CHAPTER ONE
ㅡ AFTER FIVE YEARS
Ziah's POV
"I love you, Mom. Good night," sambit ng limang taong gulang kong anak na si Zhenrix.
"I love you too, sweetie. Sleep ka na dahil bukas magkikita na kayo nila Lola at Lolo mo," tukoy ko sa kinalakihan kong magulang.
Nakangiti itong tumango saka pumikit. Lumabas ako ng kwarto ng anak ko at naabutan ko si Vivi na nasa sala, habang kumakain ng ice cream.
"Tulog na si Zhen?" tanong nito.
"Oo, excited makita ang Lola at Lolo, eh."
Sumubo ito ng isa pang kutsara ng ice cream, "Napakagwapo ni Zhen, hindi ba? Kaya okay lang talaga na hindi mo nasagot at tawag ng kausap mo nang araw na 'yon."
Napailing ako, "Okay ba 'yon? Baka naman kasi nakalimutan mo kung sino ang nakasama ko nang gabi na 'yon."
Natawa naman si Vivi sa sinabi ko, "Girl, hindi ko makakalimutan 'yon. Lalo na yung araw na umuwi ka sa'kin habang umiiyak."
Kahit ako ay natawa nang maalala ang nangyari. Umiyak kasi ako dahil sa takot. Hindi biro ang taong nakasama ko nang gabi na 'yon. Natatakot ako na baka pilit niya akong hanapin at kung sakaling mabuntis ako ay kunin niya ang anak ko.
Kaya nga nang mag-positive ang pregnancy test na ginawa ko ay agad kaming nagtungo sa America ni Vivi upang doon ituloy ang iba pang negosyo.
"Daks naman, eh!" natatawa at parang kinikilig na sabi nito.
"Bastos kang babaita ka. Hindi naman ako ganyan noong buntis ako, ah."
Oo buntis si Vivi. Nakakilala ng isang half Filipino-half American dito.
"So paano, pag uwi niyo ng Pilipinas? Impossibleng hindi makita ni Zhen ang mukha ng tatay niya. Puros nasa Billboard ang mukha ng Braxien Philip Saavedra na 'yon."
Napakibit-balikat ako, "Hanggat naniniwala si Zhen na patay na ang Papa niya ay paninindigan ko 'yon. After all, mukhang hindi naman kami hinahanap ng Braxien na 'yon."
"Huwag ka pasisigurong hindi ka hinahanap ng lalaki na 'yon."
"Wala naman siyang mapapala sa'kin, saka bilyonaryo siya at kahit sinong babae ay pwede niyang ikama at anakan. Baka nga kinasal na ang lalaking 'yon."
Pero may point si Vivi. Hindi ako pwedeng mapalagay na hindi nga ako hinahanap ni Braxien. Pero ga-tuldok lang ang tiyansa ma hanapi ako nito. Nang gabi na 'yon ay madilim, kaya sigurado akong hindi ako nito nakilala.
"Mom, ang ganda dito. There's so many beautiful girls!" masiglang sambit ng anak ko nang makababa kami galing sa eroplano.
"Is mommy, also beautiful in your eyes?"
"Of course! You're not just beautiful but a gorgeous lady!"
Ginulo ko ang buhok ng anak ko. Sobrang saya ko na dumating siya sa buhay ko kaya hinding-hindi ako papayag na basta na lang siya mawala. Kung kukunin man siya ni Braxien, magkakamatayan muna kami.
Mula sa 'di kalayuan ay nakita ko na sila Mama at Papa. Kaya madali kaming lumapit dito. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa amin ng mga ito lalo na sa apo nilang si Zhen.
"Ang gwapo gwapo naman talaga ng apo namin, manang mang sa Lolo," sambit ng Papa ko.
Manang mana kamo sa tatay niyang bilyonaryo.
Hindi nga pala alam nila Mama at Papa kung sino ang tatay ng anak ko. Ang alam nila ay nagpainject lang ako upang mabuntis. Alam naman nila na ayokong mag asawa dahil sa takot na baka iwan lang din ako, tulad ng ginawa ng Papa ko. Sinabi ko na din sa kanila na ang alam ni Zhen ay patay na ang tatay nito para kung sakaling magtanong ay masasagot agad nila.
"Of course, Lolo!"
"We miss you, anak," nakangiting sambit ni Mama habang hinihimas ang pisngi ko.
"And I miss you the both of you, Ma, Pa,"
Akmang aalis na kami nang mapansin kong hindi pa naglalakad si Zhen, habang hawak ko ang kamay nito.
"What's wrong sweetie?" lumuhod ako para makapantay ko ito.
"Look, Mom," sabay turo nito sa isang screen sa airport. "We are the same color of the eyes and hair."
Tiningnan ko ito at biglang kumabog ang dibdib ko. It's Braxien. Muntik ko ng makalimutan na business partner nga pala nito ang may ari ng airport.
Napakagwapo din naman talaga ni Braxien. Bagay na bagay para sa mga mamahaling mga kagamitan na suot suot nito.
"It's just coincidence, sweetie," paliwanag ko sa anak ko.
Tumango lang ito ngunit ang paningin nito ay nananatiling nasa screen. Hindi ko alam kung ito na ba yung tinatawag na lukso ng dugo? Gayong hindi naman talaga sila magkaharap mismo.
After two weeks ay bumalik na rin ako ng Ziah's Main Flower Shop. Sinimulan ko na ulit tumanggap ng mga bookings sa pagdedeliver ng mga bulaklak at pag aayos nito sa reception habang ang anak ko naman ay nasa bahay nila Mama at Papa.
"Ma'am Ziah, may bookings po ang Federico's cruising ship para sa wedding anniversary nila Mr. and Mr Federico," sambit ni Sarah na siyang sekretrya ko at namahala dito noong nasa America ako.
"Kailan ang date?" tanong ko.
"Bukas po ng alas-dos ng hapon."
I check my scheduled. All smooth naman ang lahat kaya tumango ako.
"Okay ako na ang bahala, ipahanda mo na agad ngayon kay Xander ang mga bulaklak and make sure na bago lang ang mga ito para bukas once na ideliver namin ay maayos na ang lahat."
"Yes, Ma'am."
Maaga kaming dumating ng Casa Esmeralda kung saan naroon ang iba pang cruising ship ng mga Federico. Kaunti pa lamang ang mga tao at ang ilan ay staff.
"Xander, please be careful sa paglalagay ng bulaklak," paalala ko.
"Noted Ma'am!"
Inilibot ko ang paningin mula sa mga iba't-ibang halamang bulaklak sa garden na narito. Halatang alagang alaga 'yon dahil sa ganda at malalago. Sa disenyo naman ng bahay ay hindi maitatangging mayaman ang mga ito.
Ang ipinagtataka ko ay sa store pa namin nila napiling mag order, mas 'di hamak na mas sikat ang iba kumpara sa flower shop namin.
"Excuse me," bigla akong napatingin sa isang dalaga na nasa gilid ko.
"Yes?"
"Pwede mo ba akong tulungan sa susuotin kong dress? I can't choose, it's all revealing!" bakas sa boses nito ang pagkadisgusto. "And by the way, I'm Hannah Federico, ang magandang bunsong anak ng mag asawang Federico."
Napangiti ako, "Of course, I can help you. I'm Ziah, ako ang mga nagdala ng bulaklak na ide-design na inorder niyo."
"Great!" masaya ako nitong hinawakan sa kamay at dinala sa isang kwarto.
Mabilis ko lang naman nagawan ng paraan ang susuotin niya upang matakpan ang likuran niya dahil backless dress pala ito.
"Thank you so much, Ate Ziah!"
Mayamaya pa ay rinig na namin ang malakas na tugtog na nanggagaling mula sa labas. Nang makalabas naman kami ay nagpaalam na rin si Hannah para pumunta sa mga kaibigan nito. Nakita ko naman si Xander na abalang umiinom na ng juice.
Napailing na lang ako saka marahan na naglakad pabalik sana sa kotse nang may mabangga akong tao.
"I'm sorry," paghingi ko ng tawad.
"No, it's okayㅡikaw?"
Nakuha ng boses nito ang buong atensyon ko. Muli'y hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sa sobrang dami ng tao sa mundo na pwede kong makabangga ay bakit siya pa?
Bakit si Braxien Saavedra pa?
××××
Braxien's POV
"Get out of here, now."
Dali-daling lumabas ang sikretarya ko sa loob ng office ko. Napahawak ako sa sintido ko saka hinimas 'yon.
Ayoko man magalit pero wala akong magagawa dahil hindi man lang nito nagawang pigilan pumasok sa office ko si Nathalia, ang ex-girlfriend ko na siyang pinipilit na ipinapakasal sa'kin ni Mom.
Mabilis akong tumayo saka kinuha ang coat ko. Kaagad kong tinahak ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Matapos ay nagtungo ako sa Saludario Hotel at pumunta sa unit 109. Ang lugar kung saan ko nararamdaman ang kapayapaan.
Nang makapasok ako sa unit ay agad akong nag shower at humiga sa kama. This is not just a peaceful place for me. Dito ko unang naranasan makasama ang isang babaeng hindi ko lubos na kilala ngunit walang alinlangan na ibinigay sa akin ang pagkababae niya.
Nang gabi na 'yon, aminadong lasing ako, pero hindi ibig sabihin ay wala ako sa tamang huwisyo. Oo at may hinihintay akong babae na magpapaligaya sa'kin ng gabi na 'yon, pero ang hindi ko inaasahan ay ibang babae pala ito at isa pang birhen. And then one snap. Nawala na lang ito na parang bula.
"Nasaan ka na kaya?"
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ko at nakarehistrong number ay ang number ni Paolo.
"Bro, nasaan ka na? Hinahanap ka na nila Mama," tugon nito sa kabilang linya.
Oh f*ck, I forgot about the wedding anniversary nila Tita Margy.
"I'm coming," maikli kong tugon.
Pinatay ko ang tawag saka bumuntong hininga bago umahon sa bath thub.
Halos kararating ko lang ng Casa Esmeralda nang may nakasagi sa'kin na babae.
"I'm sorry,"
"No, it's okayㅡikaw?" agad kong tinanggal ang sun glasses na suot ko.
This is the woman who having a one night stand with me! Damn! I found her!
"S-sorry pero hindi kita kilala," sambit nito at kaagad akong tinalikuran.
"Impossibleng hindi mo makilala ang taong nakakuha ng virginity mo."
Napahinto ito sa sinabi ko at saka humarap sa'kin.
"Mister, hindi kita kilala. At saka ano bang pinagsasabi mong nakuha mo ang virginity ko?" buo ang boses nito at tila walang bakas na pagsisinungaling.
So hindi niya ako kilala? O nagsisinungaling lang siya? Ano bang dahilan ng babae na 'to ng gabing 'yon?
"Oh, baka mali ka lang ng pintong napasukan? Kasi as far as I remember, five years ago dalawa kami ng isang lalaki na nakakuha ng unit na 'yon, but when he noticed who I am he just give it to me easily."
Para naman itong namutla at hindi na makapagsalita pa. Mabilis na itong tumalikod at naglakad. Hinabol ko ito para sana sundan ngunit nakasakay na agad ito ng kotse.
"Anong ginagawa niya dito sa mga Federico?"
Napakuyom ako ng kamao, hanggang ngayong pagkikita namin ay hindi ko pa rin nalaman ang pangalan niya. Darn it!
"Braxien, ano pang ginagawa mo dito sa labas?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Matthew isa sa mga kaibigan namin ni Paolo.
"Ah, nothing," naalala ko bigla na isa pa lang private agent si Matthew. "Hindi ba't isa kang private agent?" I asked.
Biglang kumunot ang noo nito, "Why are you asking and look interested now?"
Napangiti naman ako.
"Stop smiling, moron! You look creepy!"
Napatango ako. Sa ngayon ay pahuhupain ko muna ang ilang araw bago kita ipahanap. Mukhang magagamit ko ang pagkakaibigan namin ng lokong lalaki na 'to.
CHAPTER TWOZiah's POVHindi na ako dumiretso pa ng flower shop at sa halip ay tinawagan ko na lamang si Sarah upang mag take over muna sa pansamantala.Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya sa loob ng limang taon! Hindi ko rin alam kung paano niya ako naalala, madilim nang gabi na 'yon sa pagkakaalam ko, kaya't paano?Ang isa pang ikinababahala ko ay hindi naman niya ako ipinapahanap pero kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kainteresado sa'kin ngayon.Damn this life! Mali 'atang bumalik agad kami ng Pilipinas.Mabilis akong bumaba ng kotse nang maiparada ko ito sa bahay."Oh, hija, ang aga mo naman 'ata?" tanong ni Mama."Ah, sabi kasi ni Vivi kailangan niya ako makausap," pagdadahilan ko. "Where's Zhenrix?""Naroon sa garden at nak
CHAPTER THREEZiah's POV"Ziah, anak. Darating ang mga pinsan mo galing Bulacan sa susunod na araw. Gusto ka raw nilang makita," sambit ni Mama habang kumakain kami."Sino? Sila Kuya Leo at Kuya Dave ba?" tanong ko."Oo, pero mukhang hindi lang si Leo ang bibisita sa iyo. Mukhang pati ang mga Kuya mo na si Edwin at Elvino ay bibisitahin ka rin."Nginuya ko muna ang kinakain ko saka tumango, "Okay, Ma. Hindi na lang ako papasok ng araw na 'yon para maka-bonding ko sila."Sa totoo lang ay miss ko rin naman na ang mga nakilala kong pinsan. Sabay sabay kami halos lumaki at tila prinsesa nila ako dahil nag iisa akong babae noong mga panahon na 'yon sa magpipinsan. They even protect me from mosquito, cockroach and frog dahil ang tatlong 'yan ang kinakatakutan ko."Mommy, ako ba? Gusto din nila makita?" tanong n
CHAPTER FOURZiah's POVMaaga akong umalis ng bahay dahil ngayon ang araw ng birthday celebration na nagpabook sa'min ng mga bulaklak. And since ito ang una kong client na mukhang engrande ay talagang pinaghandaan namin ng mabuti."Ilang taon na raw ang magbibirthday?" tanong ko kay Xander habang nasa byahe kami."Twenty-four na daw," sagot nito."Oh? Sana all, bongga ang birthday kahit twenty-four na."Natawa naman si Xander sa sinabi ko kaya hinampas ko ito sa braso."Huwag kang tumawa dahil totoo naman.""Baka naman kasi mayaman, Ma'am Ziah."Taman naman si Xander, kung mayaman ka talaga kahit araw-araw ka magpaparty ay okay lang.Bigla kong naalala si Zhen. Apat na buwan na lang ay darating na ang kaarawan nito. Wala sa sariling seryoso ak
CHAPTER FIVEZiah's POV"Sweetie, pag uwi ko mamayang gabi kasama ko na si Daddy mo. Kaya always be a good boy, okay?" pagkakausap ko sa anak ko."I'm so excited, Mom! I will be always a good boy to Lola and Lolo!" masiglang sambit nito at niyakap ako.Matapos kong kausapin ang anak ko ay nagpaalam na ako kila Mama para tagpuin na si Braxien kung saan nagsimula ang lahat. This would be hard for me but for my son's happiness I will do. Hanggang ngayon pa rin naman ay nasa akin ang copy ng swipe card ng unit 109 kaya madali na lang ako makakapasok sa loob.Pagtungtong ko pa lang ng Saludario Hotel ay agad kong tinawagan si Vivi to inform her na malapit na ulit kaming magkita. My best friend is support me to what decision I've made that's why lalong lumalakas ang loob ko. Sumakay na ako ng elevator at tinungo ko ang unit 109.&n
CHAPTER SIX Braxien's POV Nauubos na ang pasensya ko. Hindi ko na palalampasin pa na hindi malaman ang sasabihin nito dahil malakas ang kutob ko na mahalagang bagay 'yon. "Tell me right now." Tumayo si Ziah at tila hindi mapakali. Sa inaakto nito ay lalo akong kinakabahan. Hindi naman ako kinabahan ng ganito noon. Lalo pang nakapagpakaba sa akin ay ang presensya nito at isiping dalawa lang kami dito sa mansion. Huminto saglit si Ziah at nagulat ako nang bigla itong tumakbo. Mabuti na lamang at mabilis ako para pigilan agad ito. "Ano bang ginagawa mo, Ziah? Gusto mo bang maglaro?" "Bitawan mo ko, Braxien." Inihiga ko ito sa couch at saka pinakubabawan, "Ano ba kasing laro ang gusto mo? Tell me, I would love to play with you, especially with fire," at napangiti ako. Tila na hipnoti
CHAPTER SEVENZiah's POV"Ziah, wake up. You're dreaming," rinig kong boses ni Braxien habang niyuyugyog nito ang balikat ko.Pabalikwas akong bumangon at napahilamos sa mukha. It was all a dream! Hindi totoong may sakit ang anak ko. Tumingin ako kay Braxien."May history ba ng sakit ang pamilya niyo?" tanong ko.Biglang nag salubong ang makakapal na kilay ni Braxien, "Nothing, bakit mo naitanong?""Sigurado ka? Sakit sa puso? Cancer? Sakit sa dugo? Wala?"Niyakap ako nito, "Wala nga, ano bang napanahinipan mo't ganiyan ang mga itinatanong mo sa'kin?""Gusto ko ng umuwi, please?""Okay, before you go home, sagutin mo muna ang tumatawag sa'yo. Kanina pa 'yan, hindi ko lamang pinakialaman dahil I respect your privacy."Iniabot sa'kin nito ang ph
CHAPTER EIGHTZiah's POV"B-Baka gusto mong sumama sa bahay?" nauutal kong tanong kay Braxien na hanggang ngayon ay tulala at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Zhen.Noong una ay nagulat rin ako na kilala ni Zhen kung anong itsura ng Daddy niya. Pero siguro'y tadhana na rin ang gumawa ng paraan upang magkita sila na mag-ama.Lumapit si Zhen sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, "Daddy, sama ka na sa'min," sambit nito.Para akong maiiyak lalo sa tagpong nakikita ko. Hindi ko inakalang sa ganitong sitwasyon ko sila unang makikitang magkasama. Binuhat ni Braxien si Zhen at niyakap ng mahigpit tapos ay hinalikan ito sa noon."Ipaliwanag mo 'to ng maayos," bulong sa'kin ni Braxien na hindi ko maintindihan kung may halong galit.Tumango na lamang ako at sumunod kay Braxien na papalabas ngayon nga Mall. Ang ilang tao ay pinagtitinginan siya
CHAPTER NINEZiah's POV"Grabe naman yung tatay ng junakis mo, masyadong seloso," maarteng sambit ni France nang makaalis na si Matthew at Braxien.I just rolled my eyes, "Ikaw naman kasing bakla ka, umakto-akto ka pang lalaki, eh, girly ka rin naman."Naisip ko rin na talaga bang nagseselos si Braxien? Hindi ko naman naisip 'yon kanina dahil na rin sa pagkabusy."Nakakita kasi ako ng yummy!" kinikog na sabi nito.Napailing na lang ako. France is a gay! Isang babaeng isinilang sa lalaking katawan. Hindi ko lang alam kung bakit naging lalaki ito kanina at umaktong namimiss pa ako ng g*ga. Nakilala namin ito ni Vivi sa America nang minsang magpunta kami sa beach. Ayon dito ay si Vivi rin ang nagbigay ng address ko."Lokaret talaga ang baklang 'yan, sis!" singit ni Vivi sa video call."Tumahimik ka diyan na