Share

Chapter 5

Maingay na lumangitngit ang pintuan nang binuksan ko ito. Sumilip ako sa loob at wala ngang tao. Tuluyan na akong pumasok.

Una kong napansin ang madaming boots na nakakalat sa sahig. Yung basta na lang tinanggal at hindi na inayos. Madami ring mga coat at leather jacket na nakasabit sa mga dingding. Ito yung mga damit na hilig isuot ni Samantha noon at mukhang hanggang ngayon.

Walang masyadong gamit. Isang upuan, isang lamesa. Liban sa bread toaster at coffee maker machine ay wala ng ibang gamit.

Dumako ang tingin ko sa hagdan. Paniguradong kwarto ni Samantha ang nasa itaas. Aakyat na sana ako nang may nahagip ang mata ko. Sa gilid ko ay may mahabang itim na kurtina. Bahagya itong nakalihis at mula doon ay may nakita akong isang makintab na bagay.

Hinarap ko ito at hinawakan ang kurtina. Itinabi ko ang kurtina at tumambad sa akin ang mga bagay na tinatago ni Samantha.

Spear, bow and arrow, and different kinds of gun. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang crossbow. Saan ginagamit ni Samantha ang mga ito?

Kinuha ko ang isang palaso at marahang hinawakan ang head point nito. This is customized dahil merong nakaukit na SE dito. Samantha Escanor. Sa mga pagitan ng letterings ay may mga kulay pula. Using the tip of my nail, i gathered the red stains. Inilapit ko ito sa aking ilong at inamoy. Smell of blood. Doon na kumunot ang noo ko. Ano ang ibig sabihin nito?

Sa pagmumuni-muni ko ay may nahulog na bagay sa sahig. Yumukod ako at hinanap kong ano iyong nahulog. Then I found a bullet. And it's not just a simple one, it's a silver bullet.

Naguluhan ako. Saan ginagamit ni Samantha ang mga armas na ito?

"Who gave you the permission to enter my cabin?"

Agad akong napalingon sa nakabukas na pintuan nang marinig ko ang sobrang lamig na boses na iyon.

In the open door, Samantha is standing there, so proud and mighty while holding a revolver.

I stared at her.

We're almost as the same height or maybe she's inches taller than me. If my hair is raven black, her's is chocolate brown. If my skin is pale white, Samantha's skin is creamy white. At lahat ng mga yon ay namana niya kay Tita Eliza.

Lumipat ang tingin ni Samantha mula sa mukha ko papunta sa hawak kong bala. Maingat ko itong inilapag sa mesa ng hindi tinatanggal ang tingin sa kanya. I can't let my guard down, especially that she is holding a gun.

Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa baril. Bumalik ang tingin niya sa akin. "Uulitin ko ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?"

"I.." Wala akong maapuhap na salita. Bakit nga ba ako nandito? Upang mag-imbestiga?

Tahimik lang kami pareho habang nakatingin sa isa't isa. Natigil lang yun nang makarinig kami ng mga yapak ng kabayo. May lalaking nakasakay sa kabayo ang humahangos na dumating. Pawis na pawis ito.

"Miss Samantha, meron pong mga Rouges ang nagpipilit na pumasok–" Natigil sa pagsasalita ang lalaki nang makita ako. Narinig ko pa ang marahas na paghinga ni Samantha.

"P-Pasensiya na po. Hindi ko po siya agad nakita." Agad na paumanhin ng lalaki.

"Sige na. Mauna ka na. Susunod din ako," wika ni Samantha. Bahagyang yumukod ang lalaki bago umalis at tinahak ang kabilang direksiyon. Sinundan ko siya ng tingin.

Rouges.

Walang salitang pumasok si Samantha sa loob ng cabin. Tumabi ako nang pumunta siya sa kinaroroonan ko. Kumuha siya ng pana at ilang mga palaso at isinukbit ito sa kanyang balikat. Kumuha rin siya ng baril at nilagyan ng silencer. Pagkatapos ay kumuha siya ng malaking kahon. Binuksan niya ito at tumambad sa harap ko ang maraming silver bullets.

Tahimik pa rin si Samantha habang naglalagay ng bala sa magazine.

Nang matapos siya ay hinarap niya ako. Sobrang lamig ng kanyang mga mata. Ang mga mata niya noon ay punong puno ng tawa at kamalditahan pero ngayon, wala na akong makita ni isang emosyon.

What the hell happened to her?

"I don't have time to deal with you. If you're done checking my cabin, you can go out. And make sure to lock the door for me. Ayaw kong may basta basta na lang pumapasok ng walang permiso," aniya bago ako tinalikuran.

Bago siya tuluyang lumabas sa pintuan ay nagsalita ulit siya. "And I hope that what you saw will stay here. Ayaw kong makarating ito sa iba. Just keep your mouth shut like you always do before."

Nanatili akong nakatingin sa pintuang nilabasan niya hanggang sa makarinig ako ng yapak ng mga kabayo papalayo. I can't believe na wala man lang akong nasabi. Ang dami niyang binitiwan na salita pero sa akin ay wala ni isa.

Madali akong lumabas ng cabin. Inilock ko ang pintuan katulad ng bilin niya.

Rouges. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang salitang yun.

Linibot ko ang labas ng cabin. Sa likod ay may nakita akong isa pang kabayo kasama ng ginamit kanina ni Samantha. Tinanggal ko ito sa pagkakatali. I hope na wala itong tama sa ulo katulad ng ginamit ko kanina.

Hinaplos ko muna ito bago sumampa sa kanyang likod at pinatakbo sa direksiyon kung saan pumunta sina Samantha at ang lalaki kanina.

Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo. Gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko kay Samantha. Nakalagpas na ako sa aming hacienda. Medyo matalahib na sa bandang ito dahil malapit na ang border.

Habang palapit ako ay may nakikita na akong mga anino na gumagalaw sa may kakahuyan. Meron na rin akong naririnig, mga sigaw at mga nakakatakot na pag-alulong.

I can't be mistaken, they are dealing with wolves.

"Oh shit!"  Mura ko nang may lumipad na kabayo papunta sa direksiyon ko. Bago ko pa mailiko ang kabayo ay kusa na itong umiwas at nagpatuloy sa pagtakbo. Narinig ko pa sa aking likod ang mabigat na pagbagsak ng tumilapon na kabayo sa lupa.

Hinaplos ko ang buhok ng kabayo. Damn. This one is genius and trained.

Pinatigil ko ang kabayo sa pagtakbo nang makita ko ang isang anino ng lobo. Biglang bumahag ang buntot ko. Why.. They're damn big!

"Surround them! Aim for their legs and capture them alive!" Boses yun ni Samantha.

"We can't! They're too strong! Mamamatay tayong lahat!"

Binilang ko ang nakikita kong anino. Two wolves and maybe around 20 people.

"Then use the silver bullet," wika ni Samantha sa malamig na boses. "Kill that one and I'll capture the other one."

Mababangis na pag-angil ang aking narinig at ang marahas na paggalaw sa paligid. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng isang putok ng baril.

"Fuck! Asan ang silencer ng baril mo?! They'll hear the gun shot and their friends will aide them!" Sigaw ng isang lalaki.

Nakarinig ako ng mga pag-aaway.

And right after the warning, the trees from afar started shaking. Maririnig din mula sa pwesto ko ang mga mararahas na pagtakbo papalapit. Different growls started resonating in the forest.

"Get inside the border!"

"What are you waiting for?! Ready the goddamn traps!"

Kanya-kanyang sigaw ang lahat.

Humigpit ang hawak ko sa tali ng kabayo. What should I do? Manunuod na lang ba ako? What if something bad happens to Samantha? But I don't know how to fight wolves!

"Are the traps ready?" anang isang baritonong boses.

"Yes sir!"

"This is our one and only shot. If we miss it, we're done. I don't want to resort with this but we don't have a choice," wika ni Samantha.

Ramdam ko ang tensiyon na nararamdaman nila habang palapit ang mga galit na galit na lobo.

"Stay in your ground!" rinig ko pang sigaw ng lalaki.

Biglang nagring ang phone ko. Nagulat pa ako pati na ang kasama kong kabayo.

Si Koko ang tumatawag. Sinagot ko agad nang hindi inaaalis ang tingin sa mga pangyayari.

"Koko–"

"Where are you?Why did you left without telling anyone?!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"M-May pinuntahan lang–"

"Get your ass here!" Putol niya. "You're father suffered from cardiac arrest. He's in the hospital and he's looking for you!"

Muntik ko ng nabitawan ang phone ko sa ibinalita niya.

"Are you still there?" Inis na sigaw ni Koko.

"Y-Yeah. I-I'm coming." wika ko sa naguguluhan na boses.

My father needs me. Isa pang sulyap ang ginawa ko sa grupo nina Samantha bago kinabig ang kabayo pabalik.

They'll be fine. I'm sure of that.

"Saan ka galing?" Matalim na tanong sa akin ni Tita Eliza pagkarating ko sa ospital.

Gising si papa habang nakasandal sa kanyang higaan. Liban sa dextrose na nakasaksak sa kanya ay wala na. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun.

"Meron lang po akong konting inasikaso," pagsisinungaling ko.

"Tama na yan Eliza. Huwag mo na siyang pagalitan pa," ani papa sa nanghihinang boses.

Humugot ng malalim na hininga si Tita. "Sige maiwan ko muna kayo. Alagaan mo ng mabuti ang papa mo Lauren," aniya bago lumabas sa kwarto.

Umupo ako sa upuang inupuan ni Tita kanina. "Pa, I'm sorry kung wala ako kanina. Kamusta po ang pakiramdam niyo?" Nag-aalala kong tanong.

Kinuha ko ang kanan niyang kamay at hinaplos iyon. Nakikita ko na ang mga ugat sa kamay niya. Ang payat na niya.

"Mabuti na ang lagay ko," sagot niya. "Hija, may nakakita raw sayong mga trabahador na nangangabayo sa hacienda kanina. Pwede mo bang sabihin kay papa kung saan ka pumunta?" tanong niya sa malambing na boses.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "P-Pinuntahan ko lang po si Samantha."

I wonder kung ano na ang nangyayari sa kanila. Si dad kaya, alam niya ba ang tungkol sa mga taong lobo?

Kita ko ang pagliwanag ng mukha ni papa dahil sa sinabi ko and I know the reason behind it. Bilang isang ama, gusto niyang makitang magkasundo kaming mga anak niya. Yun ang hiling niya noon pa man.

"Talaga? Nag-usap kayo? Anong pinag-usapan niyo?" excited niyang tanong na parang bata.

"Wala po siya sa cabin. Pinuntahan daw niya ang mga nagkasakit na mga baka," pagsisinungaling ko ulit.

Hindi ako sanay magsinungaling dahil hindi ako lumaking ganun. At napansin ko na nitong mga nakaraang araw lang ay nagiging sinungaling na ako.

"Gano'n ba?" aniya sa malungkot na boses.

Natigil kami sa pag-uusap nang bigla akong tinawag ni Tita Eliza.

"Ano po yun Tita?" tanong ko nang maisara ang pintuan.

"I'll be gone for a couple of weeks or maybe months," panimula niya. "I can't bear to see Anton like this anymore. We two may not be in good terms but you know how much I love your dad. And I don't want to loose him."

"Tita.."

Bakas sa maganda niyang mukha ang pangamba. Nangingilid din ang luha sa kanyang mga mata. Nanikip ang dibdib ko. Hindi lang naman siya ang nag-aalala.

Tumikhim si Tita at inayos ang sarili. "Gaya nga ng sinabi ko kanina, aalis ako. Pupunta ako sa ibang bansa baka sakaling may alam sila sa kung ano ang sakit ni Anton. Hindi niya kaya ang magbiyahe ng malayo kaya magdadala na lang ako ng mga samples at mga data na galing sa mga naunang doctor na tumingin sa kanya."

Marahan akong tumango. "Kailan po ang alis niyo?"

"Bukas na bukas din. Kanina ko pa nga tinatawagan si Samantha pero hindi sumasagot. Kung sakaling hindi siya umuwi ay pakisabi na lang." 

Kahit hindi ko man aminin ay may nararamdaman akong pag-aalala para sa kaligtasan ni Samantha at sa kanyang mga kasama. I'm just hoping na ang 'trap' na sinasabi nila ay umobra nga sa kalaban nila.

Lumipas ang buong gabi na gising ang diwa ko. Maaga akong bumangon kaya naabutan ko pa si Tita. Madami siyang ibinilin sa akin. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay gumayak na rin ako. Kumuha ako ng kabayo sa kwadra at tinalunton ang daan papunta sa border kung saan nangyari ang engkwentro kagabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status