking ito. He even covered my head using his hand para hindi mauntog. Pagkapasok ko sa loob ay nagsalita si Kuya Luke.

"What do you want to eat, Ami? Kakain muna tayo at sa bahay na kita pagsasabihan," sabi ni Kuya at tumingala sa salamin to see me. He's serious, I can sense that. Hindi siya natutuwa sa akin kaya alam kong matinding sermon ang aabutin ko sakaniya mamaya.

Shookt naman! Kumalabog tuloy ang dibdib ko. I hate that! At ano 'to? Bubusugin muna bago katayin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status