Share

Chapter 11

Flashback 03

"Saan pong hospital sir? " tanong ko sa kaniya. Sa hospital pala dinala edi sana dun niya nalang ako pinaderetsyo!

"Gilbaliga hospital ma'am. May team kami na papunta na dun sa hospital kaya pwede ka sa kanila sumabay"

Tumango naman ako "Sge po sasabay nalang po ako" 

Pagkasabi ko nun ay dinala niya ako sa mga kasamahan nya at pinasakay na ako sa sasakyan at umandar na iyon patungong hospital. 

Bawat minutong lumilipas ay sinisimulan na akong kabahan sa kung anong madadatnan ko sa hospital. Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay dahil nararamdaman kong nanginginig na naman ako. Nararamdaman ko ding may mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko kaya naman agad ko iyong pinunasan at tinuyo. 

Lord please iligtas nyo po si papa at mama please!! Kahit ako na lang po!  Wag lang sila! Please lord!!  Nag mamakaawa po ako lord!! 

Pag dating namin sa hospital ay bumaba agad ako ng sasakyan at sinamahan naman ako ng mga pulis na pumunta sa isang kwarto kung saan nandon lahat ng mga naaksidente. 

Habang nililibot ko ang aking paningin sa buong silid upang hanapin si papa ay may lumapit saaking isang doktora

"Miss ikaw ba ang anak ni Mr. Alexander Dacio? " tanong niya ng makalapit na siya saakin

Tumango naman ako "Opo ako nga po"

"I'm so sorry to tell you but we did our best to save him but—" hindi nya pa natatapos ang sinasabi niya ay marahas na akong umiiling 

"Hija please follow me" tanging nasabi niya at sinunod ko naman siya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto at ang tanging harang lamang nun ay kurtina.  Hinawi naman ng doktora ang kurtina upang makita ko kung ano ang nasa loob

"Ayan na siya hija" aniya at tila tumigil naman ang mundo ko sa nakita ko.

Si papa na nakahiga sa kama! 

Tila may kumukurot at tumutusok na mga karayom sa puso ko

Hindi ko na makilala kung si papa pa ba yun dahil nasunog na ang parte ng mukha nya hanggang sa dalawang braso nya. Lumapit naman ako at nag uunahang nag laglagan ang mga luha ko sa pisngi ko at hindi na ako nag abala pang punasan iyon dahil sunod sunod naman ang luhang lumalabas mula sa aaking mata. Hinaplos ko ang kamay ni papa kung saan nandun ang sing sing nya. 

Ayokong maniwala na si papa ito ngunit suot nya pa din ang marriage ring nila ni mama.

Hindi padin ako makapaniwala dahil kaninang umaga lang ay sobrang saya namin!  

Hindi ako maka paniwala na yung tumatawa kaninang umaga habang sabay sabay kaming kumakain ay nandito ngayon sa harap ko, walang buhay! 

Yung nag palaki saaming mag kakapatid wala na ngayon!

Yung nagbigay saamin ng buhay ay hindi na humihinga ngayon! 

Yung nag paalam saming three days lang mawawala hindi na babalik kahit kelan!

Yung isa sa dahilan ko para mag aral ng mabuti wala na. 

Lord!! Minsan lang naman po ako humingi sainyo bakit hindi nyo pa nabigay sakin to?  Wala naman kaming ginawang masama sa inyo pero grabe mo kami parusahan!  Una si mama ngayon naman si papa! Sana ako nalang po yung kinuha nyo! 

Sa dinami daming tao sa mundo bakit kami pa?  Namumuhay kami ng marangal!  Tumutulong din naman kami sa ibang tao kapag kaya namin!  Ang dami daming masasama sa mundo bakit kami pa?  Bakit pamilya ko pa? 

"PAPA!"

Nanghihinang napa upo na lamang ako sa gilid ng kama kung saan naka higa ang lapnos, sunog na katawan at walang buhay ni papa. Nang hihina ang tuhod ko at parang pinipisil ang puso ko sa sobrang sakit ng nangyayari ngayon sa pamilya namin. 

Kahit na anong sabi ko sa sarili kong kailangan naming maging malakas ngayon,  parang sumusuko na ko. 

Bakit? 

Bakit kami? 

Maraming tao ang mas maganda ang pamumuhay kesa samin pero bakit kami pa yung nagkaganito?  Bakit saamin nangyayari to? 

Simple lang ang pamilya namin at sobrang kuntento na kami sa kung ano man ang meron kami. Hindi kami nag hahangad ng malaki, kahit minsan ay hindi namin nagawang manapak ng ibang tao, lagi kaming tumutulong kahit minsan, wala na kami. Kaya bakit? 

Sobrang sama ko ba nung dating buhay ko? Para mangyari to sa pamilya namin? May nagawa ba akong mali? 

"Ms. Dacio—" pinutol ko naman kung ano yung sasabihin ng doktora.

"Please! Iwan nyo muna ako. Kahit saglit lang" wala naman siya sinabi at walang imik na umalis

Pagkarinig kong sumara na ang pinto tanda na umalis na ang doktora at napahagulgol na naman ako sa pag iyak

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala na akong luhang ilalabas pa.

Nakatitig lamang ako sa kawalan ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ngunit hindi na ako nag abala pang tignan kung sino iyon

"P-pa! " narinig kong tawag ni ate nicole kay papa at mararamdaman mo talagang sobrang nasasaktan siya! 

Hindi ko magawang tumingin kay ate dahil baka pati ako ay maiyak na naman

"S-sabi mo three days ka lang mawawala? Gumising ka jan pa!  Malapit ng maka graduate si bunso!" dahil sa sinabi ni ate nicole ay nag init na naman ang mga mata ko at hindi ko na napihilang umiyak muli. 

Hinayaan ko munang umiyak ng umiyak si ate at nang medyo nahimasmasan na siya ay lumapit na ako sa kaniya

"Ate, anong balita kay mama?"

Dahan dahan naman syang tumingin saakin at napuno na naman ng tubig ang kanyang mga mata na tita may na alalang isang napa lungkot na bagay

"Pagdating namin doon sa lumang building wala ng malay si mama. Puro pasa, sugat, dumugo pa yung braso ni mama" aniya at na iyak na naman.

Bigla naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.  Tila ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga nangyayari saamin ngayon. 

Ang saya pa namin kaninang umaga diba?  Bakit nangyari ang lahat ng to?

"nahuli nyo ba yung may gawa nun kay mama?" umaasang tanong ko 

"H-hindi" aniya ay humagulgol na naman sa pag iyak.  

"Bakit! —" naguguluhang tanong ko. 

Paanong hindi?  Alam kong medyo malalo ang mga lugar namin sa lumang building pero nung huli kong nakausap si mama sabi niya tulog pa daw yung boss niya.  So paanong hindi?  

Posible kayang narinig ng boss niya yung pag uusap namin ni mama? 

Nahuli niya kaya si mama? 

Tila tinakasan naman ng dugo ang mukha ko sa mga naisip ko. Sana mali ang iniisip ko.  Sana nagkataon lang ang lahat. 

"Ang linis ng paggawa nya ng krimen! Wala kaming ka alam alam kung sino yung may gawa nun dahil hindi na nga namin natanong si mama kasi wala na siyang malay ng dumating kami dun! Tsaka nakatakas na yung may gawa nun!"

Saglit naman akong natigilan. Sh!t!! Hindi ko nga pala nasabi sa kanila kung sino ang may gawa nun! Bakit ba kasi ang tanga ko!  Bakit nakalimutan kong sabihin? 

Yun yung pinaka importante! Ang masabi ko sa kanila kung sino yung may gawa nun! Pero yun pa yung nakalimutan ko! 

"Y-yung boss ni mama"

Natigil naman sya sa pag iyak at nagtatakang lumingon saakon "Anong pinag sasasabi mo airi? "

Napalunok naman ako at tila may naka harang sa lalamunan ko "Yung boss ni mama yung may gawa nun sa kaniya!" paglilinaw ko

Pinangliitan niya naman ako ng mata "Paano mo nasabi?"

"Sinabi saakin ni mama nung tumawag siya" marahas naman siyang tumayo mula sa pag kakaupo niya at marahas ding umiling iling

"Sobrang bait niya airi!  Pano mo nasabi yan? Ganyan kana ba ka desparada airi? Maninisi ka ng ibang tao dahil sa kasalanan mo?" di maka paniwalang tanong nya saakin at paulit ulit akong tinitignan mula ulo hanggang paa.

"Ate nag sasabi ako ng totoo!"

"Pwes! Bakit hindi mo agad sinabi!?" mahinahong tanong niya at lumapit saakin at bigla nalang hinila ang buhok ko at hinila iyon ng malakas

Napadaing naman ako sa sakit at hindi na sinubukang lumaban dahil alam ko namang may kasalanan din ako

"Bakit di mo agad sinabi! Hindi kaba nag iisip airi?!" sigaw Niy saakin at lalong hinila ng malakas ang buhok ko 

"S-sorry ate" nauutal na sabi ko at hingi lang ako ng hingi ng tawad, ngunit hindi nya pa din binibitawan ang buhok ko

"Sorry?  Anong magagawa ng sorry mo?" sarkastimong tanong niya

Wala na akong maisip at puro sorry nalang ang nasasabi ko kay ate "Sorry  ate"

Maya maya naman ay naramdaman kong lumuwag na ang pag kakahawak niya sa buhok ko ngunit hindi ako nagtangkang lumayo o gumalaw

Kailangan ni ate ng mapag bubuntungan ng galit nya kaya ayos lang saakin kung saakin niya ibuhos lahat ng galit niya dahil may kasalanan din ako

"Kung sinabi mo lang agad edi sana nahuli na yun! Sana hindi yun naka takas!" aniya at marahas niya ako tinulak dahilan para mapaupo ako malapit sa may pinto at tumama pa ang braso ko sa lamesang nandoon. 

"N-nag panic na kasi ako ate!  Sorry! Nawala na sa isip ko, sobrang gulong gulo na kasi ako! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko" paliwanag ko sa kaniya habang naka upo at hindi na ako tumayo dahil nanghihina ako. Feeling ko anytime matutumba ako once na tumayo ako. 

"N-nung narinig ko yung boses ni mama kanina, sobrang nadurog yung puso ko! Kilala natin si mama bilang isang matibay na babae, na hindi marunong sumuko! Siya yung iniidulo nating magkakapatid dahil sobrang tapang nya at hindi siya napapagod saatin. Kaya nung narinig ko yung boses niya na hinang hina,  nag mamakaawa, takot na takot, at nung narinig ko syang humagulgol sa iyak!  Hindi ko na alam ang gagawin ko!" pagpapatuloy ko at napatakip naman ako ng mukha ko dahil humagulgol na naman ako ng pag iyak. Habang sinasabi ko ang mga yun ay naaalala ko ang paraan ng pagsalita ni mama kanina.

Awang awa na ko kanina kay mama pero hindi ko naman kayang liparin yung distansya namin para matulungan siya at iligtas siya. 

Napaka walang kwenta kong anak! 

"Sana sinabi mo parin airi!  Ang dami ng oras kanina para sabihin mo sakin pero hindi mo parin sinabi!"

"Wala ng oras kanina ate—" pinutol niya naman ang mga sasabihin ko 

"Anong wala airi? "

"Pinuntahan ko rin si papa ate!  Hindi naman pwedeng lahat tayo pumunta kay mama!  Kailangan din tayo ni papa! Kaya imbis na kayo yung pumunta dun!  Ako nalang!  Ako yung pumunta dun para maligtas nyo si mama! "

"So sinong sinisisi mo ngayon?  Ako?  Kami ni ate diona?" sarkastimong tanong niya. 

Sila yung sinisisi ko?  Wala naman akong sinabing ganun!! Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko!

"Ate hindi sa ganun—" mag papaliwanag pa sana ako ng putulin niya na naman ang mga sasabihin ko

"Pero ganun yung pinapahiwatig mo airi!" nanggagalaiti niyang sabi at hindi ko na nagawang depensahan ang sarili ko ng dugtungan niya pa ang mga sinabi niya.  

"Tandaan mo to airi.  Once na may mangyaring masama kay mama ikaw ang sisisihin ko!  At kalimutan mo na din na meron ka pang kapatid!" aniya at umalis ng kwarto. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni ate. 

Tama. 

Kasalanan ko naman ang lahat diba? Kung di ko lang nakalimutan at sinabi ko agad kung sino yung may gawa nun!  Hindi sana nakatakas yung walang hiyang yun!

Tama lang siguro yun sakin. 

Wala na akong magawa at umiyak na lamang na umiyak habang pinag mamasdan ang walang buhay na katawan ni papa

[End of Flashback ]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status