Share

Kabanata 3

 Gabi na.

Dumating na muli si Prinsipe Erin sa bahay ni Alunsina. Abala naman si alunsina sa pag-aayos ng sarili upang maging maganda pa lalo sa paningin ni Prinsipe Erin.

Narinig ni Alunsina ang yabag ng kabayo ni Prinsipe Erin at nagmadaling lumabas. Bakas sa kaniyang pagmumuka ang pagkasabik upang makita muli ang binata.

‘’Alunsina aking kaibigan, magandang gabi’’ ang  masayang bati ni Prinsipe Erin.

‘’ Magandang gabi din Erin’’ ang sagot ng dalagang babaylan.

‘’Heto’t nagdala ako ng ilang mga kagamitan sa pagtatagal ko sa iyong tahanan’’ ang wika ni Prinsipe Erin.

‘’Hahaha at mukang handang handa kana sa ating paghahanap ng mga kasangkapan sa kagubatan’’ ang sambit ni Alunsina

‘’ Siya ngang tunay, aking kaibigan hahaha’’ masayang tugon naman ni prinsipe Erin.

Tinulungan na ipasok ang mga kagamitan ni alunsina si Prinsipe Erin sa loob ng bahay nito.  Tinuro kung san ito ilalagay at pagtutulugan nito.

Gawin mong komportable ang iyong sarili at tayo’y kakain na Erin.

‘’ ang dami ng isda na to’’ ang nasabi ni Prinsipe Erin nang makita ang hapag.

‘’Oo ang donasyon na binigay ng mga mangingisda nang malaman nilang humingi na ng tulong ang mahal na hari sa akin’’ paliwanag nito.

Kumain ng masaya ang dalawa habang nagkukwentohan at nagtatawanan.

Halos di naman maalis sa tingin ni Alunsina ang ang mga ngiti at tawa ng hari.

‘’ siya nga pala Erin, mayroon ka na bang iniibig?’’ tanong ni Alunsina.

‘’ Sa nagyon wala pa’’ ang sagot naman ni Prinsipe Erin.

Bahagya namang nagkaron ng pag-asa sa isipan si Alunsina. Napangiti ito at sabay nagbiro.

‘’hahaha isa kang sinungaling ginoo ako'y hindi mo maloloko’’ ang wika ng dalaga.

halos mabilaukan naman si Erin dala ng gulat sa sinabi ni Alunsina.

Mabilis na kinuha ang tubig sa basong yari kawayan.

‘’ hahaha bakit mo naman nasabi yan, ayaw mo maniwala sakin?’’ tanong ni Erin.

‘’ Matangkad, matipuno at gwapong prinsipe, walang magkakagusto???’’ usisa ni Alunsina.

‘’ Salamat sa papuri, pero alam mo din naman ang sitwasyon ko. Tagapagmana ako ng trono. Bilang susunod na Hari ako ay inihahanda ng aking ama. Pag-aaral ng mga takbuhin sa palasyo, pakikipaglaban at higit sa lahat kung pano mamuno. Kaya wala akong panahon sa bagay na yan. Ngunit sa susunod na taon ay bibisita ang ilang mga hari sa ibang bayan, dala ang kanilang mga anak na prinsesa at ipapakilala sa akin. Ayon sa aking ama hindi niya ako pangungunahan sa kung sino man ang gusto kong maging reyna ang nais niya lamang ay matuto akong maging hari para sa ating bayan’’ paliwanag ni Erin.

Habang nagsasalita ang binata wala naman kurap na nakatingin dito si Alunsina sabay ginulat nia ito ng pitik sa noo.

‘’Tik’’

‘’Hahaha hoy, nakikinig ka pa ba, inaantok ka na ata e’’ patawang sagot wika ni Prinsipe Erin.

‘’Arraaaayy,,, sakit naman’’ ang tangi lamang nasabi ni Alunsina.

‘’Hahaha pahinga na tayo at maaga pa tayo bukas kaibigan’’  wika ni Erin.

‘’ O siya sige’’ sagot ni Alunsina.

Ang tulugan ni Alunisina at Erin ay nahahati lamang ng kurtinang puti unang pumasok si Alunsina at nahiga. Hindi pa rin ito makapaniwala na kasama niya ang prinsipe sa kaniyang tahanan.

Pumasok na rin si Erin sa silid nito. Pinagmamasdan lamang siya ni Alunsina sa pamamagitan ng anino nito mula sa kurtinang naghahati sa kanilang tulugan.

Sa pamamagitan ng anino sa kurtina, Nakita ni Alunsina si Erin na tumayo. Nag alis ito ng damit,

Natulala si alunsina. Sumunod na ginawa ni Erin ay nagtanggal ito ng pang ibabang kasuotan.

Halos hindi makahinga si Alunsina sa nakita sa pamamagitan ng anino at mabilis piniliT nalang tumalikod habang nanlaki ang mata. Pinilit niyang makatulog.

 …………………………….

Tumihaya ng higa si Alunsina at pagmulat nito ay tumambad sa kaniyang paningin ang malapitang muka ni Erin. Walang pangtaas na damit. Kinuha ni Erin ang kamay nito at pinahawak ang matipuno nitong dibdib .Ginabayan ng Kamay ni Erin ang malambot na kamay ni Alunsina sa pababang parte ng katawan nito.

‘’Alunsina, Alunsina, Alunsina, ’’ tinig na naririnig ni Alunsina.

Nagising ang dalagang babaylan at napag-alamang siya pala ay nanaginip at ginising siya ni Erin.

‘’Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!, bakit mo ko ginising?’’ panghihinayang na sigaw ni alunsina.

‘’ Huh,,, bakit sabi mo maaga tayo ngaung araw?’’ pagtatakang tanong ni Erin.

Tumayo si Alunsina at naghilamos.

Nahimasmasan ang dalaga. Nag-asikaso ng umagahan.

‘’Pagpasensyahan mo na ako kanina Erin, heto mag-almusal tayo’’  wika ni Alunsina.

‘’Pasensiya ka na at ginising kita naudlot ata ang iyong magandang panaginip’’ ang nasabi ng binata.

Tila biglang nasamid si Alunsina sa gulat sa sinabi ni Erin. Si Alunsina ay naubo at natawa.

At sabay nagtawanan ang dalawa pagkatapos ay humayo na.

Lumipas na ang tatlong buwan lalong naging malapit na magkaibigan si Alunsina at Erin. 

Paguwi sa bahay ni Alunisina ay nanondun ang mga kawal ng hari nagaantay sa kanila. May dala itong mga pagkain na galing sa hari.

‘’Hiraya kaibigan!!’’ galak na sambit ni Erin sa isang kawal ng palasyo at niyakap ito.

‘’ Erin, wag mo ko tawagin ng ganyan nakikita tayo ng babaylan’’ pabulong at pangambang tugon ni Erin.

‘’Hahahahaha, wag ka mag-alala sa bruha nayan kaibigan ko yan’’ pabirong wika ni Erin.

‘’Isang magandang bruha’’ wika naman ni Hiraya.

‘’ O Alunsina, maganda ka raw hahaha’’ ang pabirong sabi ni Erin.

‘’Hahaha baliw’’ patawa namang wika ni Alunsina at pumasok na sa loob.

Labis na nahuhulog si alunsina kay Erin sa pagkat natuklasan nito kung ganu siya kabuti at ang gawi ng pakikitungo niya sa isang kawal.

Pagkatapos ng sandaling kwentohan ay umalis na rin si hiraya at dahil magdidilim na rin.

Habang nasa hapag ng pagkainan natanong ni Erin kung ano ang huling sangkap na kanilang hahahanapin. 

‘’Ang gintong bangus sa dagat na lamang ang kailangan natin. Ito ay lumalabas lamang ang mga ito sa gabi pagkabilugan ng buwan’’ ang wika ni Alunsina.

‘’Alunsina kung sa gayon ako na lamang magisa ang maglalayag ng gabi upang hanapin ang gintong bangus’’ ang sagot ni Erin.

‘’Kung iyan ang iyong nais Erin. Maari mong gamitin ang aking balsa’’ aniya ni Alunsina.

Pagkatapos kumain ng hapunan ay tumungo na si Erin gamit ang balsa palaot.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status