Share

Chapter 5

Chapter 5

"TRIXIE, natapos mo ba 'yong pinapagawa ko sa'yo kagabi?"

Bungad ni Irish sa'kin sa araw ng biyernes. Kakapasok ko pa lang sa classroom ay mabilis niya agad akong sinalubong para sa isang favor na hiningi niya sa'kin kagabi.

"Yes, ma'am," sagot ko pagkatapos ilapag ang libro sa'king desk at nilagay ang bag sa upuan ko.

Kinuha ko sa loob ng bag ang notebook niya sa biology at inabot 'yon sa kaniya.

"Nasagutan ko na lahat ng questions diyan. Don't worry magkaiba tayo ng sagot kaya hindi malalaman na ako ang gumawa sa assignment mo." Inirapan ko siya na ikinatawa niya naman.

"The best ka talaga bestfriend!" Niyakap niya 'ko bigla kaya wala akong nagawa kundi ang matawa.

Nag favor si Irish sa'kin kagabi na kung p'wede raw ay ako na ang sumagot sa assignment niya sa bio since busy siya kagabi dahil sa family dinner nila at no'ng nakauwi na sila ay napagod din naman siya.

Kaya ayon wala rin akong nagawa kundi ang pumayag sa favor niya.

"Ililibre na lang kita mamaya, Trix. Promise," aniya nang kumalas na mula sa pagkakayakap sa'kin.

Ngumiti ako ng malaki sa kaniya.

"Sabi mo yan ah?" Natatawa kong sabi.

Tumawa rin siya at napatango.

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang first period namin at nagsunod-sunod ang pagbibigay nila ng quiz sa mga sumunod pang subject.

Mabuti na lang nakapag advance reading ako kagabi kaya hindi ako nahirapan sa surprise quiz ng teachers namin.

Kaya no'ng natapos ang klase namin sa umaga at dumating ang break time ay agad akong kinaladkad ni Irish sa cafeteria.

"Ituro mo lahat ng gusto mo Trix ako na magbabayad," sabi ni Irish nang makarating kami sa counter.

"Wow. Sana all,"

Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng gusto ko at binili niya rin naman agad. Nag order na rin siya ng sa kaniya.

At nang maibigay na ng cashier ang order namin ni Irish ay sabay kaming umalis sa counter at nagtungo sa bakanteng table na malapit lang sa entrance ng caf.

"Thanks, Irish," sabi ko sa kaniya pagkatapos naming umupo.

"No probs. Thank you rin dahil tinapos mo ang assignment ko,"

"Sus, small thing," biro ko at napairap naman siya agad.

"Yabang,"

"Ano ka ba? Ako lang 'to," sabi ko at itinuro ang aking sarili.

Dahil do'n ay hindi namin napigilan ni Irish na mapatawa nang sabay.

"Loko ka Trix." Natatawa niyang sabi at gano'n din ako.

Natatawa kong kinuha ang chuckie at ininom 'yon.

Pinagmasdan ko naman si Irish habang wala pa rin siyang tigil sa kakatawa.

Irish is the definition of beauty. Her smile screams perfect. Sa t'wing tumatawa siya hindi mo talaga mapipigilan ang sarili mong hindi matulala dahil sa ganda niya.

Mga bata pa lang kami alam kong lalaki siyang maganda.

Mula sa kaniyang maliit na mukha, makinis na balat, matangos na ilong, medyo mahabang pilik-mata, natural na kulay pula at manipis na labi, makapal na kilay at ang kaniyang kulay tsokolateng mata.

Everything about her is perfect. She even know how to dance, sing and paint. Bonus na lang talaga 'yong ugali niyang mabait.

Mahinhin din si Irish pero hindi kasing hinhin tulad ng iba na nagmumukha ng OA. Para siyang barbie doll dahil sa kaniyang kaputian at bagsak na buhok. May katangkaran din si Irish at kung magsasama kaming dalawa mas matangkad siya sa'kin.

Kung naging lalaki lang ako hindi talaga ako magdadalawang-isip na ligawan ang isang katulad niya.

"Hoy!"

Napakurap kurap ako nang batuhin ako ni Irish ng tissue sa mukha. Iritado ko siyang tinignan.

"Ano ba?!" Singhal ko pero ang loko tumawa lang at uminom nang milktea.

"Kanina pa 'ko nagsasalita rito pero hindi ka nakikinig. Nakatulala ka lang sa'kin. Jusko naman, Trixie 'wag mong ipahalata na nahuhumaling ka na sa ganda ko!" Humalakhak siya ng todo kaya napasimangot naman ako.

"Ang feeling mo talaga kahit kailan!"

"Uy hindi ako nagfefeeling 'no. Kanina ka pa talaga nakatulala sa'kin,"

"Ang ganda mo eh, anong magagawa ko?" Pang-aasar ko na siyang ikinairap niya agad.

Ako naman ang napahalakhak sa itsura niya. Inilapag ko ang chuckie na hawak ko saka ang footlong naman ang kinuha at kinain.

Nakasimangot ang itsura ni Irish habang umiinom nang milktea habang ako ay patuloy pa rin siyang pinagmamasdan na animo'y inaasar.

Nasa gano'n kaming posisyon nang bigla na lang akong matigilan sa malamig na nabuhos sa ulo ko papunta sa pisngi ko.

Naapaawang ang labi ko sa gulat.

What the?

"Oh my gosh!"

"Oh oh, I smell trouble,"

"Kawawa naman si Trixie,"

"Hala,"

"Ano'ng ginawa niya this time?"

"That's gross!"

"Deads ka na, Trixie,"

Nagsimula nang magbulongan ang mga tao sa paligid habang ako ay nanatili pa ring gulat at hindi makagalaw.

"Oh my God, Trixie!" Natauhan lamang ako sa boses ni Irish na halatang nagulat din sa pangyayari.

"Ops... I'm sorry it slipped,"

Napapikit ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

Narinig ko ang mahinang tawanan at bulongan sa paligid pero binalewala ko lang 'yon.

Naikuyom ko ang sariling kamao at nagpipigil na 'wag patulan si Krezha.

"My fault. I'm sorry Trixie," mapang uyam niyang sabi at humalakhak.

Napamulat ako ng mga mata at handa na sanang tumayo ng maunahan ako ni Irish. At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na inaasahan pa.

Dinampot ni Irish ang kaniyang milktea at walang sabi-sabing pinuntahan si Krezha. Dahil nakatalikod ako sa entrance ay hindi ko agad nakita ang ginawa ni Irish.

"What the?!" Gulat na tugon ni Krezha.

"Oh my God!"

"How could she do that to her?"

"Shit. She must be crazy,"

"For sure hindi magpapaawat si Krezha,"

"Irish is crazy!"

Mabilis akong tumayo sa upuan ko at tinignan kung ano ang ginawa ni Irish.

Napaawang ang labi ko nang makita ang itsura ni Krezha.

She looks like a mess! Bumaba ang tingin ko sa kaniyang uniform na ngayon ay marami ng mantsa dahil ibinuhos ni Irish ang laman ng milktea niya sa ulo ni Krezha.

Napakurap kurap ako at hindi makapaniwala sa ginawa ni Irish. Maging si Krezha ay hindi rin inaasahan ang nangyari. Nanatili itong gulat at napaawang ang labi. Kahit ang kaniyang alipores ay hindi rin magawang makakilos.

It was the first time na may kumalaban kay Krezha sa school na ito. At hindi ako makapaniwala na si Irish ang kauna-unahang taong 'yon. Krezha was popular at kilala siya bilang bully because she's a brat.

"Ops... I'm sorry, it slipped too," sarkastikong sabi ni Irish makalipas ang ilang segundo.

Tila roon lang natauhan si Krezha dahil napakurap-kurap siya at nakita ko ang pagsiklab nang galit sa kaniyang mga mata.

"How dare you?! Who the fuck are you for pouring that freaking milktea to me?!" Sigaw ni Krezha na siyang ikinatahimik ng lahat.

Biglang binalot nang katahimikan ang buong caf dahil sa galit na galit niyang boses.

Kahit ako ay parang gusto nang umatras dahil sa sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

But Irish is Irish. She doesn't even care with Krezha. Kahit yata sumabog pa ito sa harapan niya ngayon ay wala pa rin siyang pakialam.

Tinignan ko siya at malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha at nagawa pa niya talagang ipagkrus ang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib.

"You don't have the fucking right to d--

"And you have the right for doing 'that' to Trixie?" putol ni Irish sa sinasabi ni Krezha. Tinaasan niya ito ng kilay. "You have the fucking right to pour water on her head?!"

Napayuko ako nang marinig ang galit na boses ni Irish. Gusto ko siyang pigilan pero parang tinakasan yata ako ng lakas ng loob ngayon.

"Oo! I have all the right to do whatever I want because I am the daughter of the owner of this school."

"Just because you're the daughter of the owner doesn't mean you have the right to humiliate other people!"

"Shut up! It's none of your business so shut up!"

"Oh believe me. It is my business, Krezha," mariing tugon ni Irish.

Napaangat ako nang ulo at nakita kong nagsukatan sila ng tingin. Nanalilisik ang mga mata ni Krezha habang kalmado naman si Irish pero bakas pa rin ang galit sa kaniya dahil sa pagtaas baba ng kaniyang balikat.

"Asahan mong mangingialam ako dahil kaibigan ko ang pinagtripan mo!" dagdag ni Irish.

Ngumisi si Krezha at tinaasan ng kilay si Irish. She crossed her arms on her chest bago nagsalita.

"Wow. You're lucky Trixie to have a friend like Irish. Super hero huh?" Sinulyapan niya 'ko saglit bago muling tinignan si Irish. "She deserve it because she's just a trash!"

"Trash pala ah?" Akmang sasampalin ni Irish si Krezha nang mabilis akong kumilos at pinigilan ang kaniyang kamay.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap sa paligid pero hindi na roon natuon ang atensiyon ko.

Nilingon ako ni Irish at naguguluhang tinignan. Nginitian ko siya ng tipid at inilingan.

"Please, don't..." bulong ko.

Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko tila hindi sang-ayon sa ginawang pagpigil. Maya-maya lang ay napabuntong hininga siya at kusang binaba ang kamay.

"Wow! What a dramatic scene." Sabay kaming napalingon ni Irish kay Krezha nang pumalakpak siya at tumawa nang mahina. "Dapat sa inyo ay binibigyan nang award dahil sobrang mahal na mahal niyo ang isa't isa,"

Napahugot ako ng malalim na hininga bago hinarap si Krezha at tinignan.

Nilabanan niya naman ang tingin ko habang hindi pa rin nawawala ang mapang-asar niyang ngiti sa kaniyang labi.

"Tapos ka na ba? Wala ka na bang sasabihin?" sabi ko.

Mabilis na nawala ang ngisi sa kaniyang labi dahil sa sinabi ko. Hindi siya agad nakapagsalita.

"If you're done talking will you please excuse us? May klase pa kasi kami, Ms. Trinidad," sarkastikong dagdag ko.

Napasinghap ang mga tao sa paligid pero imbes na pagtuonan pa 'yon ng pansin ay hinawakan ko na lamang ang kamay ni Irish at hinala siya palabas nang cafeteria.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status