Share

Chapter 12

 ​

Agreement 

"Grabe Love di ko pa rin makalimutan yung ginawa mo!" nang aasar na naman niyang sabi. 

Actually nakakailang beses siya niyan sa isang araw kaya naiinis na ko. Nakakarindi.  Pero alam ko namang wala akong magagawa dahil kapag sinita ko siya,  lalo niya lang akong aasarin. 

Pilit ko na nga kinakalimutan yung nangyari na yun kahit saglit man lang pero ang hinayupak na to bawat oras ata pinapaalala sakin

Well. It's been 3 days when that 'Scene' happened and i still can't believe my self that i did 'that'.

And yes! Hindi pa ako nakakausap ng boss namin because he has urgent meeting in japan. 

And i don't know when will he come back. 

But one thing is for sure if he come back.

I'm dead. 

"So hindi ka talaga titigil? " naiinis na tanong ko sa kaniya

Nandito kami ngayon sa SM tulad nga ng lagi naming nakasanayan kapag day off. Actually ayoko naman talaga ehh dahil halos kada day off namin dito kami pumupunta. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang ganun na nga. I mean sa ilang taon naming magkasama dito na ang tambayan namin. 

"Sorry na! Pero ang astig mo talaga dun!" aniya at tumawa na naman. Inirapan ko nalamang siya. Sorry na tapos tumawa na naman? 

Katulad nga ng sinabi ko kanina. Wala na naman akong magagawa kahit na pigilan ko siya dahil lalo lang siyang mang aasar

"Ano pang sabi mo? - 'I don't care?' " aniya at lalong lumakas ang pagkakatawa, nakahawak na siya sa tiyan niya. 

Kabagin ka sana

" Bahala kana nga jan! " sabi ko at nauna nang lumakad. Agad naman siyang sumunod. 

Nang mahimasmasan na siya ay tumigil na sya sa pagtawa ngunit may ngiting naglalaro sa mga labi niya

"Bisita tayo mamaya kay nanay? "

"Sg-" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko iyon ay si Vaughn  pala. 

"Wait lang" tumango naman siya at tumalikod para bigyan ako ng privacy. 

Tinitigan ko muna ang cellphone ko at kinakabahan ko naman sinagot ang tawag. 

"H-hello?"

This is the first time na tinawagan niya ako ng binigay ko sa kaniya ang number ko

"Where are you? " aniya mula sa kabilang linya.Tila hinahabol ako ng sampung kabayo sa kaba at medyo natigilan naman ako dahil sa lalim ng boses niya sa telepono

"B-bakit? " kinurot ko naman ang braso ko ng mautal ako. Bakit naman ako nauutal? 

" I need something to discuss to you later. Meet me at the club" aniya sa mabalis na pag sasalita

"What time? "

"5" aniya at hindi man lang ako hinintay sumagot at binabaan niya na ako ng tawag. 

Tignan mo lang! 

Bastos talaga! 

Sya na nga tong may kailangan ehhh- AYYY! baka tungkol na sa kasalanan ko yung pag uusapan namin mamaya!!

Shemsss! 

Makakaharap ko na ba yung DimunYu? na sinasabi nila? 

Bakit ba kasi napaka big deal nun? 

Pwede namang kalimutan nalang diba? Kailangan talaga pagbayaran? 

Hayst bala na nga!! 

"Love tapos na? " naputol lamang ang iniisip ko ng sumulpot na si renz sa harap ko 

Tumango naman ako at ngumiti 

"Sino yun?" kuryosong tanong niya

"Huh? Wala. Yung kasamahan natin." pag mamaangan ko naman. Wala lang i don't feel telling him about it. Kaya sorry renz

"Bakit daw? " kuryosong tanong niya

"May naiwan daw akong gamit dun kahapon. Kailangan kong kunin mamaya" I lied.

Tumango tango naman sya "Sge daanan muna natin yun bago pumunta kay nanay"

"Huh? Wag na-ako nalang kaya ko naman" natataranta kong sabi

Agad namang kumunot ang noo nya at nagtatakang tumingin sakin "Hindi pwedeng hindi love"

Nginitian ko lamang sya "Promise kaya ko naman ehh"

"Pero hahanapin ka sakin ni nanay"

" Edi sabihin mo may dinaanan lang"

"Love" 

"Kaya ko, promise " ani ko sa kaniya at ngumiti

"Daanan nalang kasi natin. May motor naman ako. Para hindi kana mamasahe" pangungulit nya pa

"Renz" may pagbabanta na ang boses ko

Wala naman syang nagawa at huminga nalang ng malalim "Sge na nga basta mag iingat ka huh!"

" Oo naman. Para namang timang to! Kala mo talaga may mangyayaring masama sakin eh!"

"Hindi tayo nakakasiguro love"

"Hay naku renz tara na nga! Gutom na ko! Libre mo! "

" Teka ako na naman?" kunot noong reklamo niya

"May angal ka?" maangas na tanong ko sa kaniya

"Wala saan mo ba kasi gustong Kumain?" he said with FULL of sarcasm. 

Ngumiti nalamang ako at hinila sya papunta sa isang restaurant na medyo may pagkamahal pero sulit!

Kasalanan niya siya nag pumilit na pumunta dito sa mall dapat lang na libre niya. 

Pagdating namin doon ay um-order nako at nang maihatid na ang inorder namin ay kumain na kami. Katulad ng nakasanayan ay nag cine kami, naglaro at kumain ulit. 

Nang nakalabas kami ng mall ang akala ko ay hahatid nya ako sa sakayan ngunit nagreprisinta sya na hahatid nya nalang ako sa club kung saan kami nag tra trabaho.

Nung una ay tumanggi pa ako ngunit napilit nya parin ako kaya pumayag na lamang ako. 

Pag dating sa club ay binilinan nya ako ng sumunod daw agad sa kanya, tumawag kapag wala akong masakyan, at marami pang iba. Akala mo talaga tatay ko to si renz ehh! 

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating ang nagpapunta sakin dito.

Diba ang galing? Sya nag papunta sakin tapos ako pa naghintay sa kaniya? 

Napaka gentleman! 

"Get in" aniya kaya naman wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng sasakyan

Habang umaandar ang sasakyan ay wala ni isa ang nagsalita saaming dalawa. Tahimik lamang syang nagmamaneho at tahimik lamang akong pinapanood ang dinadaanan namin 

Ilang minuto pa ang tinagal bago huminto ang sasakyan sa harap ng mamahaling restaurant.

Pagkababa ng sasakyan ay hindi nya man lang ako hinintay at nag dere deretsyo lang sya sa loob

What do I expect?

Napailing nalang ako at tahimik na sumunod.

Pag kapasok na pagkapasok ay kitang kita agad ang isang malaking chandelier sa gitna at sa baba ng chandelier ay may mini fountain. May nag vi-violin sa gitna at mamahaling mga paintings sa gilid. Talagang mayayaman lang nakakapasok dito 

Konti lang ang tao sa loob at sobrang romantic ng place na to.

Dito talaga kami mag uusap? 

Tungkol saan ba yung pag uusapan namin? 

"Here"

Nawala lamang ang mga iniisip ko ng marinig ko ang boses nya

Pumunta naman ako kung saan sya at napailing na lamang ako ng biglang pumasok sa utak ko na hindi man lang nya ako hinugutan ng upuan. 

I cleared my throat 

Nang may dumating na waiter ay sya na ang um-order pati ng sakin dahil wala naman akong alam sa mga pagkain nila dito pero mukha namang masasarap. 

I sighed. 

Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan hindi ko lang pinapahalata.

Sa susunod talaga hinding hindi na ko mangingielam sa iba. 

Tahimik lamang ako habang hinihitay ang order at tahimik din na pinupuri ang mga paintings na naka sabit sa mga pader 

"Well"

Napakurap kurap naman akong lumingon kay Vaughn at napaayos ako ng upo ng naka tingin pala sya sakin

" Ayoko ng pahabain pa ang usapan. Gusto kong mag panggap ka na Girlfriend ko"

Napasinghap naman ako sa sinabi nya. Tila hinabol ako ng sampung kabayo dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko sa gulat at kaba

gusto nyang magpanggap ako na girlfriend nya? 

" b-bakit naman? " nauutal na tanong ko sa kaniya. 

"May gusto akong pagselosin" aniya na parang wala lang syang pakealam

May gusto siyang paselosin tapos ako yung gagamitin niya?  Ano bang akala niya sakin? 

"bakit ako? " kinakabahan man ay nagawa ko parin itanong iyon. 

Totoo naman huh! Bakit ako? Alam kong maganda ako pero maraming mas maganda sakin!!. 

At isa pa, alam kong marami syang kaibigan na mayayaman na pwede nyang gawing fake girlfriend! So why me? 

Tinaasan nya muna ako ng kilay at tinignan na parang napaka walang kwenta ng tanong ko

"Dahil may utang ka sakin? " sagot niya na parang may halong sarcasm. 

Hindi naman ako nakasagot at napaiwas ng tingin. 

Sa totoo lang parang ayoko. 

Alam mo yun? Parang sobrang weird ng gagamit ka ng isang tao para lang mapag paselos mo yung Ex mo or kung sino man jan. 

But, do I have a choice? 

May kasalanan ako sa kanya so I don't have a right to complain. 

"By the way, I'm not asking you. Yan yung kabayaran mo sa kasalanan mo sakin"

See? I don't have a choice 

Wala na akong nagawa kundi ang tumango 

"Don't worry too much. Mag a-acting kalang naman kapag anjan ang pag papaselosin ko" aniya na parang sobrang dali lang ng pinapagawa niya

"So parang pain ako ganun? "

Tumango tango naman siya"We can say that "

Nahinto naman saglit ang pag uusap ng namin ng dumating na ang order. Habang nilalagay ng waiter ang mga pagkain sa lamesa ay hindi ko napigilang mapaisip. 

So yun yung kabayaran ko? Bakit ba kasi ang big deal nun? Parang na pre-pressure tuloy ako. 

Dibali na nga! Pagkatapos naman ng lahat ng ito babalik na sa dati ang buhay ko- i mean sa normal dahil alam ko na hindi na babalik ang dating buhay ko. 

And advantage ko na to no! Ang gwapo kaya ni Vaughn! Feeling ko nga lahat ng babaeng nandito sa loob ng restaurant ay may crush sa kaniya 'Except me' dahil kanina pa sila tingin ng tingin sa kasama ko. Kaya lang parang ewan kasi sya ehh! Ang suplado at napaka bossy!

Nang umalis na ang waiter ay nag simula na kaming kumain

"AHmmm. May rules ka pa ba?" tanong ko sa kaniya ng maalala ko na may mga rules kapag ganyan. Ganyan kasi yung sa mga nababasa ko na story or napapanood sa mga palabas. Kailangan may rules para mas clear 

"What do you think?" pabalik na tanong nya saakin 

"Yes?" sagot ko na patanong sa kaniya

"Stupid" bulong nya sa sarili but i heard it!! 

Pasimple ko na lamang sya inirapan at hindi pinansin yung sinabi niya

"Well. First No boys for you, except me"

"Wait! Except you? That's unfair! I have a boy friend!"

Natigilan naman siya at napailing

"Whatever!" aniya at napansin kong nagtagis ang kanyang panga 

"Second" napahinto naman sya at akmang nag iisip ng pangalawang rule 

"just spill out all the rules, don't leave anything out " kinakabahang sabi ko sa kaniya.

"Don't be so clingy"

Pasimple naman akong umirap "As if"

"Third. If i call you, answer it immediately and don't make excuses." walang ganang aniya ngunit maririnig mo talaga sa boses nya ang awtoridad. 

"And? " tanong ko dahil baka meron pa

Umiling naman siya "That's all "

"Ok then. Can i go first? "

"No." supladong sagot niya

Hindi na lamang ako umangal at pinagpatuloy ang pag kain ko. Tahimik lamang kaming kumain. As in walang nag sasalita saamin kahit isa. Ang tanging maririnig lamang ay ang nag vi-violin sa gitna. 

Nang matapos syang kumain ay bigla na lamang syang tumayo at walang sabi sabing umalis. Hinintay ko sya ng ilang minuto at nang matapos akong kumain at wala pa sya ay napagtanto kong tuluyan na syang umalis. 

What do i expect? 

I sighed. Tumayo na ako at umalis dahil na bayadan na naman ni Vaughn ang mga kinain namin kanina. 

"Love bakit ngayon ka lang?" Nag aalalang salubong sakin ni renz nang makarating ako sa bahay nila. 

"Traffic " simpleng sagot ko at nag iwas ng tingin sa kaniya

" Tinatawagan kita. Bakit hindi mo sinasagot? "  naaalala pa ring tanong niya

Napakunot naman ang noo ko

Tinatawagan niya ako? 

"Tinatawagan mo ko? "

Tumango naman siya "Oo. Sobrang nag aalala na kaya ako. Actually paalis na dapat ako para sunduin ka"

Napasapo naman ako ng noo ko at kinuha ang cellphone ko sa bag. Nang tignan ko iyon ay 15 missed calls and 20 unread messages na pala at lahat ng iyon ay galing sa kaniya

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status