Share

Chapter 143

Tahimik kong pinanuod ang pag-alis nilang lahat. Akala ko ay sama-sama kaming pabalik sa palasyo pero heto na naman at naiwan ulit ako. Pera ayos lang. Ang importante ay makaalis sila dito.

Kung totoo man ang sinabi ni Reid sa kanila ay hindi ko na kailangan pang alalahanin ang kaligtasan ko. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang kailangan niya sa akin at pilit niya akong kinukuha.

Nang dumaan sa amin ang sangkaterba nilang mga kasamahan ay tumigil si Levis at sinapak si Reid sa braso.

"Hindi ko alam kung kanino ka ba talaga kakampi," aniya saka umiling pa na parang dismayado kay Reid.

"Alam mo kung ano ang sagot ko diyan," bale wala naman na sagot ni Reid.

Hindi na muling nagsalita si Levis at pumunta sa harap ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako.

His eyes glint mischievously.

"Man, who would thought that you have a Vaughan blood," aniya habang pinagmamasdan akong mabuti.

"How did you know?" tanong ni Reid.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status