Share

Kabanata 2

Kabanata 2

"What?" pakiramdam ko ay nadikit ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.

Mukhang nabingi ata ako sa sinabi ni Kuya Luke.

Kunot nuong tumingin si Kuya. "I asked Wyn na bantayan ka." pag-uulit nya.

Wyn... Si Carwyn. At bakit naman? Para saan? Isa pa, ano ba ako elementary? Kailangan may bantay?

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero sa dami ng gusto kong sabihin ay nagka-buhol buhol na ang utak ang dila ko.

Nag jo-joke ba 'tong pinsan ko?

I calmed myself first. Ayokong magtunog bastos, baka lumala lang ang sumitwasyon.

"Kuya... You don't need to do that," mahinahong sabi ko. Kahit na naiinis ako, kailangan ko pa rin kumalma.

"I need to do that lalo na ngayon na wala sila Tita at mukhang matatagalan pa ng balik. Hindi tayo parehas ng pinapasukan at mapapanatag lang ang loob ko kung may magbabantay sa 'yo kahit papaano."

Mariin akong napa-pikit at napa-hawak sa noo ko. Shit naman! Daig ko pa bata nito, eh!

Obviously, Kuya already made up his mind at kung ganoon nga ay wala na akong magagawa, kahit na umiyak pa ako ng isang balde.

Pero hindi ako susuko. FM student ata ako. Balance sheet nga hinarap ko ng buong tapang, ito pa kaya?

Iniyakan ko nga lang ang adjusting entries.

"Kuya—"

"Magpahinga ka na," he said, cutting me off. Naglakad na sya palayo sa akin.

What the hell?

Sinundan ko ng tingin si Kuya. I closed my lips when I realized that it was still open dahil hindi ko natapos ang sinasabi ko kanina.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Kung mamalasin nga naman, bakit ako pa?

"What's with that face?" puna ni Rae habang pinapaypay ang handouts na nire-review nya kanina.

"Kanina pa 'yan naka-busangot. Ano ba kasing nangyari? Mag kwento ka," dagdag naman ni Lisa.

For the—oh, I don't know... I lost count, I sighed.

"Nothing. Siguro dahil lang 'to sa surprise quiz kanina," palusot ko.

Well, that was half true. Hindi kasi ako makapag concentrate sa quiz kanina kaya naman ayon, muntik ng bumagsak. Masakit pa nga rin ang batok ko dahil ang quiz namin ay solving about simple and compound interest. Time pressure kaya naman halo-halo yung mararamdaman mo kapag nag e-exam na.

I massage my nape pagkatapos ay kumuha ako ng cheese stick. Muli nanamang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Kuya Luke.

Hindi ko pa rin matanggap na basta-basta niya nalang ako ipagkakatiwala sa isang tao na hindi ko naman ka-close.

Ayos lang sana kung babae tapos mabait kaya lang... kabaliktaran.

Days flies so fast. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may matang naka-tingin sa akin pagkatapos ng araw na 'yon.

We cut our last class since saglit lang naman magdi-discuss ang prof namin at self review lang naman ang mangyayari.

Nagpunta kaming library para magpalamig at tumambay. Hinintay din namin yung Engineering student ni Lisa na si Bam na mag duty sa library. Kabisado na kasi namin ang oras ng duty niya.

Masaya ako that time not until I received a call from Kuya Luke asking where am I.

Fuck that.

Sinumbong na pala ako ni Carwyn sa pinsan ko kaya naman expected ko na ang katakot-takot na sermong natanggap ko from Kuya na nadagdagan pa pagkarating ni Kuya Rod and as usual, Kuya Roni teased me hanggang sa mahampas ko sya ng malakas sa braso niya na siya namang nakadagdag sa inis nila Kuya sa akin, hindi daw ako seryosong nakikinig sa kanila.

Gusto kong mag emote, umiyak at itanong sa kanila na, bakit parang kasalanan ko? Pero syempre, mapapagalitan ako lalo pag ginawa ko 'yon so it's a no.

Nakatambay nanaman kami dito sa labas ng student center building at hinihintay na lumitaw ang crush ni Lisa na ka-M.U na daw niya. Edi sana all, diba?

Napa-ngiwi ako ng makita si Carwyn with his friends wearing his OJT uniform. Balita ko nga ay magsisimula na sila sa OJT kaya naman kahit papaano ay nakakaramdam ako ng kalayaan. Atleast, hindi na niya ako mababantayan everytime na may klase ako.

"Si Bam!"

Parehas kaming napa-tingin ni Lisa sa tinuro ni Rae at doon ay nakita namin si Bam kasama ang mga kaibigan. Lisa waved at them kaya naman ngayon ay papunta na sila sa kinaroroonan namin. Apat sila at puro mga lalaki. Kahit na hindi ko tanungin, alam kong kaklase niya ang mga 'yan.

"Oh my gosh. He always looks hot!" impit na sambit ni Lisa kaya naman napatingin ako sakaniya.

Maharot! Akala mo naman talaga allowed dito sa loob ng University ang harutan.

"Hi."

Napunta ang atensyon ko kay Bam nung batiin niya kami, hindi ko napansin na nandito na pala sila. Ngayong malapitan ay mas nakita ko ng maayos ang mukha ng mga kasama niya. In fairness, gwapo rin.

Bakit ganon? Tambak ang mga gwapo at mukhang mababangong lalaki sa Engineering? Wala man lang naligaw sa FM.

"Mga kaibigan ko nga pala," muling sambit ni Bam pero hindi ko na siya initindi ng mapunta ang tingin ko sa isang lalaki na mukhang pamilyar sa akin.

Engineering student din ang isang 'to? Seryoso? I thought he's BSA student? Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yon.

"...lastly, si Chris." Tinapik ni Bam ang balikat nung lalaking kanina ko pa tinitingnan. So, he's Chris?

Nice name.

Napatingin sa gawi ko si Chris kaya naman agad akong nag-iwas na para bang hindi ko siya tinitingnan kanina. Nakaramdam ako ng pagsipa sa paa ko.

Masama ang tingin na itinapon ko sa dalawa pero busy si Lisa sa pakikipag-usap kay Bam kaya naman mas lalo kong pinadilim ang awra ko ng tingnan si Rae, dahilan para mapatawa siya ng malakas.

Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya naman bigla akong kinabahan dahil sa naisip ko.

Nakita kaya niya ang pagtingin ko kay Chris? If yes, well I'm doom knowing Rae's mouth. Iba rin 'to mag-isip.

"Why are you laughing?" I asked, trying to sound like naghihinala ako.

"Sa tingin mo, bakit kaya?" naka-ngising balik tanong niya.

Oh shoot! She saw it.

"Tara na," aya ni Lisa na parang hindi man lang kami narinig ni Rae. I took this chance para ma-save. Thanks, Lisa.

"Sa bahay ba namin o sainyo?" tanong ni Lisa na nakatingin sa akin.

"Sa inyo. Bawal sa amin." agad na sagot ko.

Hindi pwede dahil ang alam ko nasa bahay si Kuya Rod. Baka nga nandoon din ang iba niyang kaibigan, eh.

"Sasama ba sila?" tanong ni Rae at nginuso ang mga kaibigan ni Bam.

Umiling si Bam bilang sagot.

"Oh? Sayang naman." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Rae. Nilingon niya ako at sa pagkakataong ito ay napakunot ang noo ko. "There's always a next time," ani niya na nagpalaki ng mata ko. I felt my cheeks burn.

I get it... I get it! Shit naman! Ang ingay ni Rae. Paano ko ba naging kaibigan 'to? Nakaka-hiya.

May dala pa lang sasakyan si Bam kaya naman iyon na ang ginamit namin papunta sa bahay nila Lisa. Ang taray din ng dalawang 'to, may bisita na sa bahay. Hindi na ako magtataka kung ibabalita ni Lisa sa amin next week na sila na.

Habang nasa byahe ay nakatutok lang ako sa cellphone ko, nag f-F******k o mas maganda ba dapat sabihin na nang i-stalk? Yeah, I'm stalking someone's account.

"Bam, anong name ni Chris sa F******k?" Rae asked kaya naman napatingin ako sakaniya.

She's with her phone too at kung titingnan, it seems like she's also finding Chris' F******k pero I doubt that. She would never do that. I know this girl, super loyal 'to sa crush niyang never naman mapapa-sakaniya.

"Chris dela Cuesta," simpleng sagot ni Bam habang seryoso ang tingin sa daan. Nag-uusap naman sila Lisa pero ang atensyon niya ay nasa daan talaga.

"Why?" napalingon sa amin si Lisa na nasa passenger seat. "Crush mo?" ngayon ay na kay Rae ang tingin niya at dahan-dahang nilipat sa akin then she smiled.

I know that kind of smile... may deeper meaning 'yan at alam ko naman ang gusto niyang palabasin. Napa-iling ako kaya naman napa-tawa ng malakas si Lisa.

Sumama na rin sa pagtawa si Rae at inapiran ang isa't-isa, Hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Like, duh! Kasama namin si Bam na kaibigan ni Chris! For sure ay magku-kwento 'to sa kaibigan niya. Mabuti sana kung kay Chris lang, paano kung sa buong tropa?

Nakakahiya...

I don't know why but narealized kong na sini-search ko na pala ang pangalan ni Chris pero nabigo ako kaya naman ang surname niya ang hinanap ko. After kong maghintay dahil nag lo-loading pa ay lumitaw ang isang pangalan pero mukha ni Chris ang profile.

Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko. I opened his account and I stalk him at doon ko nalaman na ito yung BSA student. May nakita ang tagged post kung saan naroroon siya at pangalan ni Chris. Pinindot ko ang pangalan ni Chris at dinala ako nito sa timeline niya.

Wait... Ibig sabihin ba nito ay mag kambal sila? Iyong nakikita kong BSA ay kakambal ni Chris? Oh my-

"Add friend na."

Naging mabilis ang kilos ni Rae kaya naman hindi ko siya napigilan nung pindutin niya ang 'Add Friend' button sa profile ni Chris. Narinig ko ang pagkantyaw at tawanan ng dalawa at nung mapatingin ako sa gawi ni Bam ay pasimple rin itong tumatawa.

Oh, pota! What to do? Ano bang katangahan ang lumamon sa akin ngayong araw?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status