Share

Chapter 2

Chapter 2

"Salamat po, Manong Berto." 

Nakangiting usal ko sa driver namin nang bumaba ako sa sasakyan.

"Walang ano man, Ma'am Trixie. Sige ho, una na 'ko."

Tumango ako sa kaniya at tinanaw ang kaniyang pag-alis. Nang hindi ko na siya makita ay pumasok na 'ko sa Xavier.

Tinignan ko ang class schedule ko. Hinanap ko ang building number ng classroom namin. Nang makita kung saan ito ay naglakad na 'ko patungo roon.

As usual naroon na naman ang mga nandidiring mga mata ng mga estudyante sa Xavier nang makita ako.

Ang ilan sa kanila ay masasama pa ang tingin at bubulong sa kanilang tabi.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. 

Wala rin naman magbabago kung papatulan ko ang ganiyang klaseng tao. 

Nasanay na rin ako na ganiyan sila kasi simula pa lang noong first year high school ako hanggang ngayon na fourth year na ay hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa'kin.

Para sa kanila isa pa rin akong b****ang pakalat kalat dito sa Xavier. Isang b****a na pinagdidirihan nang lahat.

Minsan hindi ko maintindihan kung anong utak na meron sila kaya ganiyan na lang nila ako tratuhin. Ang kikitid ng mga utak.

"OMG! Hindi pa rin pala talaga s'ya nagbabago? Nerd pa rin? Hahaha,"

"Oo nga. Look at her ang pangit pangit niya pa rin,"

"Mukhang wala man lang siya ginawa sa whole summer niya,"

"So true. Ano pa bang ini-expect natin? Kung pangit ka na pinanganak hinding hindi kana gaganda pa,"

"Agree! Hahaha poor Trixie,"

"Gosh! Mas lalo siyang pumangit!"

"Para siyang mangkukulam at ang luwang luwang pa ng kaniyang uniform,"

"Hindi ba uso sa kaniya ang magsuklay?"

"Wala bang plantsa sa bahay nila?"

"She doesn't belong here, she's a freak!"

Iyon ang mga salitang naririnig ko sa paligid habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom. 

Parang hangin na nilampasan ko lang silang lahat. Nakayuko lang ako at walang planong lingunin sila.

Nasanay na 'ko sa mga panglalait nila kaya what's the use kung papatulan ko pa sila? Ako lang din naman ang mapapagalitan kapag ginawa ko 'yon. 

Kaya sa halip na patulan ang ganiyang tao mas pinili ko na lang ang umiwas sa gulo kahit na minsan nakakapikon na sila.

Hindi naman gano'n kalayo ang building namin kaya ilang sandali lang ay nakarating na 'ko sa classroom.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay hinarangan na agad ako ni Aubrey kaya napatigil ako.

"Oh, Trixie kumusta? Naks wala pa ring bago sa'tin ah? Pangit pa rin," aniya at bahagya pang tumawa.

Narinig ko naman agad ang malakas na tawanan mula sa loob.

Nakangisi siyang tumitig sa'kin pero tinignan ko lang siya kunwaring wala akong pakialam sa pinagsasabi niya.

"HAHAHAHA. HOY AUBREY 'WAG MONG GANIYANIN SI TRIXIE."

"Ang harsh mo sa part na 'yon, Brey. HAHAHAHA," 

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na sila pinansin. 

Iniwas ko ang tingin ko kay Aubrey at nilampasan siya. Narinig ko ang pagsinghap nang lahat dahil sa'king ginawa. 

"Woah. Wala ka pala Aubrey eh, kahit anong panglalait na gawin mo kay Trixie hindi ka pa rin pinapatulan." Pagpaparinig nang isa kong kaklase.

"Because she's weak that's why," sagot ni Aubrey na ikinatawa naman nilang lahat.

Hindi ko na sila nilingon pa. Umupo na lang ako sa upuan at binuksan ang librong hawak ko para magbasa.

Kahit unang araw pa lang ng pasukan kailangan kong mag advance reading para hindi naman ma blangko ang utak ko.

Imbes na patulan ang mga tao sa paligid at sayangin ang oras ko ay mas mabuting ituon ko na lang 'yon sa pagbabasa may makukuha pa 'ko.

Kung ang hindi pagpatol sa mga panlalait nila ay matatawag nang mahina then so be it. People and their toxic mindset nga naman, tss.

Nasa gano'n akong posisyon nang marinig ko ang pamilyar na boses. Kaya napaangat agad ako ng ulo.

"Hi, Trixie!"

Automatikong sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita siya.

"Irish!" 

Mabilis niyang inilapag ang bag niya sa katabing upuan ko at umupo roon. Nakangiti siya ng tignan ako.

"OMG. Ang ganda mo!" aniya.

Napabusangot ang mukha ko sa sinabi niya. Inayos ko ang salamin ko sa mata bago siya sinagot.

"Huwag ka ngang mag joke." Nakanguso kong sabi.

Tumawa siya nang mahina at inirapan ako.

"Eh, sino ba nagsabi na nagbibiro ako? Totoo naman na maganda ka ah?"

"Ewan ko sa'yo. Pinagloloko mo talaga ako kahit kailan." Umayos ako mula sa pagkakaupo at muling ibinalik ang tingin sa binabasa kong libro.

Muli siyang natawa nang mahina.

Kung anu-ano pa ang pinagsasabi niya tungkol sa akin pero tanging pag tango na lang ang itinugon ko sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin sa libro.

Nang makapagod siya sa kakadaldal ay pinagka abalahan niya na rin ang kaniyang libro at hindi na muling kumibo pa.

Tss, hindi pa rin nagbabago. Madaldal pa rin.

Simula noon hanggang ngayon madaldal na talaga siya. Pero kahit ganiyan siya ay masaya ako na siya ang naging kaibigan ko.

Magkaibigan na kaming dalawa simula mga bata pa lang kami kaya masasabi ko na kilalang kilala ko na talaga siya. Kahit ang laman ng bituka niya ay saulo ko na rin. 

Sobrang nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko. Siya ang kasangga ko sa lahat ng bagay.

Palagi siyang nandiyan sa t'wing kailangan ko ng taong magiging karamay sa magulo kong buhay. Siya ang liwanag ko sa madilim kong mundo.

Halos lahat ng nangyayari sa akin ay alam niya. Siya ang tipo ng kaibigan na mapapagkatiwalaan at kahit na anong mangyari ay hinding-hindi ka talaga iiwan sa ere.

Isang kaibigan na maituturing kong kapatid.

Sa mundong ito na puno ng mapanghusgang tao tanging si Irish lang ang mapapagkatiwalaan ko. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin. 

At kung wala siya hindi ko na alam kung paano pa ako babangon sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Hindi ko alam kung anong ginawa kong kabutihan sa past life ko dahil binigyan ako ng isang Irish Allysa Gonzaga.

Mabilis lang natapos ang subjects namin sa umaga. Dahil unang araw pa lang ng pasukan ay wala naman masyadong pinagawa ang mga teachers.

Nag introduce yourself lang kami at nagbigay lang din ang teachers ng kanilang classroom rules and regulation. 

Kaya nang sumapit ang break time ay sabay kaming pumunta ni Irish sa cafeteria.

"Ako na ang mag-oorder," aniya nang makaupo kami sa table.

Hindi na ako nag protesta pa at hinayaan na lamang siya.

Habang naghihintay sa kaniya ay kinuha ko na lang ang romance novel ko sa bag at binasa 'yon.

Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagbabasa nang marinig ko ang bulongan sa paligid.

"Uy, guys nakita n'yo ba kanina ang F3? Grabe ang gugwapo nilang tatlo lalo na si Kairo!"

"Oo nga! Nakita ko sila kanina shit talaga makalaglag panty ang kaguwapohan nilang tatlo!"

"Ang gwapo ni Kaizer shet!"

"Ah basta, Brent lover ako. My baby Brent huhu,"

"Wala pa ring makakatalo sa kagwapohan ni Kairo 'no, duh."

Napabuntong hininga ako sa mga narinig.

Hindi na rin naman bago 'yon dahil walang araw na hindi nila bukang-bibig ang F3. Halos magsawa na nga ang tenga ko sa kakarinig nang pangalan nilang tatlo.

Kahit saan ka magpunta sa school na ito parati na lang pangalan ni Kairo, Brent at Kaizer ang maririnig mo. Paano ba naman kasi dahil silang tatlo ay tinaguriang campus crush ng Xavier.

Ewan ko ba parang halos lahat ng estudyante rito ay baliw na baliw sa kanila. Oo guwapo sila pero sapat na ba talaga ang panlabas mong kaanyuan para hangaan ka ng karamihan?

Paano na lang pala 'yong mga taong hindi biniyayaan nang ganda? Edi walang silbi sa mundo ito? Puro panlalait lang ang matatanggap. Psh. Nice mindset. Tss.

Ilang sandali lang ay inilapag na ni Irish ang inorder niya sa table namin. Mabilis ko namang kinuha ang chuckie na naroon at ininom.

"Chuckie lover ka pa rin talaga, Trix," aniya nang makaupo sa harap ko. 

Sinulyapan ko siya at bahagyang nginitian.

"Milktea lover ka pa rin," sagot ko at ibinalik na ang mga mata sa librong binabasa.

Hindi ko na pinansin ang bulongan sa paligid at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa librong binabasa ko.

"Anong binabasa mo?" 

"The Best of Me by Nicholas Spark,"

Hindi naman na kumibo si Irish at binigyan lang ako nang katahimikan. Naging abala na rin siya sa kaniyang cellphone kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa habang umiinom nang chuckie. 

Nang magsawa ako sa kakainom ay 'yong cheese burger naman ang kinain ko.

Ilang sandali lang ay nag ring na rin ang bell senyales na tapos na ang break time. Kaya mabilis naming tinapos ang pagkain namin bago lumabas nang cafeteria.

Ngunit nasa corridor pa lang kaming dalawa ni Irish at hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa caf ay may humarang na sa daan namin.

Napahugot ako nang malalim na hangin nang makilala kung sino ang mga ito.

"Well, well, well. Look who's here." 

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status