Share

Chapter 13

Suspension 

Napailing naman ako sa sarili

"Sorry. Naka silent kasi yung cellphone ko kaya hindi ko napansin." hingi ko ng pasensya

Napailing naman siya and he look dissapointed to me "Sge basta sa susunod wag kana mag silent para naman masagot mo agad at nag alala ako." pangangaral niya pa sakin

"Opo tay! " pang aasar ko naman sa kaniya at inirapan niya lang ako

"Hay nako love, Halika na at kanina kapa hinahanap ni nanay" nauna na siyang pumasok sa bahay 

Tumango na lamang ako at tuluyan na rin pumasok sa bahay. Pag pasok ay nakita ko agad si nanay na nag aayos ng lamesa

"Anak bakit ngayon ka lang? " nag aalalang tanong saakin ni nanay at sya mismo ang lumapit saakin para Kuhain ang bag ko. Nagmano naman ako sa kaniya at yumakap. 

" May kinuha lang po sa trabaho" sagot ko sa tanong niya at humiwalay ng yakap sa kaniya

" Nakuha mo na ba?" tanong nya ulit. Tumango naman ako at ngumiti 

"Sge. Siguradong gutom kana. Tara na at kanina kapa namin hinihintay para sabay sabay tayong kumain. Alam mo bang si renz ay sobra nang nag aalala sayo kanina?  " aniya at nilagay muna sa malapit na sofa ang bag ko at sabay sabay na kaming umupo sa kainan para kumain. kahit busog pa ako dahil sa kinain namin kanina ni Vaughn ay pinilit ko parin kumain kahit kaonti lang para naman mabawasan ang kasalanan ko sa kanila. 

-------------

"So Miss Dacio. What's wrong with you?  Why did you do that to Miss Caber? " 

Nandito na ako sa opisina ni boss dahil pinatawag niya ako dahil nga sa ginawa kong pagsampal kay aliyah

Kararating lamang ni boss kanina at pumunta daw siya agad dito ng makarating sa kaniya ang balita na iyon. 

Kararating niya lang kanina at ngayon ay parang sasabog na siya sa galit. 

"Sir i didn't mean it! I'm also shocked for what I've done but I'm not sorry, because she deserves it " i explained. Parang hinahabol ako ng sampung aso sa kaba dahil baka mawalan na ako ng trabaho ngayon. 

Yeah. I'm not sorry.  She's getting into my nerves. 

"What?  You're not sorry?  Do you even know who is she? "  Galit na tanong niya. Nag iwas naman ako ng tingin at yumuko at dahan dahang umiling. I promise to myself na hinding hindi na talaga ako mangengeilam sa susunod. 

Bakit parang kasalanan ko pa?  Pinagtanggol ko na nga si iya ehh. 

Tsaka sumusobra na kaya yung aliyah na yun!  Hindi ko naman siya masasampal kung nilugar niya lang yung bunganga niya! 

"Great! You didn't know her, but still you slapped her! Are you out of your mind Ms. Dacio? " he sarcastically asked. Huminga naman sya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili

Hindi naman ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at nakikinig lamang sa kaniya. Ilang sandali pa ang lumipas bago ulit siya mag salita. 

" Do you know airi, that you're one of my favorite waitress? Ms. Caber the one you slap, is the only child of the richest family of  Te. Chinese family yung binangga mo airi!  Do know that? " mahinahong tanong niya kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na tumingin sa kaniya dahil alam kong mahinahon na siya. 

Pagtingin na pagtingin ko sa kaniya ay nagkasalubong ang mga mata namin. Kitang kita sa mga mata niya na ang pagod at kulang sa tulog.

Kawawa naman si boss:<

Family of Te? Chinese?  Yung sobrang laki ng mga buildings at nagkalat na mga business sa ibat ibang bansa?  

Yung may ari ng pinaka malaki na mall sa buong mundo? 

Sh!T ang laki ng ata ng binangga ko! 

Patay! 

Alam ko yung pinakamalaki na mall sa buong mundo dahil gusto ko din maka punta doon! Kahit tamang lakad lakad lang dahil walang pangbili. 

Ngayon paano pa ako makakapasok dun!

"If i received special events ikaw ang pinapadala ko. Because I know that if it's work,  it's work.  Nothing more and nothing less" aniya na para bang may pinapaintindi saaking isang bagay na hirap na hirap akong intindihin. 

" Now. i will call Ms.  Caber and you're going to ask for her forgiveness for what you did to her hmmm?" aniya at agad ko naman siyang pinigilan ng akmang kukunin niya na ang kaniyang cellphone sa kaniyang lamesa 

"What? " He Asked

"Just like what I said earlier boss, I'm not sorry for what i did to her but I'm guilty because nadamay ko ang pangalan mo sa gulong iyon." 

Yes.  Sakanya lang ako mag sosorry. Pero kay aliyah?  NO. Kahit pa siya ang pinaka mayaman sa buong mundo,  hindi pa rin tama yung ginawa niya kay iya. 

Tinaasan niya naman ako ng isang kilay at nagtatakang tumingin lamang sakin "And? "

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago mag salita.

"Sayo lang ako mag sosorry" sabi ko habang nakapikit ang dalawang mata dahil sa takot na baka bugahan na ako ng apoy ni boss

Ilang sandali pa ang lumipas at pinapakiramdaman ko lang kung anong sunod na mangyayari nang may marinig akong mahinang tawa. Kaya naman dahan dahan kong binukas ang isa kong mata at nakita ko si boss na tumatawa

Napaayos naman ako ng tayo at nagtatakang tumitig lamang kay boss.

"You know what?  You're really something! " aniya habang may naglalarong mga ngiti sa mga labi niya

"But, you are suspended for 3 months because of what you did " seryosong aniya

Agad namang nanglaki ang mata ko sa narinig "What? 3 months?  Sobrang tagal naman nun boss? " 

"it's better that way. Kesa naman alisin kita sa trabaho.  You want that?"

Hindi na ko nakipagtalo at umiling na lamang " No boss"

He sighed. " Do you have any questions?"

"None boss"

"Are we clear? "

"Yes boss"

"Then you can go now "

"Yes boss. Thank you "

Dahan dahan naman akong tumalikod kay boss at umalis.  

Hayyy salamat at hindi ako nawalan ng trabaho.Akala ko talaga maalis na ko sa trabaho dahil sa ginawa kong yun buti nalang suspended lang. 

Pero 3 months?  Sobrang tagal naman yun? Bahala na nga!  Ang importante hindi ako naalis sa trabaho

Pagkalabas na pagkabas ko ng pinto ay napapikit na lamang ako sa gulat nang bigla ko nalamang naramdaman na biglang may bumalot saakin.

May yumakap saakin! 

Nakampante na lamang ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango ng best friend ko

"Love kung ano man ang nangyari doon sa loob wag kang mahihiyang mag sabi sakin huh? But i won't force you to tell me if your not ready. Nandito lang ako. Alam kong kahit ganito lang ang trabaho natin mahal mo ang trabaho mo." malungkot na aniya

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. 

"Teka—wait ano bang pinagsasasabi mo?" inis na tanong ko sa kaniya at sapilitang inilayo ko ang katawan ko sa kaniya. Nang tuluyang magkalayo ang katawan namin ay inis ko naman siyang tinignan. 

Si renz naman ay nagtataka na naka tingin lamang sakin.

"Diba mawawalan ka na ng trabaho? "  inosenteng tanong niya. Lalo ko naman siyang tinaasan ng kilay

"Wala ka talagang tiwala sakin noh? "

"Ano ba kasi? " naguguluhang tanong niya. 

"Hay nako!  Halika nga!" Napailing na lamang ako at hinawakan ang isa niyang kamay at hinila siya sa counter para doon na lamang kami mag usap. Si renz naman ay wala ng nagawa at nahimik na nagpahila na lamang saakin.

Habang naglalakad kami ay naaagaw namin ang atensiyon ng ibang tao habang ang iba naman ay parang walang pakielam at sumasayaw lang

Pagdating sa counter ay nakita ko si rad ang isa pa naming bartender sa counter nang mapansin niya kami ay agad na nginitian niya kami at ganoon din ako sa kaniya. 

Kaya naman pala ang lakas ng loob ni renz na sundan ako sa opisina ni boss dahil nandito si rad.

umupo agad ako sa pinaka dulo kahit na konti lang ang tao sa counter. Habang si renz naman ay umikot kaagad sa lagayan ng mga alak. May binulong pa si rad kay renz at umiling na lamang si renz at tumawa. Nagsimula ng mag mix si renz ng alak habang ako naman ay naghihintay lamang na naka upo sa pinakadulo ng upuan sa dito sa counter. 

Hindi siya nagtagal sa kaniyang ginagawa at pumunta kaagad siya saakin para iabot ang alak na ginawa niya kanina.

"So ano na nga ang nangyari love? " kuryosong tanong niya. Agad akong sumimsim ng alak ng walang pag aalinlangan dahil alam kong si renz ang gumawa. 

Ganun kalaki ang tiwala ko kay renz dahil kung iba ang mag bibigay saakin ng kahit anong makakain o maiinom ay mas pipiliin ko na lamang na magutom o mauhaw kesa tanggapin iyon. 

I sighed.

"Hindi ako natanggal sa trabaho—"

"Nice!  Edi kailangan natin mag celebrate! " Malakas na sigaw niya at inabutan pa ako ng isang basong alak "Inom pa.  Ako bahala sayo" tuwang tuwang aniya. 

" Teka nga patapusin mo muna ako! " inis na sabi ko sa kaniya. Nang makita niya na naiinis ako ay agad agad niyang pinigilan ang tawa niya at pilit na ginagawang seryoso ang mukha niya 

"Sabi ko nga. Sorry naman natuwa lang." aniya at inirapan ko na lamang siya

" Hindi ako nawalan ng trabaho  pero 3 months suspended ako" paliwanag ko sa kaniya at muling sumimsim ng alak

"Ang tagal nun huh!. Pero ok na rin.  Kesa naman mawalan ka ng trabaho." komento niya pa

"So what's your plan now? Wag mong sabihin na makikikain kalang sa apartment ko? " 

Agad agad naman akong tumayo para batukan siya ngunit hindi ko nagawa dahil nahawakan niya kaagad ang kamay ko

"Hoy joke lang grabe ka naman! Kailangan mamatok talaga? " natatawang aniya. Kahit na medyo nahihimasmasan na siya ay hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay ko

"Pero kung gusto mong makikain sa apartment ko, ok lang naman.  Basta ikaw mag huhugas ng mga pag kakainan natin para fair square " aniya at nagsimula na namang tumawa. Pilit na nagpupumiglas naman ako sa pag kakahawak niya upang mabatukan ko siya ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko pero hindi naman masakit. 

"Bibitawan mo ko o bibitawan mo ko?" pagbabanta ko sa kaniya

"Bibitwan. Pero wag kang mambabatok?" tanong niya na para bang naninigurado na bata at ayaw na malamangan 

"Hindi" 

" Promise?" paninigurado niya

Tumango naman ako at ngumiti "Promise "

Dahan dahan niyang binitawan ako mga kamay ko at ng maramdaman ko na meron ng sapat na space ay agad agad ko siyang kinurot sa braso. 

Dahil sa ginawa ko ay napa ngiwi naman siya at parang hindi alam kung anong gagawin saakin kung pipigilan ba o kukurutin din, ay hindi niya na alam.  Kaya naman hindi ko na napaigilan ang tawa ko dahil sa reaksiyon niya. 

Natigil lamang ako sa pagtawa ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status