Share

Chapter 1

Flashback 01

" Anak gising na may pasok kapa!" malambing na gising saakin ni mama habang hinahaplos ang mukha ko. Nginitian nya naman ako ng makita niyang gising na ako at hinalikan sa pisngi. 

May pasok ako ngayon ng maaga dahil may exam kami ngunit nagpuyat pa ako kagabi dahil nag review.

Nangako ako sa mga magulang ko na mag-aaral ako ng mabuti at magtatapos ng pag aaral. Gusto kong tuparin iyon sa kanila para maka bawi din ako sa mga paghihirap nila para saaming mag kakapatid. 

"Halika na anak, hinihintay na tayo ng papa mo at mga kapatid mo sa baba para sabay sabay tayong kumain" Aniya habang naka ngiti.  Inalalayan nya naman ako sa pag bangon at sabay kaming bumaba. 

Nang nasa panghuling baitang na kami ay naririnig na namin ang tawanan nila papa at ng mga kapatid ko. Nagkatinginan naman kami ni mama at sabay na napangiti.  

Sobrang saya kasi na ganito kami araw araw.

Gigisingin ako ni mama at nag hihintay naman sila papa saamin habang nag tatawanan. 

" Ohh!! gising kana pala Airi!!  Halikana at kakain na tayo." sabi ni papa habang nakangiti at kinuhaan naman ako ni papa ng upuan.  Umupo naman ako at nag simula na kami kumain. 

Habang kumakain ay tinignan ko isa isa sila mama at napangiti naman ako sa nakita. Kitang kita talaga sa kanilang mga mata na masaya sila habang nag kwe-kwentuhan.

Kahit hindi kami mayaman ay sobrang ok lang dahil sobrang swerte ko sa mga magulang ko. Sobrang mababait at mapag mahal ang mga magulang namin kaya naman wala na akong hihilingin pa.  Ang mahalaga para saakin ay kompleto kami, malusog, at masaya. Yun lang at wala na akong hihilingin pa. 

Kung may hihilingin man ako ay yun ay humaba pa ang buhay ng mga magulang namin. Dahil gustong gusto ko talaga maka bawi sa mga pag hihirap nila.

Nang matapos kami kumain ay lahat kami ay nag sitayuan na at nagtulong tulong para ligpitin ang aming pinag kainan. Nang masigurong ayos na ang lahat ay hinalikan kami isa isa ni mama at ni papa. 

" Papasok na ako mga anak baka sa isang araw pa ako makaka uwi kaya wag nyo na akong hintayin" sabi ni papa pagkatapos nya akong halikan at yakapin.

"Saan ka naman pupunta pa? " tanong naman ni Ate Nicole.

"May pupuntahan kasi yung boss ko at isasama nya ako dahil day off ng ibang driver" paliwanag naman ni papa at sabay sabay kaming tumango. 

Sobrang bait ng boss ni papa kasi dati nung nag kasakit ako ay tinulungan nya kami sa pang bayad sa hospital at mga gamot. 

"Ahh Ganun po ba?!  Sge basta mag iingat po kayo dun huh!" sabi ko naman sa kanya tsaka niyakap ulit sya. 

"Syempre naman mga anak!  Mag-iingat si papa! " aniya at hinalikan ang ulo ko tsaka dahan dahang inalis ang pagkaka yakap saakin.

"Love you pa! " sabay sabay naming sabi sa kay papa.

"Love you ma! " sabay sabay ulit naming sabi sa kay mama.

" Naku naman!!  Ang sweet sweet naman ng mga anak ko! " natatawang ani ni mama na kinatawa rin namin.

" Love you mga anak! " saad naman ni papa habang naka ngiti.

" Mag-aaral kayong mabuti at laging nyong tatandaan na nandito lang kami palagi ng mama nyo kapag kailangan nyo ng tulong!" dagdag nya pa at parang may humaplos naman sa puso ko.

"Kaya nga!  Lagi nyong tatandaan na mahal na mahal namin kayo ng papa nyo! " pagsang ayon naman ni mama.

"Tara na nga! Baka ma late pa tayo sa mga papasukan natin!" Saad naman ni Ate Dionna.

"Babye!! mag iingat kayo mga anak! " sabay na ani ni mama at ni papa.

"Kayo din po Ma!  Pa!  Ingat din po kayo!" sabay sabay din naming sabi sa kanila. 

~~~

Nang makarating na ako sa classroom namin ay nakita ko agad ang matalik kong mga kaibigan na nagbubulungan na para bang may pinag-uusapan sila na bawal marinig ng iba

"Hoy Airi nanjan kana pala! " sigaw na tawag saakin ni Pia ng makita nya ako na nag lalakad na papunta sa direksyon nila.

"Alert Sis!!  May bagong chismiss!" sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Vivienne habang sabay nila akong sinasalubong.

"Ano ba yun? Ang aga aga puro kayo chismisan! " natatawang sabi ko naman sa kanila habang ni lalagay ang bag ko sa upuan.

Halos hindi ko na maayos ang pag lalagay ng bag ko dahil pareho nilang hawak ang kamay ko at mahigpit itong hinahawakan. Natawa naman ako sa ginagawa nila. 

Pano ba naman kasi hindi pa nga ako nakaka upo sa upuan ko may chismiss agad itong dalawang ito.

"Oo na wait lang!  Bitawan nyo muna ako ok?  Para matapos na ako at mapag chismissan na natin yan! " at dahil sa sinabi ko ay sabay nila akong binitawan. Napailing na lamang ako sa ginawa nila.

" Oo nga naman! Hahaha" sabay nilang sabi at natawa din sila sa kalokohan nila. 

Kahit kelan talaga tong dalawang to! Mga chismossa !

Nang maka ayos na ako ng upo ay pareho silang naka harap saakin

" Si Elle  buntis!" nanggigigil na sabi ni Pia habang nanglalaki ang mga mata. Napatingin naman ako sa paligid kung may naka rinig samin, at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na may ibang mundo yung mga classmate namin. 

Hinanap naman ng mata ko si elle ngunit wala sya sa upuan nya.

"Weh? Gaga wag kayong mag biro ng ganyan! " hindi ako makapaniwala na buntis si Elle. Si Elle kasi ang pinaka tahimik dito sa classroom. I mean halos hindi na yun mag salita!! Tapos buntis sya??  

"Gaga hindi kami nag bibiro!" sabi naman ni Vivienne at binatukan ako. Agad ko naman siyang tinignan ng masama.

"Hala sinong tatay? " kuryosong tanong ko naman sa kanila habang nag kakamot ng ulong binatukan ni Vivienne.

"Yung pag kakarinig ko si Lance daw!" sabi naman ni Pia habang hinahampas ako sa braso.

Masakit huh! 

But....  . WHAT?!!  SI LANCE?!  kilalang kilala yun dito sa buong paaralan na playboy yun!! 

Panong pinatulan yun ni Elle? Sobrang talino ni Elle tapos ang— Di nalang ako mag tell!

Hayst mga kabataan talaga ngayon!!  

Tss! 

"Alam mo pag scam yan sasabunutan kitang gaga ka!" sabi ko naman sa kanya habang tinuturo pa sya. 

"Yun nga yung top 1 topic ngayon sa buong campus Sis!!  Tsaka tignan mo wala sya ngayon sa upuan nya! " papupumulit pa ni Pia. 

"Kelan nyo naman narinig yan? " kuryosong tanong ko pa habang naka taas ang isang kilay

"Ngayong umaga lang!  Pagpasok! " well medyo hindi na ako nagulat dun kasi mga chismosa talaga tong mga kaibigan ko. 

At kapag chismosa kahit sobrang layo pa nyan at alam nila.

"at kanino  nyo naman narinig yan? "

" Dun sa guard natin!  Kausap nya si Ms. Torres yung tita ni Elle"

Ano?! pati guard ngayon chismoso na rin?

"Ang sabi pa nga ay dalawang buwan na ang bata! " 

" Grabe din naman pala si Elle no?  Kala mo kung sinong mabait!  May tinatago rin palang kati! " nagulat naman ako sa sinabi ni Pia kaya binatukan ko sya.

" Hoy bunganga mo! May maakarinig sayo jan! " inis na napatingin pa sya sakin habang kinakamot ang ulo.

"Abay totoo naman! Grabe pa ang taas ng tingin ko sa kanya noon! " sabat naman ni Vivienne.

"Alam mo lahat naman tayo ay nagkakamali" Nagulat naman ako sa lumabas sa bunganga ko.

Ako ba ang nag sabi nun? 

Teka san nanggaling yun?  

"Wag muna nating husgahan"

Pagkasabi ko nun ay iniba na rin namin ang aming pinag-uusapan. At nang dumating na ang Prof.  namin ay natahimik na kami at umayos ng upo tsaka nakinig ng mabuti. 

Discuss.

Discuss.

"Ok class that's for today! I'm expecting a good performance  on next week. Class dismiss" pagkatapos nun sabihin ng prof.   namin ay agad kaming nag ayos ng mga gamit para  pumunta na sa cafeteria.

"Beb! Tara na kumain na tayo! Gutom na gutom na ko " pag aaya ni Pia.

Pagdating namin sa cafeteria ay um-order kami ng pagkain namin at um-upo sa lagi naming pwesto.

" Saan naman tayong bahay mag pra-practice para sa performance? " biglang tanong ni Pia. Napaisip naman ako. 

"Sainyo Vivienne? " tanong ni Pia.

"Hindi pwede ehh!,"

"sainyo Pia? " tanong naman ni Vivienne.

" Lalong hindi pwede!,  Alam nyo naman si papa Eh?!"

"Saamin nalang " presinta ko naman.

"Ayyy!!  Gusto ko yan!" sabay na ani nila habang ang lalaki ng ngiti.

Magsisimula na dapat akong kumain ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko yun sa bulsa ko at nang tignan ko ito ay napangiti ako dahil si mama pala ang tumatawag.

Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan. Para bang may nagsasabi saakin na wag kong sasagutin ang tawag ngunit nilakasan ko ang loob ko para sagutin iyon.  

Nang ilagay ko na sa tenga ko ang cellphone ay narinig ko ang boses ni mama na umiiyak. Biglang tumigil ang mundo ko sa narinig. Tila may bombang sumabog sa harap ko at hindi ako makagalaw.

Ngayon ko lang ulit narinig na umiiyak si mama at hindi ko kaya na marinig syang umiiyak dahil tila winawasak ang puso ko. 

"A-a-nak!, A-nak, Anak!"

[End of Flashback ]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status