Share

Chapter 2

Tahimik akong nakatingin sa labas. We've already entered the private property of Escanor's. It's a 60 hectares hacienda. Ang bahay namin ay nasa pinakadulo nakapwesto.

May mga maliliit na kubo kung saan tumutuloy ang mga trabahador kung hindi sila uuwi lalo na pag pagod sila o pag madaming trabaho sa hacienda. Libre naman lahat ng mga pagkain nila dito kaya kampante ang mga pamilya ng mga ito kung sakali mang hindi sila makauwi.

I saw some familiar faces and I recognized some of them. May nakita akong mga trabahador na busy sa pagpapagatas ng mga bagong panganak na baka.

Cows, chicken, pig, horse, goat. 'Yon ang mga alagang hayop na nandito sa hacienda. Their population got doubled.

"Nagdidistribute kayo ng mga itlog?" tanong ko kay Koko nang makita ang maraming itlog na inilalagay sa truck.

Bumaling si Koko doon sa tinuro ko. "Kulang kasi noon ang supply ng itlog at sobrang mahal pa. Kaya naisipan ng papa mo na magproduce ng mas maraming itlog at ibenta sa mas murang halaga para hindi mahirapan ang mga mamamayan," mahaba niyang paliwanag.

"See that?" Nguso niya sa isang itim at matangkad na kabayo. One look ay alam ko ng sobrang mahal nito. "Galing pa yan sa ibang bansa. Nito lang mga nakaraang buwan ay nahiligan niyang magpabreed ng mga hayop."

"Kung–" Natigil ako sa pagsasalita nang may namataan akong sobrang pamilyar na tao.

My face become stoic. Nang makita ni Koko ang pagbabago ng reaksiyon ko ay tumingin siya sa kung saan ako nakatitig. Not far away from us, there's a woman in a tight ponytail riding a brown horse.

Tumigil ang kabayo sa gitna ng daan at mukhang inaantay kaming makalapit.

"Samantha," usal ko sa pangalan ng kapatid ko. 

Nakatingin ang mga mata nito sa passengers seat kung saan ako nakaupo. Tinted ang sasakyan ni Koko kaya hindi niya ako makikita pero alam niyang nasa loob ako.

"Idiretso mo lang Koko," malamig kong wika nang bumagal ang pagpapatakbo niya.

"Ahmm. Okay."

Bumalik ang dating bilis ng sasakyan. Linagpasan namin siya. Tumingin ako sa side mirror at nakita ko kung paano kumunot ang makinis niyang noo habang nakatingin sa sasakyan na papalayo. 

Tinanggal ko ang tingin sa kanya at itinutok sa daan. Matatanaw na mula dito ang aming bahay.

"Are you alright? You look nervous." baling ni Koko.

"I'm fine. It's just that, I don't know how to act."

Matagal akong nawala. Marami nang nagbago. Pakiramdam ko ay hindi na ako parte ng bahay na ito. Na lahat ng bakas ko ay tuluyan nang naglaho.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Biglang namawis ang kamay ko. Kung pwede lang sanang tumakbo palayo.

Marahang tinapik ni Koko ang balikat ko. "Just be yourself Lauren. Show them that you're not the same as before. Ipakita mong kaya mo ng lumaban." Pagpapalakas niya sa loob ko.

Nginitian ko siya. He's right. "Thanks."

Unang lumabas si Koko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.

Kandaugaga na lumabas ang mga tagapagsilbi sa bahay. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.

"Jusmiyo hija! Lauren ikaw na ba yan?" anang isang medyo may edad ng babae.

"M-Manang Rosing?" wika ko nang mamukhaan ko siya.

Humagulgol siya sa harap ko. "Ang laki laki mo na!"

Isa-isa nila akong yinakap at kinamusta. Natigil lang sila nang awatin sila ni Koko. Kinuha nila ang aking mga bagahe at ipinasok sa loob ng bahay.

"Gusto mo bang ihatid pa kita sa loob?"

"Hindi na. Kaya ko na. Salamat sa pagsundo Koko."

Tumitig ng matagal si Koko sa mukha ko bago bumuntong hininga.

He patted my head. "Tawagan mo ako kung sakaling magkaproblema."

Marahan akong ngumiti. Alam kong nag-aalala siya.

"Don't worry too much. I can handle myself."

"Yeah right." Umirap siya sa hangin. Natawa lang ako sa kanya.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago pumasok sa loob ng bahay.

I'm home.

Samot-sari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang inililibot ang paningin sa malawak na sala. Katulad pa rin ng dati ang ayos. Maayos pa rin na nakasabit ang mga malalaking paintings sa dingding.The expensive chandeliers and the grand staircase. Meron akong nakitang mga bagong figurines at muwebles pero aside from that ay wala na. It's still the same.

"Miss Lauren, kanina pa po kayo hinihintay ng papa niyo," anang isang dalagang katulong, bahagya pa itong yumukod.

Sumunod ako sa kanya papuntang second floor. Pinagmasdan ko ang paligid. Himala na hindi ko man lang makita ang anino ng step mom ko.

Tumigil kami sa isang pamilyar na pintuan. Ngayon ko lang ulit naalala kung bakit ako bumalik dito sa bayan ng Asthad.

Binuksan ng kasama ko ang pintuan. "Sir nandito na po si Ms. Lauren."

"Maiwan ko na po kayo dito." Paalam niya sa'kin.

"Salamat."

Inilibot ko ang tingin sa malawak na kwarto. Natagpuan ko ang isang pigura na nakatalikod sa akin. Nakaharap ito sa bintana at nakatingin sa malayo. Sadness and pain crept inside my chest upon seeing him.. again.

"P-Pa," usal ko sa garalgal na boses.

His body tensed. "Lauren? Lauren anak? Ikaw na ba yan?" aniya. Nangapa siya habang inililibot libot ang paningin.

Hindi niya ako makita.

Wala siyang makita.

Doon na umalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Oh god, he's blind.

Ako na ang lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Pa. Andito na ako.. I-I'm so sorry pa." Iyak ko sa kanyang mga balikat.

"Lauren."

Kung mahigpit ang yakap ko ay mas mahigpit ang kanya.Tahimik lang niya akong niyayakap habang ako ay umiiyak. His tight and warm hug enveloped my body. No one can replace the security that it gives me.

"I'm so sorry pa. I'm so sorry kung iniwan kita."

I missed him. Ngayon na kaharap ko na siya ay parang nagsisisi ako na umalis noon. Na sana ay nanatili na lang ako dito kasama siya. Noong naglayas ako, hindi ko man lang naisip kung ano ang mararamdaman niya. Ang inisip ko lang ay ang sarili ko. Ang makalayo sa lugar na ito.

"Shhhh. I understand hija. Hindi mo kailangang magpaliwanag at humingi ng tawad. Meron din naman akong kasalanan."

Kumalas ako sa kanya at tinitigan siya. "Pa don't say that. Wala kang kasalanan."

Hindi siya nagsalita bagkus ay itinuro ang direksiyon ng kama. Inalalayan ko siya paupo doon.

Bumigay na ang katawan niya. Nangangayayat na rin siya. His proud and mighty posture is gone.

Ito ang dahilan kung bakit ako umuwi. Bigla-bigla na lang nagkasakit si papa. Ang malala pa dun ay nabulag siya.

Samantha can't handle all the responsibilities that our father left. The Capitol and the hacienda pati na ang mga mamamayan. Ang step mom ko ay may sariling line of business kaya bihira lang itong makatulong.

"Ano po ang sabi ng doctor tungkol sa kalagayan niyo pa?" tanong ko habang minamasahe ang mga daliri niya. I used to do this before. Nangangalay daw ang mga kamay niya sa maghapong pagpipirma ng mga dokumento kaya minamasahe ko noon.

Lumungkot ang muka ni dad. "Hindi raw nila matukoy. Ilang doctor na ang tumingin sa akin pero pare-pareho silang walang sagot. Sinubukan pa ni Elizabeth ang mga doctor sa siyudad pero katulad ng dati ay hindi nila alam kung anong klaseng sakit ito."

I bit my lip. Nasabi na sa akin ni Koko ito nung nasa biyahe kami. Una raw na napansin ni dad ay lumalabo ang paningin niya. Sunod daw ay nananakit ang katawan niya. At isang araw nga ay natagpuan nila ito na walang malay sa kanyang opisina. Paggising niya ay ganito na ang katawan niya, wala na ring makita. At sa pagdaan ng mga araw ay lalo siyang nanghihina.

Eye operation is not an option also. Sa kasalukuyang kalagayan ng katawan ni dad ay hindi niya kakayanin ang proseso.

"M-May gamot po ba kayong iniinom?"

"Meron. Pero hindi naman ako gumagaling," biro niya.

Nagbara ang lalamunan ko. I know that he's hiding it. Alam kong nafufrustrate na siya, na gusto na niyang lumabas ng bahay at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

"Lauren, ang sakit na ng hawak mo."

Kumurap ako ng ilang beses saka tumingin sa kamay niyang hawak ko.

"Sorry pa!" Di ko namamalayan na pinipisak ko na pala ang kamay niya.

Mahina siyang natawa. Inangat niya ang kamay saka hinanap ang buhok ko at marahang hinaplos. "Kung sana nakikita kita," aniya sa mahinang boses. "I am proud of you Lauren. Minana mo ang katapangan ng iyong ina. Nasaktan man ako nung umalis ka pero alam kong para yun sa ikagaganda ng buhay mo. At sana lahat ng mga natutunan mo sa labas ng bayan na ito ang siyang magiging baon mo sa pagharap sa mga pagsubok na kakaharapin mo."

"Pa.."

"Huwag mo akong alalahanin hija. Gagaling din ako. Gusto ko pang makita ang mga apo ko sayo."

"Pa naman."

"Pero wala ka pa ring boyfriend kaya pano ako magkakaapo?"

"Pa!" Doon na siya humalakhak. Napatawa na rin ako.

I promise na gagaling ka. Hahanap ako ng lunas sa iyong karamdaman. Alam kong napakaimposibleng pakinggan pero mas mabuti na yun kesa ang sumuko na lang.

Matapos naming mag-usap ay nagpaalam akong magpapahinga muna.

Pagkalabas ko ng kwarto ni Dad ay nagulat ako nang makita ko ang aking step mom na nakatayo sa gilid ng pinto. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakahalukipkip. Nakasandal siya sa pader at mukhang hinihintay ako.

"Tita."

Nagmulat siya at tumingin sa akin ang malamig niyang mga mata. Hindi ko alam pero biglang nanlamig ang katawan ko.

Bumaling siya sa dalagang naghatid sa akin kanina dito. "Sherly, ikaw na ang bahala sa sir Anton mo."

"Yes ma'am."

"At ikaw Lauren." Bumalik ang tingin niya sa'kin. "Sumunod ka sa akin."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status