Share

Breaking The Rules
Breaking The Rules
Author: SUMMERIASWINTER

Chapter 1

"Asthad! Yung pasaherong bababa sa bayan ng Asthad! Baba na!"

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na sigaw ng conductor ng bus na sinasakyan ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas. Kinusot ko ang aking mga mata. Nandito na nga kami.

Kinuha ko ang aking mga naglalakihang bagahe at naglakad palabas.

Pinagtitinginan ako ng mga kasama kong pasahero. Who wouldn't? It's rare to see someone who visits the town of Asthad.

I just ignored them.

Pag-apak ng paa ko sa lupa ay mabilis na humarurot papalayo ang bus na sinakyan ko. Nakaharap ako ngayon sa mga nagtatayugang mga puno. In the middle of the trees is a small pathway.

Pinulot ko ang sandamakmak kong mga bagahe at nagsimula na itong tahakin. Bawat hakbang ko ay tumutunog ang mga tuyong dahon na aking naaapakan.

How many years has it been? I think 10 years had passed since I ran away from home. My family owns the biggest land here in Asthad or maybe half of it. Having that kind of inluence, my father became the mayor and been ruling Asthad for many years.

I don't have any plans on returning home but due to some unexpected circumstances, here I am, walking on the same old road back home.

Our town is located in the middle of the forest.  A remote town at 'yon ang dahilan kung bakit ako pinagtitinginan kanina. It's far away from city but people are leaving in peace. Buti na lang hinatid ako ng bus hanggang dito kahit mag-isa lang ako. Ang iba kasi ay tinatamad na pumasok dahil malayo raw.

Nang makalagpas ako sa kakahuyan ay nakita ko ang pamilyar na signage na nagsasabing papasok na ako sa bayan ng Asthad.

Tumigil ako nang umihip ang malamig na hangin. My long black hair swayed along with it. 

The cold breeze smells sweet.

Ah. I felt nostalgic.

Nagsimula ulit akong maglakad, this time, in the wide asphalt road.

Sa magkabilang gilid ng daan ay ang malawak na palayan na mabining sumasayaw sa malamyos na ritmo ng hangin. Iba talaga ang hangin dito kumpara sa siyudad kung saan ako galing.

I was humming and enjoying the view when I saw a Jaguar rushing towards me in a high speed.

Hinila ko ang mga bagahe at tumabi sa gilid ng daan. Ang lawak lawak ng kalsada pero nanggigitgit pa eh kita namang nasa gilid na ako. Problema ng driver nito?

Tumigil ang sasakyan sa tapat ko. I frown. Lumabas mula sa sasakyan ang isang matangkad at maputing lalaki. Tumingin siya sa mukha ko. Pagkatapos ay ginala niya ang tingin sa kabuoan ko, mula ulo hanggang paa saka ngumiti ng nakakaloko.

Okay. Sino ang unggoy na ito?

He looks familiar though.

"Lauren, it's really you!" Natutuwa niyang wika.

Akma niya akong yayakapin pero umatras ako. Feeling close ang isang to ah. Umaalingasaw pa ang pabango.

"Excuse me, do I know you?"

Hinawakan niya ang dibdib at umaktong nasasaktan. "Hindi mo na ako maalala? Ganon na ba ako kagwapo upang di mo makilala?"

Natigilan ako at pinagmasdan siya. 

Thick eyebrows, a pair of brown orbs and the small mole under his left eye.

I gasped.

Ngumisi siya nang makita ang recognition sa aking mukha. "K-Koko? Kronus David? Ang uhuging kalaro ko noong bata ako?" Wika ko sa hindi makapaniwalang boses.

Malakas siyang humalakhak. "Yes my lady," aniya na bahagya pang nagbow. "Pero hindi na ako uhugin ngayon."

Tuluyan na akong napangiti. Hinila ko ang braso niya at niyakap siya. 

Natatawa niyang tinatapik-tapik ang likod ko. "Oh tama na. Baka magselos ang girlfriend ko niyan."

"May girlfriend ka? Buti may pumatol sayo?" Kantiyaw ko habang inaayos namin ang aking mga bagahe sa sasakyan niya.

"Oo naman. Ganda kaya ng lahi ko," ngisi niya. Kinidatan pa ako ng loko.

Napailing na lang ako. Hindi pa rin siya nagbabago.

Pasimple ko siyang pinagmasdan. Seryoso na siya ngayon habang nagdadrive. He really looks different now. He looks more mature than his real age. Adolescent must've hit him hard.

Tumikhim ako. "Kanino mo nalaman na uuwi ako ngayon?" Tanong ko upang basagin ang katahimikan.

"Kay Tita. Sinabing sunduin daw kita," aniya na ang tinutukoy ay ang step mom ko.

"Really?" Wika ko saka tumingin sa labas ng sasakyan. I don't know what to say aside from that.

"Hindi nga ako naniniwala na uuwi ka. But I'm glad that you came home."

"Yeah," walang gana kong wika. "Do I have a choice?"

Sumulyap siya sa'kin. "You've change a lot."

"I didn't."

"No. I mean you're physical appearance." Paglilinaw niya.

Pagak akong tumawa. "You think that I'm still the old me? 10 years had passed. Just like you, I've changed a lot."

Hindi na umimik si Koko. Bakit ba badtrip ako? 

Napabuntong hininga ako nang maalala ang mga araw ng kabataan ko.

I was fragile and weak. Maybe gullible too. 'Yon ang dahilan kung bakit ako nabubully noon. Hindi lang sa mga kalaro ko kundi pati na rin ang kapatid at step mom ko. Lahat ng 'yon ay nasaksihan ni Koko dahil liban kay Dad ay siya lang ang kakampi ko. Kaya nasorpresa ako sa sinabi niya kanina na si Tita Eliza ang nagpasundo sa akin.

"I heard from your father that you joined military." Baling ni Koko. "Sapat ba ang allowance na binibigay ni Tito noon?"

"I didn't touch it," simple kong sagot.

"What?" Gulantang ang mukha niya. "Then how did you survive?" aniyang hindi pa rin makapaniwala.

"Ba't ba ang dami mong tanong?" Medyo inis na ako.

"Just answer it."

"Tsk." Binuksan ko ang bintana sa tabi ko upang lumanghap ng sariwang hangin. Mas marami ng buildings at infrastructures ang nakatayo ngayon. And I know that father work hard for it to happen.

"I worked while studying. You know me Koko. As much as possible, ayaw kong humihingi ng tulong sa kahit na sino."

"Even help from your father?"

"I made a selfish decision back then. I left home so I don't have the rights to use his money anymore."

Hindi madali ang maging working student. Aral sa umaga tapos trabaho naman sa gabi. Konti lang ang oras para makapagpahinga at matulog.

I graduated high school with flying colors that's why I got a scholarship from the academy. It covers everything, from my tuition fee, uniforms, field trips, seminars and allowances.

Ang sweldo ko naman noon sa pagpapart time ay siyang binabayad ko sa upa, water bills, groceries and personal things.

I have sleepless nights also lalo na pag sabay-sabay ang exam, training, thesis, name it. It was tough. Gusto ko ng sumuko noon pero kinaya ko dahil yun ang ginusto ko. I'll be a laughingstock if I didn't accomplish anything.

At mas mabuti na yun kesa ang manatili ako noon dito. I'm proud of myself, na kinaya ko lahat ng 'yon mag-isa. And it paid well. It really did.

Hindi na muli pang umimik si Koko hanggang sa makarating kami sa Centro, the heart of Asthad.

I closed the window. It's too crowded. Nahihilo ako pag marami akong nakikitang tao. Maaga pa pero madami ng tao sa kalye.

Different kinds of stores are perfectly aligned on every corner of the street. I can see new shops too. This place was build by the Spaniards. Kung meron mang ipapatayo na building dito sa Centro ay kailangang sundin ang style at disenyo nito.

But despite all the modernization and stuff, something hasn't change, the eeriness of this town remains.

Compared to some places where the sun shines brightly, Asthad is a little bit dreary. Maybe because it's located in the middle of the forest, surrounded by big trees and where the clouds stays.

"Is that the Capitol?" I asked pointing the 3 story building ahead of us.

"Yeah. That was just a small building before, remember? Your father work hard for it," aniya sa proud na boses.

Indeed. My father is a dedicated person, to the town and to the towns people.

"Do you want to drop buy somewhere or head straight to your house?" tanong ni Koko.

"Just..drive straight h-home." I nearly laughed when I stuttered.

Home?What a joke. What is home by the way?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status