Share

Kabanata 4

Kahit na mukang masama ang panahon sa laot ay pumunta pa rin si Erin upang makakuha ng gintong bangus. Malakas ang hampas ng mga alon na nagpahirap kay Erin.

Sa kabilang banda ay nakita niya ang mga naglalanguyang gintong bangus.

Kahit na paulit ulit hampasin ng malakas na alon ay pinilit pa rin ni Erin makakuha ng kahit isang gintong bangus. Tinali nito ang isang paa gamit ang mahabang panali at tumalon sa katubigan.

Gamit ang pana ay naasinta in Erin ang isang gintong bangus at nakuha ito.

Bumalik ito sa balsa, inalis ang tali sa paa at nilagay ang isda sa isang sisidlan at tinali ng mahigpit sa bewang nito.

Masama pa din ang panahon at malalakas pa rin ang hampas ng alon.

Isang malaking alon ang humapas sa balsa ni Erin.

Nauntog si Erin sa isang bahagi ng balsa, nahilo ito at nalubog sa katubigan.

May isang kamay ng babae ang bigla nalang humawak sa kamay Erin.

Pilit na inaninag ang muka ngunit ito Malabo.

Naiangat siya ng babae lumutang sila sa ibabaw ng tubig.

Nakita ng malinaw ni Erin ang isang babaeng maputi at napakaganda.

Ngunit ito’y nawalan ng malay.

……………………………………….

(Kinaumagahan)

‘’Erin. Erin, Erin’’ paulit ulit na bigkas ni Alunsina kasama ang ilang kawal habang nasa gilid ng dagat at ginigising ang walang malay na si Erin.

Unti-unting binuksan ni Erin ang mga mata at nanghihina.

‘’Alunsina?’’ wika ni Erin.

‘’tagumpay ka Erin, nakakuha ka ng gintong bangus’’ galak na sinabi ni Alunsina kay Erin at kaniya itong niyakap.

‘’ Asan na siya? Ung babae?’’ ang tanong ni Erin.

‘’Huh, sino?’’ tanong Alunsina.

Dahan dahan tumayo si Erin at tila ba may hinahanap.

Nagtungo na si Erin at Alunsina sa bahay nito. Pinagpahinga si Erin.

Matapos magpahinga ni Erin ay tumayo na ito at nakita ang dalawang kawal sa hapagkainan kasama si Alunsina.

‘’Gising ka na pala, Halika na at kakain na tayo’’ ang paganyaya ni Alunsina kay Erin.

‘’ sige salamat’’ at tumungo na si Erin sa hapag.

‘’umaga na pero wala ka parin nagalala ako sayo kaya nagtawag nako ng mga kawal para hanapin ka’’ paliwanag ni Alunsina.

Patuloy sila pagkain ngunit wala parin halos imik si Erin at iniisip ang babaeng nagligtas sa kaniya.

‘’Erin mukang kanina ka pa tahimik, ayos ka lang ba?’’ tanong ni Alunsina.

‘’ oo wag mo ko alalahanin Alunsina’’ sagot nito.

Natapos na silang kumain. Lumabas na ng bahay ni alunsina si erin at mga kawal. Binilinan ni Erin ang mga kawal na sabihin s amang hari na siya ay ayos lang at ligtas. Humayo na ang mga kawal.

‘’Maghanda ka at mamayang gabi ay kakausapin na natin si Hayo’’ wika ni Alunsina.

Dumating na ang gabi. Gamit ang sinilabang mga tuyong kahoy sa gilid ng dagat ay isa-isang nilagay ni Prinsipe Erin ang mga sangkap na kanilangn inipon ni alunsina. Habang si Alunsina na man ay bunibigkas ng tula bilang seremonya.

Ilang sanadali pa ay umahon si Hayo mula sa katubigan.

Isang magandang babae, porselanang kutis at asul na manipis na bistida.

Namangaha ng husto si Prinsipe Erin.

Lumapit si Hayo na nakangiti kay Alunsina at ito’y niyakap.

‘’Kamusta ka na Hayo’’ tanong ni alunsina kay hayo.

‘’Mabuti naman ako, heto’t inaayos ang mga nasira  ng mga tagalupa sa karagatan sa utos na rin ng bathala’’ mahinhin na sagot ni Hayo.

‘’Ang prinsipe nga pala na may gustong sabihin sayo’’ pagpapakilala ni Alunsina sa prinsipe.

Lumuhod ang prinsipe at nagbigay ng paggalang

‘’magandang gabi mahal kong reyna’’ utal utal na nasabi ng prinipe at napagtantong nagkamali sa sinabi at kaniya itong inulit

‘’magandang gabi diyosang hayo’’ wika ni Prinsipe Erin.

Nagtinginan si alunsina at Hayo aat nagtawanan ang magakaibigan.

Tumayo si Erin at namula ng husto.

‘’ Kamusta ang sugat mo sa ulo ng tumama sa balsa?’’ tanong ni Hayon kay Erin.

Nagulat si Erin sa nasabi ni hayo at nagtaka kung bakit alam nito ang nangyari

‘’ikaw nga, ikaw nga ang nagligtas sa akin’’ wika ni Erin.

Ngumiti na lamang si Hayo.

‘’Ikaw pala ang nagligtas sakaniya?’’ tanong ni Alunsina kay Hayo.

Ngiti lamang ang sagot ni Hayo.

‘’kagalang galang na Dyosa ng dagat, nais kong ihingi ng tawad ang mangingisda ng aming bayan sa pang-aabuso sa karagatan. Bilang prinsipe, Handa akong gawin ang lahat mapatawad mo lang sila at muli silang pagkalooban ng masaganang huli’’ mungkahi ni Prinsipe Erin.

‘’ batid ko ang kabutihan mo kagalang galang na prinsipe, ngunit nais kong maiintidahan mo. Naging abusado ang iyong mamayan kaya ko sila pinarusahan. Sinira nila ang karagatan. Maging ang malilit na isda ay napatay nila nagalit ang bathala sa akin at inutusang ayusin ang nasira Ninyo at parusahan ang mga mangingisds’’ paliwanag nito.

‘’ patawarin mo kami Diyosa Hayo’’ sagot nito sa diyosa.

‘’ Dahil sa iyong busilak na puso bibigyan ko na ng maayos na huli ang mga mangingisda ng iyong bayan sa isang kondisyon’’ wika ng Dyosa.

‘’ kahit ano gagawin ko’’  sagot ng binatang prinsipe.

‘’ Sa loob ng tatlong buwan, tatlong beses sa isang lingo ay maghahatid ka ng alay na hayop sa laot para sa bathala’’ wika ng Diyosa

‘’ masusunod po Dyosa’’ aniya ng prinsipe.

Masaya naman si Alunsina sa natunghayan.

‘’Pasensya kana alunsina, hindi ako pweding magatagal ngaun na makausap ka akoy kakausapin pa ng bathala’’ ang sabi ni Hayo.

‘’naiitindihan ko Hayo, masaya akong nakita kitang muli’’ masayang tugon ni alunsina.

Samantala tulala pa rin si Prinsipe Erin sa magandang Dyosa.

‘’mahal na prinsepe, sa tuwing magpupunta at mag-aalay ka sa laot ay pupuntahan din kita ng makita ko ang iyong dala kong tatanggapin ng bathala’’ wika nito sa prinsipe.

‘’ Masusunod diyosa Hayo’’ sagot ni prinsipe Erin.

‘’ Hayo na lamang ang itawag mo sakin’’ sagot ni hayo.

‘’ sige Hayo, salamat muli’’ tugon naman ni Erin.

‘’Mabuting tao ang Prinsipe gaya ng ama niya’’ ang wika ni Hayo.

‘’Siya ngang tunay Hayo, at bukod dun ay magandang lalake rin‘’   sagot ni Alunsina.

Tuluyan nang naglaho si Hayo nang ito’y tumapak sa tubig ng dagat.

 Nagsigawan sa galak si Alunsina at prinsepe Erin. Niyakap ni Erin si Alunsina bilang pasasalamat. Nabigla naman si Alunsina.

‘’Salamat kaibigan kong babaylan’’ pasasalamat ni Erin sa tinuring na kaibigan.

Hinatid na ni Erin si Alunsina sa kaniyang tahanan.

‘’Alunsina salamat ako’y babalik na sa palasyo para ibalita sa ama at tuwing mag-aalay ako sa dagat ay dadaan ako dito para pasayalan ka’’ galak na sabi ni Erin.

‘’ Walang anuman Erin salamat din at magiingat ka palagi’’ tugon naman ni Alunsina.

Humayo na si Erin papaunta sa palasyo.

Habang pinagmamasdan ni Alunsina si Erin ay may tumulong luha sa mga mata nito dala ng lungkot sa kaalamang di niya na makakasama si Erin, na araw-araw niyang nakasama sa sandalling panahon.

………………………………………………………

Sa unang punta ni Prinsipe Erin sa Laot ay nagdala ito ng wala ng buhay na kambing na pang alay at tinawag na si Hayo.

Sisigaw pa lamang siya ay lumitaw naman si Hayo sa likod nito.

‘’magandang umaga Hayo’’ manghang bati ni Prinsipe Erin.

‘’ Magandang umaga rin, tatangapin ng bathala ang dala mo ngayon sa susunod manok naman, maliwanag ?‘’ mahinhin at nakangiting sabi ni Hayo.

‘’ sige naiintindahan ko hayo salamat’’ wika ni prinsipe Erin.

‘’ O siya sige aalis na rin ako’’ aniya ni Hayo.

‘’ Hayo sandali!!!’’ ang mabilis na sambit ni Erin.

Kinuha ang dalang bulaklak at binigay kay Hayo

labis ang tuwa ni Hayo sa gawing iyon ni Erin. Kinuha ang bulaklak at napangiti ito ng bahagya na hindi pinahalata sa binata ang labis na pagkatuwa.

Sa tuwing nagpupunta si prinsipe Erin ay lagi nitong dinadalhan ng regalo ang diyosa at madalas na sila na magusap. Araw-araw nagpupunta ang prinsipe sa laot upang makita at maksama ang Diyosa. Sa pinakitang kabutihan at pag-galang ni Erin sa Diyosa ay napaibig niya ito.

‘’ aking Diyosa mahal na mahal kita’’ wika ni Erin.

‘’ Mahal na mahal din kita Aking prinsipe’’ ang sagot naman ni Hayo.

Nagpatuloy ang pagmamahalan ng prinsipe at ni Hayo.

Lingid sa kaalaman ni Erin ay isang kasalanan para sa isang Diyosa ang Umibig sa isang tao.

Ngunit wala pang lakas ng loob si Hayo na sabihin ang tungkol dito kay Erin.

…………………..

Samantala labis naman ang pangungulila ni Alunsina sa Prinsipe dahil sa bigat ng damdamin nito ay ninais niyang tawagin si Hayo upang mapagsabihan ng nararamdaman.

‘’ Hayo…. ,,,,,,, Hayo…. ,,,,,,, Hayo…. ,,,,,,,’’ sigaw ni Alunsina sa kaibigang diyosa.

Lumitaw si Hayo at lumakd papaunta kay alunsinang at itoy masayang niyakap ang kaibigan.

‘’ anong iyong sadya Alunsina’’ tanong ni Hayo.

‘’ may nais akon sabihin sayo’’ wika nito.

‘’ako rin may gusto din akong sabihin sayo Alunsina’’ masayang wika ni Hayo.

‘’ hah, ano yun o sige ikaw muna Hayo. Ano ang gusto mong sabihin?’’ nakangiting tanong ni Alunsina.

‘’ Si Erin, nag-iibigan na kaming dalawa’’ masayang sagot ni Hayo sa kaniyang Kaibigan at ito ay niyakap.

Natahimik si ALunsina at di nakapagsalita sa gulat.  Halos gumuho ang mundo nito at pinilit itago ang kalungkotan sa kaibigan.

‘’ Ano ang gusto mong sabihin sa akin Alunsina?’’ tanong ni Hayo.

   

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status