Share

Chapter 2

First meet 

" Huy nakikinig kaba sakin? " Nawala naman ako sa malalim na pag iisip ng biglang may humampas ng mahina sa braso ko.

"H-huh? " ang tanging nasabi ko at tinignan ang katabi kong si Renz na kanina pa pala may sinasabi.

"kanina pa ko nag kwe-kwento sayo dito tapos hindi ka pala nakikinig? " niiinis na sabi nya sakin habang naka kunot ang noo.

" Ano ba kasi yun? " naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Bayadan mo yung laway ko na nasayang kasi hindi ka nakikinig sakin!  Kanina pa ko kwento nang kwento sayo dito tapos hindi ka pala nakikinig!" nababad-trip na sabi nya.

"Grabe naman to!  Bayadan talaga? " di makapaniwalang tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang nagbibiro lang sya.

"Syempre!  Wala ng libre sa mundo no! " inis nasabi nya sakin  at salubong ang dalawang makapal na kilay.

"Oh tapos? " walang ganang sagot ko sa kanya habang naka taas ang isa kong kilay at umarte akong nag tatampo. Nang maramdaman nyang wala ako sa mood ay bigla siyang tumawa.

"Hahaha joke lang!  Ito naman hindi mabiro" pag bawi nya sa mga sinasabi nya kanina. Inirapan ko naman sya.

"So yun na nga! Ang sabi ko sa day off natin bukas labas tayo libre kita! " Ahh so yun pala yung sinasabi nya na day off namin  bukas!  

"Kala ko ba wala ng libre sa mundo? " tanong ko sa kanya ng maalala ko ang sinabi nya kaninang 'wala nang libre sa mundo.

"Kaya nga!  Pero sayo, basta meron ako, bibigyan kita! " aniya at kinindatan pa ko. Umarte naman akong parang nasusuka kaya naman napasimangot sya.

"Grabe ka naman sakin!  Di porket maganda ka, mang lalait kana ng mga gwapong tulad ko! " naka simangot na sabi nya habang naka turo sa sarili.

"Sge na nga gwapo kana! Pero mas maganda pa din ako sayo! " pang aasar ko pa sa kanya.

"Mas maganda ka sakin?  Ano ako babae? " naaasar na sabi niya sakin.

"Hala kala ko bakla ka? " pag papatuloy ko pang pag aasar sa kanya.

"Love!!! " biglang sigaw nya kaya naman umalis na ako dun sa kinauupuan ko at kinuha ang order ng table 12 tsaka umalis dun ng nagmamadali. 

Kahit kelan talaga loko loko itong si renz.  Wala na daw libre sa mundo pero lilibre nya ko bukas.  Sira ulo. 

Nang makarating ako sa table 12 ay inilapag ko agad ang order. Habang pinapanood lamang ako nung nag order na lalaki. Ako naman ay hindi na inabalang tignan ang lalaki at pinag patuloy lamang ang ginagawa ko.

"Miss name your price " biglang sabi nung lalaki.  Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago sya harapin.

Gwapo! Shit! Tao pa ba to?  

Ang tangos ng ilong nya!  Maputi pero hindi naman sobrang puti,  sakto lang. Makakapal na mga kilay na kala mo ay suplado. Ang color brown nyang mga mata na kala mo ay nang hi-hipnotismo.  Ang mga labi na mapang akit.  At ang perpektong panga ay hindi rin naka takas sa mga mata ko. Meron din syang isang maliit na nunal sa gitna ng ilong nya ngunit makikita mo lamang ito kung mag kalapit kayong dalawa dahil hindi ito makita sa malayo.  

Bumalik lamang ako sa huwisto ng marinig ko syang tumikhim. 

"S-sorry po sir pero waitress lang po ako dito. Pero kung gusto nyo po ay tatawag nalang po ako ng nag e-extra service" 

"Double?" tanong niya at umiling lamang ako.

"Triple? " umiling ulit ako dahil kahit kailan ay hinding hindi ako papayag sa mga ganyan. 

"Hindi po talaga sir. Sorry" pag hihingi ko  ulit sa kaniya ng paumanhin. Akala ko naman ay mag pupumilit pa sya kaya naman medyo nagulat ako sa sinabi nya.  

"It's ok. You can go now" aniya at tumalikod naman ako tsaka umalis.

Sya palang ang isang tao na hindi nang pilit sakin tungkol sa mga ganung bagay. Sa loob ng ilang taon kong pag tra-trabaho dito ay hindi ko pa kasi sya nakikita dito sa Tub Bar na pinapasukan ko kaya naman siguro ay first time nya palang dito.  

"Love paki hatid naman to sa table 16 wala pa kasi si Dana, may hinatid pa sa ibang table" sabi ni renz habang naka turo sa isang tray na may ibat ibang alak ng makarating ako sa counter. 

"Sge" pagpayag ko at kinuha ang tray 'saka hinatid ito sa table 16. 

Babalik na sana ako sa counter ng may makakuha ng atensyon ko.

Yung lalaki kanina na nasa table 12 ay may kahalikan. Ewan ko pero parang nasasaktan ako? Bakit naman ako masasaktan? Di ko nga kilala yun? Tsaka  normal lang naman yun dito sa bar. Pilit na inalis ko nalamang yun sa isip ko at nag patuloy sa pag tra-trabaho.

~~~

"Love hihintayin nalang kita sa labas huh!  May kailangan din kasi akong tawagan eh" paalam sakin ni Renz habang pinapakita niya saakin yung cellphone nya kaya tumango nalang ako. Kahit na gusto kong hintayin nya ako ay mukhang emergency yung tatawagan niya dahil kanina pa sya hindi mapakali.

"Sge.  Saglit lang naman ako eh"  pagpayag ko nalang kahit na kinakabahan ako. Pag kasabi ko nun ay tumalikod na siya at nag simula ng tawagan yung tatawagan niya at ako naman ay pumasok na sa waitress room para mag palit ng damit at makuha ko na ang mga gamit ko.

Ewan ko ba sobrang tagal ko na dito sa Tub Bar pero ngayon lang ako kinabahan.  Sobrang weird.  

Paglabas ko ng bar ay hindi ko makita si Renz.  Nag simula namang magwala ang puso ko dahil sa kaba.  Sabi niya hihintayin nya ko diba?  Nasaan na siya? Hindi niya ako iniiwan basta basta!  Mag tetext yun saakin kung talagang nag mamadali siyang umalis kanina. 

Tama baka nag text siya!!

Dali dali ko namang kinuha ang Cellphone ko sa bag at binuksan ko ito para tignan kung may text o tawag man lang si Renz ngunit ganun na lamang ang panglulumo ko ng wala akong makita kahit isang missed call.

Hinanap ko naman siya sa paligid ngunit kahit anino niya ay wala akong nakita. Mas lalo naman lumakas ang pagwawala ng puso ko dahil hindi ko rin makita ang motor niya. 

Iniwan niya ba ako?  Sana man lang nag text siya o tumawag kahit saglit lang diba?  Hindi kasi siya ganito na mang iiwan lalong alam niya takot ako sa madilim.  

Sa ilang minuto kong paghahanap kay Renz ay iba ang nahanap ko.  

Kitang kita mula dito sa kinatatayuan ko ang isang babae na nakaupo habang naka yuko at gumagalaw ang mga balikat niya. Kaya naman dahan dahan ko siyang nilapitan ngunit nag tira ako ng saktong space para malaman niya na mayroong ibang rin tao dito.  

Nang maramdaman niyang naka tayo ako malapit sa kaniya ay unti unti siyang tumingala para makita kung sino ang kasama niya ngayon. 

" P-please leave me alone" aniya sa gitna ng paghikbi ngunit hindi ko sinunod kung anong gusto niya.

" I said leave me alone!" nagulat naman ako ng biglang sumigaw sya dahil nakita niyang hindi ako gumalaw sa pwesto ko at hindi sinunod ang gusto niya.  Pero kahit na sinigawan niya ako ay hindi ko parin siya sinunod.

"Ano ba hindi mo ba ako naiintindihan? Sabi ko iwan mo ko mag isa!" Sigaw niya muli ngunit hindi ako nagpatinag. Nang makita niyang hindi ako gumalaw ay wala na siyang nagawa kundi ipag patuloy ang pag iyak niya.  

Hindi ko na malayan na lalo akong lumapit sa kaniya at dahan dahang niyakap siya.

Naramdaman ko namang natigilan siya ngunit mas lalo syang humikbi dahil sa ginawa kong pag yakap sa kaniya. Hindi ko siya bibitawan hanggat hindi siya tumitigil sa pag iyak. Ipaparamdam ko sa kaniya na hindi sya nag iisa kahit na ngayon palang kami nag kakita.  

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago ko naramdaman ang pagtigil niya sa pag iyak.

" M-my b-bestfriend betrayed m-me" pag kwento niya at tahimik lamang akong nakikinig at hinihintay pa ang iba niya pangsasabihin. Alam kong kailangan niya ng mapaglalabasan ng sama ng loob niya kaya nandito ako ngayon. 

Pero ok lang naman sakin na wag niya saaking i-kwento dahil naiintindihan ko naman yun. Bago niya lang ako nakita at hindi pa namin alam ang pangalan ng isa"t isa kaya maiintindihan ko kung hindi niya ako pagkatiwalaan. 

"Inagaw niya sakin yung boyfriend ko" pag papatuloy niya pa at walang salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa gulat ko kaya naman napayuko na lamang ako dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Yung best friend niya?  Inagaw yung boyfriend niya?  Anong klaseng kaibigan naman yung mang aagaw ng boyfriend?

"Yun ba yung gawain ng best friend? Mang-agaw ng hindi sa kanila? " Tanong niya sabay tingin saakin at hindi naman ako naka sagot kaya pinag patuloy niya yung sasabihin niya.

"Diba yung bestfriend laging nasa tabi mo kung sakaling kailangan mo ng tulong niya?  Diba yung best friend mo ang pinakamasaya kapag na achieve mo yung goals mo? " tanong niya at walang lumabas na salita sa bibig ko. 

"Ngayon,  kailangan ko bang maging masaya para sa kaniya dahil na achieve niya yung goals niya na maagaw sakin yung boyfriend ko?"  aniya at lumandas na naman ang mga luha niya sa pisngi nya kaya naman dali dali niya itong inalis.

"Tinuring ko siyang kapatid you know! It's really hurts! Mas masakit pa yung pagtraidor ng tinuring kong kapatid kesa sa mawalan ng boyfriend."

"Kung maagaw saakin ng ibang babae yung boyfriend ko maiintindihan ko pa, pero kung yung bestfriend ko mismo yung umagaw sa kaniya? Hindi ko kaya!" aniya at sandali naman kaming nilukob ng katahimikan.

Naiintindihan ko siya.  Kung ako yung nasa sitwasyon niya hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Kasi ako?yung bestfriend ko hindi ko kayang saktan. Meron kami minsang misunderstanding pero nagagawan naman agad namin yun paaran. Kaya paano nagawa nung best friend niya na saktan siya ng ganito? Hindi ba sya nag iisip o sinandya nya talaga?  

"You know? I don't know why I'm telling you this!" natatawang sabi niya at dahan dahang tumayo kaya naman tumayo na rin ako.

"It's ok you can trust me" sabi ko sa kaniya habang naka ngiti.

"Trust!" natatawang sabi niya na para bang isang biro ang sinabi ko. 

" Hindi kita pipilitin dahil alam kong masakit ang pinagdadaanan mo ngayon" sabi ko sa kaniya habang nakatingin ng deretsyo sa mga mata nya.

"Airi Zuriel Dacio" pagpapakilala ko sa sarili ko dahil kanina pa kami nag uusap ngunit hindi pa rin naman alam ang pangalan ng isa't isa. Nilahad ko sa kaniya ang kamay ko at inabot niya naman iyon. 

"Iya Nicole San juan" aniya habang nakangiti.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status