Share

Chapter 10

Contact number 

Tinaasan ko naman siya ng isang kilay "Nagrereklamo ka? "

"Hindi nag sasabi lang ng totoo" aniya na tila sumusuko na at hindi na siya lalaban sa akin. Buti naman! Ako ang boss nito!  Kapag hindi niya ko sinunod hindi siya nakakakain sa unit ko

"Bilisan mo na jan!" pagalit na sabi ko sa kaniya pero hindi naman talaga ako galit. Sanay na siya saaking ganiyan.  Masyadong bossy at under ko naman siya

"Opo master!" aniya at binilisan na ang ginagawa niya.  Pag katapos niya ay kinuha na niya yung bag ko kung saan naka lagay ang mga gamit ko at sabay na kaming pumunta kung saan naka park ang motor niya. 

Habang nag lalakad kami papunta kung nasaan ang motor ang biglang may tumawag sa pangalan ko. Pareho kaming tumigil ni renz sa pag lalakad at sabay naming tinignan kung sino iyon. 

"Airi" natigilan naman ako at nagsimula na namang magwala ng sistema ko

Kala ko umuwi na siya? Ano pang ginagawa niya dito? 

"Bakit?" tanong ko sa kaniya ng hinarap ko siya at hindi naman siya nag sasalita.

"Hintayin mo nalang ako sa motor renz" sabi ko kay renz para mahanda na nya ang motor.

"Sure ka love?  Hindi naman ako nag mamadali eh! " nag aalangang tanong ni renz, tumango naman ako.

"Oo, ok lang ako" paninigurado ko sa kaniya at wala na siyang nagawa at tumango na lamang bago umalis. 

Hindi pa siya nagsasalita at naka tingin lamang siya saakin.  Saglit naman kaming binalot ng katahimikan habang naka titig lamang siya saakin, hanggang sa napag desisyonan kong basagin ang katahimikan dahil lalo akong kinakabahan. Huminga muna ako ng malalim bago mag salita

"Uhmm.  Tungkol pala dun sa ginawa ko sayo nung gabing yun—" 

"Gabi? " nagtatakang tanong niya

"Yung—alam mo na! " nahihiyang sabi ko sa kaniya

"What? " naguguluhang tanong niya

"Alam mo na yun! " medyo naiinis na sabi ko at lalo lamang nagsalubong yung mga kilay niya

Ano ba yan?  Kailangan talaga sabihin ko yun?  Hindi nya ba gets?  Baka naman nakalimutan niya na? 

"About what?"

"Yung ginawa ko sayo. Akala ko kasi ikaw yung ex ni iya eh. Sorry talaga!  Hindi ko naman sinasadya eh!  Sorry talaga! Hindi na mauulit promise!" mabilis kong sabi at para akong hinahabol ng sampung kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko

"Well, hindi ko yun palalampasin" aniya habang naka ngisi. Tila tinakasan naman ng dugo ang mukha ko. 

Sabi na nga ba ehh!  Bakit ba kasi padalos dalos ako? 

"Ano bang dapat kong gawin?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Lalo namang lumaki ang ngisi nya. 

Sana hindi mahirap please!! 

"Well" 

Lumapit pa siya ng konti saakin kaya naman napaatras ako,  amoy alak siya at namumula na din ang mukha niya dahil sa mga ininum niya kanina pero hindi pa rin nababawasan nun ang pagiging mabango ni V

Wala naman sigurong masama kung sinabi kong mabango siya diba? 

Habang hinihintay ko ang sasabihin niya ay sobrang kinakabahan na ako.

Hindi naman siguro siya mag papagawa ng mahirap sakin diba? Tsaka nag sorry na naman ako huh?  Bakit may mga ganito pa?

Lord please wag mahirap! 

"Give me your contact number"

"C-contact number? " paglilinaw ko sa kaniya dahil baka mali lang yung pagkakarinig ko ngunit tumango naman siya at ngumisi. Nagwala na naman ang sistema ko dahil sa pag ngisi niya

Contact number? Anong gagawin niya sa number ko? 

Inabot niya saakin ang cellphone nya para doon ko ilalagay ang contact number ko. Wala naman akong nagawa kundi abutin iyon. 

Pagkatapos kong ilagay dun ang number ko ay lalo lamang syang ngumisi at walang sabi sabing umalis.

Tignan mo lang!  Bastos din pala siya eh! Nag uusap pa kami tapos bigla nalang siya aalis?  Edi sana hindi nalang ako nag sorry!

Susundan ko pa sana siya kaso nagulat ako ng sumulpot sa tabi ko  yung motor at si renz. 

Wala na akong nagawa kundi ang umangkas kay renz at umalis doon. Habang umaandar ang motor ay nililibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid at nagbabaka sakali na makita siya. 

What? Gusto ko siyang makita? No way!!  It's not me!! 

Bakit ba kasi basta basta nalang yun umalis?  Wala man lang babye, bye,  i have to go, gotta go,  babush, o kahit tango  man lang!

Nang makarating kami sa unit ko ay kumain na kami. Bumili nalang kami ng pagkain sa nadaanan naming karenderya kanina at tsaka naisipan na iuwi nalang para dito sa unit kainin para makapag pahinga din kami agad

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang hindi pagmasdan si renz. 

Ang gwapo ni renz pero wala pa siyang sinasabi saakin na may nagugustuhan na siya. Kahit nga fling wala!

May girlfriend na kaya siya? Nahihiya lang ba siyang mag sabi sakin? 

Kung may nagugustuhan na siya, i will support him naman ehh.  Gusto ko nga makita kung paano ma inlove ang isang Renz Von Tapaz.

Siguro kung hindi lang kapatid yung turing ko sa kaniya crush ko rin siya.

Nang maramdaman niya ang titig ko ay tinigil niya ang pagkain at tinawanan niya naman ako. Agad namang nagsalubong yung kilay ko 

Ano bang tinatawa nito?  Masyado siyang happy huh! 

"Alam mo love kung may gusto ka sakin umamin kana lang!" aniya habang tawa pa rin ng tawa. 

Sapakain ko kaya to? 

"Sge ganito nalang.  Secret nalang nating dalawa na may gusto ka sakin" suhisyon niya at tumataas baba pa yung kilay niya.

Tinignan ko naman siya ng masama "Ang kapal din pala ng mukha mo no?"

"Umamin kana love!  Hindi ka naman busted sakin ehh! Tsaka hindi ka naman talo sakin love.  Mabait naman ako,  masipag, mapag alaga, madiskarte at higit sa lahat gwapo. O diba? Swerte kana sakin!"

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo renz! "

"Aba!  Bakit? Totoo naman huh? " pang aasar niya pa. 

"Hindi renz seryoso. May girlfriend kana? Or may gusto kanang babae?" seryosong tanong ko sa kaniya at suminghap naman siya ng malakas.

"Ano love mag pro-propose kana sakin?  Ligawan mo muna ako!" aniya at agad ko naman siyang hinampas

"Lumayas ka na nga dito!" sabi ko sa kaniya at pinaghahampas siya ng malakas sa braso

"Hoyyy masakit hahaha!" aniya habang tumatawa at pinipigilan yung kamay ko sa paghampas sa kaniya

"Layas!"

"S-sorry na hahaha! " natatawang sabi niya at hinuli ang dalawang kamay ko

Sorry tapos tumatawa?  Pinaglololoko ba ko nito? 

Sinamaan ko ulit siya ng tingin "So ano nga? Wag mo sabihing may girlfriend kana?  Bakit di mo ko sinasabihan?" may pagbabantang sabi ko sa kaniya

"Hoy!  Wala akong girlfriend huh! " pagtatanggol niya sa sarili niya at sumubo na ulit ng pag kain. Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Ano na nga? Tumigil ka nga muna sa paglamon! " sabi ko sa kaniya at pinipigilan ko yung kamay niya sa pag subo

"Patay gutom kaba?" sarkastimong tanong ko sa kaniya

"Grabe ka naman sakin love! Hindi pa nga kita sinasagot under na agad ako sayo!  Dapat ikaw ang under sakin kasi ikaw yung nangliligaw sakin! "

"Hindi ka talaga titigil?" tanong ko sa kaniya at tinutukan siya ng tinidor pero hindi naman siya natinag. 

"Totoo naman huh! Dahil jan busted kana sakin!" parang bata niyang sabi

"Lumayas kana nga!" sigaw ko sa kaniya at pilit na pinapatayo siya mula sa pag kakaupo para mataboy ko siya sa hanggang sa pinto

"Hoyyy w-wait lang!" natatawang aniya at tinulak-tulak ko na siya palabas ng pinto. Nang mapalabas ko siya ay agad kong sinara ang pinto at nilock ito. 

"Buksan mo tong pinto love!" aniya at kinakatok pa ng mahina ang pinto

"Wag ka nga maingay jan!  Maraming natutulog! " sabi ko sa kaniya kahit na mahina lang naman yung pagkatok niya.

"Buksan mo to!! " sigaw niya mula sa labas ngunit hindi ko pa rin yon binuksan

"Bahala ka jan! Kinakausap ka ng maayos kung ano ano yung pinag sasasabi mo! " 

"Buksan mo to bilis! Bibilang ako hanggang tatlo!" pagbabanta niya pa. 

Huh!  Kala niya naman natatakot ako sa kaniya?  No!  It's a big NO!

"Bakit ko naman bubuksan?"

"Hindi pa ako nakakainom ng tubig!" aniya mula sa labas ng pinto.  Sus kala ko naman sasagot na siya eh! Iinom lang pala ng tubig. Pwede naman siyang uminom dun sa unit nya huh? 

"Dun kana sa unit mo uminom!" sigaw ko sa kaniya. Tutal ayaw niya namang sagutin yung tanong ko edi umuwi na siya dun sa unit niya.

Ilang sandali pa ang lumipas at bawat sandali na yun ay katok lang siya ng katok sa pinto. 

Hanggang sa napag desisyonan kong buksan ulit ang pinto. Baka mamaya may mag reklamo na saamin dahil sa kaingayan ni renz.  

Pag bukas ko ng pinto ay pumasok agad siya at siya na ang nag sara ng pinto dahil nauna na ako umupo sa sala kung saan kami kumakain kanina

"So ano nga?" kuryosong tanong ko sa kaniya nang maka upo siya sa tapat ko

"Kala mo hindi masakit yung sinabi mo sakin?" aniya at nag salubong na naman ang dalawang kilay ko

Ito na naman siya!! 

Hindi talaga ako titigilan nito? 

"Na patay gutom ako! Ikaw nga kinakain mo pati kalapati ehh! Sabi mo panga 'tara renz hulihin natin yung kalapati, hatiin natin! Kainin natin!' " Agad namang nag salubong na naman yung dalawang kikay ko at pinangliitan siya ng mata. 

Anong pinagsasasabi neto? Anong kalapati? Ako kumain ng kalapati?  Ayoko ng sa kalabaw sa kalapati pa kaya? 

"Lumayas kana ulit!" inis na sabi ko sa kaniya at sinimulan na namang hilahin siya patayo. 

"Hindi na! Hindi na! Eto na! " aniya at tinaas pa ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko na siya.

Umupo muna kami ng maayos at tinuon ko lang ang atensyon ko sa kaniya. Tumikhim muna siya bago mag salita

"May gusto akong babae!" pag amin niya. Napasinghap naman ako

" Talaga?" di makapaniwalang taninong ko sa kaniya. 

Tignan mo may gusto na pala siya babae tapos hindi man lang siya nagsasabi sakin? 

Talaga bang kaibigan ako nito? Suntukin ko na kaya to? 

He said before, no secrets. Pero malalaman ko lang ngayon na may gusto na siyang babae, and he didn't bother to tell me?

"Oo pero hindi ko alam kung may pag asa ako sa kaniya eh" aniya sa malungkot na boses ngunit nagawa niya pa ding tumawa ng mahina. Napailing iling naman ako

"Bakit hindi ka umamin sa kaniya?" kuryosong tanong ko sa kaniya

Diba?  If you like someone you should tell him/her that you like her/him. 

"Pagkatapos siguro ng lahat ng problema. Tsaka ako magtatapat sa kaniya" aniya habang naka tingin deresyo sa mga mata ko at naka ngiti

"Bakit?  Ano bang pangalan niya?" kuryosong tanong ko sa kaniya

"Si— secret ko na yun!" aniya at nag iwas ng tingin tsaka tumawa. Agad ko naman siya hinampas sa braso at inirapan. 

"Hala!  Ang daya mo!  Sabihin mo na! Malay mo matulungan pa kita!" pamimilit ko pa

"Next time ko sasabihin promise! Tapos kapag hindi ako busted ililibre kita" aniya habang nakakalokong nakangiti

Ngumisi naman ako "Deal!"

Pagkatapos ng usapan na iyon ay tulad ng naka sanayan ay si renz ang naghugas ng plato pagkatapos ay nag paalam na siya na mag papahinga na daw siya.

Kinabukasan ay nagising nalang ako na nasa loob na ng unit ko si renz.

Sya na ang nag luto ng kakainin namin at sya na din ang nag hugas ng mga plates after we ate. 

We spend our freetime by watching movies at nang dumating ang oras na kailangan na naming pumasok ay nag handa na kami at nag ayos bago sabay na pumasok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status