Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"Give me back my phone!" utos ko kay Rae.

"Later 'pag ina-accept ka na ni Chris."

Tumawa ang dalawa na para bang nag e-enjoy silang asarin ako ngayon. Wala akong nagawa kung hindi ang mapa-buntong hininga at tumingin sa labas.

Wala naman akong magagawa since halata naman kay Rae na hindi niya ibibigay ang cellphone ko. Sana lang talaga ay hindi ako tawagan nila Kuya dahil sigurado akong magagalit 'yon 'pag hindi ko nasagot.

Kung trip ka nga naman ngayong araw.

Hindi ko na nagawa pang protektahan ang cellphone ko dahil sa bilis ni Rae kanina. Inagaw niya habang nag p-process pa rin sa utak ko ang pag pindot niya ng 'add friend' button. Kinuha niya iyon para hindi ko daw i-cancel ang request.

Sinabihan pa ako ni Rae na kapag ginawa ko daw iyon ay para akong tanga. Paano daw kung online si Chris at nag notify na sakaniya? Kung idi-delete ko daw ay nakita pa rin ni Chris ang FR ko. I somehow get her point. Nakakahiya nga naman.

I sighed. Lord, ipaalala nyo sa akin na kaibigan ko sila at may gagawin kaming business plan ngayon kaya hindi ako pwedeng umuwi kaagad.

I prayed silently na sana ay umusad na ang traffic dito sa Mc Arthur Highway para makarating na kami ng Malanday. Medyo malapit lang ang Maysan kung nasaan ang PLV pero dahil sa traffic ay nagmumukhang malayo.

Well, siguro thankful na ako sa part na umuusad ang linya namin dahil yung kabila na papuntang Caloocan ay hindi na gumagalaw.

Jusmiyo, alas dos pa lang ng hapon ay traffic na?

Maaga ang pasok namin kaya maaga din ang labas since dalawang subject lang kami ngayon kaya naman nag decide na kaming dagdagan ang business plan namin na magkaka-grupo kami. May iba pa kaming ka-group pero may kaniya-kaniya na kasing naka-assign kaya naman hindi na masyadong problemado at gumagawa naman ang iba.

Feeling ko nga ang traffic ay pumabor kay Lisa at Bam dahil usap sila ng usap samantalang kami ni Rae ay tahimik lang dito sa back seat.

"May pagkain sa inyo, Lisa?" tanong ni Rae habang nag si-cellphone. Napa-tingin ako sa kaniya, she's watching K-drama.

"Wala pero kung bibili ka magkakaroon syempre," pabirong sagot ni Lisa.

"Wow ang kapal. Dadalhin mo kami doon na wala kang papakain?"

"Pumunta tayo sa bahay para gumawa ng business plan, hindi para kumain. Okeh?" nakataas kilay na nilingon ni Lisa si Rae

"Gago kang hatdog ka," sagot ni Rae na nagpatawa sa amin.

Malutong 'yon parang chicharon. Ramdam pa yung gigil. Gutom na ata ang isang 'to.

"Hala, minu-mura mo na ako?"

Rae paused the Kdrama she's watching, I guess that's Welcome to Waikiki. Tiningnan niya si Lisa ng malamig at ngumiwi. I laughed because of that samantalang napa-simangot naman si Lisa.

"We're here."

Lahat kami napatingin sa labas ng magsalita si Bam and totoo nga, nandito na kami sa labas ng gate nila Lisa. Biglang napakunot ang noo ko at nilingon si Rae na nakatingin na pala sa akin.

Ang tingin namin sa isa't-isa ay halatang may katanungan, hindi ko lang alam kung parehas ba kami ng iniisip ngayon.

"Labas na girls," pukaw sa amin ni Lisa na papalabas na kaya naman lumabas na rin kami.

Dumungaw si Lisa sa may bintana at nagsalita. "Punta ka nalang," ani niya.

Muli nanaman kaming nagtinginan ni Rae at sa pagkakataong ito ay sigurado akong parehas ang tanong na tumatakbo sa isipan namin ngayon.

Umalis na ang sasakyan ni Bam at sa pagkakataong ito ay kinorner namin ni Rae ang kaibigan namin, halata pang nagulat siya.

"Pang ilang beses na ni Bam nakapunta dito sa inyo?" tanong ni Rae.

"Bakit alam nya bahay mo? Diba kama-kailan lang naman kayo naging okay?" this time, I asked.

Sa tingin ko kasi ay parang nakapunta na talaga si Bam dito pero paano? Ang ilap kaya 'nun! Maiintindihan ko pa kung last month pa sila okay ni Lisa pero hindi, eh.

Lisa rolled her eyes at tu,uro kaya naman sinundan namin iyon ng tingin. Nakita naming papasok ang kotse ni Bam sa isang gate sa may hindi kalayuan.

"Bahay nila 'yan. Dyan sila nakatira," imporma ni Lisa sa amin habang naroon pa rin ang tingin.

Bahay 'yon nila Bam? Ibig sabihin ay magkapitbahay sila? Wait, hindi ko ma-gets.

"Letsugas ka!" isang batok ang ibinigay ni Rae kay Lisa pero imbes na masaktan ay tawa lang ito ng tawa.

Hindi ko magawang maki-tawa dahil nasa proseso pa rin ako ng pag-iisip.

"Yung mukha mo, Ami. Oo, magkapitbahay lang kami ni Bam. Feeling ko yung rason kung bakit pa hard to get 'yan noon kasi magkapitbahay kami."

Parang gusto ko na rin saktan si Lisa ngayon. Bakit hindi niya man lang sinabi sa amin? Magkakilala naman na pala silang dalawa.

"Don't tell us you two knows each other since then?" Rae asked.

Lisa acted na parang nag-iisip siya. "Actually... yung parents niya dyan na talaga. Nung nag start syang mag college, dumating sya dyan. Ang sabi, sa probinsya daw si Bam nag-aral mula Elementary hanggang Senior High... Graduating na siya, so five years ko na syang kilala."

Anak ng tupa! Five years na silang magkakilala tapos magkapitbahay pero kung umakto siya kada makikita si Bam ay parang first time lang makita yung pagmumukha. Kung kiligin hanggang talampakan.

Napatigil ako sa pag-iisip nung mapansin kong sa akin na nakatingin si Rae. It's not just a normal stare, parang may ibig siyang sabihin na hindi ko makuha.

"Baka may gusto kang aminin, Ami? Kilala mo na ba si Chris? Kapitbahay mo rin ba kaya ka ganon maka-tingin kanina?" sunod-sunod na tanong nya kaya naman natawa ako.

"Hindi ko siya kilala. Kanina ko lang siya nakita," pag amin ko.

Oh, yeah. Totoo naman na hindi ko siya kilala kasi ang kilala ko ay yung isa niyang kapatid which is yung kakambal niya.

"Ah, so na-love at first sight ka?" tanong ni Lisa na may halong pang aasar. "Pwede ko kausapin si Bam para sa 'yo, malakas ka sa akin friend, eh."

"Anong love at first sight? Asa!"

Hindi ako naniniwala sa love at first sight na 'yan. Sa totoo lang, ayoko agad na magtiwala sa isang lalaki. Ang gusto ko, makilatis ko muna at malaman kung ano yung ugali. Hindi ako nagmamadali pagdating sa ganiyang usapan. Ang sa akin, gusto ko kahit papaano ay kilala ko ng lubos ang taong pag i-invest-an ko ng feelings ko para iwas stress.

"Oh my gosh!" tili ni Rae habang nakatitig sa cellphone ko. Hindi ko namalayan na nilabas na pala niya mula sa bag nya.

Ipinakita nya sa amin ang notification sa screen at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

'Chris dela Cuesta accepted your friend request.'

Inalis na ni Rae sa pagmumukha namin ang cellphone ko at ngumisi. Oh, that's bad! Akmang kukunin ko na ang cellphone ko nang pigilan ako ni Lisa. Masasabi kong kung mabilis ako ay mas mabilis sila.

"Kalma. Rae's doing her job as our little cutie cupid. Baka bukas may botfriend ka na rin," ani Lisa pagkatapos ay ngumisi.

"Tara na sa loob." aya ni Rae matapos ipasok sa loob ng bag niya ang cellphone ko.

"Anong sinabi mo?" tanong ko habang papasok kami sa loob.

"Wala. Wave lang. Syempre, start tayo sa basic," sagot niya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Lutang ako habang gumaagawa kami ng business plan. Naka-ilang tingin na rin si Rae sa cellphone ko at napapakunot ang noo niya sa tuwing nakikita na walang chat pero sa pagkakataong ito ay hindi na niya binitiwan pa ang cellphone ko katulad ng ginagawa niya kanina.

Mukhang nagta-type nanaman siya. Sumilip si Lisa kaya naman sumilip na rin ako, that's my account by the way.

Nag ta-type si Rae.

Amora Mina Esperanza:

Sorry kuya napindot.

"What the hell? Bakit after half hour ang excuses mo?" hindi makapaniwalang tanong sakaniya.

Kanina pa siya nag wave, eh, so dapat after niya mag wave nag chat siya ulit. Ngayon ko lang napansin na pinalitan na pala ni Rae ng colors at emoji ang conversation namin ni Kuya Chris. Yeah, I should call him Kuya since fifth year na siya at second year pa lang ako.

"That's what you call tactics. Para mapansin niya ang chat mo. Baka mamaya marami rin palang nag cha-chat sakaniya," sagot niya at inirapan ako na para bang gusto niyang iparating na ang shunga ko sa part na 'yon.

Sa pagkakataong ito ay inagaw ko ang cellphone ko sakaniya pero mukhang alerto siya dahil nahigpitan niya ng hawak.

"Hey, akin na. Ako na makikipag chat," ani ko at hinila ang cellphone ko na hawak pa rin niya.

"No. Wala akong tiwala sa skills mo pagdating sa harutan." muli niyang hinila pabalik sakaniya ang cellphone ko. Nagpatuloy iyon hanggang sa may door bell sa gate.

Tama bang door bell ang gagamitin kong term? Hindi ba dapat ay gate bell? Ay, ewan!

Lumawag ang pagkaka-hawak ni Rae sa cellphone ko kaya naman nakuha ko 'yon sakaniya pero imbes na saya ang maramdaman ko dahil after ng ilang oras ay hawak ko na ulit ang cellphone ko ay parang pakiramdam ko aatakihin ako sa puso.

Ilang beses na napindot ang heart emoji at nasend kay Chris. Nanginginig ako habang ni-lo-long press para i-unsent pero parang nawalan ata ako ng dugo sa buong katawan ng lumitaw ang maliit na bilog sa pinaka-last emoji na nasend ko at laman 'non ang profile picture siya.

Shookt! I'm dead. Na seen na niya.

"Tang ina." tanging salitang nabitawan ko bago ko hilingin na sana ay kainin na ako ng lupa ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status