Share

Chapter 14

Kiss

"Let's talk " 

tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko dahil sa taong nagsalita mula sa likod ko. 

Familiar ang amoy at hindi pwedeng magkamali ako dahil sya lang ang kilala kong ganoon ang pabango.

Napatango na lamang ako ng wala sa oras at naramdaman kong umalis na siya kaya naman agad akong napasapo sa dibdib ko dahil sa kaba. 

Nagtataka namang nakatingin saakin si renz dahil alam ko na kahit siya ay nagulat sa biglaang paglapit saakin ni Vaughn

"Bakit daw? " nagtatakang tanong niya ngunit walang sabi na lamang ako umalis upang sundan si Vaughn. 

Habang naglalakad paalis ay naririnig ko pa ang tawag saakin ni renz ngunit hindi ko nalamang pinansin iyon. 

Tahimik lamang ako habang kinakabahang nakasunod sa likod ni Vaughn. 

Nang makarating kami sa parking lot ay tila tibok na lamang ng puso ko ang naririnig ko dahil sa sobrang kaba. 

napahinto na lamang ako ng sa paglalakad ng huminto siya at walang emosyong tumingin saakin.

"About sa pinapagawa ko. Bukas tayo magsisimula.  I'll text to you the details. At ayokong pinaghihintay ako. Do you understand? "

tumango naman ako "Yes"

Sumakay naman siya sa loob ng sasakyan niya at pinaandar iyon 'tsaka huminto sa harapan ko. 

Nagtataka naman ako ngunit hindi ko nalamang iyon pinansin at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Napatalon naman ako ng konti ng bigla syang bumusina at binaba ang salamin ng sasakyan niya. 

"What are you waiting? " inis na tanong niya at agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya

Ako?  Dapat ba umalis na ako? 

Bakit ba kasi hindi pa ako umalis? 

"Come in!" Inis na utis niya saakin ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa puwesto ko

"B-bakit? " kinakabahang tanong ko

"Stop asking and just come in. Will you?" inis na aniya. Wala naman akong nagawa kundi tahimik na sumakay.

Mamaya ko nalang ite-text si renz dahil paniguradong mag aalala yun. 

Tahimik lamang ako buong biyahe at ganoon lang din siya.  Haggang sa huminto kami sa isang mamahalin na restaurant ngunit walang ni isa saamin ang bumaba at humarap siya saakin

"We need to know each other and we need to prepare for tomorrow. Ayoko naman na tumunganga ka lang bukas." aniya at agad na lumabas ng sasakyan. 

Wala na naman akong sinabi at akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang manglaki ang dalawang mata ko dahil biglang bumukas iyon. 

"What?" walang ganang tanong niya

Umiling na lamang ako at nagulat na naman ako ngunit hindi ko pinahalata ng nag abot saakin ng kamay si Vaughn para alalayan ako

What the hell? 

anong nakain nito? 

Nang tignan ko siya ay tinaasan niya lamang ako ng kilay na para bang pinapaalala niya na ayaw niyang pinaghihintay siya.

Hinawakan ko na lamang ang kamay niya at tahimik na bumaba ng sasakyan.

Nauna siya saaking mag lakad at pinagbuksan niya ako ng Glass door kaya naman nagulat na naman ako.

"Where do you want to sit? " tanong niya saakin at dahil doon ay nagulat na naman ako

hanggang kelan ba ko nito gugulatin?

maraming naagaw si Vaughn na atensyon kaya naman nakaramdam ako ng hiya. 

Siguro nagtataka sila kung bakit may kasamang isang katulad ko ang katabi ko. Naka ripped jeans and white t shirt lang ako!! 

"Kahit saan lang" pinilit kong wag mautal at nag iwas ng tingin

"I'm asking you."

inirapan ko naman siya ng patago "Doon nalang" sagot ko habang naka turo sa gilid na walang tao dahil kung may pag uusapan nga kami ay kailangan walang makakarinig na iba. 

"Let's go then" 

sabay kaming naglakad at nagtungo sa upuan na tinuro ko kanina. Pinag hatak niya naman ako ng upuan kaya naman nahihiyang umupo ako doon.  

pagka upo niya sa karap ko ay agad na may dumating na waiter at tinanong kung ano ang order namin.  katulad nung nakaraan ay sinabi ko sa kaniya na kung ano ang sa kaniya ay ganoon nalang din ang saakin dahil wala naman akong masyadong alam sa mga ganito at mukha namang masarap lahat ng pagkain dito

"Tommorow you need to act like we're couple  and i do the same." aniya nung umalis na yung waiter

"And?"

"You need to smile at me everytime like you're really admiring me."

admiring him?  well hindi naman ganoon kahirap dahil talaga namang gwapo siya.  Ewan ko nga sa ex niya bakit nagawa pa siyang iwan. 

"And? "

"There are times that we need to kiss like a real couple " napasinghap naman agad ako. 

kiss?  mukha ba akong marunong nun?

NBSB ako!!! 

"What?  but—" magpapaliwanag pa sana ako kaso ay hindi niya ako pinatapos at pinutol kaagad ang sasabihin ko.

sabi ko nga gentleman sya!  ' Eheemm with sarcastic '

"No buts. Do you understand? " tanong niya habang nakataas ang isang kilay

"But i.. don't " 

ano ba to! Sasabihin ko ba? 

Bakit ba kasi may ganoon pa!

"What?" inis na tanong niya.  tinitigan niya naman ako sa dalawa kong mata at tumango tango. 

"Ohh Because of your boyfriend? " Agad naman akong umiling. 

Boyfriend?  sinong boyfriend? 

itong si Vaughn masyadong imbento! 

"Then what? "

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "I don't know....how" pinilit ko pa yung sarili ko na wag pumiyok.

he chuckled.

"Really? " he asked in sarcasm

"But you have a boyfriend—" pinutol ko naman ang sasabihin niya

"Wala"

"Yes you have!  The one who call you love" pagpiilitan niya pa

Love?  si Renz? 

Si Renz lang naman ang tumatawag saakin ng love kaya sigurado ako na siya ang tinutukoy ni Vaughn 

"Si Renz? "

Nag igting naman ang panga niya "Yes.  That jerk" tumango tango pa siya

"He's not my boyfriend! " i explained. 

"What?  I thought you two are in relationship" aniya habang naguguluhang nakatingin sakin

"Hindi.  Ganun lang talaga tawag sakin nun at sanay na ako kay pinapabayaan ko lang"

inirapan niya naman ako "Whatever.  I don't care " huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy

"If you don't know how to kiss then i will teach you how" malakas naman akong napasinghap at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya ngunit tinaasan niya lamang ako ng isang kilay

SIYA? SIYA! MAGTUTURO saakin? 

Nasa tamang pag iisip ba to?  

"Baka lalong hindi ka balikan nun kapag ginawa mo yan! "

"Leave it to me. Just do what I said" aniya at dumating na ang waiter dala ang in-order namin.

Natahimik na lamang ako at malalim na nag isip. 

I mean never pa ako naka experience ng mga ganyan lalo na noong nangyari yung mga hindi inaasahan. 

And in my opinion. If gusto niya talagang bumalik sa kaniya si girl, dapat hindi na siya gagamit pa ng iba para lang 'paselosin' yung ex niya.  

For me, mas lalong nakaka turn off yun!

But i know for my self that i can't do anything about that because it's not my business to think of.

Gusto ko lang namang mamuhay ng tahimik at ang tanging iniisip lang ay kung paano ko makukuha yung justice para sa mga magulang ko pero bakit na punta ko sa situwasyon na ito?

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na hininga at napailing na lamang ako sa sarili ko.

"What are you thinking ?" 

"Wala"

Nagsimula na kaming kumain at nagsimula na siyang mag explain para bukas habang ako naman ay puro tango na lamang ang mga nagawa at sagot dahil mas naka focus ako sa pagkain.

Yung mga pinaalala niya sa akin ay:

Wag lalayo sa kaniya kapag magkasama na kami.

Dumikit lang ng dumikit sa kaniya kapag nakarap o malapit lang yung pag seselosin namin.

More on sweet words.

and the last but not the least... Kiss. 

"Make sure na magiging maayos yung mga pinapagawa ko sayo. Dahil kapag hindi, marami akong kilala na attorney na pwedeng bayadan." 

Agad namang nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya.  

Alam kong hindi yun biro. Sobrang titig na titig siya saakin at walang makikita na emosyon sa mga mata niya. kung makakapatay lang siguro ang pagtitig tulad ng paraan ng pagtitig niya saakin ay baka patay na ako. 

Hindi na ako sumagot at napatango na lamang.  

Pagkatapos namin kumain ay umalis na agad siya at iniwan ako mag isa dito. But Of course siya ang nagbayad ng pinagkainan namin.

Sumakay na lamang ako ng taxi para umuwi. Bubuksan ko pa lamang ang pinto ng apartment ko nang bigalang may umawak sa pulsuhan ko at bigla nalamang akong niyakap.  Napasighap ako at handa ng itulak kung sino man ang yumakap saakin nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap saakin. 

Nawala lamang ang kaba ko nang maamoy ko ang isang pamilyar na pabango. 

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?  Sinong kasama mo?  Kumain ka na ba?  Hindi mo ba na receive yung text ko sayo? " Nag aalalang tanong niya.  

Sh! t nakalimutan ko siyang i-text!! 

" Wait lang!  isa isa lang. " pilit naman akong umalis sa pagkakayakap niya dahil hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya

Pinakawalan na niya ako ngunit hindi niya naman binitawan ang kamay ko.  Sabay kaming pumasok ng apartment ko at siya na ang nagsara nun. Ako naman ay umupo na lamang sa sofa at hinintay siya. 

"Ano nga?  Saan ka galing? Anong sinabi sayo ni Vaughn? Ano yung pinag usapan niyo? Siya ba ang kasama mo?  Saan kayo nagpunta? Bakit ngayon ka lang? " sunod sunod na tanong niya na puno ng pag aalala 

"Sabi ko isa isa lang!" pagrereklamo ko naman. "Hindi ko naman masasagot yan lahat ng sabay sabay. " 

Tumango naman siya. "Sige.  Sinong kasama mo? "

"Si Vaughn." Simpleng sagot ko at saglit naman siyang natigilan. Wala namang dahilan para hindi magsabi ng totoo. 

"Saan kayo nagpunta? "

"May pinag usapan lang"

Agad na kumunot ang noo niya. "Anong pinag usapan niyo? " kuryosong tanong niya. 

"Sa kasalanan ko."

"Kasalanan? May kasalanan ka sa kaniya?  Bakit ka naman nagkaroon ng kasalanan sa kaniya? Anong bang ginawa mo?" sunod sunod na namang tanong niya kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin. 

Nang mapansin niya ang paraan ng pagtingin ko sa kaniya ay napailing nalang siya at huminga ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. 

"Paano ka nagkaroon ng kasalanan sa kaniya? " Ngayon ay mahinahon na niyang tanong. 

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita

" Naaalala mo pa nung gabi na hinanap mo ko tapos nakita mo akong may kasamang babae? . Si Iya. Tapos bigla nalang kitang hinatak paalis?" tanong ko sa kaniya agad namang kumunot ang noo niya at tila nag isip. 

"Oo.  Diba may lalaki pa dun? si Vaughn? " tanong niya at tumango naman ako.  

"So yun na nga,  Bago ka kasi dumating... Hay paano ko ba kwe-kwento?  baka kasi sekreto lang yun!" Pag aalangan kong sabi.  

Baka kasi magalit o magtampo saakin si iya kapag nalaman ng iba yung sinabi niya saakin. 

At alam ko naman na kapag sinabihan ako ng bagay na sekreto niya ay ibig sabihin pinag kakatiwalaan niya  ako.  

Pero si Renz lang naman ang sasabihan ko at sobrang kilala ko na si Renz.  Kahit tumahimik lang bigla si Renz ay alam ko agad kung anong gusto niya o problema niya at higit sa lahat mapagkakatiwalaan ko si renz.  

Halos lahat ng paghihirap at problema ko ay alam na niya at ganun din ako sa kaniya. 

Tinaasan niya naman ako ng kilay "Sekreto ang? "

Huminga muna ako ng malalim bago mag simula "Sige na nga. Basta atin atin lang to huh? "

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status