Share

Chapter 3

Tahimik akong sumunod kay Tita Elizabeth. Tanging ang lagutok ng sapatos niya ang maririnig sa pagitan naming dalawa.

Gaya pa rin ng dati ay maayos ang postura niya. Maganda pa rin kahit medyo may edad na. Ang mga alahas sa kanyang katawan ay sumisigaw ng karangyaan.

"Pasok ka," aniya sa pormal na boses.

Mabilis kong iginala ang paningin sa loob. I think this is her office.

Itinuro niya ang mahabang sofa. "Maupo ka."

Wala akong magawa kundi ang maging sunod-sunuran sa mga utos niya.

May kinuha siyang mga papeles at nagsimulang magbasa. Her brows is perfectly shaped while her lips is on red shade, her typical self.

Hinyaan ko lang siya sa ginagawa. I didn't dare to break the silence.

Matapos ang ilang sandali ay itinabi na niya ang binabasa. Sumandal siya sa upuan at tumingin sa akin.

"So, how are you?" Tanong niya na siyang ikinagulat ko.

Tumaas ang kilay niya nang hindi agad ako nakasagot. "A-Ahm. I-I'm fine Tita."

Shit.

"I heard that you graduated college by yourself. Tell me, bakit hindi mo ginalaw ang perang binibigay ni Anton?"

Really? Bakit niya tinatanong? Si dad nga ay hindi na inungkat ang bagay na yun.

"I'm not worthy of it," tipid kong sagot.

Nakita ko ang pagngisi niya. "Buti naman at alam mo. Lumayas ka kaya wala ka ng dapat pang aasahan na tulong galing samin. But your father loves you so much. I'm against it pero wala na akong magagawa."

Alam ko ang bagay na 'yon. Isa sa mga dahilan kung bakit di ko ginagalaw ang perang pinapadala ni papa. Dahil merong dalawang tao ang ayaw sa ideyang 'yon.

"Don't worry Tita. Kahit piso ay wala akong kinuha. Pwede niyong kunin kong gusto niyo." I tried my best to control my tone pero hindi pa rin nakalagpas sa pandinig niya ang pait doon. Tsk.

Pero hindi niya yun pinansin. "I don't need it. Besides that's just a small sum of money."

Of course it's just a small amount to her compared to the money stored in her bank accounts.

"Anyway, I didn't invite you here to talk about the past." Tumayo siya at naglakad papunta sa glass window. Tanaw mula doon ang hacienda.

"Though you're degree isn't connected to any of the family's affairs, I want you to help me in the Capitol. Alam mong meron akong sariling negosyo kaya hindi ko masyadong matututukan ang pamamalakad sa bayan. Don't worry, Koko will assist you hanggang sa matuto ka."

"How about the hacienda?"

"Si Samantha na ang bahalang magpatakbo sa hacienda. She's more devoted than anyone."

Marahan akong tumango kahit hindi niya ako nakikita. Sang-ayon ako sa lahat ng sinabi niya. Ngayon na ganito ang kalagayan ni papa ay kailangan naming magtulong-tulong upang alagaan ang mga bagay na iniwan niya pansamantala.

"May tanong ka ba?" Baling niya.

"Wala po Tita."

"Kung ganon ay makakaalis ka na. Magpahinga ka na muna sa ngayon."

"Sige po Tita," sagot ko bago tuluyang lumbas sa kanyang opisina.

Akma kong isasara ang pintuan nang muli niya akong tawagin. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatitig sa akin.

"Tita?" Untag ko.

She heaved a deep sigh. "Welcome home."

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pabaling-baling lang ako sa aking higaan. 

Inis akong bumangon at kumuha ng malamig na tubig sa aking mini fridge.

I was stunned earlier when I entered my room. It's renovated and fully furnished. Lumawak din ito dahil isinama ang katabing guestroom. Kumpleto na rin ang mga gamit at sobrang linis. Nang tinanong ko kanina ang isang kasambahay kung sino ang nagpaayos ng kwarto ko ay si Tita Eliza daw.

Bitbit ang baso ay tinungo ko ang terrace ng aking kwarto. Umihip ang panggabing hangin. Makikita mula dito ang mga ilaw na nakabukas sa bawat kubo sa hacienda.

Umupo ako sa gilid ng terrace habang malalim ang iniisip. I never expected this kind of treatment lalo na kay Tita Eliza. She isn't kind to me but she's not rude also. Malayong-malayo sa pagtrato niya sa akin noon.

Hindi siya 'yung tipo ng step mom na waldas dito waldas doon ng pera. Hindi niya pinapakialaman ang pera ni dad dahil meron siyang sariling pera. And above all, she loves my father so much. 'Yon ang tangi kong pinanghahawakan noong umalis ako. Na kahit wala na ako upang mag-alaga kay dad ay alam kong nasa mabuti pa rin siyang mga kamay.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga naglalakihang mga bituin. Somehow everything's running smoothly. Ang pinoproblema ko na lang ay si Samantha. She's ahead of me for 2 years. Hindi ko siya nakita buong maghapon dahil marami siyang ginagawa sa hacienda. I wonder kung katulad pa rin siya ng dati.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay biglang nanayo ang aking mga balahibo. Ever since I was young, I have this high senses. At lalo itong nahasa sa mga training na aking napagdaanan.

Iginala ko ang paningin sa madilim na paligid. Someone's watching me.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kabilang parte ng terrace. Umihip ang malakas na hangin sa direksiyon kung saan ako nakaharap. 

Nanatili akong nakatingin sa kadiliman sa aking harapan. I know that someone's hiding in the darkness.

Naalala ko na naman nung bata ako. Madalas akong tumambay dito. Saksi ang mga bituin at buwan sa mga sakit na pinagdaanan ko noon. Dito ako umiiyak at naglalabas ng sama ng loob. At palagi, palaging may nakatingin sa akin mula sa malayo.

At ngayon na bumalik ako ay ganun pa rin. Mas mabibigat nga lang na titig ang nararamdaman ko ngayon.

I shrugged. Wala na akong pakialam pa kung sino ang taong ito. Wala akong balak alamin.

Pumihit ako papasok sa loob but I immediately stopped when I heard a low growl.

Natigilan ako ng ilang segundo bago lumingon sa direksiyon kung saan ako nakatingin kanina. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero meron akong nakitang kumislap na pares ng mga mata.

Medyo napaatras ako. The piercing gold eyes are looking at me, intently.

What the..

Nakarinig pa ako ng isang angil bago unti-unting naglaho sa dilim ang mga matang iyon.

Naiwan akong tulala habang pinapakinggan ang mga mabibilis at mabibigat na yapak papalayo.

Kinuha ko ang baso at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto. Inilock ko na rin ang pinto. Umupo ako sa kama.

Meron bang mabangis na hayop na alaga dito sa hacienda?

Maaga akong nagising kinabukasan. Kasalukuyang nagluluto ng agahan sina Manang Rosing nang pumunta ako sa kusina.

"Ang aga mo namang gumising hija." Puna niya. "Hindi pa kami tapos magluto."

"Okay lang po manang. Sanay talaga akong gumising ng maaga." Paliwanag ko. "Tulungan ko na po kayo."

"Naku. Ikaw talaga," aniyang natatawa.

Pinagtitinginan ako ng tatlong kasama ni Manang Rosing. Nginitian ko sila habang nahihiyang ngumiti ang mga ito pabalik.

Nagpiprito ako ng tinapa nang magsalita si Manang. 

"Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ka na ulit. Tingnan mo, ang laki-laki mo na," wika niya sabay tingin sa kabuoan ko.

Isang short at maluwag na shirt lang ang suot ko tapos manipis naman na tsinelas sa aking mga paa. Simpleng-simple lang dahil nasa bahay naman ako.

"Ang ganda ganda mo na. Parang kailan lang ay tumutulo pa ang sipon mo." Halakhak niya. Naririnig ko pa ang tinatagong tawa ng mga kasama namin dito sa kusina.

Ganon ba ako kawawa noon? Natawa na lang ako.

"Si Samantha nga po pala? Anong oras siya umuwi kagabi?"

"Madaling araw na umuuwi si Samantha. Ewan ko ba sa batang yun. Masyadong pinapagod ang sarili. Nitong mga nakaraan nga lang ay halos di na siya umuuwi."

"Sa hacienda siya natutulog?" Kunot noo kong tanong.

Tumango si Manang. "Merong ipinatayo na cabin ang papa mo sa kabilang parte ng hacienda. Para hindi na raw mahirapan ang kapatid mo na pabalik balik dito sa bahay at sa trabaho niya."

So Samantha really take over the lead on handling the hacienda.

Si Tita Eliza lang ang nakasalo ko sa agahan. Habang kumakain kami ay nasabi niyang darating si Koko upang ilibot ako sa Capitol at sanayin ako sa mga trabaho doon.

Bumalik ako sa kwarto at nagbihis. Matapos ay dumaan ako sa kwarto ni papa upang magpaalam. Naabutan ko si Sherly na kalalabas ng pintuan.

"Sorry po ma'am pero natutulog po si sir Anton," aniya nang makita ako.

I frowned. Tanghali na ah.

"Hindi pa siya kumain?"

"Wala raw po siyang gana."

Sumilip ako sa kwarto ni papa nang makaalis si Shirley. Nakaharap siya sa pinto. Kahapon ko lang siya huling nakita at sa tingin ko ay lalo siyang pumayat. Nangingitim na rin ang palibot ng kanyang mga mata.

Marahan kong isinara ang pintuan. Hindi pwedeng ganito. Kailangan kong humanap ng doctor na makapagpapagaling sa kanya. Ayaw kong isipin ang mga posibilidad na pwedeng mangyari. I don't want to be left alone.

Ipinilig ko ang ulo upang maalis ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa aking isipan.

Pagkababa ko sa sala ay naabutan ko si Koko na prenteng nakaupo habang dinudutdot ang hawak na cellphone. Nakangisi pa na parang baliw. Nakasuot siya ng jeans at polo na basta na lang itinupi ang manggas.

"Ang aga-aga pa pero nakikipaglandian ka na." Pukaw ko sa kanya.

"Uy," aniyang nakatawa.

"Sino na naman yang binobola mo?"

Tumawa ulit siya. "Wala. Girlfriend ko."

Umirap ako. Girlfriend na nga binobola pa.

"Hindi ba nagkaproblema kahapon?" Tanong niya nang nasa biyahe kami.

"Hindi naman," sagot ko.

"That's good," aniyang tumango-tango pa.

Ipinakilala ako ni Koko sa mga empleyado sa Capitol. Merong ibang nakakakilala sa akin at natutuwa na nakabalik na ako pero nalulungkot sila sa nangyari kay papa.

Buong maghapon akong ginabayan ni Koko sa mga pasikot sikot na gawain sa Capitol. 

Meetings, business decisions, reviewing the monthly and annual budget, the capital expenditures, so on and so forth. Halos lahat ng oras ko ay nagugol sa pagrereview sa mga business proposals at pagpirma ng mga dokumento.

I sighed. My father's job is too tough. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status