Share

Kabanata 6

(Tagpo sa Palasyo)

‘’Aking amang hari, ako po ay magalang na tumatayo sa inyong harapan upang ipakilala ang aking iniirog. Si Elsa’’ matapang na wika ni prinsipe Erin kasama si Hayo na ipinakilala niyang Elsa upang itago ang tunay na pinanggalingan.

‘’ Mahal na hari hindi maari na magpakasal ang prinsipe sa isang simpleng mamayan lamang, dahil ito’y labag sa batas ng kaharian’’ bulong ni Elyazar na nakatayo sa tabi ng mahal hari. Hindi umimik ang mahal na hari bagkus ay tumango lamang ito.

‘’Pinahanga mo ako mahal na prinsipe sa iyong katapangan. Ngunit alam ko na alam mo ang batas tungkol dito hindi ba?’’ ang bigkas ng mahal na hari.

‘’Alam ko po ang tungkol dito mahal na hari. Ako po ay lumalapit sa inyo hindi lang bilang isang prinsipe, kundi bilang isang simpleng mamayan at tapat na anak sa inyo. Ako ay nangangako na maglilingkod sa kaharian ng tapat kasama ang aking minamahal.’’ Ang matapang na wika ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status