Share

Chapter 4

Vaughn Garvida

"AIRI?!"

Um-order muna si Renz ng pagkain namin kaya naman ako lang ang natira sa table kung saan napili namin ni Renz kanina.

Nagulat naman ako ng biglang may sumulpot sa harap ko.

"Bess! Sinong kasama mo?" tanong ni Iya saakin. Nagulat man ay nagawa ko pa ring ngumiti.

"Si Renz" simpleng sabi ko sa kaniya at lumapit naman siya sakin para mag beso-beso.

Taray!  May pa beso-beso si ate! 

"Really? Is this sit still available?" tanong niya saakin at tinuturo ang katapat kong upuan. Tumango lamang ako at agad naman siyang umupo doon.

"Sis want do you want?" agad na nanglaki ang mga mata ko ng makita ko yung kapatid ni Iya sa likod niya na kasama niya pala. 

May kasama pala si Iya?  Bakit hindi ko agad napansin kanina? 

Dapat na ba akong magtago?

Lord?  Naaalala niya pa ba yung ginawa ko sa kaniya?  Please lord say no!! 

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng kapatid ni Iya at sila lamang ni Iya ang nag uusap tungkol sa kung ano yung oorderin nila. 

Tahimik lamang ako habang nag uusap sila hanggang sa matapos sila sa pag uusap. Akmang aalis na yung kapatid ni Iya para um-order pero napigilan agad siya ni Iya. 

"Wait don't go muna! " aniya sa kapatid at agad namang kumunot ang noo ni V.

"Ok introduce yourself V" utos niya sa kapatid niya at lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni V na para bang hindi maintindihan ang pinag sasasabi ni Iya. Pinanglakihan naman ni Iya yung kapatid niya para sundin siya.

Huminga muna ng malalim at tumikhim muna si V bago mag salita.

"Vaughn Garvida" aniya at akmang aalis na ng pinigilan muli sya ni Iya. Tinignan naman ng masama ni Iya ang nakakatandang kapatid at wala ng nagawa ang nakakatandang kapatid ni Iya kundi inirapan lamang siya nito. 

"Airi Dacio" tila hinahabol ako ng sampung kabayo sa sobrang kaba habang nagpapakilala ako.

Teka!  Bakit ako kinakabahan? 

Syempre may atraso pa ako sa kaniya!  Nung akala ko sya yung ex boyfriend ni Iya yun pala kuya siya ni Iya! 

Kinakabahang pagpapakilala ko sa sarili ko at agad na umalis si Vaughn para um-order ng pagkain nila ni Iya.

Ni hindi man lang ngumiti?

Suplado! 

"Uhmm ganun talaga yun si V. Hayaan mo na yun!" nakangiting sabi saakin ni Iya. Maya maya naman ay dumating na si Renz dala ang mga inorder niya at agad na umupo sa tabi ko.

Nagtataka namang tumingin saakin si Renz at pinasadahan muli ng tingin ang kasama ko. 

Oo nga pala! Siguro nagkita na sila nung gabing iyon, pero hindi ko naman sila napakilala sa isa't isa dahil nagmamadali na akong umalis noon dahil sa kahihiyan. 

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita.

"Uhmm Renz si ya. Iya si Renz" pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa at agad namang ngumiti si Iya at naglahad ng kamay kay Renz.

"Nice meeting you Renz! "

"Same here" simpleng ani ni Renz habang nakakunot parin ang noo at hindi pa rin naiintindihan ang nangyayari.

Inayos na ni Renz ang mga pagkain sa lamesa 'saka umupo. 

"Uhmm so gaano na kayo katagal ng bestfriend ko?" pareho naman kaming napasinghap ni Renz dahil sa tanong ni Iya. 

"Bestfriend?" nakakunot na noong tanong ni Renz at nagtatakang tumingin saakin. 

Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. 

"Yes! Bestfriend! Diba bestfriend?"

"So may bestfriend kana pala ngayon?" walang emosyong tanong saakin ni Renz. 

Galit ba siya?  Galit siya dahil hindi ko agad nasabi sa kaniya?  Hindi ko naman kasi inaasahan na makita ulit si Iya! Kala ko after what happened wala ng kasunod na pagkikita ang magaganap!

Mawawala na ba yung ilang years naming pinagsamahan ni Renz? Mag iisa nalang ba talaga ako habang buhay?  

Parang nag init naman ang mga mata ko dahil sa mga naisip ko.

"It's a prank!" natatawang sabi saakin ni Renz. 

Agad na sinamaan ko siya ng tingin "Kingina mo talaga no?"

Kung ano ano na yung iniisip ko tapos it's a prank lang pala?  Suntukin ko kaya to ngayon? 

"Huy wag ka mag mura baka ma turn off yung bestfriend mo!" aniya habang tumatawa pa din.

Ang lakas talaga ng trip nito no? 

"I don't mind" natatawa na ding sabi ni Iya.

Nang medyo huminahon na si Renz ay hinarap niya ulit ako.

"So bakit hindi mo agad sinabi saakin na may bestfriend kana pala?"

"Renz naman! Second best friend lang naman!  Alam mo namang ikaw pa din ang pinaka bestfriend ko diba?" mabilis na sabi ko sa kaniya.

"Buti naman—" naputol ang iba pang sasabihin ni Renz ng makarinig kami ng malakas na pagsinghap. Agad naman kaming napa tingin kay Iya.

"Wait— what?  Mag bestfriend kayo?"  di makapaniwalang tanong niya habang nanglalaki ang mata at nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. 

"What the—and here i'm asking if how long na yung relationship niyo!" di na makapaniwalang aniya. Agad naman kaming natawa ni Renz dahil sa reaksyon ni Iya.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na kami?" natatawang tanong ni Renz kay Iya at bigla naman siya humarap saakin habang nangliliit ang mga mata. "Teka love baka pinagkakalat mo na tayo na huh?  Hindi ka man lang nagsasabi saakin? Nag kakalat ka ng fake news?" di makapaniwalang tanong ni Renz saakin.  Hindi ko nga maintindihan kung nagtatanong o nang aasar talaga ehh! 

"Hoy wala akong pinagkakalat na kahit ano!" pagtatanggol ko pa sa sarili ko.

"Then why are you calling her love? " kuryosong tanong naman ni Iya kay Renz.

"Grabe naman to love lang yung tawag kami na?"

"Of course! Why would you call her love if you don't mean it? "

"Hoy! Who told you that i didn't mean it?  I love her as a friend, as a lil'sis!" 

"Kaya nga!  Hindi naman porket love lang yung tawag magkarelasyon na" dagdag ko pa. 

"Opss my bad!  I really thought you're together talaga!" natawa siya "sorry"

"Ok lang!  Kahit anong gusto mong isipin. We don't mind" nakangiting ani ni Renz.

"So everything's clear na!" aniya at huminga ng malalim at napasapo ng noo "My ghosh i can't believe my self! What a shame!" di makapaniwalang sabi sa sarili. Natawa naman kami ni Renz.

Naiintindihan naman namin ehh!  Kahit nga yung mga kasama namin sa trabaho akala nila kami na ni Renz. Actually until now they thought that we're together! 

Habang hinihintay namin si Vaughn ay nag kwentuhan lang kami hanggang sa dumating na si Vaughn dala ang mga pagkain nila ni Iya. 

Nagsimula na namang maghurgamento ang puso ko.

Huh? Ano bang nangyayari saakin? 

Hindi naman siguro mangangain si Vaughn diba? Bakit kinakabahan ako kapag malapit lang siya? 

Umupo naman si Vaughn sa tabi ni Iya, kaharap ni Renz.

Nagsimula ng iayos ni Renz ang mga pagkain ko. Ewan ko sa kaniya ilang beses ko na siyang sinabihan tungkol sa ginagawa nya na pag aayos ng pagkain ko kahit kaya ko naman, pero ang sabi niya lang hayaan ko nalang daw siya 'saka para daw hindi ako mapagod. 

See? I have a good friend!

Habang ginagawa niya iyon ay pinapanood ko lamang siya hanggang sa biglang tumuon ang paningin ko kay V na parang ang laki na naman ng problema sa mundo. 

Nag iigting ang panga at magkasalubong ang dalawang kilay. 

Ayaw niya ba dito?  Edi sana nagsabi siya kanina kay Iya na ayaw niya dito sa restaurant na to para wala siyang sama ng loob ngayon. 

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimula ng kumain nung matapos si Renz ang ginagawa niya.

 Habang kumakain kami ay si Iya lamang ang panay kwento at nakikinig lamang kami. Sometimes she's asking about such things,then we'll gonna answer. Sometimes Renz is feeding me and i'm gladly accept it. 

Nang matapos kami kumain ay nagulat na lamang ako ng biglang may dumampi sa gilid ng labi ko.  Nang tignan ko iyon ay si Renz pala na may hawak na tissue at pinupunasan ang dumi ko sa mukha habang nakangiti ng nakakaloko. 

"Ang kalat mo pa din kumain love! " nang aasar na sabi saakin ni Renz.  Agad ko naman siya sinamaan ng tingin.

"Tigil tigilan mo ko Renz!" pagbabanta ko sa kanya habang pinanglalakihan ko siya ng mata ngunit lalo niya lamang akong tinawanan.

"You guys are so really cute!" natatawa nalang sabi ni Iya saamin.  Agad namang nag init ang mga pisngi ko.

Ilang minuto pa kami nag asaran ni Renz at natigil lamang iyon ng biglang tumayo si V at humarap sa kapatid niya.

"Sis gotta go. I have an emergency meeting. Do you want me to drop you to your condo or—"

"Don't bother brother. You can go na.  Take care."

"Ok. You too. Love you!"

"Love you too.  Babye! " sabi ni Iya sa kapatid at agad na umalis si V.

As in walang look back!

He didn't bother to say goodbye to me? 

I mean samin ni Renz? Hindi niya ba kami nakita? 

Sama naman ng ugali nito.

"So guys after this. What we're gonna do?" 

Hindi naman agad kami nakasagot sa tanong ni Iya.

"What about hmmm— cine?" tanong na sagot niya at tumingin saakin.  Tumingin naman ako kay Renz kung gusto nya ba yun o hindi.

"Fine" simpleng sagot ni Renz

"Nice!" aniya at pumalakpak pa.

At ganun nga ang ginawa namin.  Pagkatapos namin kumain ay pumunta agad kami sa cinehan at pumili ng bagong movie ngayon.  Nang makapili na kami ay bumili na kami ng tickets at nanonood. 

~~~

"So guys I'm leaving na! " paalam ni Iya ng makalabas na kami ng mall.  Tapos na kaming manood at napagkasunduan namin na umuwi na dahil mag didilim na. 

"Wait! Can i have your cellphone number  best?" aniya. Naguguluhan man ay binigay ko na lamang ang cellphone number ko. 

"Thanks!  I'm gonna text you please reply hmm? " aniya habang naka labi, tumango na lamang ako.

"Babye!!"

Pagkatapos niya mag paalam saamin ay umalis na kami ni Renz para kuhain ang motor.

"Renz gusto kong puntahan si nanay" sabi ko sa kaniya pagkaangkas ko sa likod niya. Tumango naman siya at umalis. 

Halos kalahati na ng oras ang byahe namin. 

Pagkadating namin sa bahay nila Renz ay pumasok agad ako.  Pagkapasok ko ay tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. 

Nakahiga si nanay Yuna sa isang kama habang nakapikit ang mga mata. 

But i know that even though her eyes were closed, she's awake. She just want to rest. 

"Nanay!! " maligayang tawag ko sa kaniya. 

"Anak?! " aniya at dahan dahang bumangon sa pagakakahiga.  Agad naman siyang inalalayan ni Renz.

"Nanay!  Ano po tong nabalitaan ko na sinugod ka na naman sa hospital?" 

"Ano ka ba naman anak,  wala yun! " aniya ng naka upo na siya ng maayos at tumawa.

"Anong wala?! Diba po sabi ko naman sa inyo.  Wag nyong papagudin yung sarili nyo? " sabi ko sa kaniya at hinawakan niya naman ang kamay ko.

""Anak alam mo naman na kailangan dahil ayokong maging pabigat sainyo ni Renz—"

Agad ko siyang pinutol at hinigpitan ang kapit sa kamay "Nanay.  Kahit kelan hindi ka po naging pabigat saamin ni Renz kaya wag kang mag sasabi ng ganiyan! "

"O Sya Sge,  kumain na ba ang paborito kong apo? " nakangiting tanong ni nanay.

"Ako po? " tanong ni Renz na nag aayos ng gamit.

"Syempre ako!  Bakit nagtatanong kapa?" Pang aasar ko kay Renz. Agad namang umabot hanggang sa ten floor yung kilay niya.

"Naku lab salamat ka talaga—"

"Ano! Ano? " panghahamon ko pa sa kaniya at tinataasan siya ng kilay.

bumugtong hininga naman siya "Sge na ikaw na panalo"

"madali ka palang kausap ehh"

"naku kayong dalawa talaga kahit kelan"

"Nay may dinala kaming pagkain para sabay sabay tayong kumain"

"Ganun ba sge. Kukuha muna Ko ng mga pinggan"

"Naku wag na ako na po! Ako na" pag presinta ko ngunit agad akong pinigilan ni Renz.

"Ako na lab.  Ako na mag hahanda.  Samahan mo nalang si nanay" aniya tumango na lamang ako at nag simula na siyang kumilos.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status