Share

Kabanata 2

Kabanata 2

"Oh god! Célia I'm sorry, are you okay?"nag-aalalang tanong ni Kyla habang lumalapit sa akin.

Tumango ako at pinulot ang bubog ng baso gamit ang kamay ko. Shit! H'wag niyang sabihin na ako 'yung dahilan kung bakit nag hiwalay si sir Nate at Santana? Their relationship is perfect. So how come?

"H—Hindi ko alam.... na wala na sila."bulong ko, napamura ako nang pumasok ang bubog sa daliri ko.

"Oh shit!" pag mumura ni Kyla at inalalayan akong tumayo.

Pinaupo niya ako sa couch at umalis para kunin ang first aid kit namin. Tahimik lang ako habang nililinisan ni Kyla ang sugat ko.

"I'm sorry I didn't mean to hurt you or to often you pero totoo 'yung sinabi ko. Nate is in love with you—I heard him talking to Santana last night."nagbuntong hininga siya. "You see Santana is my friend too—nasasaktan ako tuwing nasasaktan siya, naaawa ako sakanya dahil sa nangyari sakanila ni Nate pero h'wag mong isipin na siya 'yung kinakampihan ko, okay? Wala akong kinakampihan at wala akong kakampihan. You two both are my best friend." She said softly as she put a band aid on my finger.

"Ang drama mo Kyla." nakanguso kong sabi sakanya.

Inirapan niya ako at sabay kaming natawa. Nakangiti niya akong hinarap at niyakap.

"I love you so much, Alice."pag-aasar niya.

Kinurot ko ang tagiliran niya. "Stop calling me that—"

"Bakit namimiss mo na ba si Drei?"nakangisi niyang tanong.

Ramdam ko ang biglang pag bilis nang tibok ng puso ko. It's been 5 years since the last time I've heard his name. Ngayon ko lang ito narinig muli and it's feel different... It's weird. Paniguradong may pamilya at may mga anak na siya... limang taon na rin ang nakalipas simula noong umalis ako.

"Ayaw mo ba talagang umuwi sa pilipinas?"seryosong tanong ni Kyla. 

"Kyla—"

"Célia limang taon na ang nakalipas! Hindi mo ba namimiss 'yung mga magulang mo? Ayaw mo bang malaman kung kamusta na sila? It's been 5 freaking years! Limang taon kang walang balita sakanila! Hindi mo alam kung ano 'yung nangyari sakanila simula nung umalis ka. Sorry for this  pero hindi natin alam... baka may nangyari sakanila sakanila these past years ng hindi mo alam."

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot. "Of course may balak akong umuwi sa pilipinas, Kyla! Hindi ko lang alam kung kailan! Ky, natatakot ako kasi panigurado galit na galit si daddy sa akin."malungkot kong sabi. "Paano kung ayaw na nila akong makita?"

"Hindi natin alam kung hindi mo susubukan Célia. I'm here and I'm willing to fly to Philippines just to be with you. Sasamahan kita at kung ayaw ka nila makita, edi babalik tayo rito."sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "At least you try."

"Think this Célia kailangan ka rin ng magulang mo sa pilipinas. Stop running from your family. Stop running from him dahil hindi ka naman niya hinahabol diba? At baka may asawa at may anak na ‘yon. Hindi ka nga niya pinahanap diba? So ang ibig sabihin nun ayaw niya rin sayo."ngumuso ako at umirap sa sinabi niya. "God! Célia tama na 'yung pag tatago mo para kang kriminal sa pinag-gagagawa mo. Hindi ka nga makalabas ng hindi tinatakpan ang mukha mo."bakas sa boses niya na naiinis siya sa akin.

I sighed. I slowly nodded. "Pag-iisipan ko Kyla."sabi ko at tumayo na. "Maliligo muna ako. Ikaw din ang baho muna."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Naglakad agad ako papasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Ano na ang gagawin ko? Gusto ko rin naman umuwi sa pilipinas pero natatakot ako. Napahiya ko si daddy. Napahiya ko ang mga Dawnson. Napahiya ko si Drei. Natatakot ako sa posibleng mangyari pag umuwi ako. 

"Fuck! I don't know what to do anymore!"naiinis na sigaw ko at bumangon.

Maliligo na lang ako at aayain ko na lang si Kyla na lumabas. This time lalabas ako ng walang mask na sinusuot at walang ginagamit para takpan ang ibang parte ng mukha ko. Pinuntahan ko si Kyla sa kwarto niya at sinabi na lalabas kami. Agad naman siyang pumayag. Pag katapos ko maligo pumunta agad ako sa closet. I wear a pink puff sleeve velvet top pair with black jeans. Sinuotan ko ito ng kulay puting double breasted trench. 

"This one." ngumisi ako at kinuha ang pink over the knee boots ko at sinuot 'yon.

 

Hindi ko na tinali ang kulot at mahaba kong buhok dahil hindi naman gano'n kainit. Nilugay ko lang ito. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Napangiti ako ng makita ko si Kyla, kakalabas niya lang din ng kwarto niya. Nakasuot siya ng black off shoulder velvet top at white denim pants, nakasuot din siya ng black high heel booths!

"Ang ganda mo talaga Célia bakit ba kasi ayaw mong maging model?"naka kunot noong tanong ni Kyla at naunang lumabas ng unit.

Tumawa lang ako at sumunod sakanya. I locked the door of our condo unit before following her.

"Cèlia."huminto si Kyla sa pag lalakad kaya napahinto na rin ako.

"Bakit? may problema ba?"tanong ko sakanya.

Nagbuntong hininga siya at humarap sa akin. "Tumawag kasi kanina si Logan tinatanong kung may lakad ako—sinabi ko sakanya na lalabas tayo tapos ininvite niya ang sarili niya."ngumuso siya sa akin. 

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman ang problema niya kung sasama si Logan sa amin? For sure mas gusto niya ‘yon e. "Tapos isasama niya raw si Mike at 'yung kaibigan nila..."sabi niya at nagpapadyak na lang bigla.

"Sorry alam kong ayaw mong makita o makasama si Mike pero tangina kasi ni Logan, e."maiyak iyak niyang sabi.

Tumawa ako at tumango. "Ayos lang, halika na."sabi ko at hinila siya.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Sigurado ka bang okay lang? Pwede nama—"

"It's okay. I'll just pretend na hindi natin kasama si Mike..."

Tumango naman siya at nagbuntong hininga. Gusto ko sana na kami lang dalawa ni Kyla kaso ayoko rin mag damot kay Logan dahil naging mabait naman siya sa akin. Napatigil kami sa paglalakad ni Kyla nang biglang mag sigawan ang mga tao sa lobby. Kumunot ang noo ko. Anong meron? Don't tell me may nag shooting talaga rito? Napatingin ako kay Kyla nang suminghap siya. 

"What happened?"I asked her.

"I forgot my wallet! Mauna ka na sa labas kukunin ko lang 'yung wallet ko!"

"It's okay, may per—"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumakbo papasok ng elevator.

I sighed heavily. Inayos ko ang buhok ko at nagpatuloy sa pag lalakad. Napunta sa akin ang mga paningin ng mga tao nang dumaan ako sa lobby. Namamangha ang kanilang mga mata. I gasped. 

"God! She's so beautiful!"

"She's look like an international model!"

Ngumisi ako at taas noong nag lakad palabas ng building. Kinuha ko 'yung cellphone ko para tawagan si Kyla dahil kanina pa ako naghihintay dito. I started dialing her number. Napamura ako nang bigla akong mabangga ng isang babae dahilan nang pagkahulog ng cellphone ko sa sahig. 

"Oh my god! I'm sorry, Miss!"The young lady said at tinulungan akong tumayo.

Umirap ako at naiinis na lumayo sakanya. "Look what you have done!"I shouted angrily while pointing my phone. 

Basag na basag 'yung cellphone ko! Kabibili ko lang ito last week! Oh god.  Mapapagastos na naman ako nito.

"I'm sorry, Miss I didn't to—"

"You kept on running that's why!"

Her mouth parted at what I've said. "Pardon?"

"Kung tumitingin ka sana sa dinadaan mo edi sana hindi mo ako mababangga at hindi mahuhulog 'yung phone ko. Edi sana hindi siya basag ngayon."naiinis kong sabi at sinamaan siya ng tingin.

Bahagya kumunot ang noo niya sa akin. "I'm sorry. I can't understand yo—"

"Oh bullshit!" 

"If you want I'll buy you a new phone. I'm sorry I didn't mean—"napatigil siya sa pagsasalita at nanlalaki ang matang tumingin sa likuran ko.

"What? May sasabihin ka pa ba kasi aalis na ako!"sabi ko, napakurap-kurap naman siya at umiling. 

Bahagya siyang lumayo sa akin upang bigyan ako ng daan. Tatalikod na sana ako ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. 

"Célia!" It was Kyla. 

Wala gana ko siyang hinarap. "What happened to your face?"tanong niya nang makalapit sa akin.

"'Yung babae kasi bigla na lang ako binangga tapos nahulog sa sahig 'yung cellphone ko ayon nabasag."nainis kong sabi.

Tumawa siya at hinaplos ang braso ko. "Hayaan muna bibilhan na lang kita ng bagong phone. Let's go. Naghihintay na sina Logan."

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango. Hindi ko na tinignan muli 'yung babaeng naka-bangga sa akin dahil hinila na ako ni Kyla papunta kung saan naka-park 'yung kotse niya. I smiled to Kyla as I enters the shot gun of her car. Nag patunog siya ng musika habang nasa byahe kami. Dumaan muna kami ni Kyla sa isang sikat na boutique rito sa canada para kunin 'yung designer bag at limited editon dress na inorder niya. Nakangiti ang may-ari ng boutique habang papalapit kami sakanya. 

"Hey, Ky. How are you?"Janice asked as she hugged my friend.

Kyla smiled. "I'm good. Ikaw? kamusta ka? Mas lalo ka yatang pumayat, Nice."nang-aasar na sabi ni Kyla kay Janice. Yes! Janice is a pinay too.

Pero sa pagkakaalam ko ay dito lumaki at nagkapamilya si Janice. Nakakagulat nga dahil isang beses lang siya pumunta ng pilipinas pero bihasa ito sa pagsasalit ng tagalog.

Janice rolled her eyes playfully at Kyla's statement. "Ikaw talaga,"natatawang sabi ni Janice at tumingin sa akin. "Hi there pretty Célia. How are you?"tanong niya at nakipagbeso sa akin.

I hugged her back. "I'm fine, Nice. Ikaw?"

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Okay lang naman... ito nag-away na naman kami ni Gerald."sabi niya at ngumuso.

Agad naman napatingin sa amin si Kyla na busy sa kakatingin sa bags na binili niya. "God! Again? Ano na naman ang nangyari?"dismayadong tanong ni Kyla sa kaibigan.

Janice sighed. "Naabutan ko siya kagabi na may katawagan tapos I tried to borrow his phone kaso hindi niya pinapahiram. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano pero kinakabahan ako... paano na lang kung may babae pala siya? Paano na ako? 'Yung anak namin?"sunod-sunod na tanong ni Janice at malungkot na tumingin sa amin.

Ngumuso si Kyla at lumapit kay Janice. "It's okay. May karapatan ka naman mag-isip ng kung anu-ano sa mga ginagawa ng asawa mo dahil asawa kaniya. I don't know what to say kasi hindi ko pa naman 'yan napagdaan. Wala pa naman akong asawa pero kung kailangan mo nang kausap. Célia and I are always here for you. You can talk to us, h'wag mong isarali lahat okay? At pag may nalaman ka tungkol sa mga ginagawa ng asawa mo... kung may babae man siya o ano tawagan mo kami agad. Sasamahan ka namin ni Cèlia na sabunutan 'yung babae."mahabang sabi ni Kyla na nagpatawa sa amin. 

"Kung may babae man siya o ano wala na tayong magagawa do'n kasi nangyari na and don't you dare to ask yourself kung bakit nag loko 'yung asawa mo. Don't blame yourself okay? Kasi wala kang kasalanan. Wala sayo ang problema nasa kay Gerald na 'yan pero h'wag muna tayo mag conclude dahil hindi pa naman natin alam ang totoo."sabi ko at hinaplos ang braso ni Janice.

Masaya naman ngumiti si Janice sa amin. Tumango siya at suminghap. "Thank you, Ky and Célia. I don't know what to do kung wala kayo... I promise pag may nalaman ako tungkol sa asaw ako tatawagan ko kayo agad."

Tumango kami ni Kyla sa sinabi ni Janice. Sabay naming niyakap ng mahigpit ang kaibigan. "We got you, Janice."We said sincerly.

Pag katapos nun ay agad din kaming nag paalam ni Kyla kay Janice dahil nag text na si Logan na nasa bar na raw siya kasama 'yung mga kaibigan niya. Inilagay ni Kyla sa back seat ang mga kahon na dala bago nag tungo sa driver seat. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at pinaandar na ang kotse paalis. Malapit lang 'yung bar sa mall kung saan nakapwesto 'yung boutique ni Janice kaya naman agad din kami nakarating. 

"Kyla!"It was Logan. 

Ngumiti ito kay Kyla habang tinataas ang kamay. He pointed his direction agad naman ako napatingin do'n. I scoff as I met Mike gazed. Eto na naman tayo. Inirapan ko si Mike at nag-iwas ng tingin sakanya agad naman akong natigilan nang tumama ang paningin ko sa familiar na lalake. Nakatalikod ito sa direksyon ko pero alam na alam ko na siya 'yon kahit limang taon ko na siyang hindi nakita. May mga kasama siyang lalake... nagtatawanan sila. Mukhang kaibigan niya. 

Agad akong tumaikod nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Nakita niya kaya ako? Oh my god! Minamalas nga naman! 

Tangina... Anong ginagawa niya rito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status